Asociacion de las Solteras Series Chapter 37

Tumaas ang kilay niya. “Another charade?”

“No. I want it something real this time.”

Napatitig siya sa mukha nito. “Why?”

Sa halip na sumagot ay sinakop ng labi nito ang labi niya. “I want you to be mine because I want to kiss you all the time. I want you beside me all the time. Makakatulog lang ako ng mahimbing kapag totoong sa akin ka na. Because I love you.”

Parang nabingi siya sa mga sinabi nito. “Ano ulit ang sinabi mo?”

“I love you, Brazile Cardenas. Dammit!” paangil na sigaw nito.

“Narinig ko na. Hindi mo kailangang sumigaw. And you don’t have to curse,” iritado niyang sabi. Natigilan siya nang maunawaan ang sinabi nito. “You love me?”

Ikinulong nito sa palad ang mukha niya. “Kahit noong mukha ka pang nene, in love na ako sa iyo. You were so innocent of what effect you had on me. Akala ko mawawala iyon. But it didn’t pass. Madalas akong dumalaw sa St. Jerome dahil alam ko na nasa corridor ka lang at nakasilip. Hiniling ko na sana ako ang tinitingnan mo.”

“Totoo ang kwento mo kay Jerus noon?”

Tumango ito. “Hanggang makita kita noon kasama si Conrad. I wanted to kill him for touching you. I was so jealous. Nagagalit ako noon sa iyo dahil mas pinili mo siya kaysa sa akin. Hanggang magkita ulit tayo. Akala ko mapapalapit ka na sa akin pero lagi mo akong sinusungitan.”

Hinaplos niya ang pisngi nito. “Selos din ba ang dahilan kaya galit na galit ka noong makita mo kami sa library?” tanong niya.

“Yes, I was blindly jealous again. I was so wrapped up with my own pain and prejudice, hindi na kita naisip. And I’m sorry for hurting you. Sana kung hindi ko pinangibabaw ang selos ko, hindi ka magtatanim ng galit sa akin. Sana naprotektahan kita sa kanya. Sana natutunan mo akong mahalin.”

Sa loob ng mahabang panahon, ikinulong niya ang sarili sa matinding galit dito. Na mababa ang tingin nito sa kanya. Subalit selos pala ang nararamdaman nito. Selos dahil mahal siya nito.

She suddenly had the urge to tell him how she felt. Ito na ang hinihintay nitong pagkakataon para sabihing mahal niya ito. Wala na siyang dapat ikatakot.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Keith, naalala mo ba ang kwento ko kay Jerus noong tanungin niya tayo kung kailan ako na-in love sa iyo?” Tumango ito. “Hindi gawa-gawa lang ang isinagot ko sa kanya. I fell in love with you the first time our eyes met. Gusto rin sana kitang ngitian noon pero may babaeng nagpapa-cute sa iyo. Siya ang inirapan ko at hindi ikaw. At ikaw lang ang naging crush ko simula noon. Lagi akong nag-aabang sa corridor kapag alam kong darating ka dahil gusto kitang makita. Nahihiya akong lumapit sa iyo dahil baka sabihin mo masyado pa akong bata, aggressive na ako. Mate-turn off ka lang sa akin. Saka mas maraming maganda na kaedad mo. Hindi mo ako mapapansin.”

“I noticed you, alright. And you still got my attention until you’re grown up. Alam mo bang inis na inis ako noon dahil masyado mong sineseryoso ang pagpapanggap natin? Mas okay sana kung ako ang seseryosohin mo.”

She kissed him and smiled mischievously. “Natatakot na ako noon dahil nagiging seryoso na ako. And no matter how much I flaunt that I hate men, nakakalimutan ko iyon nang halikan mo ako. And I hate you for melting my defenses. You made me forget the pain, the hatred and the fear. Nagiging mas matapang din ako dahil alam ko na nariyan ka para sa akin. You came into my life at just the right time. When I thought I’d have to compromise myself without love.”

Napakatagal na panahon niya itong minahal nang hindi niya iniisip kung mamahalin din siya nito. At ngayong alam niyang mahal nila ang isa’t isa, hindi pa rin siya makapaniwala na totoo ang lahat.

Wala nang sugat sa puso niya. Nabura ang lahat ng pait ng masasamang pangyayari sa buhay niya. Malaya na niyang masasabi na wala nang kulang sa buhay niya dahil nariyan si Keith para pumuno sa lahat ng kulang. Maluwag na rin niyang masasabi sa Papa niya na napatawad niya ito kahit na wala na ito.

Kinabig siya nito palapit sa katawan nito. “And that is the reason why I had to stop when we were making love.”

Nagtatanong siyang tumingin dito. “I still don’t get it.”

“Bago kita angkinin, gusto ko munang ipaalam sa iyo na mahal kita. Gusto ko ring angkinin ka nang maliwanag ang nararamdaman natin sa isa’t isa. I don’t want to take you if you don’t love me. Unfair sa iyo dahil hindi mo naman ako mahal. Unfair din sa akin dahil ako lang ang nagmamahal. Like love, making love is a two-way street. Kailangang may emotions na involve.” Hinawakan nito ang dibdib. “Kasama ang puso.”

Ngumiti siya at iniikot ang braso sa leeg nito. “Hindi na ako galit. It’s worth the wait, Keith. But I don’t want to wait anymore,” anas niya at kinabig ang batok nito.

Bumaba ang mukha nito at nagsanib ang labi nila.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.