Tinanggap ni Keith ang kamay niya. “Nice meeting you, Miss Lopez. I wish we could do business in the future.”
“I’m looking forward to it, Mr. Arnaldo,” sabi niya.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya kahit nang wala na sa harap niya si Keith.
“Ano ang nangyayari sa iyo?” tanong ni Linux. “Para kang nahipan ng masamang hangin. Ngiti ka nang ngiti diyan.”
“Batiin mo ako. Malapit na akong umalis bilang member ng mga matatandang dalaga. Nakita ko na ang lalaking pakakasalan ko.”
“Sandali, Arice. Nagkakamali ka. Wala akong planong mag-asawa. Hindi kita maaring pakasalan.”
“Corny ng joke mo,” sabi niya at hindi nainis dito sa kauna-unahang pagkakataon. “I’m pertaining to Keith Arnaldo. Siya ang lalaking pakakasalan ko at magiging ama ng mga anak ko.”
“LINUX, tulungan mo na ako kay Keith. Hindi ba magkaibigan kayo? Gusto ko lang naman makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya,” pakiusap ni Alarice. Nasa isang restaurant sila at nananghalian. Pagkatapos ay babalik na sila sa PICC para simulan ang business summit.
Sa sasakyan pa lang ay kinulit na niya ito. Marami siya ng tanong tungkol kay Keith. Sa kasamaang-palad ay wala itong gustong sagutin kahit isa. Willing siyang makipaglapit dito at kalimutan ng lahat ng inis niya dito. Naisip niyang ito lang ang makakatulong sa kanya para mapalapit kay Keith.
Mataman siya nitong tiningnan. Parang inaanalisa pa ang sasabihin. “Listen. You are just wasting your time. Kung gusto mo talagang maka-graduate sa pagiging old maid, don’t count on Keith.
“Bakit mo nasabi iyan? I read the article about him and he is the marrying type. Sinabi pa niya sa interview na naghahanap na siya ng babaeng pakakasalan. Malay mo ako pala iyon. This is your chance para makagawa ng mabuti sa kapwa.”
He twitched his lips. “Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa paraang hindi ka masasaktan pero hindi ka niya papansinin.”
“Bakit?”
Gusto niyang mainsulto. Nobody could ignore her. She’s beautiful and she got brains. Ano ang aayawan ni Keith sa kanya?
“Hindi ikaw ang type niya.”
Naningkit ang mga mata niya. “Hoy, Linux Remus. Para sabihin ko sa iyo, hindi lahat ng lalaki ay katulad mo na puro mukha at katawan lang ang hinahanap sa babae. Hindi porke’t magkaibigan kayo ni Keith, pareho na kayo ng gusto. Sa tingin ko naman mas may taste siya kaysa sa iyo.”
“Alarice, stop talking as if you know him. Remember, humihingi ka ng tulong sa akin dahil mas kilala ko si Keith kaysa sa iyo. He’s my friend.”
“Hindi ako naniniwala. Ayaw mo lang akong tulungan dahil naiinggit ka sa kanya. O baka naman gusto mong tuluyan akong tumandang dalaga para may mainis ka.”
“Problema mo na iyon,” usal nito. Sumusuko na ito sa kanya. Nakakapanibago. Samantalang sanay siya na habang tumatagal ang usapan ay hinahamon siya nito.
Kahit ano pang gawing pandi-discourage nito, hindi siya susuko kay Keith. Nagsisimula pa lang siya.
TAPOS na ang business summit. Kausap ni Alarice ang ilang foreign investor. Interesado ang mga ito sa produkto ng kanilang kompanya.
“Alarice Lopez of Fun Factory?”
Nagulat siya nang lumingon at nakita si Keith. “Yes. What can I do for you, Mr. Arnaldo?”
During the business summit, nakita niya ito kasama si Linux. Nagtalo sila kanina dahil ayaw siya nitong tulungan kay Keith. Pwes, hindi na niya niya kailangan pa ang tulong nito. Dahil si Keith na mismo ang lumapit sa kanya.
Mabuti at hindi siya nagpadala sa pande-demoralize nito sa kanya.
“Please call me Keith. Mr. Arnaldo makes feel old.”
“Okay. What can I do for you, Keith?”
“I’m putting up a mall. At gusto ko sana na isama ang Fun Factory sa product line namin. Are you available tomorrow for lunch? I would like to discuss everything with you. Mas magkakalinawan tayo kung tayong dalawa lang.”
He was quick and concise. Alam na nito ang gusto at hindi paliguy-ligoy. Nagkamali si Linux sa pagsasabing hindi siya gusto ni Keith. Kung tutuusin pwede namang sa tauhan na lang nito ipamahala ang pakikipag-deal sa kanila. Pero sa kanya pa ito dumirekta. At gusto nitong sila lang ang mag-usap bukas.
Iniabot nito ang calling card sa kanya. “Here is my card. Can we meet tomorrow at Tapika for lunch?“
Bahagya siyang nawala sa sarili nang marinig ang paanyaya nito. “Sure. I’ll see you tomorrow, Keith,” aniya at nakipagkamay dito bago umalis.
Abot-tainga ang ngiti niya. Hindi lang isang deal ang maisasara niya bukas. Baka pati marriage contract mai-secure na rin niya. Malapit nang matapos ang mga araw niya bilang matandang dalaga.
MAGAAN ang pakiramdam ni Alarice. Para siyang naglalakad sa ulap. Makulay ang paligid. Kung dati ay hindi siya nagngingingiti. Ngayon ay nangangawit na ang panga niya sa kangingiti. Keith made her day.
Nagulat siya nang makita si Linux na nakasandal sa kotse niya. Nakahalukipkip ito at mukhang kanina pa siya nito hinihintay.
“Hi, Linux! Bakit bigla ka na lang nawala sa loob? Marami ka bang kinausap na investor? Any additional client? A date?” pangungumusta niya. When she’s in good mood, she’s friendly to everybody. Kahit siguro inisin siya nito, hindi siya maapektuhan.
Pumalatak ito. “Wala kang kadala-dala. Kinausap mo pa si Keith. Umaasa ka pa rin ba na papansinin ka niya? Wala kang mapapala sa kanya.”
“Thanks for the concern, Linux,” she said with slight sarcasm. “Pero siya ang lumapit sa akin at hindi ako.”
“Hindi siya interesado sa iyo for personal reasons. Kaya siya lumapit sa iyo ay dahil sa negosyo. Iyon ang pinag-usapan namin kanina.”
Natigilan siya. Wala naman itong ibang binanggit sa kanya kanina kundi tungkol sa negosyo. Hindi ba interesado si Keith sa kanya bilang babae?
Muli siyang ngumiti at iwinaksi ang negatibong iniisip. “Alam ko na ang strategy ninyong mga lalaki. Kunyari business pero sa huli, tatanungin rin niya ako kung gusto niya akong maging girlfriend.”
Hinawakan siya nito sa bisig. “Look, Arice! Kilala ko si Keith. Aasa ka lang sa wala. Hindi ikaw ang pag-iinteresan niya in a romantic way. Negosyo lang ang interes niya sa iyo.”
“He can’t resist me once he knows me better,” she said confidently. “Don’t worry, kapag inalok niya ako ng kasal, ikaw ang una kong sasabihan. Isa-suggest ko pa sa kanya na kunin kang bestman.”
“Ganoon kalaki ang tiwala mo sa sarili na magugustuhan ka niya?”
“Of course,” pagmamalaki niya. “Uuwi na ako dahil magpapaganda pa ako para bukas para sa date namin.”
Sasakay na sana siya ng kotse nang maramdamang nakahawak pa rin ang kamay nito sa kanya. Tiningnan niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. At sa pamamagitan ng mga mata ay inutusan niyang tanggalin nito ang kamay sa kanya.
Binitawan siya nito. “Huwag mong sabihing hindi kita sinabihan.”