Asociacion de las Solteras Series Chapter 45

Nanghahaba ang nguso ni Alarice pagdating ng opisina. Mainit ang ulo niya. Katatapos lang ng luncheon meeting nila ni Keith. Everything went well. But her love life is at the edge of the cliff.

Puro negosyo ang pinag-usapan nila. He praised her, because she’s a very good businesswoman. Subalit hindi siya masaya. Wala itong ipinahiwatig na gusto siya nito.

Napatayo ang sekretarya niyang si Sarah nang makita siya at sinalubong siya. “M-Ma’am, kanina pa po…”

“Igawa mo ako ng iced coffee. Iyong malamig na malamig. Ngayon mismo.”

“But Ma’am, we don’t have an iced coffee maker,” katwiran nito habang nakabuntot sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Um-order ka sa pinakamalapit na Starbucks. Marami ring coffee shop sa tabi-tabi. Just give me an iced coffee!”

“Yes, Ma’am. One more thing…”

“What?” paangil niyang tanong.

Hindi na nito nagawang magsalita dahil nang buksan niya ang pinto ng kanyang private office ay nanlaki ang mga mata niya nang makita si Linux na ginagawang merry-go round ang upuan niya.

“What the hell are you doing here?” sigaw niya.

Tumigil ito sa pagpapaikot sa upuan niya at prenteng sumandal doon. “Hi, Arice! I’m making myself at home. Maganda itong office mo. I even love your chair. Pwede bang dalhin ko ito sa office ko?”

Gigil niyang hinawakan ang handbag. Lalong nag-init ang ulo niya. Nakangiti ito sa kanya at hindi naapektuhan ng masama niyang mood. Napakalakas naman ng loob nito na mag-feeling at home sa opisina niya.

Binalingan niya ang nanginginig na sekretarya. “Sino ang nagsabi sa iyo na papasukin siya? Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag basta-basta magpapapasok?”

Nahihiyang ngumiti si Sarah. “M-Ma’am, he asked me nicely. Sinabi rin po niya sa akin na kaklase ninyo siya noong high school. Hindi po ba sinabi ninyo na pakitunguhan ko ng maayos ang bisita ninyo.”

“Nginitian ka lang bumigay ka na,” sermon niya. “Paano kung terorista iyan o serial killer? Napahamak pa ako.”

“Pero hindi naman po siya serial killer o terorista, Ma’am.”

“Bumalik ka na nga sa trabaho mo! Um-order ka na ng kape ko!”

Ni hindi natakot si Sarah sa sigaw niya dahil nagawa pa nitong ngitian si Linux bago lumabas. Natuon ang tingin niya kay Linux. Nagawa nitong akitin ang sekretarya niya. Wala talaga itong kupas.

“Time is up, Linux. Get off my chair!” nakahalukipkip na utos niya.

Tumayo ito at lumapit sa kanya. “Why are you bad-tempered today? Hindi ba masayang-masaya ka pa nga kahapon. You got a period?”

Matalim niya itong tiningnan. “Nagpunta ka ba dito para inisin ako?”

“Of course not. Gusto ko lang kumustahin ang date ninyo ni Keith.”

“It’s okay. He asked me to draft the contract. Sa tingin ko maiko-close na namin ang deal,” matabang niyang sagot.

Iyon lang naman ang maayos na maibabalita niya dito. Besides, that’s what the luncheon meeting is all about. Hindi na niya kailangang mapahiya pa dito.

“Darling, I’m not asking about the deal. Did he make a move on you?”

Pabagsak siyang umupo at huminga ng malalim. “He didn’t make a move on me yet,” pagdidiin niya sa salitang yet. Iyon ang pinakamasakit. He didn’t even try. Bibigyan naman niya ng pag-asa si Keith. Ni hindi siya magpapakipot kung sakali.

“Ibig sabihin hindi mo siya boyfriend?”

Pilit siyang ngumiti. “Hindi pa.”

Tumawa ito na parang nakakaloko. “Hindi pa? What an optimistic word! Umaasa ka pa na magpo-propose siya sa iyo?”

“Ano naman ang masama kung aasa ako? He said he admires me,” pagmamalaki niya. “As a businesswoman.”

Napailing ito. “As a businesswoman. Not as a woman.”

“But it is a nice start,” depensa niya.

Ibig sabihin ay may pag-asang tuluyang mahulog ang loob ni Keith sa kanya. They have a good foundation and a common ground. Both of them are delving the business world. May compatibility na agad sila in terms of business.

“Huwag mong pagsamahin ang dalawang magkaibang bagay, Arice. Nabubulagan ka lang dahil desperada ka na. Ni hindi ka in love sa kanya.”

Now it is her turn to laugh. “Now the notorious playboy is giving lecture about love. Ano naman ang alam mo? Kung hindi man ako in love pa sa kanya, at least I like him. He is kind, decent and rock-solid. He’s the kind of guy the takes a woman seriously. And I am not desperate, Linux.”

“Really?” anitong may halong sinismo. “If you are not desperate, you will stop your fantasies and face the real world.”

“Hindi dahil optimistic ako, nagpapantasya na ako.”

Marami siyang pangarap. Halos lahat ng iyon ay nakamit na niya. Iyon ay dahil sa pagiging optimistic niya. Hindi siya papayag na mawala ang pagkakataong makuha niya si Keith. He is her dream man. Hindi niya palalagpasin ang pagkakataong ito. Disappointed man siya, makakabawi pa naman siya sa susunod.

Hindi siya papayag na tuluyang sirain ni Linux ang moral niya. Kapag hinayaan niya ito, lalo lang nitong palalalain ang pang-iinis sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.