Asociacion de las Solteras Series Chapter 46

He moved to her side of the desk and leaned against it. “You know what the problem is, Arice?” tanong nito habang pinagmamasdan pa rin siya.

“Yeah. Men like you who are dense enough to think that I care about their opinions. Why don’t you just get out of my office and stop terrorizing me? Wala ka bang ibang gagawin o ibang pupuntahan? Bakit hindi mo dalawin ang isa sa mga girlfriend mo at hindi ako ang inaabala mo?” iritado niyang sabi.

“Temper! Temper! Bakit hindi mo aminin na ikaw ang problema?”

“Walang problema sa akin, Linux. I am perfectly fine kung hindi mo lang sinisira ang diskarte ko. Just let me be.”

“I just can’t let you act like a foolish little girl. Kahit na matalino ka, wala ka pa ring alam sa mundo.” Naglakad ito patungo sa pinto. At last, he’s leaving. Hawak na nito ang seradura nang muli itong bumaling sa kanya. “I’m giving you one last chance to save yourself from making yourself look stupid. Attend Mr. Zhou’s cocktail party next week. I know you are invited.”

“What’s so special about that cocktail party?”

Binuksan nito ang pinto at sinulyapan siya. “Malalaman mo rin pagpunta mo. I’ll meet you there.”

“ANONG gusto mong patunayan sa akin?” tanong ni Alarice kay Linux nang salubungin siya nito sa lobby ng Manila Hotel. Isa sa mga function rooms nito ginaganap ng coctail party ni Mr. Zhuo, isang sikat na Chinese businessman. Kasama sa pagtitipon ang mga kilalang personalidad sa larangan ng negosyo at pulitika.

He gave her an appreciative look then took her elbow. “Don’t pout, Arice. Hindi ito ang gabi para sumimangot ka. Ngumiti ka naman. Kung ayaw mong ngumiti, okay lang. Basta huwag kang sisimangot.”

“Wala akong rason para ngumiti. Masisira ang reputasyon ko dahil ikaw ang kasama ko sa function na ito.”

Baka mamaya ay pagkamalan pa siyang isa sa mga babae nito. Hindi niya binuo ang pangalan niya sa loob ng maraming taon para lang mantsahan nito.

“Hindi naman tayo magtse-check in dito sa hotel. Wala akong gagawin sa iyo sa harap ng maraming tao. Kaya kita sinamahan dito dahil concern ako sa iyo.”

“Hindi ko naman kailangan ng concern mo. Mas maganda siguro kung si Keith na lang ang kasama ko. Baka may mas matino pa kaming mapag-uusapan.”

Pero hindi siya inimbita ni Keith. Marahil ay nahihiya itong yayain siya dahil hindi pa sila malapit sa isa’t isa. Hindi magtatagal, doon din sila mauuwi. Hindi pa lang siguro nito nare-realize na siya ang babaeng nababagay dito.

“Sa tingin mo ba gusto kang makasama ni Keith?”

Pasimple niya itong tiningnan ng matalim. “Nagsisimula ka na naman ng gulo,” babala niya dito. “Huwag mo nang siraan sa akin si Keith. Alam ko na sensible siyang tao so he would pick out someone who is smart like me.”

Nahigit niya ang hininga nang tumayo ito sa likuran niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at dahan-dahang ihinarap sa dance floor na puno na ng mga nagsasayaw. “Why don’t you see for yourself, Arice?” he whispered.

Naparalisa siya nang makita si Keith. Nasa dancefloor ito at may kasayaw na isang babae. Pinanood niya ang pakikipagtawanan ni Keith sa babae. She was wearing a sexy black tube dress. At ilang pulgada lang ang natakpan sa hita nito. Wala na halos iwan sa imahinasyon ang suot nito.

She recognized her right away as a semi-finalist in a beauty pageant. She failed to join the finals because she was pretty dumb. Simpleng tanong lang ay hindi pa nasagot. Kumpara naman sa kanya na isang matagumpay na businesswoman. She may not be a beauty queen, maganda rin naman siya.

Iritado niya itong tiningala at nahagip ng pang-amoy niya ang panlalaking pabango nito. Sa ilang saglit ay nawala siya sa sarili. Nakalimutan niya ang sasabihn.

“Ano ang masasabi mo, Arice? Insecure?”

“Dinala mo ba ako para ipakita lang sa akin iyan?” tanong niya dito. He wanted to bring out negative reaction out of her. Ibinalik niya muli ang atensiyon kina Keith at inignora ang papabilis na tibok ng puso sa presensiya ni Linux. “At hindi ako insecure sa kanya. Who is she anyway? A frustrated beauty without a brain.”

Hindi siya papayag na matalo ng isang babae na walang binatbat. She ran a big company and was able to place it as one of the top five hundred companies in the country. Hindi lang siya puro mukha at katawan.

He gave out a short, husky laugh. “Why don’t we dance first and I’ll explain everything to you. Para naman maintindihan ng matalino mong utak kung bakit kahit anong gawin mo, mas pipiliin ni Keith si Sandy.”

Kahit gustong tumutol ay nagpatangay siya dito. Hinayaan niyang hawakan siya nito ngunit pilit niyang nilagyan ng distansiya ang pagitan nila.

“Shhh, relax,” he whispered huskily. “I won’t bite.”

Paano siya magre-relax kung hindi niya gusto ang reaksiyon ng katawan niya? Pilit ding sumisingit sa kanya ang paghalik nito sa kanya noon.

Isinayaw siya nito at ipinihit sa direksiyon kung saan nakikita niya ang pareha nina Keith at Sandy. “Now tell me, Arice. Ano ang nakikita mo sa kanila?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.