“They are dancing,” kaswal niyang sagot.
“Nagsasayaw lang sila?”
She tried to be more observant. They were laughing and whispering. It was so mushy. When Keith looked into Sandy’s face, she saw hunger in it. Na parang ayaw na nitong malayo si Sandy sa tabi nito. Halos wala nang daanan ang hangin sa pagitan ng mga ito. It wasn’t mere dancing. As if they were making love.
“Nakita mo na silang magsayaw,” sabi ni Linux. “Ngayon tingnan mong mabuti si Sandy. Ano ang masasabi mo sa kanya?”
Saglit lang niyang sinulyapan si Sandy. “She’s beautiful and sophisticated.”
At some point while she was caught up with her musings, he moved a little closer. “It’s not her looks or sophistication. When Keith looks at her, he sees hot.,” he whispered huskily
Namula siya hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa haplos ng hininga nito sa kanyang balat. When he said the word hot, hindi si Sandy mismo ang naiisip niya kundi ito. Hindi niya kayang mag-concentrate tungkol kay Sandy o kay Keith dahil napapaso siya sa kamay nitong nakahawak sa kanyang baywang. Ang init nito ay tumatagos sa kanyang damit hanggang sa kanyang laman.
Naalarma siya at itinulak ito palayo. “You had your fun, Linux. Umalis na tayo.”
Umalis siya sa dance floor at naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya. “Why are you running away?” tanong nito. “Hindi mo matanggap na ganoong klase ng babae ang gusto ni Keith?”
It’s not Sandy. It’s not Keith. It was about Linux. Gusto niyang lumayo dito, sa boses nito at sa init ng katawan nito. He’s clouding her brain. Hindi na niya magawang makapag-isip nang tuwid.
“Thanks for going through such trouble, Linux,” sarkastiko niyang sabi at kinuha ang champagne mula sa waiter na dumadaan. “I already get the idea but I won’t give up. No matter what you say about the hot thing, wala iyong epekto sa akin.”
Inakay siya nito sa isang tabi kung saan walang masyadong makakaring sa kanila. “Hindi mo pa rin natututunan ang leksiyon. Keith doesn’t like Sandy because she got brains. Mayroon na siya noon. He preferred someone whom he can use for socialite parties like this. Iyong pwede niyang ipa-inggit sa mga kaibigan niya. Iyon ang mayroon si Sandy na wala ka. She knows how to get a man’s attention.”
Hindi siya kumibo at muling itinutok ang pansin kay Sandy. Nasa dance floor pa rin ito at parang walang katapusan ang tugtog para dito at kay Keith. This time, she looked at her in an objective way. Inalis niya ang iritasyon dito.
She concentrated on the word HOT. Hindi iyon dahil sa suot nitong damit o sa ganda nito. It was her attitude, her expression, the way she moves, talk and carries herself. Iyon ba ang wala sa kanya?
“Face reality, Arice. Every male species likes it hot. Mula sa mga langgam hanggang sa mga pusa pati elepante. Because if it’s male, it notices hot. You can’t say that a person is hot because of her brains. Una pa rin ang physical. Kaya nga dumadami ang populasyon sa mundo dahil doon.”
Humigpit ang hawak niya sa stem ng wine glass. Nang mga oras na iyon, gusto niyang ibuhos ang alak sa mukha nito. Iyon ang punto ng lahat. Kailangang tumulad siya kay Sandy para mapansin siya ni Keith.
“I don’t want to listen to your chauvinistic, egotistic opinions,” she said through gritted teeth. “Wala akong kailangang baguhin sa sarili ko. This is me.”
Hindi siya manang magdamit. She chooses her dress well to keep her appearance respectable. Maingat din siya sa pananalita at kilos niya. Kung kikilos siya gaya ng gusto ni Linux, baka hindi niya magustuhan ang sarili niya.
Hinaplos nito ang maayos niyang buhok na nakapusod. “Being hot is not about dressing up, your hairdo or the way you talk.” Hinuli nito ang mata niya. “Anuman ang baguhin mo sa panlabas mong anyo, pero hindi mo binabago kung ano ang nasa loob mo wala pa ring mangyayari. Being hot is how you handle what’s inside you.”
“Sinasabi mo ba sa akin na kahit kailan hindi ako magiging katulad niya?” Hindi niya makita ang sarili na maging katulad ni Sandy. She’s her own kind of woman.
“Diyan ka nagkakamali. You could be hot, Arice. All you need is a few lessons and you can release what’s inside you. Maiko-compare natin sa dormant volcano. With the right pressure, it will erupt. Want me to teach you?”
Inignora niya ang sinasabi nito. Ibinigay niya sa dumadaang waiter ang walang lamang wine glass at iniwan ito. But once again, she found herself turning back to him.
“Bakit mo ginagawa ito sa akin? Bakit gustong-gusto mo akong inisin?”