Asociacion de las Solteras Series Chapter 48

Ngumiti ito. “You got it all wrong. Huwag mo namang palabasing malupit ako sa iyo. Sinasabi ko ito sa iyo para hindi ka tuluyang tumandang dalaga. But it seems like you don’t appreciate my help.”

“Dahil mga makikitid lang ang utak na tulad mo ang makaka-appreciate sa mga sinasabi mo. You’re thinking purely on male instinct. Hindi mo ginagamit ang utak mo. Iyon ang kaibahan ng tao sa hayop.”

Nagkibit-balikat ito. “Okay. Pwede ka namang hindi maniwala sa akin. Then why don’t you settle for someone who appreciates your less than obvious charm and your brains.” Luminga ito sa paligid. “That’s Mike Esteves. Isang biyudo at may limang mga anak na puro dalaga. All he needs is a woman who will take the place of his late wife. O kaya si Elwood Peralta. He’s a nerd and walang babaeng interesado sa kanya. Sa tingin ko magkakasundo kayong dalawa dahil pareho kayong may utak. Or you can try me.”

Inignora niya ang pambubuska sa tinig nito. Tuluyan na siyang lumabas ng function room. She can’t spend another minute with him. Ngunit hindi ito nagpaiwan. Nakabuntot pa rin ito sa kanya hanggang sa lobby ng hotel.

Maraming tumatakbong tanong sa utak niya sa huling sinabi nito. She was curious. Nang hindi makatiis ay tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Sawa ka na ba sa mga tulad ni Sandy o nauubusan ka na ng babae?”

“Maaring nagsasawa na ako sa mga babae na kusang ihinahain ang sarili nila sa harap ko. And chasing you is something new. I like the challenge.”

He was presenting to her two different evils. It’s either he teach her or let him have her. She’d choose the lesser evil. Kung ang una ang pipiliin niya, malaki pag-asang mapasakanya si Keith. She might not like him but he’s the only man who could help her. Walang masama kung susubukan niyang hingin ang tulong nito.

May pag-aalinlangan siyang tumingin dito. “Talaga bang kaya mo akong tulungan para makuha si Keith?”

Nagulat ito ngunit maya-maya ay sumilay din ang ngiti nito nang makuha ang gusto niyang ipahiwatig. “Oo. Willing akong tulungan ka. Malakas ka sa akin.”

“Stop the sarcasm. Tutulungan mo ba talaga ako? Ano ang kapalit?”

Wala siyang tiwala dito na mag-o-offer ito sa kanya ng seryosong tulong nang walang kapalit. Sasamantalahin ng mga tulad nito ang pagkakataon. He’s not the generous or the charitable type.

“Your body and soul,” anito sa malalim na tinig na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Mapanganib din ang pagkakangiti nito na parang leader ng kulto na may itim na kapangyarihan at siya sa iaalay.

Nagtayuan ang balahibo niya sa batok at muntik nang malaglag ang kanyang puso. Maya-maya ay narinig niya ang halakhak nito.

Inis na ibinato niya ang bag dito at tinamaan ito sa mukha. Wala siyang pakialam may makakita man sa kanila. Maipakita lang niya dito na hindi siya pwedeng paglaruan.

“Hindi ka na magtitino. Uuwi na ako,” lumabas siya ng hotel at ibinigay sa valet ang susi ng kotse.

Pinakakagat lang siya nito. Hindi naman siya totoong tutulungan. Napaka-istupida niya. Nawawalan na ba siya ng tiwala sa sarili. Kanina lang ay hindi siya nai-intimidate kay Sandy at ayaw niyang maniwala sa lecture ni Linux tungkol sa matinding sex appeal nito. Ngayon ay kumagat pa siya sa patibong nito.

May kulang ba talaga sa kanya? Paano na ang ipinaglalaban niya na mas mahalaga pa rin ang utak kaysa sa animal instinct?

“Arice, bakit basta mo na lang ako binato?” may bahid ng inis na tanong nito nang maabutan siya sa harap ng hotel.

Ngumisi siya. “Dapat lang iyan sa mga katulad mo.”

Minsan ay dapat makatikim ito. Hindi lahat ng biro nito ay palalagpasin niya.

“Bag mo,” malumanay na sabi nito at iniabot ang bag niya sa kanya. Sa sobrang inis ay nakalimutan niyang bawiin nang ibato niya kanina.

Hinablot niya ang bag at naalalang tinamaan niya ang mukha nito. Nakonsensiya siya. Umaatake lang ang pagiging bayolente niya dahil nailalabas nito ang pinakamasama niyang ugali.

“Umuwi ka na, Linux. Huwag mo nang isipin ang tungkol sa amin ni Keith. Kaya kong I-solve ang problema kong mag-isa.” Natanaw niya ang kotse na paparating. “I have to go.”

“Give me a ring if you change your mind, Arice. The offer still stands.”

Naguluhan siya. “Which offer? The lesson about the hot thing or focusing my less than obvious charms on you?”

Ngumiti ito. “Both.”

Napatitig siya sa nakangiting mukha nito. Parang naparalisa siya at hindi niya napunang kanina pa inaabot ng valet ang susi ng kotse niya sa kanya. Kinuha iyon ni Linux para sa kanya. Natauhan lang siya nang maramdaman ng malamig na susi na inilalagay ng mainit nitong kamay sa kanyang palad.

“Sleep tight, Alarice. Think about my offer. Goodnight.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.