Asociacion de las Solteras Series Chapter 50

KANINA pa nakatitig si Alarice sa Diamond Towers. Mag-iisang oras nang nakaparada ang sasakyan niya sa harap ng building ngunit hindi pa rin siya bumababa.

Sa penthouse ng naturang building nakatira si Linux. Nagtungo siya doon upang tanggapin ang ino-offer nito. Mula kagabi ay mataman niyang pinag-isipan ang lahat. Nakapagdesisyon na siya ngunit hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang utak niya.

Tumawag na siya dito kanina at katulong ang nakasagot. Hindi tunay na pangalan ang ibinigay niya. Nalaman niyang naroon si Linux at hindi aalis. Subalit sa katarantahan ay nakalimuta niyang itanong kung may iba pang tao doon.

Huminga siya nang malalim at bumaba ng sasakyan. Walang mangyayari kung tutunganga siya. Wala siyang matututunan. It’s now or never.

Idinayal niya ang numero nito sa kanyang cellphone at tinawagan habang papasok na siya ng building. “Hello, Alarice! Napatawag ka.”

“We need to talk. Ngayon na!”

“What?” bulalas nito. “Ngayon na? Nasaan ka?”

“Nandito na ako sa baba. Paakyat na ako diyan. Hintayin mo ako.”

Pinutol niya ang tawag at hindi na hinintay pa ang pagtutol mula dito. Nagtuluy-tuloy siya sa elevator. Hindi niya ito maaring ipagpaliban bukas o sa ibang araw. Baka mawalan siya ng lakas ng loob. Nauubusan na rin siya ng panahon.

Hindi niya alam kung anong klaseng ‘lesson’ ang ibibigay sa kanya nito. Sa pagkakataong ito ay hindi na nito maari pang daanin sa biro ang lahat. Dito nakasalalay ang katuparan ng pangarap niyang magkaasawa at magkaanak.

Pagkatapos nito ay siya na ang nasa bisig ni Keith at hindi si Sandy. She could proudly say that she’s beautiful, intelligent and hot. Kailangan lang ng kaunting sipag, tiyaga at pagsisikap upang magtagumpay.

Nakatingin siya sa taas ng elevator at inaliw ang sarili sa pag-ilaw ng numero. Sa wakas ay umilaw ang letrang P bilang simbulo sa penthouse. Bumukas ang elevator. Subalit nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanya ang isang babae at isang lalaking naghahalikan.

She stood frozen when she recognized the man. It was Linux.

AWTOMATIKO siyang napalikod upang bigyan ng privacy ang dalawa. Nakakahiya. Nagagawa nitong makipaghalikan nang hindi naiisip na darating siya at makikita ang mga ito. Ngunit lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita pa rin ang repleksiyon ng mga ito sa salamin. Wala siyang kawala.

Pumikit na lang siya nang mariin at hinintay na matapos ang lahat. Maya-maya’y naramdaman niyang may tumabi sa kanya.

“Miss, saan ka ba bababa? Nakatulog ka na yata dito sa elevator. Lumagpas ka na yata. Nandito ka na sa penthouse,” mataray na sabi ng babae na kahalikan ni Linux.

Hinarap niya ito. “No. Dito talaga ako sa penthouse,” matapang niyang sagot at lumabas ng elevator. Inignora niya ang pinipigil na ngiti ni Linux.

Pinanood niya ang dahan-dahang pagsara ng elevator. She could see Linux’s effect on women. She wondered what caused glow on that woman’s eyes. Ano kaya ang ginawa ni Linux dito?

“Nakaabala yata ako sa inyo,” naiilang niyang sabi. “Aalis na lang ako.”

Pinigilan siya nito. “Aalis ka samantalang pinaalis ko si Thara. You bothered us. We were in the middle of it when you called,” nanghihinayang na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya. “You were in a middle of it?”

She automatically thought of making love. Nag-init ang kanyang mukha at wala sa sariling sinapo ang pisngi. Binulabog niya ang mga ito habang nasa gitna ng isang matinding intercourse. At itinigil nito ang ginagawa para sa kanya.

“Shocked? Namumula ka pa hanggang ngayon,” komento nito. “I never thought that at your age you still blush.”

Yumuko siya at hindi niya pinansin ang pambubuska nito. Marahil ay hindi na uso ang babaeng nagba-blush sa mundo nito. Kaiba naman siya sa babaeng nakakasalamuha nito. Pero sino ba ang hindi mamumula sa sinasabi nito.

“S-Sorry kung naabala ko kayo. It must be hard stopping in the middle of…” Nakagat niya ang labi. “S-Sana sinabi mo… Kasi…”

Umugong ang tawa nito nang makapasok na sila ng penthouse nito. “Silly! Ano bang mahirap ang sinasabi mo. Pwede pa naman naming ituloy sa ibang araw.”

“Ha?” Naguluhan siya. “Paano mo nagawa iyon samantalang…”

Normal ba itong tao? Nabasa niya sa isang libro na mahirap tumigil sa gitna ng...

Paano nito nagagawa pang makatawa samantalang siya ang sumira sa diskarte nito? He should be spitting nails by now.

“As easy as one, two, three. Pinatay ko lang ang DVD player.”

“DVD player?”

“Yeah. We were in the middle of the movie we were watching when you called,” amused na sabi nito. “Have a seat.”

She was still in dazed when she took her seat. Nagkamali lang ba siya ng hinala o pinaglalaruan lang siya nito?

“But…”

“What would you have?” tanong nito habang nagsasalin ng sariling alak sa bar.

“Sherry, please.” Kailangang mawala ang panginginig niya.

Inabot nito ang baso ng sherry at umupo sa tabi niya. Mataman siya nitong tiningnan ng may panunukso sa mga mata. “Ano ba ang iniisip mo?”

Umiling siya at ininom ang sherry. “Wala. Huwag mo nang pansinin.”

“Aha! Iniisip mo na may ginagawa kaming kababalaghan ni Thara.” Naiiling itong ngumiti. “Kung sakaling tatawag ka at iyon ang ginagawa namin, I won’t stop. Unless you want to take her place.”

Umingos siya at itinuloy ang pag-inom ng sherry. Dahan-dahang kumalat ang init sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay normal nang dumadaloy ang dugo niya.

“Is she another student?” tukoy niya kay Thara, ang babaeng kaalis pa lang.

“No. Women like her are not as wholesome as you are,” anito at naglakad patungo sa pinto ng condo nito. Sumabay siya dito. “Hindi na nila kailangan ng lesson.”

“Does it mean that if I take a few lessons from you, magiging katulad na niya ako na makakayang makipag-halikan on public?” nanghihilakbot niyang sabi. She felt nauseated. Hindi niya makakayang gawin iyon.

“Hindi ka magiging katulad nila. That kind of talent is refined through practice. They learn from experience. My lesson won’t reach that extent. We’ll just polish you a little. May potential ka na. Basics lang ang ituturo ko sa iyo. At iyong nakita mo kanina, ikaw na ang bahalang humasa sa sarili mo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.