He made it sound so light. Na parang isang simple lang iyong pagsasanay gaya ng ginawa niyang pag-aaral sa unibersidad. At ang practicum niya ay ang pagsabak sa tunay na mundo.
“Well, what brought you here?” tanong nito matapos ang pananahimik niya. “Are you here to provide entertainment since itinaboy mo ang taga-aliw ko?”
Pinagsalikop niya ang palad sa baso at direkta itong tiningnan. “I didn’t come here to play around. I’m serious this time. I want to take up the lesson.”
DAIG pa ni Linux ang tinamaan ng kidlat. Hindi nakawala sa paningin ni Alarice nang mabitawan nito ang baso ng brandy at walang ingay na bumagsak sa carpet.
Napatayo siya sa kinauupuan. “Anong nangyari?” tanong niya.
Parang noon lang ito natauhan. Ni hindi namalayang nabitawan nito ang baso. “N-Nothing. It was just the carpet. Ako na ang bahala,” anito.
Tinawag nito ang kawaksi at ipinalinis ang kalat. Parang saglit itong nawala sa sarili. Nag-aalala niya itong pinagmasdan.
“Are you okay?” tanong niya.
Tumango ito at mas pinapormal ang mukha. “Doon na natin ituloy sa opisina ko ang pinag-uusapan natin.”
Maganda ang opisina nito. The walls were painted with dark blue. Very masculine. His equipment and computers were top of the line. May abstract painting sa kaliwa nito. Nakapatong sa mesa nito ang larawan ng mga magulang nito. Katulad ng mga magulang niya ay nasa ibang bansa na rin ang mga ito at kasamang nakatira ng bunsong kapatid na babae nito. Hindi na siya nagtaka nang makitang walang espesyal na babae sa buhay nito. He doesn’t have a permanent woman in his life.
“Ano na ang pinag-uusapan natin?” tanong nito sa kanya.
Pinagmasdan niya ang abstract painting kahit hindi niya maintindihan dahil hindi siya art enthusiast. She just wanted to divert her attention from him.
“You told me that you can make a woman out of me and you can make me as hot as Sandy. Tinatanggap ko ang offer sa akin,” kaswal niyang sabi.
“Are you serious about this?”
“I’ve never been serious in my life.” Sinulyapan niya ito. Nakapamulsa ito habang nakasandig sa gilid ng desk nito. Nakakunot ang noo nito na parang hindi naniniwala sa kanya. “Para makumbinsi ka, aaminin kong desperada na ako. Kung ito lang ang paraan para hindi ako tumandang dalaga, gagawin ko.”
She saw a flicker of surprise in his eyes. Ngayon lang siya nakiusap. She always has her pride. Lagi niyang ipinagmamalaki na kaya niyang makuha ang isang bagay nang mag-isa. Hindi niya kailangan ng tulong ng iba. Lalo na pagdating sa paghahanap ng mapapangasawa. At lalong hindi siya makikiusap sa isang kaaway.
Binasa niya ang labi dahil unti-unti na siyang nawawalan ng lakas. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito. “Look, I know I sound desperate. Siguro gusto mo na rin akong pagtawanan ngayon pero…”
Natigilan siya dahil hindi niya nakuha ang inaasahang reaksiyon mula dito. Ni hindi siya nito pinagtawanan. Ni hindi nakangiti. Nananatiling malalim ang pagkakakunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya.
“Go ahead,” sabi nito dahil hindi niya maituloy ang sasabihin. “Kumbinsihin mo ako na dapat nga kitang tulungan.”
“Teka, bakit kailangan pa kitang kumbinsihin? Mukha ba akong hindi seryoso?”
“Ang totoo, masyado kang seryoso. Iyon ang ikinatatakot ko.”
“Sandali, ibig sabihin ikaw ang hindi seryoso dito. You were the one who offered the lesson in the first place,” iritado niyang sabi. Nawala ang takot na nararamdaman niya at napalitan ng matinding inis. “Well, wala akong pakialam kung ini-offer mo sa akin ang tulong na iyon para inisin lang ako. Tama ka. Hindi ako marunong mang-akit ng lalaki. When I was younger, akala ko sapat na sa lalaki na matalino ka at maganda. That I don’t need to flirt and things like that. Ikaw ang nasabi ng lahat ng iyon sa akin. You made me realize that unless I have the hot factor, I can’t get the man I want. Or any man for that matter. Matututo ako, kung tutulungan mo ako.”
Sa wakas, nasabi na niya ang dapat sabihin. Ito ang pinakamatapang na bagay na nagawa niya sa kanyang buhay. At pakiramdam niya, kakayanin niya ang lahat. Makukumbinsi niya ito at matututunan niya ang lahat ng ituturo nito. Maakit na niya si Keith and voila! Hindi na siya tatandang dalaga.
Iwinaksi nito ang kamay. “Kalimutan mo na!” Magaspang ang boses nito at ibinaling ang tingin paiwas sa direksiyon niya. “Baka hindi ko makaya at pumalpak, ako pa ang sisihin mo.”
Lakas-loob siyang tumayo sa harap nito. Hinawakan niya ang pisngi nito at pilit na ihinarap sa kanya. “Kailan mo pa pinakialaman ang iniisip ko? Makapal ang mukha mo, hindi ba? Huwag mo namang sayangin ang tiwalang ibinibigay ko sa iyo.”
Nang umalis ito sa pagkakasandig sa gilid ng mesa at tumayo ng tuwid ay nakadama siya ng matinding kaba. His hand extended at her back and remained immobile on her clip. Hindi niya ito nagawang mapigilan dahil naparalisa ang kanyang katawan. Nanatili lang siyang nakatitig dito.
“Tiwala? Pinagkakatiwalaan mo ako? Sigurado ka ba sa ginagawa mo?”
Ginagalit siya nito. Pinaglalaruan siya upang sumabog muli siya sa galit gaya nang ginagawa nito noon. Sa halip na galit, kaiba ang idinadala ng presensiya nito.
Nang tanggalin nito ang pagkakapusod ng kanyang buhok ay malayo iyong bumagsak sa kanyang balikat. Nang sandaling iyon, alam niyang nanganganib siya. Kung itutuloy niya ang kalokohang ito, maaring malaman nito ang mga sekreto sa sarili na kahit siya mismo ay hindi niya alam.
Terror surged inside her. Dapat pa ba niya itong ituloy? Tama bang ipagkatiwala niya dito ang kanyang sarili?
“Pumapayag na ako. I’ll meet you here this coming Saturday. Tatawagan kita kung anong oras.”
Napakurap siya sa labis na pagkalito. “Anong sabi mo?”
Lumayo ito sa kanya habang ihinahagis sa ere at sinasalo ang clip niya. “Sabi ko tutulungan na kita. Tuturuan kita kung paano mo gagamitin ang natural ability mo para mapansin ka ni Keith. Libre. Walang bayad.”
“T-Talaga?” hindi pa rin niya makapaniwalang sabi. “Bakit mo ako tutulungan nang walang hihinging kapalit?”
“Gusto ko lang. I told you, I still love the challenge kahit si Keith ang pinili mo at hindi ako. Isa pa, minsan lang ako magkawang-gawa sa kapwa ko. Siguro dahil na rin sa nagtiwala ka sa akin. I was touched,” anito habang nakangiting hawak ang dibdib.
Tumaas ang kilay niya. “Plastic.” Napangiti rin siya. “Pero salamat dahil tutulungan mo ako. See you next Saturday.”
Humakbang siya patungo sa pinto nang tawagin siya nito. “Arice!”
“Bakit?”
Kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang clip. “For a start, huwag mo nang I-clip ang buhok mo. Nasasayang ang gandang ng buhok mo. Magkita tayo sa Sabado. Ayokong um-absent ka sa unang araw ng klase mo.”