“Himala. Ano ang nakain mo at magpapa-parlor tayo?” tanong ni Gay habang papunta sila sa salon.
“I think it’s time for a change,” sabi niya. “Nagsasawa na rin ako sa itsura ko.”
Katatapos lang nilang mag-shopping ng mga bago niyang wardrobe. Isinama niya si Gay dahil marami itong alam na bago sa fashion matagal na itong nagsa-suggest na baguhin niya ang outfit niya. Ngayon lang siya natauhan.
Kung kailangan niyang baguhin ang ilang bagay sa sarili niya, dapat ay isipin din niya ang pagbabago sa panlabas na anyo. Mula sa pananamit hanggang sa pag-aayos niya. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin at naisip niya na boring na siyang tingnan. Masyado siyang pormal at hindi approachable.
“Mabuti at naisip mo iyon,” anito. “Mula noong high school tayo, ganyan na ang buhok mo. Laging naka-pusod. Daig mo pa ang terror na principal. Kulang na lang magsalamin ka para kumpleto ang get up. May naiisip ka na bang bagong hair style na babagay sa damit mo?”
Umiling siya. Ilang taon na siyang hindi nagbubuklat ng fashion magazines. Wala siyang alam sa bagong trend sa damit at hairstyle. Puro business magazine lang ang alam niyang hawakan.
“Kaya kita isinama dito para ikaw ang magbigay ng suggestion. Alam mo naman na mas up to date ka sa mga uso kaysa sa akin.”
“Masyado akong maraming naiisip kaya hindi ko alam kung ano. Matagal ko nang pinag-initang ipaayos siyang buhok mo. If you want, magpa-wax ka muna. Mamaya na lang tayo umisip kung ano pa ang ibang ipapabago sa buhok mo.”
“Okay,” sang-ayon niya. Mula ngayon ay magbabasa na rin siya ng fashion magazine. Hindi na pwedeng mapag-iwanan siya ng panahon.
Pagpasok sa salon ay sinalubong sila ng receptionist. Dahil marami pang tao ay pinaghintay muna sila nito sa waiting area. May nakausap naman si Gay na isang babae na suki rin sa salon lagi nitong nakakasabay sa pagpapa-ayos kaya hinayaan niya ito sa kausap. Nagbabasa siya ng Vogue nang may lumapit sa kanya.
“Alarice Lopez?”
Nang iangat niya ang kanyang paningin ay nakita niya si Keith. Awtomatiko siyang ngumiti. “Hi, Keith! Hindi ko alam na magkikita pa tayo dito.”
Umupo ito sa tabi niya. “Hindi kita nakilala. Ngayon lang kita nakitang naglugay ng buhok. You look good.”
Tama ang suhestiyon ni Linux na ilugay ang kanyang buhok. Hindi pa man nagsisimula ang lesson nila ay may nakuha na siyang positibong resulta.
“Thank you,” aniya. “What are you doing here, anyway?”
Baka magpapa-parlor din. Unisex naman ang salon na iyon. At bukod sa salon ay may spa services din doon.
“I’m waiting for someone.”
Tatanungin pa lang niya kung sino nang may tumawag dito.
“Keith?”
Nadismaya siya nang makitang si Sandy ang tumawag dito. She stood infront of them, her head tilted to the side, her lower lip drooping in a sensual moe.
Nagpa-spa ito. She looks refreshed. Mas gumanda pa kaysa dati. She was wearing a black tank top that shows her smooth stomach. Katerno nito ang mahabang itim na palda na nag-emphasize sa mahaba nitong binti.
At ang salitang ginamit dito ay kasing gaan ng hangin. It was breathy and slightly petulant. Na parang nanghahalina. Nawala na ang atensiyon ni Keith sa kanya at natuon dito. Tumayo si Keith at sinalubong agad ito.
“I have to go, Alarice,” sabi nito na at kinawayan siya. It was an absentminded wave. Dahil hindi na nito inaalis ang mata kay Sandy na nakaangkla naman dito.
That was unfair. Hindi siya katulad ni Sandy. Kahit na maganda ang pinamili niyang wardrobe, mukha pa rin siyang madre kung ihahanay dito. At hindi siya marunong mang-akit gaya nito. Kung magiging katulad siya nito, parang magkukunwari lang siya. Pero kung hindi siya magiging katulad nito, walang mangyayari sa kanya. Hindi niya makukuha si Keith o kahit sinong lalaki. Mag-iisa siya habambuhay.
Siniko siya ni Gay. “Arice, it’s your turn.”
Tumayo siya nang nakataas ang noo. Itutuloy niya ito. Wala siyang dapat ipag-alinlangan dahil para rin sa kanya ang lahat.
Gumala ang mata niya sa paligid ng salon. Naka-kuwadro doon ang iba’t ibang hairstyle. Tumutok ang mata niya sa hairstyle na kahawig ng kay Sandy. The hair looks luxurious and could give her a sophisticated look.
“Miss, babagay ba sa akin ang ganyang hairstyle?” tanong niya sa attendant.
“Yes, Ma’am. Babagay po sa mukha ninyo. Mas magmumukha kayong bata. Saka maganda po ang buhok ninyo. Makapal at matataba ang strand. Pwede nga po kayong model ng shampoo,” sabi nito. “Iwa-wax po muna natin para mas lalong maging makintab siya. Mamaya na lang po natin iti-trim sa style na gusto ninyo.”