Asociacion de las Solteras Series Chapter 53

Pumikit siya at hinayaan itong gawin ang nararapat na pagbabago sa buhok niya. Habang ginagawa iyon, nararamdaman din niya ang pagbabago sa kanyang sarili. Sosorpresahin niya si Linux. Tiyak na matutuwa ito.

NAIILANG si Alarice. Kanina pa siya tinititigan ni Linux. Para siyang isang specimen na pinag-aaralan subalit wala pa siyang nakukuhang reaksiyon mula dito. Ito ang unang araw ng ‘klase’ niya. Suot niya ang floral sleeveless dress na binili niya nang mag-shopping sila ni Gay. Nakalugay rin ang buhok niya layered na ngayon at bagong wax.

“Tumayo ka,” utos nito.

Sumunod siya. Lalo siyang nailang nang maglakbay ang mata nito sa katawan niya. Umabot lang sa kalahati ng hita niya ang kanyang damit. Pasimple niyang inilagay sa harap ang handbag upang hindi masyadong mahantad ang hita niya sa mga mata nito. Hanggang kailan ba siya nito tititigan?

Inikutan siya nito at hindi pa rin siya hinihiwalayan ng tingin. Hindi siya sanay nang pinagmamasdan nang ganito.

“What’s the verdict? Pangit ba?” hindi niya matiis na tanong. Kailangan niyang basagin ang katahimikan kundi ay mamamatay siya sa suspense.

He rubbed his chin with the knuckles of his index finger. “You look good. Naninibago lang ako. Akala ko kailangan ko pang iutos ang pagpapaayos mo. Iyan ang gusto ko sa estudyante. May pagkukusa.”

“Nag-shopping kami ni Gay at sinamahan rin niya ako sa salon. Sigurado ka bang hindi pangit?”

“Kapag sinabi kong maganda, maganda. Mabuti naman at marunong kang sumunod sa uso. I like your hair.” Tumigil ito sa harap niya. Hindi siya nakahuma nang suklayin ng daliri nito ang buhok niya. “It’s pert and sassy. You look more sophisticated.”

“S-Sabi nga nila,” nanginginig niyang sabi.

Napaurong siya at dahan-dahang umupo sa sofa. Kailangan niyang maglagay ng distansiya sa pagitan nila. Kundi ay mananatiling abnormal ang kanyang paghinga. There’s something about the way his fingers combed her hair that made her shiver. Kailangan pa ba siya nitong hawakan?

“Tama,” sang-ayon nito. “Hindi ka nagmumukhang manang.”

“Manang!” bulalas niya.

“Oo. Manang,” paniniyak nito. “Dahil wala ka nang ginawa kundi ipusod ang buhok mo. At ang mga damit mo, parang nakatira ka sa Alaska. Balot na balot.”

Sinibat niya ito ng matalim na tingin. Akala niya ay magkakasundo na sila. Ngunit aliw na aliw pa rin ito habang nilalait ang dati niyang anyo. Subalit pinigil niyang mag-walk out. Nangako siya na titiisin lahat ng pamimintas at pang-iinis nito. Mas importanteng makuha niya si Keith kaysa magpadala sa panlalait nito.

“But I like your dress,” puri nito.

Maagap niyang hinatak ang laylayan ng bestida niya nang dumako sa hita niya ang paningin nito. Hindi pa siya nasiyahan at ipinatong ang handbag sa ibabaw ng hita niya. Nagulat siya nang agawin nito ang handbag mula sa kanya at ihagis sa kabilang dulo ng sofa malayo sa kanya.

“Ano ba?” asik niya. “Bakit ihinagis ang bag ko?”

“Why are you hiding your legs?”

“Dahil tingin ka nang tingin.”

Tumawa ito. “Arice, nang isuot mo ang damit na iyan, alam mong mae-expose ang legs mo. Hindi mo na sana isinuot iyan kung tatakpan mo lang din.”

Napayuko siya. “I wear this to please you.”

“You can’t please me if you’re hiding it.”

Kinuha niya ang throw pillow sa tabi at iyon ang ipinatong sa hita. “H-Hindi ako sanay. Pinipilit ko namang masanay pero hindi ko pwedeng biglain. Don’t mind me. Basta simulan na lang natin ang lesson natin.”

“Okay. Lesson one starts with…” Tumabi ito sa kanya. Dali-dali siyang umusod palayo. “As I was saying…” Umusod ulit ito sa tabi niya. Nang uusod muli siya palayo ay pinigilan siya nito. “Lesson number one is about relaxing!”

“Relaxing! Paano ako magre-relax kung dikit ka nang dikit sa akin?”

“Dahil iyon una mong dapat na matutunan. Hindi pwedeng maiilang at lalayuan mo rin si Keith kapag katabi mo siya.”

“Hindi. Dahil siya si Keith. Ang ama ng magiging anak ko. Sa kanya ako dapat mag-relax at hindi sa iyo.”

“Kalimutan mo muna si Keith. Dapat mo munang matutunan kung paano ka magre-relax sa sarili mo. Halimbawa, iyang suot mong damit. Maganda nga pero hindi ka rin naman makapag-relax. Hindi natural ang dating. Kahit gaano pa kaganda ang suot mo, kung hindi ka komportable wala ring kwenta.”

“I simply can’t fake it.”

“It’s not about faking. It’s about being natural. Naalala mo ba ang sinabi ko sa iyo? Being sexy isn’t about the way you dress or how you look. It comes from inside. Kung komportable ka sa sarili mo, saka mo made-develop ang sarili mo. Parang niloko mo lang ang sarili mo kung labag naman sa loob mo ang ayos mo o ang suot mo para lang maging sexy. When you fire up your inner stuff, the rest comes out automatically. Kahit na balot na balot ka, you can still look sexy.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.