Asociacion de las Solteras Series Chapter 56

“Sorry kung hindi ko nasabi sa iyo. At sorry rin kung hindi ako nagsabi sa iyo na hindi ako makakarating ngayon. Nag-abala ka pa tuloy pumunta dito.”

“You don’t have to apologize. Sa loob ng ilang araw, nakita ko na ang pagbabago sa iyo. Pero huwag kang masyadong kampante. Marami ka pang dapat na matutunan. Nagsisimula ka pa lang.”

“Pasado na ba ako sa lesson one?”

He twisted his lips as he studied her. “Lesson one, level one is okay. Pero paano sa level two? Are you relaxing to other people?”

Makalipas ang ilang sandali ay tumango siya. “Mas komportable na ako ngayon. I don’t put my guards up anymore. Lagi na rin akong nakangiti. I become more inviting.”

“Sige nga, subukan natin. Try to invite me,” hamon nito.

Napalunok siya. He was pertaining to plain invitation or camaraderie but her mind is drifting into something else. Napakasensuwal kasi ng pagkakasabi nito.

Ininom niya ang iced tea na nasa tabi. “T-Tapos ka na bang kumain?” pag-iwas niya sa hamon nito. “Huhugasan ko na ang plato mo.”

Akmang kukunin na niya ang plato nito nang pigilan nito ang kamay niya. Kakaibang sensasyon ang dumaloy sa kanya. Nahigit niya ang hininga at napatingin sa mukha nito. Subalit parang wala naman itong naramdamang kakaiba tulad niya. Sa halip ay kaswal lang itong nakangiti.

“Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin,” prisinta nito. Kinuha rin nito ang pinagkainang plato na hawak niya.

“Marunong kang maghugas ng plato?”

Tumango ito. “Oo. Napakasimpleng trabaho, hindi ko pa magagawa. Bakit, hindi ba macho na tingnan sa lalaki na gumagawa ng gawaing bahay?”

“Wala akong sinasabing ganyan.”

Wala lang sa itsura nito ang gagawa ng trabaho para sa babae. Sa tingin niya ay mas sanay ito nang pinagsisilbihan.

“Huwag kang mag-alala. Hindi naghuhugas ng plato si Keith. Marami siyang katulong na gagawa niyon para sa kanya,” anito habang sinasabon ang mga pinagkainan nila. “Tapos na ba ang session mo kay Meredith?”

“Almost. Bakit mo naitanong?”

Habang hinuhugasan nito ang plato ay siya ang nagpupunas ng mesa. Wala siyang katulong kaya mag-isa niyang ginagawa ang mga trabahong bahay. Maliban sa tagalinis na twice a week pumupunta sa unit niya.

“Gusto ko ring dalasan ang session natin. Nauubusan na tayo ng oras dahil mukhang nagseseryoso na si Keith kay Sandy.”

Naalarma siya. “That bad?”

Tumango ito. “They’re dating for more than a month now. Signs are showing that he’s considering of keeping Sandy for keeps.”

“Pwede ba tayong magkaroon ng session bukas?”

“That soon? Mukhang ayaw mo na ngang pakawalan si Keith. Don’t worry. Before you knew it, ikaw na ang susunod na Mrs. Arnaldo.”

Subalit wala ang atensiyon niya sa kay Keith kundi sa session mismo. Parang mas excited pa siyang makasama si Linux.

“BAKIT masama na naman ang hilatsa ng mukha mo?” tanong ni Linux nang dumating siya sa penthouse nito. “Sino ang nakaaway mo?”

Pabagsak siyang umupo sa sofa. “Masamang makatingin iyong lalaking nakasabay ko sa elevator. Parang kakainin ako ng buo.”

“You can’t blame him. That’s the price you have to pay for being hot.”

“Am I?”

Tinitigan siya nito na parang pinag-iisipan pa ang sagot. “Almost. That’s why we have to start with your new lesson. Paano ka tumingin sa lalaki?”

“Anong problema. Kapag tumitingin ako sa mga lalaki hindi naman…”

He waved his index finger as a ‘no’ sign. “I didn’t say men in general. I’m pertaining to a man. A very special man.”

“Like Keith.”

“Tumayo ka sa kabilang dulo nitong sala at dito naman ako sa kabila. Kunwari nasa kalsada tayo at magkakasalubong.”

Ngumiti siya. Handa na siya sa bagong lesson. Inalala niya ang lahat ng itinuro sa kanya ni Meredith. Inisip din niya na si Keith ay si Linux.

“Magsimula kang maglakad. Fifteen meters away, pwede mo nang I-focus ang tingin mo sa akin. At habang palapit tayo sa isa, titingnan mo mula sa paa ko pataas.”

Namaywang siya. “Mukha yatang obvious naman iyon.”

“Not quite. Hindi masyadong aggressive ang dating mo. Think like you were assessing him as a possible mate.”

Napangiwi siya. “Like a dog looking for mate?”

“Are you going to do it or not?”

“I’ll do it!” sabi niya.

Hawak ang handbag, inisip niyang naglalakad siya sa kalsada at makakasalubong niya si Keith. Mula sa loafers, naglakbay ang mata niya sa suot nitong slacks. Nang dumako sa linya ng zipper ay may pulang warning signs na umilaw sa utak niya. Kumurap siya at parang may x-ray vision siya.

Isa-isang bumukas ang butones ng polo nito. Nai-imagine niya ang hubad nitong katawan. His slip hips and flat stomach. Maging ang matipuno nitong dibdib. Parang nag-aanyayang paglakbayin ang kanyang palad sa balat nito.

Nang matuon sa mukha nito ang kanyang paningin ay naglaho ang imahe ni Keith. Napalitan ng mukha ni Linux. Pilit niyang ibinalik ang mukha ni Keith subalit nanatiling si Linux ang nakatingin sa kanya.

No. She knew it was really Linux. She doesn’t have to fit in Keith’s picture because it simply doesn’t fit. Magkaibang-magkaiba ang dalawa. Moreno si Linux samantalang mestiso si Keith. At nang mag-imagine siya ng hubad na katawan kanina, moreno ang nakita niya. Pinapantasya niya si Linux!

Tumigil siya sa paglalakad. Naparalisa ang buo niyang katawan. Dahan-dahang dumausdos ang handbag mula sa kanyang kamay kasabay ng pagkabura ng ngiti niya sa labi. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit si Linux ang nasa isip niya?

Napasugod ito sa kanya. “Anong nangyari sa iyo? Bakit ka namumutla? May masakit ba sa iyo? Gusto mo ng tubig? Gamot? Ambulansiya?” natatarantang sabi nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.