EXCITED si Alarice habang hinihintay si Linux sa sala ng bahay nito. Ito ang pinaka-importanteng araw ng training niya dito. Kailangang makausap niya ito agad.
Nang lumabas ito ay nagulat ito nang makita siya. “Anong ginagawa mo dito nang ganito kaaga?” tanong nito at sinulyapan ang relong pambisig. “Ala una pa lang ng hapon at mamaya pang alas singko ang usapan natin.”
Tumayo siya at hinila ito paupo sa sofa. “Because I could barely wait for five o’clock. May good news ako sa iyo na tiyak na ikatutuwa mo.”
Sumandal ito sa sofa habang puno ng interes na nakatitig sa kanya. “Mukha kang nanalo sa lotto. Babalatuhan mo ba ako?”
“Hindi.” Lumuhod siya sa sofa at ikinulong ang mukha nito sa palad niya. “Finally, Keith asked me out on a date.” Muli siyang umupo sa sofa. Tumingala siya habang iniiisip ang mukha ni Keith habang inaalok siya ng date. “You won’t believe it. Ni hindi ko na kailangang gawin pa ang mga itinuro mo sa akin. As if everything came out naturally. I don’t even have to flirt or give him a seductive look because I was presenting the draft for the contract. Basta kakaiba siyang makatingin sa akin kanina. Pagkatapos, sinabi niya kung gusto kong mag-date sa Tuesday.”
Tumayo ito at nagtungo sa bar. “Good,” walang buhay na sagot nito. “I guess you said yes right away.”
“Of course not,” aniya at sinundan ito. “You told me to let him sweat and beg a little. And I did. Nang nagmakaawa siya at nagbanta na luluhod, saka lang ako pumayag. Tama ba ang ginawa ko?”
Nagkibit-balikat ito at nagsalin ng whiskey sa baso. “I guess so. You got his attention and he asked you out on a date. I think that’s good enough for starters.”
Inagaw niya ang whiskey dito at inilapag sa barstool. “Iyan lang ba ang sasabihin mo sa akin? Nakakawalang-gana naman ang reaksiyon mo. He asked me out. He noticed me. Don’t you think that’s something we should celebrate about. Lahat ng itinuro mo sa akin ay nagamit ko. Nagawa natin.”
Gusto niyang makihati ito sa kanyang pagsasaya. Pinaghirapan nila ang lahat ng ito. Inaasahan niyang makikisaya ito sa kanya.
Malamig siya nitong tiningnan. Muli nitong kinuha ang inilapag niyang whiskey at ininom. “Then good. Hindi pa ba sapat ang reaksiyon ko?”
Masama ang mood nito subalit pinigil niyang patulan ang kalamigan nito. Baka masira pati ang araw niya.
“Ano pa sa palagay mo ang dapat kong gawin sa date namin?” tanong niya sa mas nakaka-engganyong tinig. Kung ayaw nitong magsaya, siya na lang. “Iniisip ko nga rin kung ano ang isusuot kong damit at ayos ng buhok ko. May naiisip ka?”
“Kaya mo na iyon,” anitong walang halong interes. “You made a lot of progress. Hindi mo na ako kailangan pang tanungin. Marami ka nang natutunan kaya alam mo na ang dapat mong gawin.”
“Hindi pwede. Iba ang tingin sa akin ni Keith dahil nag-iba ako. Pero sa tingin ko hindi pa sapat iyon. Hindi dahil naging interesado siya sa akin, pwede na akong mag-relax sa kanya. Hindi ko pa natututunan ang lahat.”
Walang reaksiyon sa mukha nito. “Sapat na ang natutunan mo para sa date ninyo. Basta ituloy mo lang ang nasimulan mo at tandaan mo ang mga itinuro ko.”
“Kung ganoon, ano ang lesson natin ngayon?” aniya na bahagyang dismayado sa sinabi nito sa kanya. Parang sinasabi nitong matanda na siya, alam na niya ang lahat at bahala na siya sa buhay niya.
“Wala. Wala naman tayong lesson ngayon dahil may date ako. Masyado kang maagang dumating kaya hindi ko nasabi sa iyo na wala kang training sa akin. Sige, maghahanda pa ako para mamaya.”
Kinuha niya ang handbag at naghandang umalis. Parang ipinagtatabuyan na siya nito dahil nakakasabagal siya sa schedule nito. Nalungkot siya. Ito lang ang naiisip niyang makakasalo sa kanyang pagsasaya. Plano pa mandin niya itong ilibre pero nabalewala ang kanyang balak.
Gusto niyang maluha sa hindi niya maintindihang dahilan. Nawala na ang saya sa mukha niya at ang excitement ng pagyayaya ni Keith na mag-date sila.
“Hindi mo ba ako igu-goodluck?” aniya sa nag-aalangang tinig.
Pinagmasdan siya nito na animo’y walang balak na sagutin ang tanong niya. Humigpit angj hawak niya sa strap ng bag habang hinihintay ang sagot nito.
“Goodluck,” he said lousily.
“Salamat,” sarkastiko niyang sabi sa walang kabuhay-buhay at walang kakwenta-kwenta nitong goodluck. Parang mamalasin pa siya sa goodluck nito. Labas sa ilong. Hindi bukal sa loob.
PERPEKTO ang gabing iyon para kay Alarice. Enjoy siya habang hinaharana ng violin at nakatitig sa kanya si Keith. “Thank you,” aniya sa musikero matapos ang piyesa. “Thank you, Keith. I really like the place.”
“Mabuti at nagustuhan mo. For a special lady like you, dapat lahat espesyal din.” Tinawag nito ang waiter at pinabuksan ang champagne. “Let’s toast!”
“Para saan?”
“Para sa ating dalawa,” anito. “I want you to be my girl.”
Nabitin sa ere ang wineglass niya. Hindi niya inaasahang iyon agad ang iaalok nito. “Are you serious about this? Ngayon pa lang tayo nagkakakilalang mabuti.”
“Pero alam kong ikaw ang gusto ko.”
Ibinaba niya ang wineglass. “I want to clear something, Keith. Alam ko ang reputasyon mo sa babae. I hope you’re not offended. Pero hindi siya masyadong maganda. And I’m sorry to inform you that I’m not the type who wants a short affair with no solid commitment.”