She felt a sudden pang of gloom. “Bakit si Sandy ang kasama niya?”
“Hindi mo ba alam? They are the hottest couple right now. They’ve been dating for quite sometime,” paliwanag ni Keith na parang wala itong naging kaugnayan kay Sandy noon.
Napailing siya. “I don’t get it. Bakit parang okay lang sa iyo? Your friend is dating your ex-girlfriend and you didn’t seem to care.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Huwag na natin itong pagtalunan, Arice. Wala silang kinalaman sa ating dalawa.” Sumulyap ito sa direksiyon ni Linux. “And please wear a smile. Papunta na sila dito.”
Naalarma siya at agad na napatayo sa kinauupuan. “Dance with me, Keith.”
“But…”
“Hindi ba nagyayaya ka sa aking sumayaw kanina?” aniya. “Let’s dance.”
Naguguluhan man ay inakay siya nito patungo sa dance floor. Ayaw niyang lapitan siya ni Linux. Naiinis siya na makita ito kasama si Sandy.
Dahil sa suot na takot ay lagpas sa balikat ni Keith ang mga mata niya. Nakikita niya ang paglalambingan nina Linux at Sandy. They were flirting and laughing. Akala ng mga ito ay sila lang ang tao sa bulwagang iyon. She felt a tug in her heart when he saw him laugh and whisper something to Sandy.
“Hindi ka komportable na makita sila, hindi ba?” tukoy ni Keith sa dalawa.
Inilayo niya ang tingin sa mga ito at itinuon ang mukha dito. “Hindi ko maintindihan si Linux. Magkaibigan kayo, hindi ba?”
“Oo. Magkaibigan pa rin kami at ex-girlfriend ko naman si Sandy. Nakaraan na. She’s out of my life now so you don’t have to be jealous.”
Bahagya siyang napalayo dito at matiim na pinagmasdan ang mukha nito. Nagseselos ba siya dito kaya naiinis siyang makita si Sandy? Kinapa niya ang sarili. Hindi siya nakakadama ng anumang selos para dito.
Kumislap sa utak niya ang imahe nina Linux at Sandy. Nakadama siya ng pinagsama-samang inis, sakit at panlulumo. Bakit kailangan niyang maramdaman iyon para sa dalawa samantalang wala naman itong kinalaman sa kanila ni Keith?
Tumigil siya sa pagsasayaw. “Maari mo na ba akong iuwi?”
“Why?” he asked in dismay. “The night is still young.”
“I don’t feel good. Kung ayaw mo naman akong iuwi, kaya ko namang mag-isa.” Naglakad siya patungo sa mesa at kinuha ang mga gamit niya.
“Arice!” anang si Keith na humabol sa kanya. “I’m taking you home. Responsibilidad kita at ayokong may masamang mangyari sa iyo.”
“Let’s go,” pormal niyang sabi.
She shot one last glance at Linux. Abala pa rin ito sa pakikipagtawanan kay Sandy. Ni hindi alam na aalis na sila ng party.
Binawi niya ang tingin. Hindi niya maipaliwanag ang isang malaking kamay na dumaklot sa puso niya. Pakiramdam niya ay dahan-dahan siyang nawawalan ng hininga. Maybe she’s really sick.
Subalit hindi pa sila tapos ni Linux. Kailangan nilang mag-usap. Marami itong ipapaliwanag sa kanya.
MADILIM ang mukha ni Arice habang hinihintay si Linux. Mula sa party ay ihinatid siya ni Keith sa kanyang bahay. Subalit isang oras na siyang nagpipilit matulog ay ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Nasa isip pa rin niya ito habang kasama si Sandy.
Nang hindi nakatiis ay nagbihis siya at sumugod sa bahay nito. Gaya ng kanyang inaasahan ay hindi pa rin ito dumarating. Mabuti at pinapasok pa siya ni Inday.
Tiningnan niya ang oras sa Victorian watch. Alas dos na ng madaling araw subalit hindi pa rin ito umuuwi. Gusto na niya itong tawagan subalit ang mga bagay na gusto niyang sabihin dito ay dapat na personal.
Napatayo siya nang bumukas ang pinto. Pumasok si Linux habang nakakawit sa isang daliri nito ang coat at nakakatang sa balikat.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong niya.
Nagulat ito at binuksan ang ilaw. “A-Arice? Anong ginagawa mo dito? Bakit umalis ka agad sa party kanina?” Pinagala nito ang mata sa suot niyang simpleng slacks at blouse. “I like your party dress. Bagay na bagay sa iyo.”
Hindi siya nandoon para hayaan itong purihin ang damit niya. Humalukipkip siya at matamang nakatitig sa bawat kilos nito. “Saan ka galing?”
Baka kaaalis lang nito sa kama ni Sandy at may ginawang kababalaghan. At just like any man, uuwi rin ito sa bahay at hindi nagpapalipas ng magdamag sa bahay ng babae. Halata naman dahil magulo ang buhok nito.
“I was with Sandy. After the party, nag-barhopping kami. Kahahatid ko lang sa kanya,” paliwanag nito.
Kahit hindi naniniwala sa sagot nito ay hindi siya kumontra. Naibsan man ang inis niya ay hindi nito tuluyang napawi ang ibang emosyong nararamdaman niya.
“Bakit kasama mo si Sandy?”
“She is my date last night,” he stated casually. “She’s really as sexy as hell. It compensates her lack of brain like what you told me.”
Nag-init ang tainga niya. “Bakit nagawa iyon?” pasigaw niyang tanong.
He was astounded by her outburst but he remained cool. “Kung iniisip mo si Keith, walang problema iyon sa aming dalawa. We have our rules. Kapag nakipag-hiwalay na ang isang babae sa isang lalaki, wala nang pakialamanan. Like Sandy. She can date whoever she wants.” He stood infront of her and caresses her face. “Huwag kami ang intindihin mo. Think about Keith. Seryoso siya sa iyo. You’re keeping his attention. Keep up the good work.”