Tinabig niya ang kamay nito. “Matagal mo na bang gusto si Sandy?”
Nagkibit-balikat ito. “Ano ngayon kung matagal ko na siyang gusto?”
Nakuyom niya ang palad at matalim itong tiningnan. “Ginamit mo lang ako para matiyak na kapag naghiwalay sila ni Keith, hindi na sila magkakabalikan. Para malibre na kayong dalawa. Masama ka talaga!”
Ibinaba nito ang baso ng alak sa center table at mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Anong problema, Arice? Dapat ay matuwa ka dahil di na siya magiging sagabal sa inyo ni Keith. Isa pa, nakakalimutan mo ba na ikaw ang nagmakaawang magpaturo sa akin? Ngayon, sabihin mo sa akin ang problema mo!”
Pilit niyang sinalubong ang pagtatanong sa mga mata nito. “I hate you!”
Naningkit ang mga mata ni Linux habang tinititigan siya. “So you hate me,” kaswal na sabi nito. “Pwede ko bang malaman kung bakit at ano ang koneksiyon nito sa rason kung bakit nagalit ka dahil magkasama kami ni Sandy.”
Nalulon niya ang kanyang dila. Nanatili siyang nakatitig dito dahil wala siyang maisip na sagot.
Lalong humigpit ang kapit nito sa balikat niya. “Wala kang maisip na rason,” anito. “Bibigyan kita.”
Walang sabi-sabi siya nitong hinila at ingakin ang labi niya. Mapangahas iyon subalit hindi niya magawang tumutol. Nagsimulang magdahan-dahan ang pag-angkin nito at naramdaman niya ang mainit na luha sa kanyang pisngi. Alam na niya ang sagot sa tanong nito. Mahal niya ito.
Kung kailan nagsimula ay hindi niya alam. Naramdaman na lang niya ito sa kanyang sistema. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang kasama nito sa Sandy. Dahil nagseselos siya.
Lumalabas din ang imahe nito tuwing kasama niya si Keith. Lagi itong nagpapaalala na kahit nariyan si Keith ay ito pa rin ang kanyang iniisip.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mata nang lisanin nito ang labi niya. “Bakit hindi mo ako sampalin ngayon?” hamon nito. “I kissed you against your will. May sapat ka nang rason para magalit sa akin. Bakit hindi mo gawin?”
Inangat niya ang isang kamay. Hindi upang sampalin ito kundi para hilahin ang batok nito pababa sa kanyang mukha. Muling nagsanib ang kanilang mga labi.
“I hate you, Linux,” she whispered while staring at his ashen face. “Because you made me love you.”
Natigagal ito at kumawala sa pagkakahawak niya. “Hindi pwede!”
Nanlalambot siyang napaupo. “N-Nangyari na. Hindi ko nagawang pigilan. I just realized that I’ve fallen for you.”
Tumalikod ito at sinapo ang noo. “It’s not love. That’s simple desire. Siguro dahil ako ang nagturo sa iyo…”
Nilapitan niya ito at pilit na ihinarap sa kanya. “How dare you label my feelings for you to something as low as desire?”
Natitiyak niyang mahal niya ito. Ngayon lang niya naramdaman kung paano mangailangan sa isang tao. Ang hanapin ito minu-minuto. Na gusto niya ay laging nasa tabi nito. If it’s desire, may posibilidad na maramdaman niya iyon kahit kanino. Subalit kay Linux lang niya iyon nararamdaman. What she felt isn’t purely physical. Nararamdaman niya iyon sa puso niya.
He cupped her face and looked into her intently. “Listen! Ako ang mas marunong sa ating dalawa. Alam ko ang nararamdaman mo dahil kapareho lang iyon ng nararamdaman ko para sa iyo. It’s as simple as desire.”
Umiling siya. “No. Matanda na ako para malaman ang nararamdaman ko. If it’s desire, why do I see your face even if I’m with Keith? Bakit ikaw ang iniisip ko bago ako matulog sa gabi? You gave me sleepless nights, Linux.”
Pumikit ito nang mariin. Parang binubura maging ang damdamin nito para sa kanya. “Don’t. I taught you to use your feminine charms on Keith. Para makuha mo ang pamilyang pinapangarap mo. Huwag mong isugal ang buhay mo sa akin. Sisirain lang kita. You’ll lose Keith and your dreams.”
“Could you please forget about my damn dream and Keith for a while? Tayong dalawa ang pinag-uusapan dito!”
Itinaas nito ang dalawang kamay na parang napaso. “Look! Si Keith ang lalaki para sa iyo. Mabibigyan ka niya ng seguridad at ng kasal. He can give you forever. Iyon ang gusto mo at hindi ko iyon maibibigay sa iyo. All I could give you is uncertainty. Masasaktan ka lang. Iniisip ko ang mabuti para sa iyo.”
She didn’t miss the agony in his voice. Parang nahihirapan itong ipaalala sa kanya ang mga rason kung bakit kailangan niyang kalimutan ang kahibangan dito. Hindi lang siya ang kinakalaban nito. He was fighting his own battles. Kinakalaban nito ang mismong sarili. Dahil alam niyang isang bahagi nito ang naniniwala na mahal niya ito.
Pinahid niya ang luha. “Sa ating dalawa, ikaw ang duwag. Sana hindi na lang kita minahal,” aniya at nagmamadaling umalis sa penthouse nito. Hindi siya lumingon dahil natatakot siyang habulin siya nito at pigilan. At kapag nagpapigil siya, ipagdidiinan lang niya ang pagmamahal dito. At alam niyang paulit-ulit siya nitong tatanggihan.
Sumandal siya sa malamig na metal na dingding ng elevator. Nahahati siya. Ano ba ang dapat na mangibabaw? Ang pagmamahal niya dito na walang katiyakan o ang kasiguruhan sa piling ni Keith na hindi niya mahal.
Muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam ang sagot at nararamdaman niyang nahahati ang sarili niya sa dalawa.