“Hindi ako galit,” aniya. “May iniisip lang ako. Pasensiya ka na.”
“Idinala kita dito dahil may importante akong gustong sabihin sa iyo.”
“Ako din, may sasabihin sa iyo,” aniya agad. Inunahan na niya ito dahil mas importante ang sasabihin niya. “I-I can’t go on like this. Ayoko nang paasahin ka pa dahil may iba na akong mahal.”
Natulala ito subalit mabilis ding nabawi ang huwisyo. Uminom ito ng kape at pagkatapos ay mataman siyang tiningnan. “Dahil kay Linux, hindi ba?”
“Paanong…”
He cut her question with a crooked smile. “Napuna ko noong magkasama sila ni Sandy. You were so green with jealousy. Akala ko sa akin ka nagseselos. Pero ngayon ay naiintindihan ko na.”
Napayuko siya. “I’m sorry. I don’t have plans to lead you on.”
“I can’t say I’m happy for you,” he said in a sad voice. “Masasayang lang ang pagmamahal mo kay Linux. He has no plans to get married. While you deserve a man to make an honest woman out of you. At ako iyon. Alam kong masakit pero mas mabuting kalimutan mo siya.” Ginagap nito ang kamay niya. “Marry me, Alarice.”
Umiling siya at dahan-dahang binawi ang kamay mula dito. “You are my ideal man, Keith. Halos lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay nasa iyo. Pero hindi ikaw ang mahal ko. Pareho lang tayong hindi sasaya.”
“But I want to marry you,” giit nito.
“You are not in love with me Keith. Sa tingin ko na-challenge ka sa akin dahil bago ako sa paningin mo. I’m sure may makikita ka pang ibang babae diyan.” Tumayo siya. “I’m really sorry if everything has to end up this way.”
“Lucky bastard!” bulalas nito patungkol kay Linux. “I think he also likes you. Noong first date natin, nakita ko siya. Mukhang binabantayan ka niya.”
Gusto niyang maglulundag sa tuwa. Hindi imahinasyon ang nakita niya noon. Naroon nga ito upang makita siya.
Ngumiti siya. “Thanks for telling me about it. I have to go, Keith. Don’t worry, hahanap ako ng babaeng babagay para sa iyo. I’m sure there’s someone out there…”
“Thanks but no thanks.” Sumeryoso ito. “But I must warn you. Linux might take you to hell with him,” babala nito.
Tumawa siya. “Sa palagay mo ba matatakot ako? I’m willing to go with him anywhere. Ni hindi ako magdadalawang-isip basta kasama ko siya.”
NAG-AALALA na si Alarice. Kanina pa siya tawag nang tawag sa bahay ni Linux subalit walang sumasagot. Lumabas siya ng elevator at sinubukang tawagan ang cellphone nito. Subalit hindi na niya nagawang I-press ang call button nang makita itong nakasandal sa pinto ng condo unit niya.
She wanted to run and cling to him. Pinigilan niya ang sarili. Hindi ito ang tamang oras para gawin iyon. He’s still at the defensive side. Hindi makabubuti kung magiging agresibo siya. Itinago niya ang ngiti at nanatiling pormal. Kailangan niyang manatiling kalmado. Hindi maaring ma-excite siya nang todo.
Tumuwid ito ng tayo nang makita siya. “Arice…”
“Hi!” bati niya at pilit ngumiti. Na parang balewala ang pagsasagutan nila kanina. “Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka dito? Nainip ka yata sa paghihintay sa akin.” Binuksan niya ang pinto. “Maaga ka kasing umalis sa party. Bakit ka nandito?”
Ipinamulsa nito ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks. “I-I’m just checking if you’re okay. Masakit pa ba ang sugat mo?”
“I’m perfectly okay. Hindi na namagaga. Salamat sa tulong mo,” she answered casually. “Why don’t you take a seat first? What can I offer you?”
Umiling ito at nanatiling nakatayo. “I just want to apologize. Nasigawan kasi kita kanina,” anito sa banayad na tinig.
“Oh, forget about it.”
“At tungkol naman sa itinatanong mo kanina…”
Pinutol niya ang anumang sasabihin nito dahil baka may masabi lang ito na ikapanghihina ng kanyang loob. Nandito ito sa harapan niya kaya hindi niya sasayangin pa ang pagkakataon. Ito na ang tsansa niya.
“Hindi ko na kailangan ang sagot mo.” Nagtungo siya sa ref at kumuha ng canned carrot juice. “Kahahatid lang sa akin ni Keith at sinagot ko na siya.”
“What?” Napalingon siya nang marinig ang pagkabigla sa boses nito. Mabilis itong bumawi. “I mean good,” palusot nito. “I’m happy for you.”
“I’m glad you are happy for me. Hindi ko siya boyfriend. I said no.”
“Pero bakit?” gulat na tanong nito. “Paano na ang…”
“Nakapagdesisyon na ako.” Tumayo siya sa harap nito at matapang na sinalubong ang tingin nito. “I decided to have an affair with you.”
“Are you crazy?” sigaw nito.
“Maybe,” she answered cooly. Hindi siya natinag sa pagkakatayo sa harap nito. “Pumapayag ako sa terms mo. I’m willing to settle for a temporary relationship.”
His blazing eyes moved restlessly across her face. Sinusubukan ang kanyang katatagan. “Hindi mo alam ang sinasabi mo. May pangarap ka. Iyon ang isipin mo.”
“To hell with my dreams. Tinanong ko ang sarili ko. Ano ba talaga ang gusto ko? And I decided that I want to be with the man I love. I don’t care if it’s something as temporary as a month-long affair. Kaysa makasama ang isang lalaki habambuhay na hindi ko kayang mahalin. Mas mawawalang-saysay ang pangarap ko.