Asociacion de las Solteras Series Chapter 68

“Now I understand what forever means. It’s not permanent as marriage like others claimed. It is being with someone you love. With you. Kahit sandali. Kahit isang araw, isang linggo o isang buwan lang. Kapag naghiwalay tayo, alam kong wala akong pagsisisihan. Because I’ll treasure that moment with you forever.”

Pinigil niya ang paghinga. Kailangang maintindihan siya nito. Kailangang tanggapin siya nito. Ito na lang ang natitirang baraha niya. Buhay niya ang nakataya dito. Ano ngayon kung mawawala rin ito sa kanya pagkatapos ng isang buwan? Alam naman niyang magiging masaya siya sa loob ng isang buwan na iyon.

Nanatili itong nakatayo habang nakatitig sa kanya. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Nilakasan pa rin niya ang loob.

“Iniisip mo na naman ba na tumakbo?” tanong niya ditong may bahid na inis. “O baka naman iniisip mong lumipad na lang para makatakas sa akin. Kahit saan ka pumunta, susundan pa rin kita.”

“Who told you I’m running.” Tinawid nito ang distansiya sa pagitan nila at mariin siyang niyakap. “Napakatigas ng ulo mo. Sinabihan na kitang lumayo sa akin pero hindi ka pa rin nakinig. Dapat kang parusahan, alam mo ba?”

Napapikit siya nang paliguan nito ng halik ang kanyang mukha maliban sa kanyang labi. “Ibig bang sabihin, pumapayag ka na sa affair?” bulong niya.

“No!”

Pilit niyang inilayo ang mukha dito. “Bakit ka halik nang halik sa akin?”

Ikiniskis nito ang ilong sa ilong niya kaya muling nagkalapit ang kanilang mukha. “Because you don’t deserve and affair. I want you to marry me.”

She pushed him at arm’s length. Parang nabingi siya.

“P-Pakakasalan mo ako? Pero hindi mo na kailangang gawin ito.”

“Anong hindi ko kailangang gawin? Hindi ako papayag!”

Gusto niya itong pakasalan. Subalit baka nao-obliga lang ito sa kanya. Isa pa, hindi niya iyon matatanggap kung hindi bukal sa puso nito.

“Alam ko na may isang babae kang minahal at siya lang ang gusto mong pakasalan. Wala akong planong okupahin ang pwesto na para sa kanya lang.”

Natatawa nitong pinisil ang ilong niya. “Silly. That girl is you.”

Namasa ang mata niya. “A-Ako?”

Tumango ito. “Noon pa kita gusto. Pero hindi ko sinubukang ligawan ka dahil masungit ka sa akin. Tapos lahat na lang ng lalaki ay nagkakagusto sa iyo. Sa tingin mo ba papansinin mo pa ako kung niligawan kita? Mababasted agad ako.”

“You made me feel unpretty. Ayaw mo kasi akong pansinin.”

Siguro galit siya dito dahil sa puso niya ay gusto rin niya ito. Lagi siya nitong kinokontra. Parang sinasabi nito na sinungaling ang mga lalaking nagsasabing maganda siya dahil ito lang ang hindi nagsabing maganda siya. And she’s asking for his approval.

Hinawakan nito ang baba niya. “You’re beautiful. Gustong-gusto kitang inisin dahil gusto kong mas mapansin at maalala mo ako kaysa sa iba. Ilang beses ko nang gustong ligawan ka lalo na nang nasa critical age ka na at tinutuksong matandang dalaga. Pero si Keith pala ang gusto mo. The truth is I wasn’t serious when I offered you about that training on how to be sexy and hot. Iniinis lang kita. Pero lumapit ka sa akin. Napasubo tuloy ako.”

“Kung mahal mo ako, bakit itinaboy mo ako nang sabihin kong mahal kita?”

“Dahil naisip kong mas sasaya ka kay Keith. Baka biguin lang kita at hindi mo matupad ang pangarap mo.”

“At bakit gusto mo akong pakasalan ngayon?”

“Dahil natauhan ako. Ayoko nang maging duwag. Ayoko nang mabuhay nang mag-isa at magsisi sa huli dahil hindi ko sinubukan. I learned it from you.”

Hindi siya magiging matapang kung hindi rin dahil dito. Itinuro nito sa kanya na kung gusto niyang makuha ang isang bagay, dapat ay hindi siya matakot. At ngayon ay nakita na niya ang resulta. Nasa piling na siya ng lalaking mahal niya.

“Paano kung boyfriend ko na talaga ngayon si Keith? Kasi naman tulak ka nang tulak sa akin palayo kahit ikaw ang nasasaktan.”

“Sasabihin ko pa rin sa iyo na mahal kita. At least nasabi ko sa iyo kahit huli na. Hindi na ako takot masaktan. I’m willing to take the chance with you. Hindi na kita pakakawalan pa. Matagal ko na yatang hinintay ang pagkakataong ito. Tutuparin ko ang lahat ng pangarap mo. We’ll build the family you want.”

“Oh, I love you!” aniya at sumandig dito. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya subalit pinigilan niya. “Ipapaalala ko lang sa iyo na ayoko nang may ibang babae pang kakalat-kalat diyan sa tabi. I’m very possessive,” babala niya. Hindi pa rin niya maiwasang magselos sa mga babaeng na-involve dito lalo na si Sandy.

“I surrender my heart to you. Kasama na ang buong pagkatao ko. If you want to lock me up to make sure wala nang makakalapit sa akin, pumapayag ako.”

“Mabuti nang malinaw.” Iniyakap niya ang braso sa leeg nito. “Kiss mo na ako.”

“Putok pa ang labi mo,” pagpapaalala nito. “Baka masaktan ka.”

“I trust you. I know you can ease the pain.”

And she trusts her heart, body and soul to him, forever.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.