Asociacion de las Solteras Series Chapter 70

“Paano kung ligawan ka niya? Sasagutin mo ba?” nang-iintrigang tanong nito.

Malungkot siyang ngumiti. “Hindi. Dahil hindi ako mag-aasawa. Kaya libreng-libre na sa iyo si Siege.” Tumayo siya. “Maiwan na kita. Pupuntahan ko na siya.”

Nagtaka siya nang makitang wala ang sekretarya ni Siege sa desk nito. Maaring nasa loob pa ito at kausap si Siege. Akmang kakatok siya sa publisher’s office nang may marring siyang sigaw mula sa loob.

“You’re fired!”

Napaurong siya nang biglang bumukas ang pinto at bumuglaw ang luhaang sekretarya ni Siege. “Melissa, anong nangyari sa iyo?”

Tinakpan nito ang bibig at nagpatuloy sa pag-iyak. Sa halip na sagutin siya ay nagtatakbo ito palayo. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa papalayong si Melissa at sa nakasarang pinto ng publisher’s office kung saan naroon si Siege. Hindi siya makapag-desisyon kung susundan si Melissa o papasok sa opisina ni Siege. Pinili niya ang huli.

Nabungaran niya si Siege na nakakatang ang siko sa desk habang hawak ang ulo. Madilim ang mukha nito ang habang may kausap sa telepono.

“Send me a new secretary now, Pelaez,” anito sa manager ng Personnel Department. “And please send someone who will not fall in love me. If you have to hire a competitive male secretary, then do it. Kung kukuha ka na naman ng babaeng ipatatanggal ko rin sa huli, isusunod na kitang patalsikin sa kompanya. And I mean it!”

“Did I caught you in a bad time?” tanong niya matapos nitong pabagsak na ibaba ang telepono. “Babalik na lang ako mamaya kung gusto mo.”

Gulat nitong inangat ang tingin sa kanya at napangiti kahit na alanganin. Lumambot ang madilim nitong anyo. “N-No. Please take a seat. Pasensiya ka na kung naabutan mo na naman akong nagsisisigaw.”

Sa halip na umupo binuksan niya ang mini-ref nito at naglabas ng canned iced tea. Sanay na siya sa opisina nito dahil matagal na silang magkasama sa trabaho. Sa Torch Publication sila ni Brazile nag-on job training noong kolehiyo. Si Siege naman ay katatapos lang sa kolehiyo at nagtatrabaho bilang executive assistant sa ilalim ng pamamahala ng ama nitong si Oscar Matthews, ang pinalitan nitong publisher.

Kabisado na nila ang ugali ng isa’t isa. Kaya naman hindi na mahirap para sa kanya na pakisamahan ito kahit na mainit ang ulo. Ayon sa mga kasamahan niya, siya lang ang may kakayahang lumapit sa dragon kahit nagbubuga ng apoy.

“Wala ka na namang sekretarya?” Inilapag niya ang isang canned iced tea sa harap nito at umupo. “What is the problem this time?”

Hinawakan lang nito ang lata ng iced tea at tinitigan. “The same old story. She said she fell in love with me.”

Hindi na bago sa kanya na nagpapalit ito ng sekretarya buwan-buwan. Lagi na lang nahuhulog ang loob ng sekretarya nito dito at naiirita ito dahil wala nang ginawa ang mga ito kundi tumunganga at magpaganda. Mukhang nakakalimutan ang sarili dahil sa pag-ibig kay Siege Matthews.

“I told you, kailangan mong magpasensiya. Hindi mo naman mapipigilan kung sakaling ma-in love sila sa iyo. You are Siege Matthews. Gorgeous, rich, famous and single. It’s natural. Ano ang masama doon?”

Pinaikot nito ang daliri sa rim ng lata. “Walang masama. Dahil mas naiintindihan ko na ngayon na kasama iyon sa pagiging tao. Emotions. Pero hindi na maganda ang ginawa niya. Kanina, ipinakuha ko ang report na ipinagawa ko sa kanya. Sa halip na report ang ibigay sa akin, love letter ang ibinigay niya.”

“Confessing her undying love for you,” dugtong niya. “Well, I must admit that I admire her guts.”

“What am I going to do with her guts? Ka-istupidahan ang ginawa niya. Simula pa lang nilinaw ko na sa kanya na ayokong magkaroon ng sekretarya na mai-in love sa akin. Lest she’ll loose her job. Hindi na raw niya matagalang magtrabaho nang hindi niya nasasabi sa akin ang nararamdaman niya. So she told me.”

“And you kicked her out of the company because of that?”

“Alam mo kung ano ang pakiramdam ko kapag ang isang empleyado na malapit kong katrabaho ay in love sa akin. I feel uncomfortable.”

Nakagat niya ang labi at yumuko. Ayaw niyang makita nito ang paglungkot sa mga mata niya. “Ibig sabihin, ipapatanggal mo rin ako sa kompanya kapag na-in love ako sa iyo?”

Kahit ano pang pagpigil at pagtanggi niya sa sarili, hindi niya maipagkakailang mahal niya ito. Simula pa lang nang makita niya ito noong college siya, hindi na niya maialis ang mata dito.

Who can resist him? He was tall, around six feet. May pagka-mestizo at may light brown na mga mata dahil na rin sa lolo nitong isang American consulate na nakapag-asawa ng isang mayamang Filipina na may lahing Kastila. Kaya naman matangos ang ilong nito at mamula-mula ang balat. Bukod pa sa matalino ito at magaling na publisher. Marunong itong makisama sa mga tao.

Kaya naman wala na siyang kaibahan sa mga babaeng nagkakagusto dito. Maliban sa walang nakakaalam ng tunay niyang nararamdaman. Hindi niya maaring ipaalam dito dahil baka matulad lang siya sa kapalaran ng mga naging sekretarya nito.

“Maswerte ako kung ikaw ang mai-in love sa akin.”

Napatingin siya dito at nahuli niya ang pagsilay ng ngiti sa mga mata nito. “Hindi mo ako ipapatanggal sa trabaho?” gulat niyang tanong. “Pero empleyado mo rin naman ako at magkasama tayo sa trabaho.”

“Because you are special, Meredith,” anito sa sensuwal na boses habang nakatitig sa kanya. “Baka mag-propose pa ako ng kasal sa iyo ora mismo. Kailan mo kaya sasabihin sa akin na in love ka sa akin para naman hindi na ako kulitin ni Mama kung kailan ako mag-aasawa?”

Idinaan niya sa tawa ang pag-iinit ng kanyang mukha at ang malakas na kaba sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay nang binibiro nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.