ASLAN’S POV
“Kinakailangan mo bang umalis, Aslan?”
“Parang kapatid ko na si Aurora. Nag-iwan lamang ako sa kanya ng dugo na sapat lamang para sa isang buwan. Kailangan ko siyang puntahan.” Pagpapaliwabag ko.
“Pero nangako ka sa aking mananatili ka lang sa tabi ko,” naiiyak na sabi ni Zarina.
“Pupuntahan ko lamang si Aurora, pero hindi ako mananatili roon para kay Tyson,” pagpapaliwanag ko habang hinahawakan ko siya sa kanyang balikat.
“Paano kung pinilit ka niyang manatili doon?”
“Gagamitin ko ang locket para makapag-teleport pabalik dito,” nakangising sagot ko sa kanya.
“Hindi maganda ang pakiramdam ko tungko dito, Aslan…”
Damn! Ang babaeng tulad niya ay mapumilit at hindi gusting magpatalo. Hindi naman niya inaasahan na manatili ako dito tulad ng isang bilanggo, hindi ba?
Ang mukha niya ay nalungkot at sinabi niya sa mahinang boses, “Hindi ko kailanman ginusto na makaramdan ka ng ganyan, aking kapatid.”
Isang malalim na buntong hininga ang siyang pinakawalan ko. Heto ang problema kapag nakatira ka sa ilalim ng bahay kasama ang isang witch. Pinag-iisipan kong maigi ang mas mabuting paraan upang ipaliwang sa kanya ang damdamin na mayroon ako nang bigla siyang nagsalitang muli, “Alam mo ba kung bakit labis ang galit ko kay Tyson?”
Agad kong inilingon sa kanya ang ulo ka sa pagkabigla. Madalas kong sinusubukang alamin sa kanya ang patungkol doon pero ni minsan hindi niya ako binigyan ng sagot sa paksa na iyon.
Ang mga mata niya ay nakakasilaw, mas maliwanag pa ito sa nagbabagang uling, at ang mukha niya ay nagpinta ng matinding pagkamuhi. “Siya ang taong pumatay sa ating ina.
Pakiramdam ko ay tinamaan ako ng malakas na kidlat sa binitawan niyang salita. Napakaimposible nito!
Umiling ako at sinabing, “Nagbibiro ka lamang, hindi ba?”
“Tutal, makikipagkita ka na rin lamang kay Tyson, bakit hindi mo na lamang siya tanungin?” sabi niya saka na lamang nawala sa paningin ko.
Ang tagal na paulit-ulit na bumubulong sa tainga ko ang mga sinabi niya sa akin matapos niyang umalis. Kinakailangan kong makabalik sa palasyo sa lalong madaling panahon upang alamin ang katotohan tungkol sa aming ina.
‘***
Tila napakatahimik ng palasyo. Sinubukan kong pakinggan ang paligid pero ni isang tunog ng paghinga ay wala akong marinig. Lumipat kaya si Tyson sa ibang lokasyon?
Huminga ako ng malalim at humakbang ako patungo sa ligtas na parte ng lugar na ito at nakakagulat dahil hindi man lang ako pinigilan ng anumang harang na meron ang lugar.
Dalawang lalaki lamang ang siyang nagbabantay rito na nagging dahilan upang mapaisip ako kung lumipat ng aba si Tyson?”
“Pinuno,” bati nila sa akin at ang kanilang mga mata ay nagniningning nang may halong pag-asang nararamdaman.
“Nasaan na ang lahat?”
Nagtinginan sila sa bawat isa saka tumango at sinabing, “Lahat sila ay naatasan upang maghanap.”
Mukhang may itinatago sila mula sa akin. Ngunit hindi ko sila masisisi dahil isang buwan na din akong nawala. Tatanungin ko na lamang ng direkta si Tyson.
TYSON’S POV
Kumakabog ang aking ulo mula sa alak na ininom ko. Isang buwan na mula nang mawala si Aslan at Aurora. Nagpalaganap na din ako ng ekspidisyon sa paghahanap sa kanila sa lahat ng sulok ng mundo. At maski ako, personal ko rin silang hinanap sa iba’t ibang lugar. Halos itinaya ko na din ang pagpapalit anyo ko bilang isang dragon pero…
“Tyson, anong nangyari?” boses ni Aslan ang siyang narinig ko. Napatingala ako at pumikit ng ilang ulit.
Umiling ako at huminga ng malalim sabay iling. Maaaring ilusyon ko lamang iyon.
“Umalis ka! Kailangan ko ang tunay na kapatid ko at hindi ang kanyang walang kwentang ilusyon,” sigaw ko at hinagis ang mga nasa lamesa.
Ang mga bote ay nagsihulog sa sahig at nabasag habang ang basong gawa sa isang salamin ay gumulong patungo sa aking kapatid.
Isang mauyam na pagtawa nang makita kong tumalon mula sa bote si Aslan. Tila nagiging buhay ang mga ilusyon ko. Hindi na ako magugulat o magtataka kung balang araw bigla na lang lumitaw si Aurora sa harapan ko at halikan ako.
Isang malamig na tubig ang siyang tumapon sa aking mukha at nangapa agada ko ng hangin. Pinunasan ko ang aking mga mata saka tumingin sa aking kapatid na may hawak-hawak na baso ng tubig habang nakatayo sa aking harapan.
F***! Totoo nga siya! Nagbalik na nga si Aslan.
“Natutuwa akong bumalik ka na,” masayang sabi ko. Hahatakin ko na sana siya sa pagkakayakap nang bigla na lamang siyang umtaras.
Nagulat at natigilan ako ng sandali pero agad din akong bumalik sa aking sarili. Ngumiti ako sa kanya at sinabing, “Long time no see, kuya. Akala ko namatay ka na rin katulad lamang ng ating ina.
Umilab ang butas ng mga ilong niya at kita ko ang pagnginig ng kanyang katawan. Matindi galit ang siyang nakikita ko mula sa kaniya pero wala akong pakealam…
“Naparito ako para kay Aurora. Aalis din ako pagkatapos ng ilang oras lamang.”
Hindi na dapat ako magulat sa mga sinabi niya. Mas pinapakitaan niya pa ito ng pagmamahal kaysa sa akin.
“Tingin ko hindi posible iyan, kuya.”
“Tyson! Huwag mo na siyang pahirapan pa. Gusto ko lang siyang bigyan ng aking dugo. Huwag mong kakalimutan na kinakailangan mo siyang panatilihing buhay hanggang sa ipanganak niya ang inyong sanggol… kung hindi, mawawala sa’yo ang puso ng mga mahika.
Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa mga sinabi niya.
Nanigas ang kanyang mga kamao at nagsilabasan ang mga ugat niya sa kamay. Kahit gusto ko pang inisin siya ng lalo, pero nag-aalala din ako kay Aurora kaya naman sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat ng detalye tungkol sa pagkawala ni Aurora.
“Tyson, napaka-iresponsable mo para hindi man lang siya nasilip sa loob ng labing limang araw!”
Gusto ko sanang ipaliwanang na iyon ay dahil naging abala ako sa paghahanap sa kanya ngunit bigla ko na lang naalala ang naging asal niya kanina, hindi nga pala siya nagparito upang makipagkita sa akin.
“Kilala mo naman ako, kuya. Wala akong pakialam sa mga ganyang bagay,” sagot ko sabay hawak sa kanyang balikat at agad niya naman itong inalis.
Ang mga tao ko ay agad namang nag-report sa akin sa eksaktong oras na nag-uusap pa lamang kami, hindi ko iyon inaasahan buti na lang ay ipinatigil ko na ang paghahanap kay Aslan.
Ang mga mata ni Raina ay nagtungo agad kay Aslan ng ilang sandali lamang saka yumuko sa aking harapan, at sinabi, “Hindi kami pinalad na hanapin siya, kahit pa ngayon.”
“F***! Isnigugo mo lahat ng para lamang hanapin si aurora.” Sabi ni aslan nang may pagtataka sa kanyang mukha.
“Sa paanong paraan ko pa nga ba dapat gawin ang paghahanap sa puso ng mga mahika.”
“Sabagay, Bakit nga naman hahayaang ng isang Dakilang Haring Dragon mawala ang pagkakataon na maging mas makapangyarihan.”
May iba akong nararamdaman sa tono ng kanyang pananalita, tila ba napakaseryoso niya sa bawat katagang binitawan niya. Tatanungin ko n asana siya patungkol sa mga sinabi niya nang magsalita siya, “Bakit hindi mo tawagin ang ‘Code Red’?”
“Nababaliw ka na ba? Gusto mong tawagin ko ang ‘Code Red’ para sa mga kalaban na talo na…”
“May nakakalimutan ka atang isang bagay, Tyson. Si Caleb ang mate ni Aurora. Kayang-kaya niyang hanapin ang lokasyon sa amoy niya. Gayunpaman, nasa iyo ang desisyon…” sabi niya at naglakad palabas ng silid.