Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 20

CALEB’S POV

“Kailangan mo nang magmadaling magdesisyon, Caleb. Ang Dark Lord ay magiging mainipan na balang araw. At nag-iwan na siya ng paalala para sa’yo,” sabi ni Meridith pagkapasok niya habang may hawak na malaking kahon.

Kinuha ko mula sa kanya ang kahon saka ito kinuha at binuksan ngunit agad ko rin itong isinara nang makita ko ang nasa loob, at ang mga kamay ko ay nanginginig.

“Ano ang nasa loob ng kahon?” tanong ni Meridith., habang binubuksan ang takip ng kahon pero agad ko namang hinila ang kanyang kamay at umiling at bumulong sa kanya, “Vondur…”

“Hindi! Paano niya magagawa iyon?” sabi niya habang minamasahe ang kanyang ulo.

Huminga ako ng malalim saka sinabing, “Kilala siya sa kaniyang pagiging isang walang-awang tao…”

“Ibig sabihin ba niyan wala tayong pagpipilian sa sitwayong ito?”

“Huwag kang mag-alala, mag-iisip ako ng paraan…” paniniguro ko sa kanya ngunit sa totoo lamang, naipit na ako sa taong iyon, maliban na lang kung may mas makakabuting paraan na siyang darating sa akin.

“Alpha Caleb, uhmmm…”

“Sabihin mo na! Wala akong masyadong oras sa araw na ito,” sabi ko at tumngin ng patagilid sa gwuardyang nakatayo habang nakayuko sa akin.

“Uhmmm…”

“Gusto mo bang tahini ko ang mga bibig mo para ang tanging mabigkas mo lamang ay,’uhmmm’!” naiiritang tanong ko sa kanya.

“Naririto si Tyson at dala-dala niya ang bandila ng Code Red.” Pagbibigay alam niya.

Umiling ako at sinuguradong tama ako sa narinig ko, “Ano ang sinabi mo?”

“Si Tyson na hari ng mga dragon ay naririto kasama ang kapatid niyang sina Aslan at Zarina. At hawak-hawak nila ang bandila ng Code Red. Magbibigay alam ba tayo sa mga gwardya na puksahin sila?”

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Isa nga iyong magandang pagkakataon para patayin sila. Pero, ginagambala ako ng pagtataka ko kaya naman inatasan ko ang gwardya na papuntahin sila sa conference room at hintayin ako roon.

“Sa tingin mo ba isa itong patibong, Caleb?”

“Isang sagrado ang Code Red, Meridith. Ginagamit lamang ito sa tuwing mayroong emergency. Hindi dadalhin ni Tsyon ang buong angkan o pamilya niya ng ganun na lamang, maliban na lang kapag emergency ito. Tara, nang malaman natin.”

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba… Lahat ng pagtibok ng mula sa mga nasa paligid ay nagpapakita lamang na sila rin ay kinakabahan katulad ko.

Malalim na paghinga ang pinakawalan ko at pumasok ako sa loob kasama si Meridith.

“Mukhang desperado kayo upang gamitin ang code Red,” sabi ko nang may lakas na loob habang ngumingiti sa kanila.

“Kailangan naming ang tulong mo, Caleb,” sabi ni Aslan sa akin nang siya ay tumayo. Nanatili lamang si Tyson sa kanyang kinauupuan na may yabang sa ekspresyon ng kanyang mukha. Isang tipikal lamang na kagaya niya.

“Ano ang tumakbo sa isip niya para isiping tutulungan ko kayo matapos niyong was akin ang pack na mayroon ako. Hindi ba kayo natatakot na ipapatay ko kayong tatlo rito?” sagot ko.

“Caleb alam mong sagrado ang Code Red sa pagitang ng mga werewolves at mga dragon. Hindi mo gugustuhing sirain ito.”

Kumukulo ang dugo ko sa tono ng pananalita niya. Naglakad ako papalapit sa kanya at nais sanang hilain siya mula sa kanyang leeg nang may kung anong hindi nakikitang harang ang siyang humarang sa akin na naging dahilan ng pag-atras ko.

“Gumawa ako ng isang harang upang makaiwas sa anumang marahas na maaaring mangyari. Hindi ka makakapasok, maliban na lang kung ang puso mo ay dalisay.” Mahinang tugon ni Zarina at tumayo.

Hindi ko inaasahan na nakahanda silang nagpunta rito. Huminga ako ng malalim at sinabing,” Sabihin niyo muna ang problemang kinakaharap niyo? Pagkatapos, magdedesisyon ako kung nais kong mapabilang sa inyo.”

“Isang buwan ng nawawala si Aurora. Ginawa na namin ang lahat para hanapin siya pero hindi naming nagawa.”

Natulala ako ng ilang sandali sa impormasyong ibinahagi niya. Nawawala si Aurora ng ISANG BUWAN na?

Humakbang ako palapit at sinabing, “Paano ako makakatulong?” Hindi ko man lang napagtanto na nasa loob na ako ng harang. Kaya naman naupo na ako, na parang tila iyon ang aking pakay.

“Ikaw ang kanyang mate hindi ba? Hinihiling naming na tulungan mo kaming hanapin ang lokasyon niya.”

Sasabihin ko na sanang ni-reject ko na siya bilang isang mate ko pero mas pinili kong huwag na lamang sabihin. Isa itong magandang pagkakataon.

“Ano naman ang makukuha ko sa pagtulong ko sa inyo, Aslan?”

“Kung nagawa natin siyang iligtas, parehong angkan mula sa’yo at sa amin ang makikinbabang sa ‘Heart of Magic’ sa panahon na ipanganak niya ang sanggol,” sabi ni Tyson at siya ay lumapit.

Hmmmm…  kung ganun sinusubukan niya ba akong tuksuhin? Kung papasok man ako sa gulong ito, dapat lang na siguraduhin kong may mapapala ako rito.

“Kaya ko kayong tulungan pero sa isang kondisyon,”

“Huwag mong subukan ang pasensya namin, aso!” inis na sabi ni Aslan at mabilis na hinawakan ako mula sa aking leeg ngunit agad rin itong tumilapon palabas ng harang.

Tinitigan niya ako ng masama at sinakal si Meridith. Akmang tatayo na sana ako upang tulungan siya pero natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Tyson. “Aslan, pakawalan mo siya, tandaan mong hindi tayo naparito upang makipag-away,” sabi nito.

Pinakawalan niya si Meridith saka pumasok mula sa harang Kaya naman agad kong hinila si Meridith sa loob ng harang dahil ayaw kong ginagamitan ako ng maaaring maging kahinaan ko.

“Sabihin mon a sa amin ang iyong kondisyon, Caleb… Igagalang ko ito… kung hindi ito masyadong mapangahas…” sabi ni Tyson ng may malumanay na boses. Nakakapagtaka lang sa akin na kalmado parin siya kahit sa ganitong hirap ng sitwasyon. Maaaring dahil wala nga itong pakialam sa ibang bagay maliban sa Heart of Magic.

Lumunok ako at sinabing, “Ang tanging kondisyon ko ay ang panatilihin ang Code Red sa pagitan natin hangga’t hindi pa natin nakukuha ang Heart of Magic, tatapusin lamang natin ito sa oras na napasa atin na ito.”

Ang ekspresyon sa mukha ni Tyson ay nag-iba. Isang daang persyento akong nakakasiguro na tatanggi siya sa kondisyon ko pero nagulat ako nang sabihin niyang, “Mayroon na tayong kasunduan.”

Huminga ng malalim si Zarina at sinabing, “Kung ganun, hayaan niyo akong gawing sagrado ang naging kasunduan. Kung sino man sa inyo ang gustong umatras, ngayon na ang pagkakataon niyong gawin iyon. Sa oras na magawa ko ang spell, ang mga buhay natin ang siyang nakataya rito. Hindi natin maaaring saktan ang bawat isa hangga’t hindi natin nakukuha ang Heart of Magic.”

“Meridith… Kung hindi mo gustong…” nag-uumpisa pa lamang akong magsalita ng idampi niya sa mga labi ko ang kanyang daliri.

“May isang tao pa dapat na magprisinta mula sa ating angkan.”

“Tama siya… Dapat patas lamang tayo pagdating sa Code Red. Ang magiging parte ko ay ang maging gabay sa pagitan ng prosesong ito. Si Aslan at Tyson ang kakatawan sa pagitan ng mga dragon at samantalang si Caleb at Merisith naman sa kabilang panig, ang mga werewolves.” Sabi ni Zarina at ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Ang mga labi niya ay gumagalaw na tila isang mga bulaklak na inililipad ng hangin habang ibinubulong ng malakas ang spell. Isang malagintong ilaw ang siyang kumawala mula sa dulo ng kanyang mga daliri at tumama ito sa amin.

Nakaramdam ako ng isang bagay na siyang nagbubuklod sa pagitan naming apat. Hindi ito isang bagay na nakikita ng mga mata kundi bagay na nararamdaman mo. Ang sama ng loob at matinding galit na mayroon ako sa mga dragon ay tila Nawala.

Matapos naming pag-usapan ang mga plano namin ay agad namang nagteleport si Zarina at isinama ang dalawa pabalik sa kung saan dapat sila naroroon. Napaisip na lamang ako kung makakabuti din kaya kung hahanap ako ng witch para sa aming pangkat. Sa ginawa niyang pagteleport, siguradong malulutas nito ang mahabang oras ng pagpunta naming sa isang lugar.

“Hindi ba’t nireject mo bilang mate, si Aurora? Paano natin siya hahanapin?” ang pag-aalalang boses ni Meridith ang kumuha ng atensyon ko at agad akong tumingin sa kanya.

Tama siya sa dapat naming alalahanin. Sa panahon na malaman ng mga dragon na nagsinungaling ako, siguradong mamaliitin nila ako. Kinakailangan kong hanapin si Aurora…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.