Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 21

AURORA’S POV

Nangangapa ako ng hangin habang pinapakiramdam ang hangin na tumatama sa aking lalamunan. Sinusubukan kong sumipa at gumalaw pero ang katawan ko ay nanatiling nakalutang sa hangin.

Napakasakit ng ulo ko na halos hirap na hirap na akong mag-isip ni kahit ni isang bagay. Halos hinang-hina ang katawan ko sa kawalan nito ng lakas at tila ba tuyo na ang mga labi ko dahil sa dehydration.

Sa kabila nang paghihina ko, nakaramdam ako ng tulo ng tubig mula sa aking mga labi. Idinaan ko ang dila ko sa pagitan ng aking mga labi at agad na nilunok ang mga laway na namuo sa aking bibig na tila ba uhaw na uhaw.

Hindi ko alam kung anuman ang likidong iyon pero naging maayos ang pag-iisip ko. Nang unti-unti kong ibinukas ang aking mga mata, nakita ko agad si Logan na nakatayo mula sa aking harapan. Sinubukan kong ngumiti pero tila lahat na ata ng laman mula sa aking mukha ay hindi na makagalaw.

Ang mga mata niya aya agad namang tumingin sa paligid. At sa pagkakataon na sigurado na siyang mag-isa lamang siya, lumapit siya sa akin ng mabuti at ibinulong sa aking tainga, “Ang tanging paraan lamang para makatakas ka sa lugar na ito ay ang hanapin ang isang bagay na kumakatawan sa iyo.”

Sinusubukan ko pa lamang intindihin o unawain ang mga bagay na sinabi niya nang bigla ko na lamang siyang narinig na sumigaw. Bigla na lamang siyang napunta sa ere katulad ko. Ilang sandali lamang ay sumuka ito ng dugo saka tuluyang bumagsak sa lupa.

Labis ang pagtulo ng mga luha ko sa aking mga pisngi nang masilayan ko ang kawawang batang lalaki na tila ata wala nang hininga sa lupa.

  “Dapat lamang siyang parusahan. Huwag kang mag-alala, buhay pa siya.” Sabi ni Celeste at ngumiti ng tila mala demonyong mga ngiti habang humahakbang palapit sa akin.

Ang mga daliri niya ay gumalaw mula sa ere at ang mga salitang nasa isip ko lamang ay lumabas na sa aking bibig, “Bakit mo ito ginagawa?”

“Hmmm… dapat ko bang ikwento sa’yo ang buong kwento o hindi… Ngunit, upang masiyahan ka naman dahil mamamatay ka na ngayong gabi hayaan mong lunasan ko ang mga malalim na iniisip mo.”

Kinabahan agad ako nang marinig ko ang sinabi niya. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Ano naman sana ang magiging halaga ng pagkamatay ko sa kaniya?

“Ngayong gabi, gagawin ko ang isang rituwal upang buhayin ang Dark Queen. Isang daang taon na ang nakakalipas nang patyin siya ng Hari ng mg Dragon ngunit ang sanggol na nasa sinapupunan mo ang siyang magbabalik sa kanya sa mundong ito.”

Bumilis ang pagkabog ng puso ko at nakaramadam ako ng takot. Balak niyang patayin ang aking anak at wala akong magawa sa kalagayang mayroon ako ngayon. Ang tanging pag-asa ko lamang ay kung may taong darating upang iligtas ako.

Sinubukan kong magsalita upang umagaw ng ilang pang mga oras at pigilan siya sandal sa balak niyang gawin, “Talaga nga naming matindi ang away sa pagitan nila.”

Ang mga mata niya ay lumingon sa akin at sinabing, “Hindi sa ganun, labis na minahal ng dark Queen ang Hari ng mga Dragon, kaya naman hindi niya man lang nakita na magagawa siya nitong pagtaksilan.”

“Kung ganun magkasintahan ang dalawa?”

“Fie! Paano mo nasasabi iyan! Ang hari ng mga dragon ay ang kanyang anak.”

Halos hindi na ako makasagot dahil sa gulat. Ano na lamang sakit ang naramdaman niya nang malaman niyang papatayin siya ng sarili niyang anak?

“Maaaring kampon siya ng kadiliman pero bakit naman siya papatayin ng mismong sarili niyang anak?” sabi ko nang hindi man lang inisip kung ano ang katagang binitawan ko.

Agad na namang itinikom ni Celeste ang aking bibig upang hindi na ako makapagsalita pang muli.

“Noong una pa lamang, hindi na sana kita hinayaan pang magsalita,” naiinis na sabi niya at nagsimula na siyang sindihan ang mga kandila na nakapalibot sa akin.

Kung bakit ba tinangka ko pang tumakas sa Pearl Palace? Isa nga sigurong baliw si Tyson pero hindi niya gugustuhing ipagpalit ang buhay ko sa isa lamang voodoo queen. Tinuring ako ni Aslan na parang isang kapatid at si Caleb… Ang puso ko ay nasasakatan sa tuwing naiisip ko siya.

Sa kabila ng pag-aalala niya sa akin, ang tanging isinukli ko sa kanya ay ang pagtaksilan siya. Iyon nga siguro ang dahilan kaya napaparusahan ako ng ganito nagayon…

Aslan’s POV

“Maraming salamat sa pagsama sa amin, Zarina. Imposibleng magagawa namin kunin ang loob ng asong iyon na wala ang tulong mo.”

“Huwag kang masyadong mapangarap, Aslan… Ginawa ko iyon para sa Heart of Magic. At kung dumating ang pagkakataon upang mapasaakin iyon at nasa harapan ko na ito, hindi ko na hahayaang mawala ang pagkakataon kong iyon upang kunin ang bato.”

“Bakit nga ba gusto mo ang bagay na iyon?”

“Ipagpapatuloy ko ang inumpisahang misyon ng ating ina. Gusto niya na ang mga witch ang siyang maghari sa mundong ito. Magagawa na sana niya iyon kung hindi lamang siya pinatay ng walang utak na kapatid natin.”

Inis at galit ang siyang nangibabaw sa akin. Masyado nang naging matindi ang hangarin ni Tyson na pagharian ang mga dragon upang gawin iyon. Kailangan niya akong sagutin sa bagay na ito.

Nagamadali ako upang kumprontahin siya. Pero sa sandaling lapitan ko siya, ang galit na nararamdaman ko ay biglang nag-iba.

“Walang hiya itong kasunduang ito!” galit na bulong ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit pinili ni Zarina na pumagitan lamanag sa kasunduang iyon. Hindi niya gustong panghawakan ng kahit anong kapangyarihan ang nararamdaman niya.

“Tama lamang ang pagdating mo, kuya. Nahanap na ni Caleb ang lokasyon ni Aurora. Halika at samahan mo kami,” nakangiting sabi sa akin ni Tyson.

Habang hinihila ko ang isang upuan upang maupo, sinabi kong, “Kung ganun ano pang ginagawa natin dito? Hindi ba dapat umalis na tayo para hanapin siya?”

“Uhmmm… May problema tayo. Ang lugar kung nasaan si Aurora ay hindi totoo. Isa lamang itong gawa sa isang mahika.”

“Posible nga ba ang bagay na iyan?”

“Hindi ko man ginusto, pero oo… May daan para makapasok ako pero…”

“Pero ano?”

“Hindi ko alam kung paano tayo makakabalik…”

“Holy C***! Bakit tila ata isa itong pagpapakamatay na misyon?”

Dahan-dahan namang tumingin ng pailalim si Caleb at sinabing, “Dahil iyon ang totoo.”

Tumingin siya kay Tyson at sinabing, “Ang locket na ito ay kaya akong dalhin sa loob. Susubukan kong hanapin ang lokasyon niya at magahahanp ako ng paraang upang makabalik kami rito. Maaari akong magdala pa ng isang tao, sino sa inyo ang gustong sumama?”

“Ako ang sasama…” sagot ko nang walang pag-aalinlangan. Nasa gulong ito si Aurora nang dahil sa akin. At ang tanging bagay na magagawa ko ay ang iligtas siya.

“Hindi, Aslan, ikaw ang maiiwan dito at ako ang sasama…” diin ni Tyson sa akin at tumayo mula sa kinauupuan niya.

Iniisip ko kung bakit sa panahong ito, gusto niyang siya ag pumunta… nakapagtataka. Hindi niya kailanman itinaya ang buhay niya… kahit ni minsan… Hindi na ako nakipagtalo pa. Sa sitwasyong ito panalo na ako kapag nagawa nilang makabalik kasama si Auarora, at may pag-asa na akong makuha ang batong iyon. At kung nakulong man siya sa loob ng Realm na iyon, ay sawaka hinding-hindi ko na makikita ang pagmumukha ng lalaking pumatay sa aking ina.

Hinawakan ni Caleb ang kamay ni Tyson at sabay nilang ipinikit ang kanilang mga mata. Ang mga labi ni Caleb ay gumagalaw habang ibinubulong ang isang spell. Ang balahibo ko ay nagsitayuan at nanlabo ang paningin ko at ilang sanadali lamang ay hindi ko na sila makita. At doon ko napagtanto na hindi nanlabo ang mga paningin ko, kundi nawala sila sa paningin ko ng isang iglap.

“Nasaan sina Caleb at Tyson? Nabalitaan ko na nahanap na nila ang lokasyon ni Aurora,” sabi ni Zarina habang papasok ng silid.

“Pumunta na sila upang hanapin si Aurora.”

“At bakit hindi ka sumama sa kanila?”

“Isa lamang ang kayang dalhin ni Caleb sa lugar na iyon…”

“So nagpakatanga ka at hinayaang sumama sa kanya si Tyson! Hindi ba pwedeng mag-isip ka naman!” sigaw niya at agad na umalis palabas ng silid.

Nanatili akong nakatayo at balisa. Kahit anong pilit kung isipin kung bakita ganun na lamang ang galit ni Zarina ay hindi ko magawang tukuyin ang pinagmumulan ng kanyang galit.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.