Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 22

AURORA’S POV

Hindi ko kailanman nagawang isipin na haharap ako sa ganitong kamatayan kahit pa sa mga panahong nasa dilim ako; nakalutang sa ere, may mga nakapalibot ng kanidila sa akin at isang kakaibang amoy.

 Ang kamatayan ko ay kapalit ng pagkabuhay ng isang demonyo. Kawalan ng pag-asa ang siyang nangibabaw sa aking puso na halos wala na maski isang kititing na pag-asa akong maramdaman.

Nasa punto na ako na sumuko na lamang nang bigla na lamang nasa harapan ko na sina Caleb at Tyson, pero sigurado akong isa lamang iyong ilusyon. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

Maya’t maya pa ay may kung anong maligamgam na likido ang siyang tumutulo sa aking mukha. Agad na bumukas ang aking mga mata, inaasahan ko na nakahanap ng paraan si Logan upang iligtas ako.

Isang kulay tanso at kayumangging mga mata ang siyang bumungad sa paningin ko imbes na kulay asul. Bloody Hell! Totoo nga ang Tyson na nakita kko.

Hinaplos niya ang noo ko at mahinahong sinabi, “Akala ko nawala na kita at ang ating magiging anak.”

Agad naman na itinungo ko ang aking mga mata sa pintuan na labis ang pagkakaba. Ilang sandali lang at babalik na rin si Celeste. Kailangan kong ipaalam sa kanila ang paraan upang makatakas dito.

Malalim na paghinga ang siyang aking pinawalan at ginamit ko ang natitirang lakas ko upang tumingin sa kanila. Ginawa ko ang lahat ng aking makakakaya mula sa natitirang lakas ko upang makapagsalita. “Ang lugar na ito ay gawa sa isang mahika. Kung nakahanap kayo ng bagay na kumakatawan sa akin magagawa niyo akong ilbas dito.”

“Aalis na muna ako upang hanapin iyon. Dito ka na muna Tyson at bantayan mo si Aurora,” agad na sabi ni Caleb at nagmadali patungo sa pintuan bago ko pa man siya bigyan ng babala.

“Tyson, kailangan mon ang umalis… Ilang sandali lamang ay babalik na rito si Celeste…” bulong ko ng biglang nanlabo ang mga mata at unti-unti dumidilim ang paningin ko.

Nakaramdam na lamang ako ng isang mainit na pagdampi sa aking mga labi. At isang maligamgam ba likido ang dumaloy sa aking lalamunan at sabik na sabik ko itong nilunok. Ang masamang witched na iyon ay hindi man lang ako binigyan nang kahit anong inumin sa loob nitong limang huling mga araw.

Nilulunok ko nang mabilisan ang mga ito. Lasa itong kalawang at maalat pero wala na akong pakialam pa kung ano nga ba iyon. Sa bawat paglunok ko ay nabubuhayan ako ng lakas.

At sa mga ilan pang paglunok ko rito ay kahit papaano nagawa kong was akin ang spell na ginawa ni Celeste. Binuksan ko ang aking mga mata kasabay ng pagkabasak ko. Isang sigaw ang siyang kumawalaa mula sa aking bibig pero hindi man lang bumagsak ang aking katawan sa lupa. Dahil sinalo ako ni Tyson.

Habang punupunasan ng dila ko ang aking labi ay tinanong ko siya, “Ano ang pinainom mo sa akin?”

“Patawarin mo ako pero wala na akong ibang maisip at mapagkukunan,” sinabi niya at kita ko sa kaniya ang awkward na ekspresyon niya.

At doon ko na lamang napansin ang kulay pulang mantsa sa aking damit… “Ewww! Sabihin mo hindi mo ako pinainom ng…” ni hindi ko man lang magawang sabihin ang bagay na iyon.

“Patawarin mo ako kung ipinainom ko sa’yo ang aking dugo. Walang syringe sa lugar na ito…”

Tila ang pgsigaw ko ay nakanakaw pansin kay Celeste at bigla na lamang siyang tumambad mula sa harapan namin. Napaatras naman si Tyson dahil sa pagkagulat. Paniguradong bumagsak na siya kung hindi ko siya nasalo sa tamang oras.

Ang mga mat ani Celeste ay tila gulat na gulat pero bigla na lang itong nagpakawala ng mala-demonyong pagngisi. Ipinalakpak niya ang kanyang mga kamay sa tuwa at sinabi, “Well, mukhang maswerte ata ako ngayong araw, hindi ba? Ang dakilang hari ng mga dragon ay personal na nagparito!”

Agad namang akong hinarangan ni Tyson gamit ang kanyang kamay upang maprotektahan at galit. “Hayaan mo siyang sumama sa akin at papatawarin kita sa kasalanang ginawa mo,” sabi nito kay Celeste.

Napangisi si Celests sa kanya, “Ikaw lang ang siyang naglakas-loob na magyabang sa lugar na hindi mo naman pinamumunuan,” sabi niya.

Nagsimulang mamuo ang mga ugat mula sa noo ni Tyson habang tinitignan ng napakatalim si Celeste. Kibahan ako… May punto si Celeste. Nasa loob kami ng realm na siya ang may gawa. Hindi dapat kami basta-bastang umaasta ng hindi nag-iisip.

“Tyson…” bulong ko habang hinihila ang kanyang kamay. Ang mga mata ko ay agad na nagmamakaawa na pigilan niya ang kanyang galit.

“Tignan mo ang iyong sarili, Aurora. Wala kang pakinabang. Kung nabubuhay pa ang mga magulang mo siguradong ikakahiya ka nila lalo na kapag nakita nila nag kaduwagan mo.”

Alam ko namang sinusubukan lamang akong pukawin ni Celeste pero nagiging dahilan ito upang mangibabaw sa akin ang galit. At mas lalo na sa kondisyon ni Tyson. Rinig ko ang mga galit mula sa tunog ng nanggigigil niyang mga ngipin.

Patuloy sa panunuya si Celeste kay Tyson at sa akin pero mas minabuti kong maging kalmada lamang. Pero nakakagulat na hindi siya agad sinunggaban ni Tyson, pero ang mukha niya ay mas lalong nagpapakita ng galit sa bawat minutong lumilipas. Natatakot ako na baka hindi niya na mapigilan ang kanyang sarili kapag hindi pa tumigil si Celeste.

Malipas ang parang ilang taon na oras, bigla na lamang sumigaw si Celeste ng dahil sag alit at pagkairita, “Inaamin ko na may kaaya-aya kang pagpupumigil sa sarili ng higit pa sa inaakala ko…”

Bigla na lamang nagliwang ang kanyang mukha at ngumiti na tila ba panalo na siya, “Pero ikinalulungkot ko… wala nang silbi iyan sa akin…”

Nang wala man lang pagbabala bigla na lamang siya nagpakawala ng isang malaki at malakas na enerhiya upang lusubin si Tyson ngunit isa namang hindi makitang harang ang siyang tumapat sa amin.

Napatulala si Celeste at sinabi niya, “Paano mo iyan nagawa?”

Hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataon upang isipin kung paano ko iyon nagawa. Patuloy lang siya sa pag-atake gamit ang kanyang spell. Nagagawa kong harangan lahat ng mga pag-atake niya pero unti-unti na rin akong nakakaramdam ng pagkahina. At maaaring mapansin niya iyon. Ang lakas ng pag-atake niya ay mas lalong tumataas.

Kailangan ko nang mahanap ang bagay na iyon na siyang kamakatawan sa akin bago pa masira ang panangga ko. Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng silid. Ang lugar ay walamang laman maliban lamang sa mga lumang laruan na nilalaro ko noong bata pa lamang ako.

At sa dulo ng aking mga mata, nakita ko si Celeste na gumagawa ng isang meteor. At ang matindi pa noon, ahy halos gamitin niya ng ang sariling buhay na siyang nagiging daan upang lalo pa itong lumakas.

At isa lamang ang ibig sabihin n’on, nais niyang tuluyan na wasakain ang realm nito kasama kami at maski ang sarili.

“F***! Hindi,” sigaw ko at isang malakas na pagsabog ang siyang tumama sa harang na ginawa ko. Nasira ang harang at bigla na lamang akong nagpaikot-ikot na tumalsik sa pader. Tumama ang ulo ko sa pader at lahat ay naging Malabo hanggang sa tuluyan nang naging madilim ang lahat.

CALEB’S POV

Dahan-dahan akong pumasok sa bahay at hinahanap ang…Dang! Ni hindi ko alam kung ano a nga ba ang hinahanap ko.

Nagsisisi na ako na lumabas mula sa silid ng hindi man lang inalam ang mga iba pang impormasyon. Napabuntong hininga na lamang ako at niyugyog ang aking ulo sa katangahan ko. Ano na ang mangyayari ngayon? Hindi naman ako maaaring bumalik upang magtanong na parang isang tanga, maaari ko nga bang gawin iyon?

Natalo na ako sa laban… at hindi ko na hahayaan na pati ang dignidad ko ay mawala na rin sa akin… nagtungo ako sa isang dulong bahagi ng lugar at ipinikit ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim at hinahayaan ang kakaibang lakas ko sa pandama aamg damhin ang iba’t ibang klaseng amoy.

Bigla nalang nagsitayuan ang mga tainga ko nang makarinig ako ng napakahinang pag-ungol. Tila ang tunog ay nagmumula sa loob ng isang wardrobe. Gamit ang lakas ko bilang advantage, hinila ko agad ang pinto ng aparador at binuksan ito.

Isang paghinga ang kumawala sa bibig ko sa sandaling nakita ko ang isang batang lalaki na yakap- yakap ang sarili sa may dulo ng aprador.

“Shhh! Maririnig ka ng aking ina…” sabi nito at maingat na lumingon sa paligid. Hinila niya na lamang ako patungo sa isang kweba sa labas ng bahay.

Bigla na lamang siya naging kalmado nang makarating kami sa loob ng kweba at hinila ako upang tumabi sa kanya at maupo sa isang malaking bato.

“Paano ka nakapunta dito? Sa paningin ko hindi gumawa ng isang ilusyon mula sa’yo ang aking ina.” nagsimula niyang sabihin pero nag-iba na lamang ang kanyang ekspresyon. Napakagat siya sa kanyang dila at agad na tumalon palayo.

Tumingin siya nang may pagpapaumanhin sa kanyang mga mata at tumakbo sa loob ng kweba ng wala mang lang sinasabing salita.

“Hey! Sandali lamang, kailangan ko ang tulong mo,” sigaw ko at tumakbo ako upang habulin siya pero bigla na lamang siyang nawala sa paningin ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, lumingon ako pabalik sa pinanggalingan ko pero bigla na lang nawala ang daan. Bigla na lamang itong nawala katulad lamang ng batang iyon.

Nang wala nang iba pang pagpipilian, pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Alam ng Diyos kung gaano ako katagal sa patuloy na paglalakad. Nag-umpisa ng manakit ang aking mga binti pero tila walang katapusan ang dulo nito.

Pagod na pagoda ko na umupo sa sahig nang biglang nagbago ang hitsura ng lugar. Nang tumango ako ay biglang ulit naglaho ang ilan sa mga lugar. At doon ko napagtanto na ang tunay na modelo ng lugar ay nakikita mo lamang sa tuwing may isang taong nakaupo sa sahig.

Habang nauupo sa bato, isa-isa kong tinignan ang mga manika. Napakarami ng maga ito. Ang paningin ko ay nagsisimula nang magpa-ikot-ikot sa pagtitig lamang sa mga ito.

Maya’t maya pa ay bigla na lamang yumugyog ang lugar at ang mga manika ay isa-isang nagsisilaglagan sa sahig. Tumingin ako sa paligid ng may pangamba. Kailangan kong iligtas ang manikang kahawig ni Aurora. Hanggang sa nahanap ko na rin ito, isang simple, pero isang magandang modelo na hawig mismo ni Aurora. Tumalon ako sa may ere at winagayway ang aking kamay ng may biglang humila dito. May kung anong malamig na tumama sa aking kamay at lahat ay naging maadilim na.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.