ASLAN’S POV
“Dapat sumama ka na rin sa kanila. Paano ko na lamang malalaman kung nasaan na sila o kamusta na ba sila?” sabi ni Zarina ng may galit.
“Aking kapatid, hindi ba’t galit ka sa ating kapatid? Bakit bigla atang nag-aalala ka sa kanya?”
“Hindi ako nag-aalala sa kanya, damnit! Nag-aalala lang ako nab aka masira lahat ng mga plinano ko.”
May mga plinano na siya? Sa panahon ng pagtira ko kina Zarina, napansin ko na, na isa siyang tuso at malihim na tao. Kung gusto kong ibahagi niya sa akin ang mga sikreto niya, kailangan ko siyang mapaniwala na kakampi niya ako. Napag-aralan ko naman na kung paano ko kokontrolin ang mga reaksyon ko sa oras na nasa paligid niya ako.
“Pssst! Sasabihin ko ba sa iyo ang isang lihim”
Tingango ko ang aking ulo at tumingin ako sa kanya at inaasahang magsasalita na ito. Ang mga mata niya kumikinang ng nakakatuso na siyang dahilan ko upang umatras.
“Ngayon, makikita natin muli ang ating ina.”
“Ayos ka lang ba Zarina? Alam ko nangungulila ka sa ating ina, pero napakaimposibleng makita pa natin ang matagal nang patay nating ina. Walang magandang maidudulot sa’yo ang pagigi delusyunal mo.”
Tumawa siya ng mahina at snabi, “Pero makikita nating ang Dark Queen ngayong gabi. Gagawin ni Celeste ang ritwal at ibabalik siya sa kanyang pagkabuhay. Ang dugo ng babaeng iyon ay sapat na bilang sakripisyo upnag buhayin siya.”
“Kung gan’on lamang pala iyon kadali, bakit hindi mo na lang siya tinanong noong umpisa pa lamang?”
“Sinong nagsabi na ganun kadali ang spell? Nagsimula kaming ihanda lahat ng mga sangkap simula nang mamatay ang ating ina. Pero sa hindi inaasahan, lahat ng paghahanda naming ay walang ding naging kabuluhan. Tanging dugo niya lamang ang kailangan upang ibalik siya…”
Pakiramdam mayroong sumusuntok sa akin. Papatayin niya ang anake ni Aurora para lamang ibalik ang aming ina? Kamuntikan ko na siyang magawang sakatan nang hawakan ko siya sa balikat. Pero nagawa ko paaring pigilan ang aking sarili at sinabing, “Talaga bang makikita ko siya ngayong gabi?”
“Oo naman. May tiwala ako sa kakayahan ni Celeste. At magsasalo-salo tayo ngayong hapunan ng parang isang buong pamilya mulin.”
Ni minsan hindi ako nakaramdam ng ganito. Si Zarina ay nagplaplanong isakripisyo si Aurora at ang anak nito at wala man lang akong magawa tungkol dito. Hell! Ni hindi ko man lang alam kung paano ko sila babalaan. Ang isipin na hindi ko na kailanman makikita pa si Aurora at di ko masisilayan ang anak nito ay siyang nagpapahirap sa akin, nakakaramdam ako ng labis na lungkot, sa kabila non, nagawa ko ding bigyan siya ng aking dugo.
AURORA’S POV
Napaungol ako nang tumingin ako sa aking tabi. Sinubukan kong pilitin ibukas ang aking mga mata hangga’t kaya ko. At bigla na lamang nanlaki ang aking mga mata nang pakiramdam ko ay nakakakita ako ng isang dagat na halos wala itong katapusan…
At nang itinuon ko ang mga mata ko sa may buhangin nakita ko sina Caleb at Logan. Ang mga mukha nila ay namumula palapit sa akin. Napapahinto sila matapos ng ilan lamang mga hakbay, napapabuntong hininga saka ulit lalakad papalapit sa akin. Hindi ba’t nasa isa akong silid kung saan ginaganap ni Celeste ang kanyang ritwal?
Nagpakawala ako ng sobrang napakaliit na enerhiyasa paligid ko, sinusubukang alamin kung isa na naman bai tong ilusyon mula sa mahika ni Celeste. At nang masiguro kong totoo ang mga ito agad naman akong umpo at kumaway sa kanila
Nanliit ang mata ni Caleb mula sa malayo at huminto sandal saka nagmadaling tumakbo papalapit sa akin.
“Aurora… Salamat sa Diyos at ayos ka lang…” sabi nito at saka ako tinulungang tumayo. Natumba ako pero ang malalakas niyang braso ay agad akong nasalo bago pa man akong tulayang mahulog.
Nang kaya ko nang tumayo ay agad namang humakbang ulit si Caleb at tinulungan si Tyson na tumayo mula sa mga buhangin. Naiinis siya habang inaalis ang mga buhangin na mayroon sa kanyang mukha.
“Napakarumi mo na…” sabi ni Caleb saka naman ibinigay kay Tyson ang isag bote ng tubig. Iinom n asana si Tyson pero bigla na lamang itong lumipad sa ere at agad na inabot sa akin ang inumin.
Nanunuyo parin ang aking lalamunan at alam kong hindi parin magiging sapat sa akin ang isang bote ng tubig na iyon.
Tumingin ako kay Tyson, Caleb at Logan. Lahat sila ay mukhang nadedehydrate na. “Lahat tayo ay paghatian ang inuming ito… Nga pala, saan mo kinuha ang tubig na ito?”
“Nakita ko na natabunan na ng buhangin at agad ko itong pinulot,” sabi ni Caleb.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita kong si Tyson na nagmdaling agawin sa akin at agad itong itinapon. Tinignan niya ng masama si Caleb at nagalit, “Nababaliw ka na ba? Malay mo isa iyong lason!”
Damn! Kailangan ba talaga ng dalawang ito na mag-away sa gitna ng disyerto?”
“Patawad…mali ko iyon… nag-ingat sana ako bago nga-isip…” sagot ni Caleb at tumingin palayo.
Ang inaasahan ko ay isang matinding labanan. Kaya naman labis akong nagulat sa dalawa at nasabing, “Bakit hindi na kayo nagpapatayang dalawa?”
Ang mga kamay ni Tyson ay humawak sa magkabilang beywang niya saka inilibot ang kanyang mga mata sa malayo. Tila wala ata siyang gana na magsalita. At si Caleb ang siyang nagpaliwanag sa akin tungkol sa tinatawag nilang CODE RED upang iligtas lamang ako.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata at nakaramdam ako ng isang di maitindihang pagsakit ng aking puso. “Tyson…Caleb…Malaki ang utang na loob ko sa ginawa niyo para lamang iligtas ako at ang aking anak…at totoo iyon…”
Huminga ng malalim si Tyson at saka tumingin sa akin nang hindi maintindihang ekspresyon mula sa kanyang mukha, “Hindi mo na kailangan pang magpanggap Aurora. Malamang galit ka sa akin matapos nang lahat ng ginawa ko sa’yo.”
Inisip ko nang mabuti ang bagay na kakasabi niya lamang at sinagot siya sa katotohanang alam ko, “Oo, naiinis ako sa masamang pag-uugali mo pero hindi kita kinasusuklaman. At sa totoo lang, naiintindihan ko na kung bakit hindi niyo magawang pagkatiwaan ang isa’t isa ngayon…”
Itinango niya lamang ang kaniyang ulo saka nag-umpisang maglakad. At agad naman kaming sumunod sa kaniya nang mabilisan.
“Tyson! Kung magpapatuloy lamang tayong maglakad nang ganito hinding-hindi natin mapupuntahan ang palasyo.”
“May mas maganda ka bang ideya? Wala hindi ba… kaya maglakad ka na lamang…”
Agad naman akong huminto at sinabing, “Meron ng akong mas mabuting ideya…”
Bigla namang napahinto sina Tyson, Caleb at Logan at gad na tumingin sa akin.
“Maaaring maging dragon si Tyson at ilipad tayong lahat. Gustuhin ko mang gamitin ang mahika ko upang magteleport pero masiyado pa akong mahina upang dalhin kayong apat ng minsanan.
Tumingin sa aking si Tyson at nag-isip sandal saka naman tumango, pero ilang sandali lamang ay sinabi niyang, “Kaya kong pasanin ang batang iyan at ikaw pero hindi ko kailanman nais na isakay sa akin ang asing iyan…”
“Okay sige, isama mo ang batang ito pabalik ng palasyo at ako naman ay manantili sa tabi ni Caleb at kasama ko siyang babalik…” lakas-loob kong sinabi.
Hinawakan agad ako ni Caleb sa balikat at sinabing, “Huwag kang nagpapadalos-dalos, Aurora… Sumama ka na kay Tyson, ayos lamang ako.”
Nagalit ako at tinignan siya ng masama, “Hindi maaari. Nagpunta ka rito upang iligtas ako at hindi ko magagawang iwanan ka na lamang na nag-iisa rito.”
Nagpakawala ng buntong hininga si Tyson at sinabing, “Okay… sige na, panalo ka na… Isasakay ko din siya.”
Kinilabutan agad ako sa sandaling maalala ko ang huling araw na nakita ko siyang naging isang dragon. Hinawakan ko ang kamay ni Caleb at umatras sandali.
Ang mga mata ni Tyson ay biglang namula pero hindi ito umimik. Habang nagpapakawala ng malalim na paghinga ay itinaas niya ang kanyang mga kamay.
Napapaisip ako sa sandaling pinapanuod ko siya ang kaniyang katawan na unti-unting nagkakaron ng malagintong mga kaliskis at ang katawan niya ay bigla na lamang lumalaki, ang mga mata niya ay humaba maski na rin ang kanyang ilong at saka naglabas ng hangin mula sa kanyang ilong. Isang malaking mga pakpak ang pumalit sa kanyng mga kamay. At ang mga mata niya na lamang ang siyang tila konektado o pamilyar sa katauhan niya bilang isang tao.
Nakabukas parin ang aking bibig at nanatiling nakatuon ang mga mata ko sa dragon matapos niyang magpalit anyo. At hinding-hindi ko na titinignan si Tyson na katulad ng dati magpakailanman.
Bigla namang itinikom ni Caleb ang aking bibig at sinabing, “Hindi ganon kaganda ang hitsura niya…”
Naglakad ako ng kaunti papalapit sa dragon at sinugurado kung aatakihin niya ba kami…
“Kaya ko parin kontrolin ang aking sarili,” napatumba ako nang marinig ko ang boses ni Tyson. Kung hindi ako nasalo sa oras ni Caleb, malamang hinahalikan ko na nag mga buhangin.
“What the Holy F***! Nakakapagsalita ka… Ibig sabihin nakakapagsalita ka parin katulad ng boses mo bilang isang tao kahit pa sa ganitong hitsura mo!”
“Sumakay na kayo sa likod ko, bilisan ninyo bago pa magbago ang isip ko,” sabi nito at ibinaba ang katawan sa may lupa.
Tinulungan ako ni Caleb sa pag-akyat ko sa kanyang likod… Halos magulat din ako at agad na inayos ang posisyon ko matapos kong mahawakan ang isang malamig ngunit matigas na bagay.
Bigla namang natawa si Caleb at sinabing, “Hindi siya ganun kalambot hindi ba? Mapagkakatiwalaan mo ako kung gusto mo ng isang komportable na… Ahhhh!”
Napasigaw na lamang siya ng biglang lumipad si Tyson sa himpapawid. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa pero tila si Caleb lang ang siyang tumilapon sa ere. At sa sandaling iyon, nakita ko na lamang si Caleb na nakahawak sa pakpak ni Tyson at nililigtas ang sarili sa kamatayan.
Ni hindi man lang lang nagdahan-dahan si Tyson kundi ay lumipad pa siya ng mataas. Ang napakaginhawang mga hangin ang siyang tumatama sa aking mukha na nagawa kong makalimutan sandal si Caleb.
“Gusto mo ba akong mahulog at mamatay?” naiinis at galit na boses mula kay Caleb at ang tunog ng paglipad nang pakpak ni Tyson mula sa background ang siyang nagtuon sa akin upang tignan pabalik si Caleb.
“Patawad…” paghingi ko ng tawad at agad inabot ang kamay ko upang tulungan siya. Biglang nagdahan-dahan ang paglipad ni Tyson na tila ba nag-iingat siya upang hindi ako mahulog. Tila kinilig ako at bigla akong namula.
At nang makaakyat na ng magi si Caleb, bigla niya na lamang akong niyakap mula sa bewang. Isang tunog ng galit ang siyang pinakawalan ni Tyson ngunit hindi ito binigyang pansin ni Caleb at hindi ako bintawan.
Dahan-dahan ko namang hinawakan ang kanyang likod. Napakatigas nito at parang isang bato. Ilang sandal lang ay umusog ako paharap para tumingin sa ibaba.
“Wohooo!” sigaw ko habang pinagmamasdan ang mga nasa nasa ilalim namin. Mas masaya pa ito kumpara sa kahit anong roller coaster na nasubukan ko.
“Mag-ingat ka, Aurora, baka mahulog ka,” sabi ni Caleb nang bigla akong tumayo sa likuran ni Tyson.
“Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako hahayaang mahulog ni Tyson, hindi ba Tyson?” sabi ko sa matamis na boses.
Pakiramdam ko naririnig ko siyang tumatawa, pero hindi parin ako nakakasiguro doon. Ang tanging malinaw lang sa akin na narinig ko ay ang sinabi niyang, “Mag-enjoy ka lamang!”
Maya’t maya pa ay tumayo na rin si Logan at pareho kaming nakatayo habang winawagayway ang aming mga kamay. Ngunit, hindi man lang nagtiwala si Caleb tulad naming at nanatiling nakaupo.
Kung magdedesisyon man akong manatiling manirahan kina Tyson, iyon ay ang mag-saya sa pagsakay ko sa kanya.