ASLAN’S POV
“Cheers!” sabi ni Zarina habang inaangat ang kanyang baso. Kakaiba ang mood na kanyang pinapakita.
Nasasaktan ako sa tuwing nababanggit niya kung paanong paraan mamatay si Aurora. At sa bandang huli, hindi ko na kinaya pa at di ko na mapigilan at napatayo ako sa kinauupuan ko.
Halos kamuntikan ko na siyang mapagsabihan ng hindi maganda sa bagay na ginagawa niya, pero sa sandaling nagtaas ang kilay niya ay nagawa ko pang pigilan ang aking sarili. “Maglalakad-lakad na muna ako, Zarina, saka ako babalik,” pagpapaalam ko.
Tumingin siya sa akin ng may pagdududa pero wala siyang binibitawang salita. Kakabukas ko pa lamang ng pinto nang salubungin ako ng napakaliwanag na bagay at nakita ko ang isang malaking dragon na bumababa sa lupa. At higit pa doon ay may sakay-sakay itong mga tao sa likod nito?
Bigla akong natuwa at nagmadaling tumakbo papalapit sa kanila. At pagkalapit ko ay siya namang pagbalik ni Tyson sa anyong tao nito.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga sa sandaling makita ko si Aurora na nakatayo sa tabi ni Tyson. Agad ko naman siyang hinila upang yakapin at agad na sinabing, “Halos ilang beses na akong pinapatay sa pag-aalala na may masamang nangyari sa’yo. Huwag na huwag ka ng aalis nang hindi man lang nagpapaalam sa amin…”
“Tama na muna iyan… Siguradong pagod pa si Aurora… pumasok na lamang tayo…” ang pagod na pagod na boses ni Tyson ang siyang narinig ko mula sa aking likuran. Nagtaas ako ng kilay at napangiti habang hinihila palapit si Aurora.
“Aslan!” ang pagbabanta ni Tyson ay halos pinapangiti ako ng abot hanggang tainga. Sawakas, ngayon ay may isa na siyang taong inaalala ang kapakanan.
“Tama si Tyson. Napakalayo nan gaming nilakbay…” singit ni Caleb at hinila ako palayo kay Aurora.
Nakakatuwa! Ngayon, si Caleb at Tyson ay nasa iisang bangka. Hindi na ako makapaghintay na makita ang maaaring mangyari sa hinaharap.
Maya’t maya pay bigla akong nakaramdam na tila ba may nakatingin sa akin ng hindi maganda. F***! Nakalimutan ko ng apala ang tungkol kay Zarina.
“Nagawa niyong makatakas ng buhay, aking kapatid… Natutuwa akong makita kang muli, Auroa…Caleb! Natutuwa akong hindi kayo namatay… masisira lamang ang pangalan ko… At sino namang ang batang lalaking kasama niyo?” agad na sinabi ni Zarina bilang pagsalubong sa kanila.
Napailing ako at nagbuntong hininga ng malalim, sinong mag-aakala na kani-kanila lang ay pinagdiriwang niya lang ang pagkamatay ni Aurora?
Agad akong hinila ni Tyson sa isang sulok matapos pumasok ni Aurora at ng iba pa sa loob. Bigla na lamang naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mga mukha at napakagat sa ibabang bahagi ng kanyang labi, “Aslan, utusan moa gad ang mga tao natin na hanapin lahat ng taong nakakita sa pagiging dragon ko at agad silang papuntahin sa basement.
Kinabahan na ako at itinanong, “Ano ang balak mong gawin sa kanila?”
“Alam mo namang hindi tayo maaaring bigla-biglang magpalit anyo, maliban na lang kapag may mahikang nakapalibot sa atin… Wala ni isa ang dapat na mabuhay…” sabi nito saka umalis.
Hindi niya na kailangan pang sabihin sa akin na balak niyang patayin silang lahat. Gusto ko mang di bigyang pansin ang mga sinabi niya at umalis na lamang kasama si Zarina, pero nakataya din dito si Aurora.
Alam ng Diyos kung ano ang babalakin niyang gawin sa panahong hindi sinunod ang kanyang mga utos. At hinding hindi ako magtatangkang gumawa ng di maganda hangga’t nakataya dito si Aurora.
Umalis na ako upang gawin kung ano ang inutos sa akin habang nagpapakawala ng malalim na buntong hininga.
TYSON’S POV
Nakaupo lamang ako habang patuloy sa pag-iisip sa isang araw na nangyari sa amin. Halos sinira ko na lahat ng mga ipingako ko sa sarili na hinding-hindi ko gagawin. Huwag na huwag na sisirain Ang Kautusan ng mg Dragon ang siyang pinalaganap ko pero siya namang hindi ko sinunod, ang ipainom sa isang tao ang aking dugo.
*FLASHBACK*
Hinawakan ko nang napakahigpit ang isang kulay itim na bato mula sa aking kamay. At nanatili akong nakatago sa likod ng isang sofa. Isang matandang babae na nakilala ko sa palengke na hindi ako mahahanap ng anumang witch sa pamamagitan nito.
Pero hindi iyon pinatigil si tita Maple sa paghahanap sa akin. Bigla niya na lamang akong hinila mula sa likod ng sofa.
Tumawa siya, isang mala-demonyong tawa habang kinukuha mula sa akin ang batong hawak-hawak ko. “Aking isang napakakulit at pilyong bata… Ang batong ito ay maaari kang protektahan mula sa mga witch pero hindi sa akin… Konektado ka sa akin sa pagiging isang dugo natin…”
Matapos nun ay pinagpatuloy niya akong hilain at hinihigpitan ang pagkahawak niya sa kamay ko. Sinusubukan kong hilain ang kamay ko at nagmamakaawa, “Huwag tita! Parang-awa mo na… masakit po… lubuyan mo po ako kahit ngayon lang…”
Ang mga luha ay tumutulo mula sa aking mga mata sa pagmamakaawa at iyak ng iyak na lamang dahil iyon na lang ang tingin kong taning paraan pero ni hindi man lang siya naawa sa akin. Hinila niya ang kamay ko sa may bandang pulso at itinapat ito sa kanyang bibig, ata agad na kinagat at nagsimulang sipsipin ang aking dugo.
Kasunod no’n ay paghihirap at pagdurusa.
Agad ko namang iniling ang aking ulo upang alisin ang mga ala-alang iyon. Isa lamang iyong mga madilim na ala-ala na hindi ko na gusto pang balikan pa.
Pero iba iyong naramdam ko nang ipainom ko kay Aurora, hindi ako nakaramdam ng kahit anumang paghihirap o pagdurusa… Maaaring dahil sa ginusto kong inumin niya iyon.
“Tyson…” ang malambing na boses mula kay Aurora ang siyang nagbalik sa akin sa katinuan.
“Hmmm…” pag-iling ko at itinaas ang aking ulo upang tumingin sa kanya. Nakakamangha pa rin siyang tignan kahit pa sa suot niyang madungis na damit. Ang mga putik sa kanyang mga mukha ay tila gusto kong linisan gamit ang aking dila.
“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.
Tumingin ang kanyang mata paibaba at nahulog ang isang straw na tali ang siyang nahulog mula sa kanyang kamay. “Tyson… inisahan ako ni Celeste at pinaniwala na siya ang aking God Mother… At pinagsisisihan ko na umalis ako nang hindi nagpapaalam kahit kanino.”
“Nakuha ka sa isang bitag at nabigo… alam ko na iyon, nauunawaan ko… hindi mo kinakailangan na magpaliwanga pa sa akin dahil wala kang utang sa akin. Ipinunta ka dito nang sapilitan nang labag sa iyong kalooban. Natural lang na gusto mong tumakas…” sabi ko at saka siya hinawakan sa balikat.
“Gusto akong isakripisyo ni Celeste upang ibalik ang buhay ng Dark Queen…”
Tila huminto sa pagtibok ang puso ko sa sandaling ang mga salitang iyon ay kumawala sa kanyang bibig. Natatakot ako nab aka masakatan ko si Aurora dahil sa pagtindi ng taas ng antas ng galit at pagkatakot ko.
Agad na umalis ako na kasing bilis ng kidlat sa silid na iyon.
“Zarina! Zarina! Nasaan ka! Ngayon ka pa ba mawawala sa sandaling kailangan kita...” sigaw ko sa may pasilyo.
“Ano ang problema mo, aking kapatid?” Tila ata wala ka sa mood ngayon.” Rinig kong sabi ni Zarina.
“Sabihin mo sa akin… Posible bang mabuhay ang isa ng patay sa papamamagitan ng mahika?”
“The resurrection ritual! Isa iyong napakahirap na rituwal pero hindi iyon imposible. Kailangan ng matinding sakripisyo. Kaya naman, bihira lang itong nagagawa.”
“At anong sakripisyo ang tinutukoy mo rito?”
“Ang witch ay kailangang gawin ang rituwal at gumamit ng kadugo ng namatay bilang sakripsyo, sarili mang anak, apo o maski ang asawa nito…”
“Tila ata napakarami mong inpormasyon at alam tungkol sa bagay na ito! Wala ka naman sigurong itinatago mula sa akin, aking kapatid?” sabi ko habang tinitignan siya ng masama.
“Tyson, parang-awa mo… huwag ka na namang mag-umpisa diyan sa panghuhusga mo…” sabi sa akin ni Aslan habang papalapit sa akin.
Natutuwa ako na hindi masyadong nakialam pa si Aslan. Handa akong magparaya para sa aming munting kapatid hanggang sa makaalis siya.
“Kung gano’n tulungan mo akong alisin ang aking pangamba. Hanapin mo lahat ng impormasyon tungkol kay Celeste!”
Agad namang tumaas ng kilay nya at kita ko ang kanyang pagtataka, “Bakit pa kapatid? Hindi ba’t patay na siya?”
“Gawin mo na lamang kung ano ang sinasabi ko sa iyo, may dahilan ako.” Sabi ko at bumalik sa aking silid.
Hindi kailanman dapat mabuhay muli ang Dark Quenn. Kung ang tanging paraan ay ang patayin ko lahat ng mga taong konektado kay Celeste ay gagawin.