AURORA’S POV
Dumaing ako habang ang malamig na tubig ay dumadaloy sa buo kong katawan, at tila lahat ng pangamba ay inaalis nito sa akin. Inaalis nito lahat ng dumi sa aking katawan.
Pero sa malungkot na katotohanan, hindi nito maalis ang aking mga ala-ala. Lahat ng nangyari nitong nakaraang dalawang buwan ay nakatatak sa aking isipan ng napakalalim na kahit pa magakaroon ako ng Alzheimer hindi nito kayang alisin ang mga ala-alang iyon.
Itinaas ko ang mga kamay ko sa ere at saka bumuo nang mala buhawi sa aking paligid gamit ang mga tulo ng tubig. Kapareho lamang ito ng mga iniisip at mga emosyon ko nanagpapa-ikot-ikot sa aking isipan.
Kailangan ko nang magpahinga… Gusto kong magpunta sa isang walang taong lugar pero mas takot akong mapunta lalo sa mas matindi pang gulo. Bigla na lamang nagsibuhos ang mga tubig na nakapalibot sa akin ng mawala ang konsentrasyon ko.
Habang nagbibihis ako, nakarinig ako ng mga padyak ng paa sa labas ng aking silid. Salamat sa pagiging witch ko at naging matalas ang aking pandinig, naririnig ko ang mga pagpatay sa maraming tao.
“Huwag mo na lamang bigyang pansin ang katotohanan na mga daan-daang tao ang siyang pinapatay mula sa labas ng silid na ito. Wala akong naririnig… wala akong alam dito…” sabi ko sa aking sarili at saka nagtungo sa aking kama. Hindi ko na gusto pang magkaroon pa ng anumang koneksyon o masangkot pa sa bagay na ginagawa nila.
Pagkalipas ng sampung minute ay nagtago ako sa likdo ng pintuan at sinusubukang alamin ang nangyayari. Kinikilabutan akong pinapanuod ang mga kalalakihan, mga kababaihan at maski na rin ang iba pang mga bata pa lang na pinapaslang sa loob ng silid. Napapalibutan sila ng mga gwardya ni Tyson at nakatutok sa mga taong iyon ang kani-kanilang mga baril na hawak.
“Nakuha mo ba lahat-lahat, Aslan?” sabi ni Tyson nang siya ay dumating.
“Oo, aking panginoon. Sinugurado naming madadakip naming silang lahat,” sagot ni Aslan sa kanya.
“Fine! Patayin niyo na silang lahat.”
Napaatras ako nang marinig ko ang malamig niyang utos. For God’s sake, may mga bata rin doon. Paano ko magagawang tumayo na lamang dito at panuorin na lamang ang mga karumal dumal na pagpatay.
Agad akong pumasok sa silid at biglang sumigaw, “Nang iniligtas moa ko, akala ko nakakita na din ako sawakas ng kabutihan mula sa’yo. Akala ko mag pag-aalala ka sa iba pero nagkamali lamang pala ako… Isa ka lang ngang isang halimaw… Hindi ko alam kung anuman ang ginawa ng Dark Queen na iyon pero mas Malala pa ata ang ginawawa mo ngayon.!”
Isang matinding galit ang agad na naging ekspresyon sa mukha niya at saka ako sinakal at galit nag alit na sinabi, “Ang lakas ng loob mo para ikumpara mo ako sa kanya, Aurora. How dare you! Kung katulad man niya ako, hindi ka n asana dito nakatayo ng buhay, Aurora!”
Ang dulo ng aking mga mata ay gusto nang magpakawala ng mga luha ngunit pinipigalan ko ang mga ito. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at sinabi sa nanghihinang boses, “Mas gugustuhin ko na lamang mamatay kaysa makita ang napakaraming taong pinapatay na walang anumang rason.”
Kita ko ang sakit na pinapikita ng mga mata niya, ang ekspresyon niya ay biglang nagbago at dahan-dahan niya akong pinakawalan. Lumingon siyang muli kay Aslan at iniutos, “Dalhin mo siya paalis dito.”
Pagod na ako sa mga pagsunod sa mga utos niya. Agad ko namang inihagis si Aslan sa may pader… “Hindi mo pwedeng paalisin ako dito, Tyson… Hindi ako aalis dito maliban na lang kung ipapaliwang mo sa akin ang mga nangyayari…”
“Gusto mong patayin si Aslan? Sige, gaiwin mo, Aurora… hindi kita bibigyan ng kahit anumang sagot… Tignan lang natin kung ilang tao ang kaya mong iligtas gamit lamang ng iyong mahika.” Sabi ni Tyson at agad na hinila ang isang batang lalaki at itinaas eto sa ere habang sinasakal niya ito.
Ano bang ginagawa ko dito sa halimaw na ito? Kung mayroon lamang akong iba pang pagpipilian… sandali lamang… meron nga akong iba pang paraan… Hindi na ako isang mahinang nilalang.
Nagulantang si Aslan sa sandaling ihagis ko din si Tyson sa may pader at nanatili sila sa kanilang posisyon. Ang bata ay nakawala sa kanyang mga kamay at natumba sa sahig.
“Aurora, pakawalan moa ko, ngayon din,” pag-uutos ni Tyson pero wala ako sa mood para gawin iyon at pakawalan siya.
Nakaramdam na lamang ako ng kakaibang sensasyon mula sa aking binti at bigla na lamang akong hindi makahinga. Nahulog na lamang ako bigla sa sahig at ang kakaibang sensasyon na iyon ay nawala din matapos ng ilang sandali.
“Maraming Salamat, kapatid,” rinig kong sabi ni Aslan, at doon ko napagtanto na si Zarina ang siyang pumigil sa akin sa pamamagitan ng kanyang mahika.
“Ang munting babaeng ito ay lumalaking matapang. Ikulong niyo siya sa kanyang silid at siguraduhing niyong mgalagay ng harang upang hindi niya magamit ang kanyang mahika.”
Napaatras ako sa mga sinabi ni Tyson. Hindi… HINDI na ako papayag na ikulong nila ako nang hindi ko gusto. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinokus ko lahat ng enrhiyang mayroon ako saka agad na nagteleport.
ASLAN’S POV
Nagulat ako nang makita kong biglang naglaho sa harapan naming si Aurora na parang bula.
“Paano niya nagawa ang bagay na iyon? Kahit pa si Zarina ay hindi kayang gamitin ang kanyang mga mahika sa loob ng palasyong ito ng walang pahnitulot ni Tyson. Nakapaloob ang palasyong ito sa isang makpangyarihang mahika at gagana lamang ang mahika kung nanaiisin ni Tyson.
Napalunok si Tyson at sinabing, “Pinainom ko sa kanya ang aking dugo.”
Pakiramdam ko ay tinamaan ako ng napakalakas na kidlat sa sinabi ni Tyson, “Ano ulit ang ginawa mo?”
“Masyadon nang nanghihina si Aurora noong ara na iyon. Ginawa ko lamang ang paraan na alam ko upang iligtas siya,”
“Hell, Tyson. Naiintindihan mo ba ang magiging kahihinatnan ng mga sinabi mo. Palagay mo ba matutuwa si Aurora at papayag na gawin ang mga bagay na ito…” singit nio Zarina at hindi na mapakali, urong-sulong siya sa paglalakad.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Tyson at saka sinabi, “Kung ano man ang nangyari ay tapos na. Pag-isipan na lamang natin iyan mamaya…Sa ngayon, kailangan na muna natin siyang hanapin…”
“Damn! Tyson, sa susunod mapapatay na talaga kita kung nag-utos ka nang hindi kanais-nais at hindi mo pagpigil ng iyong galit nsa harapan ni Aurora nang hindi man lang nag-iingat. Hindi ba’t nahanap na natin siya at nagyon muli na naman natin siyang hahanapin!” naiinis na sabi ko at lumabas sa silid.
Sinabi ko kay Caleb na hanpin niya si Aurora at sinabi din sa mga gwardya na maging magpagmatyag.
“Ano bang ikinababahala mo? Hayaan mo na lamang si Aurora na mawala at mamatay… ano pa bang pakialam natin doon?” sabi ni Zarina at sa isinara ang pintuan.
“At bakit naman natin magagawang gawin iyon Zizi?”
“Bakit hindi? Minsan nagdududa na talaga ako sa’yo kung kakampi ng aba kita,” sabi ni Zarina at pinulipot ang kanyang mga kamay sa bandang dibdib niya at saka tumingin ng masama sa akin.
Pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa kanya at sinagot siya, “Huwag mo masiyadong pakaisipin iyan, aking kapatid… Gawin natin iyon, pero hintayin na muna natin na makuha ang Heart of magic. At maaari mo nang ibalik muli ang kadakilaan ng mga witches pagkatapos no’n.”
“Maganda ang naisip moa king kapatid! Hindi ko naisip ang bagay na iyan, ang gamitin siya upang makuha ang bato at saka patayin matapos ang ara na iyon.”
Knock! Knock! Knock!
Bigla akong nagulat nang may kumatok mula sa pintuan. At sa pagkatok niya ay alam na naming si Tyson iyon. Nagmadalin akong tumingin sa paligid at naghanap ng mapagtataguan at agad naman binuksan ni Zarina ang pintuan.
Namutla ang aking mukha. Nahihibang na ba siya? Sa sandaling makita kami ni Tyson na nasa loob ng saradong silid ay tiyak na mag-uumpisa na naman itong mag-isip ng hindi maganda. Pero agad na nagtaas ako ng kilay sa sandaling nakita ko si Zarina na hinila si Tyson paloob ng silid at agad na isinara ang pintuan. Nilagay niya ang kanyang hintuturo sa tapat ng kanyang labi bilang sinyales na manahimik kami at gawin ang plano.
Ibinukas niya ang isang mapa sa ibabaw ng lamesa at naglagay ng mga lupa galing sa tanim niyang bulaklak. Habang hinahaplos ang mga ito ng kanyang mga palad ay nakita naming ang mga ilang tulo ng dugo na pinapahid niya dito.
Seryoso siyang tumitig sa mga lupang nasa ibabaw nito at gumawa ng isang spell. Isang hindi kalakasan na hangin ang siyang naggalaw sa mga lupa at bumuo ito ng isang linya. Maya’t maya pa ay bumuo naman ito ng isang pabilog na guhit sa palibot ng isang tuldok.
Biglang napangiti si Zarina at saka sinabi, “Si Aurora ay nasa Typhoon Bar.”
“Paano mo naman iyan nalman?”
“Gumawa ako ng isang spell upang mahanap siya. At alam kong nasa isa siyang inuman. Pero ano naman ang ginagawa niya sa isang inuman na punong-puno ng mga dragon-shifters?... God knows!”
“Ang walang-isip na babaeng iyon! Maaaring nakalimutan niya ang lugar na nais niya sanang puntahan at nagpunta na lamang sa kunsaang lugar,” galit na sabi ni Tyson habang tumitigas ang kanyang mga kamao. Huminto muna siya ng mga ilang sandali saka sinabing, “Hindi makakabuti sa akin ang magpunta doon…ang lugar na iyon ay binibisitahan ng mga iba pang mga dragon-shifters at kailangan kong ingatan ang aking sarili bilang isang hari… Aslan… pumunta ko roon at ibalik mo rito si Aurora ng ligtas…”
Itinango ko ang aking ulo at saka ako lumabas. Nagtungo agada ko sa isang makintab na kotse at agad itong ipinaandar. Binilisan ko ang takobo ng aking sasakyan hangga’t marating ko ang lugar kung nasaan si Aurora.
Nagulat na lamang ako nang makita kong walang tao sa lugar sa oras na iyon. At nang nagtanong-tanong ako ay nalaman kong nagkaroon ng isang problema. Lahat ng mga dragon-shifters ay nasa likuran ng lugar at inaayos ang nasabing problema.
“God, please hindi sana sangkot dito si Aurora…” bulong ko at nagtungo agad sa likuran ng inuman.