AURORA’S POV
Nang nawala na ang aking pagkahilo, natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa isang madilim na lugar. Nakalimutan kong isiping mabuti ang lugar kung saan ko gusto mapunta. At ang naging resulta no’n ay napunta na lamang ako sa kung saang lugar.
Napakawala ako ng malalim na buntong hininga, at saka ako naglakad patungo sa lugar kung saan nanggagaling ang isang ilaw. Itinungo ako ng ilaw na iyon sa isang dalawang palapag na gusali. Ang malakas na sangsang na amoy ng alak ang siyang dahilan upang maisip kong nasa loob ako ng isang inuman. Nakakalungkot lamang dahil hindi ako umiinom.
Akmang aalis na sana ako pero isang nakakatindig-balahibo na pagsigaw ang siyang nagpahinto sa akin sa paglalakad. Naglakad ako papasok at isang batang lalaki na mga nasa dose anyos na taon ay pinagguguluhan at kinakawawa ng isang grupo na mga estranghero.
Ang mukha ng batang lalaki ay maputla at ang katawan nito ay nanginginig. Ang lalaking nasa gitna nila ay tumingin sa bata nang may halong pagkadiri dito at saka sinabi, “Ganyan ba dapat ang maging kilos ng isang tunay na lalaki? Kung may lalaking hahamon sa’yo ay dapat marunong kang lumaban pabalik. Sige na, labanan moa ko!”
Baliw na ba ang lalaking ito? Paaano naman mananalo ang isang munti at mahinang bata sa isang katulad niya na malaki ang pangagatawan?
Isa sa mga kalalakihan ay nagsimulang tumawa nang makita nila ang kawawang bata na umiiyak. Nanatiling bukas ang mga panga ko sa sandaling makita kong bumuo ang isang bolang apoy mula dulo ng mga daliri ng lalaki.
Ang bolang apoy na iyon ay agad na tumama sa braso ng batang lalaki at nagsimula itong magliyab. Patuloy sa pagsigaw at pag-iyak ang bata habang humihingi ng tulong, ngunit patuloy lamang ang mga ito sa pagtawa at pang-aasar sa kanya.
Hindi ko na kaya pang panuorin na lamang sila, agad naman akong gumawa ng isang umiikot na tubig sa ere at agad na pinatay ang nagliliyab na apoy mula sa braso ng bata. Agad-agad naman itong namatay.
Agad naman akong nagtungo papalapit sa kanila at saka tumayo sa harapan ng bata upang protektahan ito. “Kayo bang mga halimaw ay wala na ba kayong kahihiyan? Paano niyo nagagawang pahirapan ang isang batang katulad niya?”
Ang mga balahibo ko ay nagsitayuan sa sandaling ang mga mata ng lalaking nasa gitna ay nagtungo sa akin. Ang mga nakakakatindig-balahibo niya ay bahagyang nawala nang lumipat ang mga mata niya sa aking tiyan. “Pinapayuan na kita, mas makakabuti sa’yo kung umalis ka na sa lugar na ito at huwag na huwag ka ng babalik pang muli sa lugar na ito.”
“Oh sige, pero ang batang ito ay sasama sa akin,” galit na sabi ko saka naglakad palabas habang hila-hila ko ang kamay ng batang ito. Pero agad kaming hinarangan ng mga kalalakihang ito kaya naman hinila ko ang bata sa likurang daan.
“Sa tingin ko, mas mabuting iwan mo na lamang ako rito at umalis ka na lamang mag-isa…” sabi ng bata na naging dahilan ng paghinto ko.
“Bakit gusto mong manatili sa lugar na ito kung pinahhihirapan ka lang naman dito?”
Ang mga boses niya ay nanginginig sa sandaling sabihin niyang, “Maniwala ka sa akin, hindi mo gugustuhin na makaaway ang tito ko.”
Ibinuka ko ang aking bibig upang magsalita ngunit sa dulo nang aking mga mata ay nakita ko ang mga nasa limangpung mga kalalakihan na papalapit sa akin. Ang pagkabahala ay agad ko nang naramdaman. Napaka-imposibleng magagawa ko silang puksahin ng minsanan sa dami ng bilang nila, pero magagawa ko kaya?
Hindi ko iyon malalaman kung hindi ko susubukan. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka ko kinuha ang lahat ng aking lakas na natitira. Isang malakas na kapangyarihan ang kumawala mula sa aking mga kamay at hinayaan ko itong tumama sa mga kalalakiha.
Lahat ng mga kalalakihan ay nagsiliparan mula sa daraanan naming ngunit isa sa kanila ay nanatiling nakatayo. Ang mahika ko ay tila walang epekto sa kanya. Agad niya naman akong hinila sa aking balikat at saka bumulong, “Umalis ka n asana noong may pagkakataon ka pa. Hindi naming pwedeng hayaang mabuhay ang isang makapangyarihan na witch na katulad mo… Patawid, aking mahal…”
Sinubukan kong umatake sa kanya ng paulit-ulit ngunit hindi ko magawang makawala sa kanya. Sinubukan ko ring mag-teleport ngunit tila ang mahika ko ay iniwan na akong mag-isa. Ano ang ginawa niya?!
ASLAN’S POV
Matindi ang pagkagulat ko nang makita kong sakal-sakal ni Jack si Aurora. Nagpapakahirap ito sa pagsubok na magamit ang kanyang mahika pero hindi niya magawa. Nanlaki na lamang sa takot ang mga mata ko sa sandaling makita kong may isang iniksyon na itinusok sa kanyang braso.
Tumingin ako sa paligid na walang mahihingan ng tulong. Hindi possible na magagawa kong labanan ang mga nasa labinglimapung mga dragon-shifters na ito ng sabay-sabay. At kahit pa subukan ko pa, masisira ko ang batas na huwag susubuking atakihin ang myembro mula sa council members.
Isa lamang ang paraan upang mailigtas ko si Aurora. At tiyak mag-iinita ang dugo ni Tyson kapag nalaman niya ito pero wala na akong mapagpipilian pa. Ang iniksyon na iyon ay kailangan maalis mula sa kanya sa lalong madaling panahon.
“Jack, pakawalan mo siya, ngayon din,” pag-uutos ko at saka lumapit sa kanila.
“Lord Aslan,” pagbabati niya ng may respeto. Ang mga kalalakihan ay iniyuko ang kanilang mga ulo sa akin at saka ulit itinaas ang mga ito pagkatapos.
“Ang hindi ba pagsunod sa utos ng hari ay bago mong pamantayan?” sabi ko at tinignan siya ng masama.
Agad niya namang pinakawalan si Aurora at nagsimulang magalit, “Hindi moa lam kung ano ang ginawa niya…”
Agad akong lumapit kay Aurora at saka inalis mula sa braso niya ang iniksyon. Ngumiwi siya ng bahagya sa sandaling magawa ko nang alisin ito ng tuluyan.
“Ano ang bagay na iyan, Aslan?” tanong niya habang hinahaplos ang braso niya. Mas naging agrisibo ang mga kalalakihan at nagsimula ang mga itong mag-protesta at nagsisisigaw.
“Panginoon, bakit mo ginawa iyon? Isa siyang makapangyarihan na witch. Kailangan niyang mamata.”
“Tama, iyon lamang ang nararapat na parusa para sa kanya.”
“Nakita niyo ba kung paano siya naging mapagmataas? Napakalakas ng loob niya upang tawagin lamang sa pangalan ang ating Panginoong Aslan!”
Itinaas ko ang aking kamay upang patigilin sila at saka sinabing, “Total nandirito na rin lamang ako, hayaan niyo akong ayusin ang problemang ito.”
Nang naging tahimik ang karamihan, agad kong tinanong si Aurora upang ipaliwanag ang buong nangyari. Buti na lamang at hindi si Tyson ang nandirito ngayon. Siguradong papatayin niya lamang silang lahat sa pagpapahirap nila sa batang iyon.
“Hindi ko inaakalang lalabagin ni Aurora ang patakaran rito. Ginamit niya lamang ang kanyang kapangyarihan sa bagay na alam niyang mali.”
“What the hell! Aslan! Sino ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihan upang mangialam sa pagitan ng mga dragon? Kailangan niyang mamatay!”
Ang tunog mula sa mga pagsigaw nila na, “Patayin siya! Patayin siya! Patayin siya!” ay patuloy na umaalingawngaw sa aking mga tainga.
Kailangan kong gumawa ng kadramahan upang mapahinto sila sa gusto nilang gawin. Siguradong papatayin ako ni Aurora at Tyson pagkatapos ng gagawin kong ito.
Lumuhod ako sa harapan ni Aurora at inilagay ang aking kanang kamay sa tapat ng aking puso at saka itinanong sa kanya, “Sa anong paraan mo sila gustong parusahan sa kanilang hindi magalang nap ag-uugali, Queen Aurora?”
Sa sandaling bitawan ko ang mga salitang iyon ay isang ingay ang siyang namuo mula sa kalalakihan. Agad na naglakad palapit si Jack at nanginginig ang kanyang boses at saka itinanong, “Ano ang sinabi mo?
“Si Aurora ay Reyna ng mga Typhoon! Ibinahagi ni Tyson sa kanya ang kanyang dugo!”
Ang mukha ni Jack ay agad na namutla ng mas maputla pa sa multo at saka agad na lumuhod. Ang mga kalalakihan ay sumunod at lumuhod.
Hinamapas ni Aurora ang aking kamay at agad na sinabi, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
Hindi ko binigyang pansin ang kanyang tanong at saka tumayo. Mas mainam ng umalis bago pa sila makaramdam ng pagdududa at magsimulang kalabanin kami. Naglakas ako palapit sa kanya saka bumulong sa kanyang taninga, “Anon ang nararamdaman mo ngayon? Sa tingin mo ba, magagawa mong alisin tayo sa lugar kung saan tayo mas ligtas?”
Tinango niya ang kanyang ulo at saka agad na hinawakan ang aking kamay. Sumakit ang aking ulo at nilamon kami ng isang vertex at ilang sandali lamang ay napunta kami sa isang maliit na apartment.
Huminga ako ng malalim at agad akong naupo sa isang sofa at saka napasigaw, “Kamuntikan na tayo do’n”
Nang itaas ko ang aking ulo ay nakita ko si Aurora na nakahawak sa kanyang binti at hinihingal. F***! Ngayon naman ay kailangan kong ipaliwanag sa kanya lahat.