Aurora and The Heart of Magic (Tagalog) Chapter 27

AURORA’S POV

Taas-baba akong tumitingin sa paligid ng silid, habang ang mga kamay ko ay namimilipit at nakatingin ako ng masama kay Aslan. Ang baliw na ito ay kakasabi lamang sa lahat na ako ang reyna ng mga dragon… Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?

“Pwede ba maghinay-hinay ka na muna?... ang ulo ko ay nagsisimula nang sumakit…” sabi nito habang minamasahe ang kanyang ulo.

Tumayo ako sa kanyang harapan at sa sinabi sa galit na tono, “Dapat lang iyan sayo! Kung hindi mo lamang ako iniligtas doon ay gagamitin ko sayo ang aking mahika at gagawin kang isang daga at saka kita ilalagay sa isa sa mga kahong nakuha natin…Alam mo na, iyong bagay kung saan patuloy sa pagtakbo ang isang daga…”

“Huminahon ka muna munting witch… Sinabi ko lamang ang katotohanan…” namutla ang kanyang mukha at sandaling huminto sa pagsasalita.

“Ano ang sinabi mo?”

“Uhmmm… wala…” sabi niya at saka tumingin palayo.

May itinatago siya sa akin, kaya naman binalak kong sabihin nioya ang mga iyon. Ginamit ko ang aking kapangyarihan saka siya inihagis sa may pader, “Magsimula ka nang magsalita, Aslan, o kakalimutan ko na itinuring kitang kuya ko…”

“Okay…sige…sige…pero ibaba mo muna ako…”

Pinakawalan ko siya pero hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kanya, sinisigurado ko lamang kung sakaling…

“Noong araw na ipinaimon sa’yo ni Tyson ang kanyang dugo ay ang araw na naging ganap ka niyang mate.”

“Hinihilo moa ko… Nagawa mong ipainom din sa akin ang iyong dugo ngunit walang kahit anong koneksyon ang nangyari sa pagitan nating dalawa, hindi ba…”

Biglang namutla ang ang mukha ni Aslan. Tumingin siya pailalim at saka ipinaliwanag, “Iba iyon Aurora…Sa panahong ang isang dragon-shifter ay inalay ang kanyang dugo sa isang babae… Uhmmm… ibig sabihin no’n ay, you made love… at sa sandaling tanggapin ito nang babae ay itinuturing iyon na kayo ay opisyal na mag-asawa.”

Sa oras na iyon, ako naman ang dapat makaramdam ng pagkahiya, “Hindi ko alam ang tungkol dito Aslan… Wala akong malay noong oras na iyon…paano naman iyon naging isang ganap na pagtanggap ko?”

Bago pa man siya makasagot bigla na lamang sumulpot sa harapan naming sina Tyson, Caleb at Zarina.

Agad naman nalumipad si Tyson patungo kay Aslan at agad itong sinakal. Ang mga mata niya ay nagalit at saka sinabing, “Maryoon ka bang ideya sa kung anong ginawa mo, Aslan! Idinagdag mo lang ang pangalan niya sa listahan ng aking mga kalaban. Papatayin kita sa ginawa mong ito!”

Alam ko galit din ako kay Aslan pero hindi ibig sabihin no’n ay gusto ko siyang mamatay o maparusahan. Hinala ko ang kamay ni Tyson at sinabing, “Ginawa niya lang iyon para iligtas ako, Tyson…”

“Dapat hiningi niya na muna ang permisyo ko…”

Umiling ako at naiinis na sinabi, “Bakit hindi mo din hiningi ang permisyo ko bago mo ipainom sa akin ang iyog dugo?”

Umikot siya upang tumingin sa akin, sinubukan niyang magsalita pero wala ni anong lumabas sa bibig niya ng ibuka niya iyon. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga saka pinakawalan si Aslan.

“Huwag kang mag-alala, Tyson. Gagawin naming lahat upang protektahan siya at ang kanyang dinadala,” bulong ni Aslan habang hinahaplos ang kanyang leeg na syang sinakal ni Tyson.

“Kaya naming protektahan si Aurora mula sa mga kalaban pero sino ang makakaprotekta sa kanya laban sa mismong sarili niya? Gustong-gusto niyang magteleport sa mga napakagandang lugar sa mundong ito?” sabi ni Caleb at saka kumaway sa akin.

Namutla naman ang mga pisngi ko at agad akong tumingin paibaba. Tama siya. Pero lagi na lang akong napupunta sa mga maling lugar.

“Sa palagay ko mas makakabuti kong bigyan natin siya ng isang kwintas na nalagyan ng mahika, para sa gan’on hindi niya magagawang gamitin ang kanyang kapangyarihan.”

Bigla na lamang akong kinabahan sa sandaling sabihin iyon ni Aslan. Binabalak ko pa lamang umapila laban sa sinabi niya nang biglang ipinatong ni Zarina ang kanyang mga kamay sa aking mga balikat at saka sinabing, “Hindi na kailangan… tuturuan ko siyang gamitin ang kanyang kapangyarihan ng wasto.”

Agad naman akong pumayag. Mas mabuti na iyon kaysa sa hindi ko na maaaring gamitin ang aking kakayahan. Ayaw ko ng maging isang walang laban na babae pang muli.

Bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkahilo at ang mga paningin ko ay unti-unting lumabo. Mawawalan n asana akong ng malay ng may isang pares ng kamay ang siyang sumalo sa akin. Sa pagiging malapit sa akin ni Caleb ay nagagawa ko pang magkaroon ng lakas.

“Damn! Nakalimutan ko na ng apala ang tungkol dito. Tinurukan siya ng amethyst ni Jack kanina,” rinig kong sabi ni Aslan sa nanginginig na boses at unti-unti kong nararamdaman ang pagkawala ko ng malay pero nagagawa ko pa ding ibukas ang aking mga mata.

Matapos ng ilang sandali, nagawa ko pa ding kumuha ng lakas upang tumayo. Itinaas ko ang aking ulo at saka tumingin kay Tyson. Ang mukha niyang kayang itago ang kanyang nararamdaman ay hindi man lang ako binigyan ng kahit anong pahiwatig kung ano ba ang kanyang nararamdan. Nakatitig lang siya sa sugat na mayroon siya na siyang unti-unting gumagaling.

Hinaplos ng mga daliri ko ang nag-ibang anyong mga peklat niya. Nagulat na lamang ako nang makita ko ang mga iba’t ibang marka mula sa bandang pulso ng kanyang kamay. Tila nawawala rin ito makalipas lang ng ilang mga Segundo pero ang mga bakas nito ay nanatili pa ring andoon, “Paano ka nakakuha ng mga sugat mo?”

Agad niya namang ibinaba ang mahabang manggas ng kanyang damit at agad na iniba ang usapan. “Ano ang balak niyong gawin natin sa problemang ito? Kung sinabi ko sa lahat ng mga dragon-shifters na ang ibinigay ni Aslan na impormasyon ay hindi totoo, siguradong magpupumilit sila na parusahan ko si Aslan…”

Hindi naman ako tipo ng taong walang pakialam. Hindi ko hahayaang parusahan nila si Aslan. Kaya naman sinabi kong, “Ayo slang, hayaan mon a lamang silang paniwalaan kung ano man ang gusto nila… Alam naman natin ang katotohanan, hindi ba...”

“Hindi iyon ang punto ko, Aurora. Kahit pa ipahayag ko ang balita, ang mga kasama namin at ilan sa mga tauhan namin ay paniguradong aalamin ang katotohanan. Kailangan nating magpanggap na tayo ay totoong magkasintahan…”

“Ayos lamang iyon sa akin, Tyson. Hindi niyo na heto kailangang gawin. Ayo slang kung sasabihin mo sa kanila ang katotohanan…”

Inalala ko lahat ng kabaitan na ibingay sa akin Aslan. At kahit pa ngayon, pinahayag niya ang balitang iyon para lamang mailigtas ako. At patas lamang kung ibabalik ko sa kanya ang mga nagawa niya para sa akin.

“Aslan, utang na loob namin to sa’yo. Isa lang naman iyong pagpapanggap, hayaan mo na lamang kaming gawin iyon,” sabi ko nang may nanghihinang mga ngiti.

Hinawakan naman ni Tyson ang balikat ko, nagliwanag ang kanyang mata ng napakaseryoso at itinanong sa akin, “Sigurado ka na ba diyan? Hindi na ito laro lamang, Aurora, sa totoong buhay na ito. Mananatili ka sa tabi ko hanggang sa makahanap tayo ng paraan, at kung sinumpong ka man, iyon ang bagay na hindi mo pwedeng gawin.”

Huminga ako ng malalim saka tumango. Matagal na akong naipit sa sitwasyon na ito at alam ng diyos lahat ng iyon… Hindi naman siguro makakasakit sa akin ang isang pangpapanggap lamang, hindi ba?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.