TYSON’S POV
Nakasanayan ko na mag-imahinasyon ng mga eksenang maaaring mangyari at saka nag-iisip ng mga paghahanda sa posibleng kakaharapin na problema.
Hindi ko naman intensiyon pero nangyayari na, nag-uumpisa na akong mag-alala kay Aurora at sa aming magiging anak. At kinikilabutan na ako sa nararamdamang kong ito.
Matapos naming makabalik sa Pearl Palace, agad ko namang binuhat sa mga kamay ko si Aurora at dahan-dahan ko siyang dinala sa aking kwarto. Sa mga panahong may nakikita akong tao, niyuyuko ko agad ang aking ulo na tila ba mayroon akong ibinubulong sa tainga ni Aurora.
Rinig na rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso at ng bawat paghinga niya. Agad namang napangiti ang aking labi na makita ko siyang naaapektuhan dahil masyado akong malapit sa kanya.
At nang sandaling isarado ko ang pintuan ng kwarto agad naman siyang nagsalita, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ba’t dapat nagpapanggap lamang tayo?”
Napakagat na lamang ako mula sa loob ng aking psingi at pilit na tinatago ang anumang ekspresyon sa aking mukha at saka sinabi, “Hindi bai to mukhang pagpapanggap lamang?”
Agad naman siyang nagalit at saka naiinis na sinabing, “Pwede bang ipaalam mo naman sa akin?”
“Hindi ko naman obligado iyon… pero susubukan ko…” sabi ko sabay ngiti.
Huminga na lamang siya ng malalim saka lumundag sa ibabaw ng kama. Narinig ko na siyang bumubulong sa sarili, “Alam ng Diyos kung bakit ko ginustong maipit sa pig-head na taong ito.”
Napatawa naman ako ng napakahina sa paraang kaya ko. Siya lang ang kakaisang tao ang kayang tawagin ang isang hari ng mga dragon na pig-head.
“Hahalika kita,” agad kong sabi.
Nanlaki agad ang kanyang mga mata at nanatiling nakatingin sa akin na para bang sa tingin niya ay tinubuan na ako ng sungay. Mali ban a halikan niya ako?
Umupo ako sa tabi niya, hinawakan siya sa pisngi, at saka ibinaba ko ng bahagya ang aking ulo at inilapit sa kanya at halos magkadikit na ang aming mga labi. Bumuka ang kanyang mga bibig at tila ba nawawala na ako sa sarili.
Sinubukan kong lahat para pigilan ang aking sarili para lumayo. Napalunok naman ako at saka sinabing, “Pinapakita ko lamang sa’yo kung paano kita babalaan sa susunod.”
“IKAW TALAGA!” sigaw niya at saka nanigas ang kanyang mga kamao at tumingin ng masama sa akin.
Tila ata naging mas maganda ang kwartong ito kapag mayroong ganitong klaseng aliwan.
“At dahil nagawa mo akong isahan, you owe me one.”
“Pasensya na, pero paano kita naisahan?” sabi ko at pinulipot ang aking mga kamay.
Namula ang kanyang mukhha at saka sinabi sa nauutal na boses, “Hindi ko alam, pero, you owe me one.”
Napatawa ako sa ekspresyon ng mukha niya na tila ba pinahirapan ko siya, at saka tinanong, “Ano ang gusto mo?”
“Ahem… may gusto akong itanong…”
Ibinaba niya ang kanyang tingin at saka hinaplos ang kanyang braso at ngumiti ng bahagya. Napapaisip ako kung ano bang klaseng tanong ang gusto niyang itanong sa akin upang mamula siya ng gano’n na lamang. At kailangang ko ng kasagutan sa gusto kong malaman.
Napalunok ako at saka itinanong, “Sige na… susubukan kong sagutin ang tanong mo ng totoo…”
“Uhmmm… Sinabi sa akin ni Aslan na…Hmmm… Kung paano mag-ano ang mga dragon… Nakita ko ang napakadami mong mga pasa… Huwag mo na lamang pansinin… hayaan mon a ang itatanong ko…” sabi nito at lumundag mula sa kinauupuan niya at saka umiwas ng tingin sa akin.
Ah! Nakakainteresado ito! Akala ko wala siyang pakialam tungkol sa romantic relationship ko…
Lumapita ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga balikat. Itinaas ko ang kanyang baba upang magtama ang aming mga mata at sinabi kong, “Ang tingin mo mayroon akong lungga na puno ng mga mates ko, hindi ba?”
Ang mukha niya ay mas lalo pang namula na mas mapula pa sa kamatis at sinabi sa kinakabahang tono, “Hindi sa may pakialam ako… Gusto ko lang naman malaman kung sakaling…”
Bigla na lamang siyang tumahimik… Kahit pa gusto ko pa siyang asarin ng lalo, mas pinili kong sagutin siya ng tapat, “Hindi ako magsisinungaling sa’yo, Aurora. Madaming babae ang nakatabi ko na sa kama. Pero wala sa kanila ang pinagkatiwalaan ko para iuwi ko sila dito sa aking tahanan.”
“Ibig sabihin… wala kang mates…” sabi niya…
“Walang mates… kahit pa ang tungkol sa atin ay isang pagkakamali lamang…” sabi ko sabay kaway sa kanya.
Ang mga mata niya ay nagpakita ng senyales na nasaktan siya sa sinabi ko at agad na pintol ang pag-uusap namin sa pamamagitan ng pagsabi niya ng, “Pagod na ako at gusto ko nang matulog…”
Hindi ko mapigilin ang isipin kung may halaga ba kay Aurora ang nangyayari sa pagitan naming dalawa. Kung gano’n man, mas makakabuti kung ako na mismo ang lalayo…
AURORA’S POV
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ang puso ko sa sandaling sabihin ni Tyson na isa lamang itong pagkakamali. Alam ko namang wala siyang pakialam sa amin ng anak naming pero hindi niya naman kailangang ipamukha iyon sa akin ang tungkol doon. May pakiramdam ako nag pagsisisihan ko lamang ang mga panahong gugugulin ko sa kwartong ito.
Guwamawa ako ng harang sa gitna ng aming kama gamit ang aking mahika at saka nahiga dito. Isang matamis na pagkaantok ang siyang naramdaman ko sa sandaling ihiga ko ang ulo ko sa unan.
****
“Hindi! Parang-awa niyo na, huwag niyo siyang sasaktan… Parang-awa niyo na, ako na ang nagmamakaawa!” ang pagsigaw ni Tyson na iyon ang siyang gumising sa akin sa gitna ng gabi.
Ang mukha niya ay nagpinta ng pighati at nagmamakaawa para sa buhay ng isang tao habang natutulog.
Lumapit ako sa kanya at agad siyang ginising. Pero nanatili parin itong nakakulong sa kanyang bangungot kaya naman kahit pa ilang beses ko siyang yugyugin ay hindi siya nagigising.
Maya’t maya pa ay bigla niya na lamang hinila ang kanang kamay ko. Ang mga labi niya ay bumuo ng isang ngiti at huminto siya sa pagsigaw sa sandaling itapat niya sa kanyang dibdib ang aking kamay.
Sinubukan kong hilain ang aking kamay pero napakatindi ng pagkahawak niya dito. Hindi rin ako makaupo ng buong gabi sa ganitong napakaawkward na posisyon namin.
Kaya naman humiga na lamang ako sa tabi niya at kumapit na lamang sa mga braso niya.
Kinabukasan ay nagising na lang akong nakatulog sa mga kamay niya. Hindi ko maitatanggi na isa iyon sa pinakamagandang pagtulog ko sa lugar na ito.
Pinigilan ko ang aking paghinga sa sandaling gumalaw siya sa pagkakatulog at agad na ipinikit ang aking mga mata. Siguradong mas akward pa ang magpaliwanag sa kanya tungkol sa nangyari kagabi. Maya-maya pa ay naramdaman kong nawala ang bigat sa aking tabi.
Nakarinig ako ng paghinga at ilang sandali lamang ay nawala ito. At sa sandaling ibukas ko ang mga mata ko at wala na siya sa silid.