Barely Heiresses: Amira Chapter 104

Bago pa pumutok ang araw sa Silanganan ay gising na si Amira. Suot niya ang damit na isinuot niya doon nang dumating siya. Maayos na nakatupi ang katutubong damit na ipinahiram sa kanya ni Tamika katabi ang wala nang basyong tasa ng mountain tea. Hindi siya nakisalo sa agahan ng tribo at hinatiran na lang siya ni Tamika ng agahan. Marahil ay alam nito na kailangan niya ng panahon para mapag-isap at mag-isip-isip.

Kung talagang isa akong Lambayan, titingnan nila ako at tatanggapin bilang isa sa kanila at di lang dahil kapareho ko sila ng suot.

She was starting to define who she really was and what she wanted in life. Ayaw na niyang ikulong ang sarili kung ano lang ang inaasahan sa kanya ng ibang tao o ang idinidikta sa kanya. Siya ang uukit ng sarili niyang tadhana. Siya ang magsasabi kung ano ang totoong bubuo sa pagkatao niya.

Maya maya pa ay narinig niya ang katok sa pinto niya. “Amira, oras na para sa pulong. Ikaw na lang ang hinihintay,” anang si Tamika.

Taas-noo siyang lumabas at nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito nang makita ang suot niya. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Parang mas nangangalumata pa nga ito para sa kanya. “Handa ka na ba?”

Ngumiti siya at marahan na tumango. “Handang-handa na.”

Nauna nang naglakad sa kanya si Tamika at sinundan niya ito. Sa di kalayuan ay nakita niyang nakasandal si Francois sa puno at nakahalukipkip. He was in his white shirt, maong pants and leather sandals. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay. He looked fresh this morning and he even pulled back his hair on a ponytail. Itinatali lang nito ang buhok kapag dumadalo sa importanteng meeting. Kahit na sinabi nito na gigising ito bago magising ang ibang Lambayan, hinintay pa rin siya nito bago siya nito iniwan sa kubo. Ayaw daw nito na isipin na na iniwan na lang niya ito basta. Kinintalan muna siya nito ng halik sa noo nito bago umalis.

“Good morning,” bati niya dito.

Namulsa ito at naglakad palapit sa kanya. Ngumiti ito pero nakita niya ang takot sa mga mata nito. “Hindi ka nakasuot ng traditional dress. Dinalhan ka ni Tamika kanina.”

“Ayokong ma-out of place ka.” Inilahad niya ang kamay dito. “Walk with me?”

Tinanggap nito ang kamay niya at sabay silang naglakad. Hindi sila nag-usap. Di siya nito tinanong kung anong desisyon niya o kung kinakabahan siya. She was just smiling the whole time. Mas tiyak na rin ang hakbang niya habang patungo sa kapulungan. Ngayong nasa tabi na niya si Francois, handa na siya sa anuman mangyayari sa kanya.

Naroon na ang lahat ng Lambayan maging si Idang Asra na katabi ni Apo Semblat at si Kimea na kasama ng ina nitong si Tamika sa harapang hanay. May inilaan na bakanteng upuan para sa kanya pero pinili niya na umupo sa gilid ng kapulungan katabi ni Francois. Nakatutok ang mata sa kanya ng lahat lalo na sina Apo Semblat at si Sikandro. Wala siyang pakialam kung anong iniisip ng mga ito basta di siya aalis sa tabi ni Francois.

Sa hudyat ng tatlong beses na pagtuktok ni Apo Semblat ang puluhan ng sibat nito sa entablado ay sinimulan na ang pulong. “Pagpupulungan natin ngayon ang tungkol sa pagtanggap nating mga Lambayan sa babaeng isinumpa. Amira, gusto naming marinig ang sagot mo. Pumapayag ka na bang pakasalan ang puno ng mandirigma na si Sikandro kapalit ang pagtanggap sa iyo ng tribong ito bilang isang Lambayan, ang paghabalik ng iyong si Himaya sa tribong ito at ang pagpayag ng kapulungan na maturuan ng kaalaman mula sa labas ang mga kabataan dito?”

Pinisil ni Francois ang kamay niya bago siya tumango. Naramdaman niya ang pagbitaw nito dahil alam niyang gusto siya nitong bigyan ng laya na ipahayag ang desisyon niya. Inikot niya ang mga mata sa mga Lambayan, ang tribo ng kanyang ina. “Gusto kong magpasalamat sa kapulungang ito sa pagtanggap ninyo sa akin at sa aking kasama sa nagdaang tatlong araw. Salamat dahil hinayaan ninyong makasama at mayakap ang aking Idang. Mula pagkabata ko ay wala akong pinangarap kundi maging bahagi ng tribong ito. Subalit ikinalulungkot ko po dahil hindi ko po mapapakasalan si Sikandro.”

Sumabog sa halo-halong reaksyon ang buong kapulungan. Lahat ay hindi inaasahan ang magiging desisyon niya.

“Ano? Akala ko ba ay nais niyang maging isang Lambayan? Tapos ngayon ay tumatanggi siya,” narinig niyang sabi ng isa sa mga kadalagahan.

“Ibig sabihin ay ayaw niyang maging isang Lambayan,” nakaismid na sabi ng isa sa pang babae.

Tumayo si Sikandro at dinuro siya. “Kahangalan! Tinatanggihan mo ang pagpapakasal sa isang punong mandirigma? Alam mo ba kung gaano karami ang mga kababaihan na gustong maging kabiyak ko?”

“Sikandro, huwag mo sanang masamain ang desisyon mo pero hindi naman kita mahal. Kung may ibang babae na gusto kang pakasalan, masaya ako para sa kanila dahil may pag-asa na sila sa iyo,” malumanay niyang paliwanag.

Subalit namumula pa rin ang mukha nito sa galit. “At mas pipiliin mo ang lalaking iyan? Hindi ka niya magagawang isang Lambayan.”

Tumayo na rin si Francois at hinawakan ang kamay niya. “Ginoo, hindi ako ang dahilan kaya tumanggi si Amira. Pinili niya ang kalayaan niya. Pinili niya ang buhay na makapagpapasaya sa kanya. Hindi mo siya kailanman magiging pag-aari at lalong di ko siya magiging pag-aari. Isa siyang tao na may kalayaang mag-isip at magdesisyon para sa sarili niya. At kung nagdesisyon siya na piliing magpakasal sa iyo ay irerespeto ko iyon. Ganoon ang magmahal. Hindi mapang-angkin. Malaya. Hindi mapaniil. At ito na ang huling pagkakataon na magsasalita ka nang di maganda kay Amira. Handa ko siyang protektahan,” matapang na sabi ng binata at naghahamon na tiningnan si Sikandro.

Nakangiti siyang tumingala sa binata. Di siya nagkamali sa desisyon niya. Di niya ma-imagine ang sarili na wala sa tabi niya si Francois. Hinding-hindi uunahin ni Sikandro ang interes niya kaysa sa iba. Di siya nito mamahalin gaya ng ginagawa ni Francois na uunahin ang kaligayahan niya kaysa sa sarili nito. Hindi kayang mahalin ni Sikandro at di rin niya matatagalan ang presensiya nito. Baka di pa sila kasal ay magsaksakan na sila. At napausal siya ng dasal ng pasasalamat na ginawa niya ang desisyong di niya pagsisisihan.

Tinuktok ni Apo Semblat ang sibat nito para kunin ang atensiyon ng lahat. “Katahimikan! Gusto ko pang tanungin si Amira sa huling pagkakataon. Amira, ayaw mo bang kunin ang pagkakataon na maging bahagi ng mga Lambayan. Sa wakas ay tatanggapin na kita bilang apo ko. Makukuha mo na ang matagal mo nang hinihiling. Sasayangin mo ba ang pagkakataong ito?”

Maluha-luha niyang tiningnan si Idang Asra na mangiyak-ngiyak din. Masakit para sa kanya na makita itong malungkot at posibleng iyon na rin ang huli nilang pagkikita.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.