Barely Heiresses: Amira Chapter 107

“May pinagsisisihan ka ba sa desisyon mo?” tanong ni Francois sa kanya.

“Wala.” Yumakap siya sa braso nito. “May tamang panahon sa lahat. Sa ngayon ay tutuparin ko ang pangako ko na mabawi sa kanila ang Kanayama.”

“Don’t you regret that I didn’t make love with you?” nanunuksong tanong ni Francois sa kanya.

“Excuse me?” tanong niya sa mataas na boses.

“Of course, you regret that you didn’t possess my hot body. Sa palagay mo ganoon lang ako kadaling makuha? Paghirapan mo muna. Ligawan mo muna ako. Conservative kaya ako,” sabi nito.

“Saang banda ka conservative?” natatawa niyang tanong

“All over,” sagot nito na nasundan ng mataginting na halakhak ni Amira.

Nagpapasalamat siya na “conservative” nga ito pagdating sa kanya. She was glad that she found a man who was not after her for sex. Nirerespeto siya nito. Binabago ni Francois ang tingin niya sa mga playboy o siguro ay iilan lang ang kagaya nito. She was not afraid to lose herself and go crazy over this man. He was worth it.

NAKANGITI si Amira habang pinagmamasdan ang wedding pictures ng Ate Yumi niya. Sa wakas ay nakatuluyan din nito ang dating bestfriend na si Jairus. It was a lovely affair held in Sagada a week ago.

Ginawa niyang wallpaper ang partikular na larawan nito habang nakasuot ng puting wedding gown na gawa ni Rajo Laurel. It was a double-ply Thai silk gown with dainty sleeves. Nakatalikod ito sa camera habang hawak nito ang palda ng gown at nakapaling ang mukha sa camera. She had the look of love on her face. Napaka-magical ng araw na iyon at kahit na di siya mahilig sa kasalan ay masaya siya para sa kapatid niya.

“That one is nice,” komento ni Francois nang sumulpot sa likuran niya. Nasa garden sila ng bahay nito sa Baguio. Ine-enjoy nila ang araw dahil may naka-schedule na naman siyang trip papunta sa ibang mining site sa dadating na linggo. Sa pagkakataong ito ay baka di na niya makasama si Francois. May weekend buffet pa rin ito sa Sagada kung saan in-demand ito. He even refused some offers to work on restaurants in Manila because he wanted to be near her.

“Yes. Maganda talaga si Ate Yumi,” nakangiti niyang sabi. “At mukhang susunod na rin ang iba sa mga kapatid ko. Engaged na si Mabel kay Timber.”

“His name is Kellan,” anang si Francois. “Mainit pa rin ulo mo sa kanya.”

“Well, hindi siya ang magiging paborito kong bayaw pero napapasaya niya ang kapatid ko kaya ayos lang. Si Sky din engaged na kay Pearce.”

“Ah! And don’t forget Berry. Nasilo niya si Attorney Matyu,” nanghahaba ang nguso ni Francois nang gayahin ang pagkakatawag ng kapatid niya sa nobyo nitong abogado.

Natawa na lang siya at hinampas ito sa braso. “Loko ka! What an odd pair but they are happy. That uptight lawyer makes my sister happy. Sa pinagdaanan ni Berry sa buhay, dapat lang naman na sa wakas may mag-alaga sa kanya.”

Nakikiramdam pa siya sa ibang kapatid niya kung anong susunod na kabanata sa love life ng mga ito.

“Anong favorite part mo sa wedding?” tanong ni Francois.

“Kumain ng cake,” nakangisi niyang sabi. “Because you baked it, mon amour.”

Nanatili itong seryoso. “Come on. Huwag kang killjoy. Hindi ko lang naitanong sa iyo pero minsan napapansin ko na parang di ka nag-e-enjoy.”

"Hindi naman ako nahilig sa kasal. O sa love. Iniisip ko lagi maghihiwalay din ang mga iyan," aniya at iwinaksi ang kamay.

“For someone who has a boyfriend, that is a bit cynic, don’t you think?” Francois asked with hurt in his voice.

Hinila niya ang kamay nito para umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Sorry. Just starting to get used to the idea of love and being in love. I didn't mean to offend your sensibilities. Ngayon pa lang ako nasasanay na may boyfriend."

"Yeah. I know."

“At hindi pa ako umaabot sa punto na kailangan kong baguhin ang pananaw ko sa kasal. Nasa In a Relationship status pa lang ako nasasanay. Marriage is another thing entirely.”

Di ganoon kadaling mabago ang paniniwala niya sa loob ng mahigit dalawampung taon. Her father taught her a bitter lesson about love. Ngayon pa lang siya nag-a-adjust sa pananaw niya sa mga lalaki. At least kay Francois. Napatunayan nito na karapat-dapat ito sa tiwala niya.

Bumuntong-hininga ang binata at malungkot na pinagmasdan ang larawan ni Yumi sa wallpaper. Siniko niya ito. “Hey! Hindi mo naman ako yayayain na magpakasal. I mean, ilang araw pa lang naman kitang boyfriend. Marami pa tayong pangarap. At ngayon ka pa lang din nasasanay na magkaroon ng seryosong relasyon.”

Bigla nitong sinapo ang dibdib. “Ouch! You got me there.”

Itinaas niya ang mga kamay. “No offense meant. Sa palagay ko lang kailangan muna natin parehong mag-mature sa relasyon na ito at mag-enjoy. Bakit naman bigla tayong napunta sa kasal?”

“Nakapag-isip-isip lang ako habang ikinakasal si Yumi…”

Pumalatak siya at umiling. “Akala ko mga lalaki ang allergic kasalan. They are scared that girls will get an idea that their wedding will be next or a guy will propose.”

“I am a weddingphobe until I met you. Ang mga lalaking dseryoso sa isang babae ay hindi takot sa kasal. At hindi ko gusto ang tingin ng ibang lalaki sa iyo sa kasalan. They even asked to dance with you.”

“And I told them that I have a boyfriend. Sa kanya lang ako makikipagsayaw. No need to act territorial. And we don’t need to discuss wedding to prove that I am yours.” Hinaplos niya ang braso. “Medyo kinikilabutan kasi ako.”

Nakakaunawa itong tumango at kinintalan siya ng halik sa noo. “You are right. Di naman natin kailangan na magmadali. Marami kang kailangang gawin.”

“Yes. Like save the world,” aniya at inikot ang mga mata.

Hindi siya makakatapak sa isang malaking commitment gaya ng pag-aasawa kung hindi pa niya nagagawa ang pangako niya sa mga Lambayan na ise-secure niya ang Kanayama. Marriage can wait. Siguro naman kapag dumating na ang panahon na iyon ay naihanda na rin niya ang sarili bilang kabiyak ni Francois. Buong-buo na rin ang pagkatao niya.

“Gusto mo bang mag-Bencab Museum tayo?” alok ng binata.

Sasagot sana siya nang mag-ring ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya nang makitang tumatawag ang Ate Yumi niya. She was supposed to be in her honeymoon. Itinaas niya ang palad kay Francois. “Excuse me. Sagutin ko lang ang tawag ni Ate Yumi.” Nakakaunawang tumango ang nobyo at tumalikod. “Hello, Ate Yumi! Kumusta ang honeymoon?”

“Amira, kailangan mong pumunta dito sa Sagada. Nagising na si Papa.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.