Barely Heiresses: Amira Chapter 109

Umaakyat na siya ng hagdan nang marinig niya na may sumigaw mula sa loob ng bahay kasunod ang pagkalampag ng mga gamit. Kinabahan siya dahil nakilala niya ang boses ni Francois. Parang galit na galit ito. Mabibilis ang hakbang niya paakyat kahit na parang pinaparusahan ang binti niya at pinangangapusan siya ng hininga dahil sa lamig ng hangin ay di niya alintana iyon.

Pagpasok niya ng bahay ay nakita niya ang kasama sa bahay ng nobyo na si Manang Conching na sapo ang pisngi habang baba ng hagdan at nakatingala sa taas. “Chef Aklay, tama na po. Baka po masira na lahat ng gamit ni Sir Romualdo.”

“I don’t care,” Francois growled followed by more trashing. Galing sa attic ang ingay na iyon.

“Manang, ano pong nangyari dito?” tanong niya at hinawakan sa balikat ang babae. Nanginginig ito sa takot at mangiyak-ngiyak.

“M-Ma’am, hindi ko rin po alam. Masayang-masaya po siya kanina na naghahanda ng hapunan. Tapos umakyat daw po siya ng attic dahil kukuhanin daw po niya ang ibang pictures na padala niya sa nanay niya habang nasa France pa si Chef sa attic para maipakita niya sa inyo. Ayun po! Nagulat na lang ako nang may kumalabog. Akala ko po may nakita si Chef na ipis o kaya daga kaya nagalit. Sa maniwala po kayo’t sa hindi, nililinis ko naman pong mabuti itong bahay. Tapos po nagsisigaw na po siya. Di ko naman po maintindihan ang sinasabi niya basta galit po at pinaghahagis niya ang mga gamit sa itaas. Ngayon ko lang po siya nakitang nagalit ng ganyan. Hindi naman po kasi nagagalit si Chef.”

Pinisil niya ang balikat nito. “Kayo na po ang bahala sa mga di pa nailuluto ni Francois at ako na po ang bahala sa kanya.”

“Pero baka po magalit din siya sa inyo,” nahihintatakutang sabi ng babae.

She gave the old woman a kind smile. “Hindi po ako sasaktan ni Francois kahit anong mangyari.” She knew her boyfriend. Mas gugustuhin pa nitong saktan ang sarili kaysa ang saktan siya. Ganoon siya nito kamahal.

Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdan patungo sa attic. Nagkalat na ang ibang gamit doon at ang nagawa na lang niya ay hawiin ng paa niya. Napapitlag siya nang isang maliit na kahon ang gumulong pababa ng hagdan.

“Francois! Francois, si Amira ito!” tawag niya sa nobyo. “Pwede ba tayong mag-usap?”

Narinig niya na tumigil na ang lagabog pati ang pagsigaw nito. She took it as a sign that he was calmer now. Nagtuloy-tuloy siya sa attic at nagimbal nang makitang parang dinaanan iyon ng bagyo. Lahat ng mga gamit ay nakakalat kung saan-saan. Nakataob ang mga kahon at ang mga painting sa dingding ay nakatabingi na. Ang isang portrait ng ama nito ay basag ang salamin.

Nasapo ni Amira ang dibdib. Hindi siya makapaniwala na si Francois ang may kagagawan ng lahat ng iyon. He had always been gentle. Di basta-basta nagagalit. “Francois, anong nangyari dito?”

Nakatalikod lang ang lalaki sa kanya habang nakatayo at sapo ang ulo. “I am sorry. Hindi muna matutuloy ang dinner natin, Amira. Hindi mabuti ang pakiramdam ko. Umuwi ka na muna.”

“Francois, kung may problema ka, pwede naman nating pag-usapan.”

“Just go! I don’t want you to see me like this. Can’t you see that I am messed up? Iwan mo na akong mag-isa!” angil nito pero nanatili pa ring nakatalikod sa kanya. There was a mix of anger and agony in his voice. Siguro ay gusto siya nito i-intimidate para hayaan ito.

“I can’t do that,” usal niya at dahan-dahang lumapit dito habang hinahakbangan ang mga nakakalat na bagay sa paanan niya. Wala siyang pakialam kahit na umapak man siya sa bubog. Gagawin niya ang lahat para makalapit lang sa nobyo na pakjramdam niya nang mga oras na iyon ay mas gusto na lang magkulong sarili nitong mundo na puno ng galit at sakit. Nang makalapit siya dito ay niyakap niya ito sa baywang mula sa likuran. Idinikit niya ang pisngi sa likuran nito. “Hindi kita iiwan ngayon kung kailan kailangan mo ako.”

Hinawakan nito ang kamay niya na nakayakap dito at akmang babaklasin. “Amira, ayokong saktan ka. I am not myself right now. Hindi ka ba natatakot sa mga nakikita mo ngayon? You should run away from me.”

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. “Alam ko na hindi mo ako sasaktan. Sino ang nanakit sa iyo, Francois? Pwede mong sabihin sa akin kung anong nangyari. We are partners, remember?”

“Yes. Partners. Tutulungan kita sa kung anong kailangan mo para makuha ang Lambayan. But it doesn’t mean that I will let you into the ugly lies in my life.”

“Kahit ano pa iyan, tatanggapin ko. Dahil tinanggap mo naman kung ano ako. And I am the woman who loves you. Kung handa kang gawin ang lahat para sa akin, I will do the same. I will hold you when you are mad, when you are not yourself, when you are drowning in sorrow and pain. Hindi kita hahayaang malunod. Hindi mo kailangang mag-isa dahil nandito lang ako.”

Sa wakas ay humarap ito at niyakap siya nang mahigpit. “Just hold me for now, Amira. I just want you to hold me. Huwag mo akong iiwan.”

HINAPLOS ni Amira ang buhok ni Francois at kinintalan ito ng halik sa noo. Nakatulog ito sa pagod sa pagwawala kanina. She just held him when he cried in anger and in grief. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lahat ng emosyong iyon. Hindi ito nagkwento sa kanya. Hinayaan lang niya ito. Baka hindi pa iyon ang oras para sabihin nito sa kanya kung anong nangyari. She was just glad that he didn’t send her away anymore.

Inayos niya ang kumot nito at saka lumabas ng silid. Malungkot niyang tiningnan ang hapunan na naka-serve sa mesa. Hindi na nagalaw iyon. Sa huli ay tinakpan na lang niya ang pagkain. Umakyat siya ng attic at naabutan si Manang Conching na nag-aayos ng mga gamit na nakakalat.

“Kumusta na si Chef, Ma’am?” tanong ng babae.

“Nakatulog na po siya,” sabi niya at bumuntong-hininga. Pinulot niya ang mga nakakalat na lumang libro. “Wala naman siyang sinabi sa akin kung bakit siya nagwala.”

“Grabe nga, Ma’am. Mga painting ni Sir Romualdo ang sinira niya. “Regalo sa kanya ang mga iyan. Tiyak na mag-aaway na naman silang mag-ama nito.”

“Mabuti na lang wala dito si Tito Romualdo,” nausal niya. Malamang ay may bago na namang pag-aawayan sina Francois at ang ama nito.

Kumunot ang noo niya nang makita ang logo ng isang ospital. Dinampot niya iyon at binasa. Tumigil sa pagtibok ang puso niya nang mabasang examination result iyon para sa ina ni Francois. Nang buklatin niya ang findings sa huling pahina ay lumalabas na may breast cancer ito.

“Manang, nabanggit po ba sa inyo ni Francois na may sakit ang nanay niya bago mamatay?” tanong ni Amira.

Umiling ang babae. “Hindi po. Ang alam ko lang po ay namatay siya sa aksidente.”

Kung pagbabasehan ang petsa ng papel ay nasa France pa si Francois noon at nag-aaral. Anim na buwan iyon bago mamatay ang ina ng binata. Iyon ba ang nakita nito? Hindi nito alam na may sakit ang ina?

“M-Ma’am, tingnan po ninyo ito,” namumutlang sabi ni Manang Conching at inabot sa kanya ang ilang mga larawan.

Picture iyon ni Romualdo kasama ang isang babae na sa palagay niya ay nasa early twenties pa lang. Noong una ay parang masaya lang ang mga ito habang nag-iinuman. Sumunod ay nakahilig na lagi ang babae kay Romualdo. Ang isa ay nakahalik sa pisngi nito at sumunod ay sa labi na.

May mga larawan din na sabay pang lumalabas ng building ng Banal Mining ang babae at si Romualdo. Ihinahatid pa ng lalaki ang babae sa bahay. “May affair si Tito Romualdo sa ibang babae habang may sakit ang asawa niya?”

“Kung pagbabasehan po ang mga picture na iyan, ganoon na nga po. Baka ngayon lang po nalaman ni Chef Aklay kaya galit na galit.”

Kahit naman siguro siya kapag nalaman niyang may sakit na cancer ang nanay niya habang may ibang babae ang tatay niya ay magwawala din siya. Naiintindihan na niya ito ngayon.

Ayaw niyang husgahan sa ngayon si Romualdo kahit pa sabihing may prejudice na siya sa mga lalaking manloloko ng asawa. Hindi niya alam kung anong side ng istorya nito. Pero ang inaalala lang niya ay si Francois at kung ano ang magiging relasyon nito sa ama. Tiyak na lalaki ang gap ng mga ito sa isa’t isa.

Mag-a-alas onse ng gabi nang matapos sila sa paglilinis ng attic ni Manang Conching. Niyaya pa nga niya itong kumain pero pagod na pagod na daw ito. Sisilipin sana niya si Francois sa kuwarto nito pero lumabas na ito.

“Nandito ka pa,” gulat na sabi nito.

Marahan siyang tumango. “Tinulungan ko si Manang Conching na mag-ayos sa attic. Ayos ba pakiramdam mo?”

Huminga ito ng malalim. “I can handle it. Pasensiya na sa nangyari kanina.”

“Gusto ko ba ng makakain? Ipaghahain kita.”

“Wala akong ganang kumain,” anito at namulsa sa pantalon nito.

"Hindi pa ako kumakain. Hinihintay kita," sa halip ay sabi niya kaysa sermunan ito o pilitin.

Pumalatak ang lalaki. "Bakit hindi mo sinabi agad? Ibig sabihin hindi mo pa natitikman ang strawberry shortcake."

Umiling siya. "Samahan mo na akong kumain. Please."

Pinaupo lang niya ito at siya na ang naghain para dito. "I should be doing that."

"Lagi namang ikaw ang gumagawa nito para sa akin. You always treat me like a princess. It is time to do my part," sabi niya habang iniinit sa microwave ang pagkain.

"Ako na ang magbe-brew ng tea mo," sabi nito pero napansin niya na tulala pa rin ang binata. Kahit nang kumakain na sila ay tahimik ito.

"Know what? For your gourmet cooking alone, pinag-iisipan na kitang pikutin. Hindi pa kasama iyan ang kakisigan mo," sabi niya nang sa wakas ay maubos ang spicy chicken wings at isusunod na ang strawberry shortcake. Gusto niyang pagaanin ang atmosphere. Francois' mood was sullen enough already. Ayaw niyang makadagdag pa sa bigat ng loob nito.

"Pasensiya ka na kung nasira ko ang okasyon. This is supposed to be a happy day. Gusto ko lang maalala ang lahat ng masasayang sandali kasama si Mama. She was a wonderful person. And I just ruined everything."

"Alam ko naman na may dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Gusto mo bang pag-usapan?"

"I am not sure if you want to know."

Tumayo siya at may kinuha sa ibabaw ng ref. "Nakita namin ito ni Manang Conching kaninang naglilinis kami sa attic." Inabot niya dito ang resulta ng medical examination at ang mga larawan ni Romualdo kasama ang ibang babae. "Ito ba ang nakita mo kanina?"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.