“Yes, we have a good profit last quarter,” si Romualdo ang sumagot. “Pero hindi mo ba alam na may ina-anticipate pa tayong mga expenses at losses. Di makapagpatuloy ang operasyon natin sa minahan sa Samar na tinamaan nang magkaroon ng bagyong Yolanda kaya gastos iyon sa parte natin dahil kailangan nating i-rebuild ang bahay ng mga tauhan natin at suportahan ang pamilya nila hangga’t di pa tuluyang nakakabangon.”
“I thought Banal Foundation got it covered,” anang si Francois at lumingon kay Caridad. “Na-anticipate na natin dapat ang ganitong pangyayari dahil pinaglalaanan naman ng pondo.”
Nagulat ang madrasta niya dahil di nito inaasahan na pati ang foundation ay mababanggit sa pulong na iyon. “Francois, we can’t exhaust all our funds for this. May iba pa tayong sinusuportahan. Banal Mining must also help out.”
“Pero di naman siguro kabawasan sa kayamanan ng Banal Mining ang health benefits ng mga tauhan. Have you seen Amira’s report?” tanong ni Francois at inikot ang mata sa mesa.
“Hindi pa namin naidi-distribute dahil di pa naman tapos,” anang sekretarya ni Romualdo.
“Kung papayagan sana ninyo, magandang makita ninyo ang report niya sa Lambayan site at sa Surigao site para malaman natin kung anong sitwasyon ng mga minero natin bago tayo magdesisyon na bawasan ang medical benefits nila,” anang si Francois at inilahad ang kamay sa direksyon niya.
Walang nagawa ang ibang directors at executives kundi pagbigyan ang hiling ni Francois. Nobody could question him when he was like this. He commanded an authority that could rival his own father. Alam ng lahat na iba ang Francois na kaharap ng mga ito ngayon. He was not the carefree and flirty chef that nobody took seriously. Alam nito ang ginagawa at sinasabi nito. Hindi ito isang expectator lang sa pulong nito. He was in control of the meeting.
“Mining operation is not a walk in the park. Kahit ano pang i-claim ng Banal Mining na may ISO 2000 certificate tayo at walang ibang hihilingin ang mga minero natin dahil maayos ang pagtrato natin sa kanila, walang kahit anong mining company ang kayang protektahan ang mga minero nila sa hazardous labor condition sa loob ng minahan,” sabi ni Amira at ipinakita ang larawan sa loob ng minahan. Nakita doon kung gaano kahirap ang trabaho ng mga minero. “Sure, we give them fair salary. May medical benefits sila na isina-suggest ni Mr. Fernan na bawasan natin. Mukhang fairy tale land nga daw ang Banal Mining para sa mga minero dahil maganda ang pamamalakad natin pero hindi natin alam kung ano ang totoong nangyayari sa minahan na hindi nakukuha ng reports natin at hindi nalalaman ng mga minahan mismo.”
Pinindot niya ang buton ng projector at lumipat iyon sa report mula sa mga doktor na nag-check up sa mga minero at ang tally mula health records ng mga ito. “Halos lahat ng minero natin ay may sakit sa baga dahil sa exposure nila sa hazardous condition sa minahan. Even their families who live at the mining communities are suffering from these ailments as well. Mahina ang baga ng mga bata. Ang tubig na ginagamit nila ay contaminated ng mercury at iba pang minerals mula sa minehan.”
“Is it high enough to be dangerous or poisonous?” tanong ni Mrs. Obrigado na senior vice president ng Human Relations.
“Not right away. Pero sa pagtagal nang panahon, makikita rin ang epekto nito. Nakikita na ito sa mga bata sa ngayon. Hindi lang mga minero ang apektado kundi pati ang mga anak nila,” paliwanag niya. “Ito ba ang mga tao na gusto nating bawasan ng medical benefits? Baka nga kailangan pa nating dagdagan ang compensation nila.”
“Miss Banal, alalahanin natin na mahihirap na ang mga komunidad na iyan bago pa magkaroon ng minahan. Paano kung mahihina talaga ang kondisyon nila? Kung sakitin talaga ang mga tao doon? Kung tutuusin sa Lambayan nga first time lang nilang matingnan ng doktor nang magdala ang Banal Mining at magtayo ng health center doon. Di pwedeng isisi sa kompanya iyan,” angal ni Mr. Fulgencio.
“At kanino natin isisisi ang mercury at iba pang mineral na nagko-contaminate sa tubig? Ibig sabihin nandoon na iyon bago pa ang minahan?” sarkastikong tanong ni Francois.
“Sumusunod ang Banal Mining sa lahat ng patakaran na ipinatutupad ng gobyerno at ng international mining law,” mariing sabi ni Romualdo. “At para sa survival ng kompanya. Hindi naman sila aalisan ng medical benefits. Babawasan lang. To add more medical benefits for them is ridiculous.”
“Bato ba kayo? Hindi ba ninyo nakita kung anong sitwasyon nila…”
“You don’t exactly slave for this company so you don’t know what’s going on. Kaya huwag mo nang guluhin pa ang sitwasyon, Francois.”
Napatiim-bagang ang binata. His eyes became deadly steely gray. Akala niya ay sasambulat ang galit nito sa halip ay umangat ang gilid ng labi nito sa isang sarkastikong ngiti. “How about we put it this way? Papayag ako na bawasan ang benefits ng mga minero sa isang kondisyon. Lahat ng nagsasabing bawasan ang benefits nila ay magtrabaho sa minahan sa loob ng isang linggo. Tumira din kayo kasama ang pamilya nila. Inumin ninyo ang slightly contaminated na tubig na iniinom nila. Mag-immersion kayo at saka ninyo sabihin sa akin kung tama bang bawasan sila ng medical benefits.”
Napasinghap ang lahat sa hamon ni Francois. Sino nga ba naman ang baliw ang nakahiga na sa kutson at biglang sa lapag matutulog para lang mapatunayan ang sinabi ni Francois? No. The people inside the room were used to sleeping with cold cash as matress.
Nakita niya ang pamumula sa galit ni Romualdo at binayo ang mesa. “Hindi kami nakikipagbiruan sa iyo, Francois.”
“Who says that I am joking, Papa? How about you take the challenge seriously? Nakita ko kung ano ang buhay ng mga minero. Naranasan kong mamuhay sa minehan sa loob ng ilang buwan nang estudyante pa ako. Mahirap ang buhay nila sa loob at ginagawa nila iyon para sa pamilya nila. Dahil magaganda ang mga pangako ninyong benefits at sweldo sa kanila. Kaya nga hinahamon ko kayo na bumaba muna kayo sa pedestal ninyo ng isang linggo at subukan ninyo ang buhay nila. Saka ninyo sabihin sa akin na gusto pa rin ninyong bawasan ang sweldo nila kapag naranasan na ninyo ang buhay nila.”
Naglabanan ng tingin sina Romualdo at Francois. Walang sinuman ang gustong sumuko. Mas sanay si Romualdo sa pagpapatakbo ng negosyo mula sa opisina at hindi sa sa field. He asked Francois to take up mining engineering so he could be part in administering the mining sites. Now it was used against him.
Ang tanong na lang ngayon ay kung kakagatin ni Romualdo ang hamon ng binata parang lang mapatunayang tama ang panukala nito. Natitiyak niya na walang sinuman sa direktor at executives doon ang kakagat sa hamon.
Kung buhay si Don Alfonso Banal, sa palagay niya ay di ito papayag na bawasan ng benepisyo ang mga minero. He designed Banal Mining Corporation in a way that would not aggravate the miners who toll in the sites. Kaisa ng lolo niya ang mga minero. Alam nito ang buhay ng mga tauhan nito. But his grandfather was not there anymore. Nauunawaan na niya ngayon kung bakit sa kanya ibinigay ang pagkakataong pamahalaan ang Banal Mining. Dadating ang ganitong pagkakataon na madedehado ang mga trabahador at walang magtatanggol sa mga ito maliban sa kanya… at kay Francois.
But in this case, it became a battlefield between Romualdo and Francois. And father and son rivalry. Sino ang unang susuko sa mga ito?
Sa huli ay iniwas ni Romualdo ang tingin at isinara ang laptop nito. “I suggest that we adjourn the meeting. Let’s discuss the medical benefits and the cost-cutting another time. Francois, you stay here,” utos nito sa anak.
Natigilan ang lahat ng nasa silid. Parang walang gustong gumalaw sa kinalalagyan dahil parang gustong marinig ang magiging talakayan sa mag-ama.
“Sir, maiwan din po ako dito,” aniya at umupo ulit sa swivel chair. “May gusto pa po sana akong i-discuss sa inyo.”
Kailangan niyang alalayan ang nobyo dahil di niya mapagkakatiwalaang maiwan itong mag-isa kasama ang ama. Ito ang unang beses na magkakausap ang dalawa mula nang malaman ni Francois ang sakit ng ina bago ito mamatay at ang hinihilang pagkakaroon ng ama ng ibang lalaki. Bagamat kontrolado ni Francois ang emosyon nang nakakaraang araw, sa nakita niyang tagisan ng mga ito sa boardroom kanina ay di siya sigurado kung ano ang pwedeng mangyari.
“Ako rin,” anang si Caridad at bumalik sa pagkakaupo sa kaliwang bahagi ni Romualdo. Nakita niya ang tensiyon sa mukha nito. Kinakabahan din marahil ito na iwan na mag-isa ang mag-ama. Kailangang may umawat sa mga ito kung ano’t anuman ang mangyari.
A look of understanding passed between her and her stepmother. Sa pagkakataong iyon ay magkakampi sila at di magkalaban. Magsisilbi lang silang referee sa mag-ama.
At mukhang wala namang pakialam ang mag-ama kung naroon man sila sa silid na iyon o wala. Mukhang nasa sariling mundo ang mga ito. As if they were two warriors inside a cage. Both were ready to pounce and win.
And it could be a bloody and downright ugly battle.