Barely Heiresses: Amira Chapter 112

PARANG gustong tumiklop ni Amira at magtago sa ilalim ng mesa nang marinig ang pagdagundong ng boses ni Romualdo sa loob ng boardroom. Akala mo ay nagpasabog ng dinamita sa isang bundok na miminahin.

"How dare you insult me and challenge me infront of the board? Anong ipinagmamalaki mo sa akin, Francois? Na kaya mong matulog at maki-immersion sa mga minero natin at naranasan mo pinagdaanan niya kaya may karapatan kang hamunin kaming lahat? Hindi ganoon ang pagpapatakbo ng negosyo, Francois."

Nakita niyang napainom ng tubig si Caridad para itago ang nerbiyos. Nagsisimula pa lang ang giyera

"Insult you? Papa, gusto ko lang ilagay ninyo ang sarili ninyo sa lugar ng mga minero. That is not a personal attack. Di ko rin kayo iniinsulto. Para sa akin, mas malaking insulto sa mga minero na habang unti-unti pala silang namamatay at ang pamilya nila, sa halip na lalo natin silang alagaan ay ibabaon pa natin sila ng buhay. Hindi ninyo ako kalaban, Papa. I am helping you and the board to study this before you make a big mistake. What if the press and the environment groups get a wind up on this? Mas malaking problema iyon sa atin."

Habang nanggagalaiti si Romualdo ay cool na cool pa rin si Francois. May ngiti sa mga labi nito at sinumang makakakita dito ay iisipin na bumalik na naman ito sa pagiging malaro. Pero di nagbabago ang malamig na kislap sa mga mata nito na parang yelo. He was still in his battle mode, trying to goad his father.

"Romualdo, baka naman pwede ninyong ikonsidera ang sinabi nina Amira at Francois. May point naman sila." Tumayo si Caridad at humawak sa braso ng lalaki. "Let's have lunch. Naalala mo ang bagong Italian restaurant malapit sa Camp John Hay? Pwede nating subukan doon."

"Lunch sounds nice," anang si Francois at ngumisi.

"You know what's nicer? Ilipat mo sa akin ang pamamahala ng shares mo at bumalik ka na sa kusina kung saan ka nababagay. Iyon naman talaga ang gusto mo, Francois. You don't want to be a part of this mining company."

"What's wrong with the way I handle my shares? Last time I checked it, I can hold fort in this boardroom if I take it seriously."

"Seriously? You got a woman holding our dick and you think you know it all?" Isang nakaka-insultong tawa ang pinakawalan ni Romualdo. Pinapalabas nito na iniimpluwensiyahan lang niya si Francois sa mga desisyon nito dahil baliw sa kanya ang lalaki? Or worse, he was implying that she used sex to boss Francois around, which was not true. Hindi si Francois ang basta-basta na lang mapapaikot o naiimpluwensiyahan ng isang babae. Ang di alam ng marami ay di nag-aalangan ang binata na i-challenge ang mga paniniwala niya minsan at naipapakita sa kanya ang isa pang bahagi ng argumento saka siya hinahayaang magdesisyon.

Akmang tatayo si Francois para dumepensa pero pinigilan siya nito. "Amira..."

Umiling siya. Ayaw niyang bumigay ito sa paghahamon ng ama nito. Ayaw niyang lumala pa ang away ng mga ito kahit pa para ipagtanggol siya. Alam ni Romualdo na kahinaan siya ni Francois. At baka sa galit ng binata ay kung ano pa ang masabi o magawa nito na sa huli ay pagsisihan lang nito. Mas sanay si Romualdo sa ganitong klaseng laro.

“You are not for the boardroom, Francois. You have a soft heart. Too impractical. Hindi tumatakbo ang kompanyang ito nang puro puso. You already got the girl. You don’t need the shares. Mas makakabuti sa ating lahat kung ako na lang ang mamahala sa shares mo. We can’t have one of the shareholders losing her head over a girl.”

Tumayo si Francois at di na niya napigilan pa. “Like the way you lose yours over your mistress?”

“Mistress? Anong mistress ang sinasabi mo?” angil ni Romualdo. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito sa ibinato ng anak.

Hinawakan niya ang nobyo sa braso dahil kuyom na nito ang palad sa galit.

“All those business trips, you were with your mistress. Napabayaan ninyong mag-isa si Mama dahil may kasama kayong ibang babae. Kaya hinayaan ninyong mag-isa siya sa France at namatay doon dahil sa inyo. At kahit birthday niya hindi ninyo mai-celebrate dahil wala na kayong pakialam kay Mama.”

Namula sa galit si Romualdo. “Be careful with your words, young man. I am so tempted to use my fist on you for the first time. Huwag mo akong akusahan nang wala kang ebidensiya. After all, I am not the one who died in the car accident with another man.”

“How dare you insult my mother!” Francois exploded.

Nakawala ito sa pagkakahawak niya at sinugod ang ama. Kinailangan niyang yakapin ito sa baywang para pigilan ito. “Francois, don’t!”

“Walang karapatan ang kahit na sino na insultuhin ang Mama kahit ng sarili ko pang ama!” angil ni Francois. “My mother gave up everything for you. Naging plain housewife siya kahit na may maganda sana siyang career sa culinary world. She sold her restaurant and her estate in France to buy back your shares. At anong iginanti ninyo sa kanya? You replaced her with a mistress.”

“You shut up! You have no right to speak to me that way as if you know everything. You are not even my son!”

Nahigit ni Amira ang hininga niya. Francois went still. Lumuwag ang pagkakakuyom ng kamao nito at nawala ang paglaban sa katawan nito. “A-Anong sinabi ninyo?”

Mariing nagdikit ang mga labi ni Romualdo. Parang may sasabihin pa ito pero namagitan na si Caridad. “Romualdo, that’s enough. Kung anu-ano na ang nasasabi mo.” May pakiusap sa mga mata ang matandang babae nang tingnan siya. “Amira, ilabas mo na si Francois dito. Go!”

Pumunta siya sa harap ni Francois at niyakap ito habang pilit na umaabante para maitulak ito papunta sa pinto. “Francois, halika na. Tama na iyan.”

“Don’t ever sully my mother’s name. Ako ang makakalaban ninyo,” palabang wika ni Francois at walang balak na tapusin ang harapang iyon nang ganoon lang. “And if you think I am not your son, I demand a DNA test.”

“Francois, hindi iyon ang ibig sabihin ng Papa mo. Amira, ikaw na ang bahala sa kanya,” anang si Caridad.

Tumango siya bilang pang-unawa. Mas malala pa ang sitwasyon ngayon kaysa sa inaasahan niya. At hindi niya alam kung anong gagawin para sa nobyo.

“MAIWAN ka dito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung anong oras ako makakabalik,” sabi ni Francois nang sundan ito ni Amira hanggang sa parking lot. He was in a dark mood. Kahit sinong makasalubong nito sa hallway kanina ay umiiwas. His fall-out with his father was devastating on his part. At alam niya na sa paghaharap ng mga ito kanina ay maraming di magagandang salita na narinig ang binata. Mga salita na di nito dapat narinig mula sa ama.

“Sasama ako sa iyo. Ako na ang magmamaneho ng kotse mo,” prisinta niya at pilit na hinahabol ang malalaki at mabibilis na hakbang nito.

“Maiwan ka dito, Amira.”

“Hindi kita pwedeng hayaan na mag-isa. At di kita hahayaang magmanehong mag-isa.”

“I need some time alone,” angil ng binata. “I need space.”

“Saang space mo ba gusto? Sa outer space? Mapapabilis talaga ang punta mo doon kapag hinayaan kitang magmaneho. You are not fit to drive.”

Tumigil ito sa harap ng kotse nito. “Kaya ko ang sarili ko.”

“Wala ka sa sarili mo.” Sinapo ni Amira ang noo at saka niya natuklasan na nanginginig ang kamay niya sa takot. Di dahil sa engkwentro ng mag-ama kanina kundi sa posibleng masamang mangyari kay Francois kapag hinayaan niya itong mag-isa. “Wala ka sa kondisyon na magmaneho. A-Ayokong may masamang mangyari sa iyo. Alalahanin mo na sa car accident namatay ang nanay mo at kaya din comatose si Papa dahil doon. Huwag ka nang dumagdag. Isipin mo kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ka.”

Kumawala na lang ang hikbi sa bibig niya dahil natatakot. Nararamdaman din niya ang sakit na nararamdaman ni Francois at di niya alam kung ano pa ang pwede niyang gawin upang pawiin iyon.

Niyakap siya nito. “I am sorry. Hindi ko naman gustong takutin ka.”

“Galit ka. Baka kung anong masamang mangyari sa iyo. Kahit na magalit sa akin pipigilan kitang umalis kung hindi mo ako hahayaang magmaneho. Kahit na iharang ko pa ang sarili ko sa sasakyan mo para lang tiyakin na di ka makaalis,” banta niya dito. Tiningala niya ito at binigyan ng matalim na tingin sa kabila ng luha sa mga mata niya.

Kinintalan siya nito ng halik sa noo at dinukot ang susi ng kotse mula sa bulsa nito. Kinuha nito ang kamay niya at inilapag ang susi sa palad niya. “You drive.”

Wala silang imikan ni Francois habang nagmamaneho siya maliban sa paghiningi niya ng instruction dito kung saan nito gustong pumunta. Puro diretso lang ang sagot nito at tuloy-tuloy lang sila hanggang makarating na sila ng Tuba, Benguet. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho hanggang dumalang na nang dumalang ang mga bahay na nakikita nila. Bangin at gulayan na lang ang nakikita nila sa daan. May mga pine trees na nakahilera sa daan at anthurium na namumulaklak sa tabi ng daan. It would have been a lovely sight but it became gloomy because of Francois mood.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.