Barely Heiresses: Amira Chapter 113

“Itigil mo sa tabi,” utos ng binata.

Sumunod na lang siya dito. Sa gilid ng daan ay may bukas na bahagi na papunta sa isang burol at napapaligiran ng bangin at bundok. Bumaba ang binata ng kotse at ganoon din ang ginawa niya. Nang maglakad ito patungo sa burol ay naiwan siya sa sasakyan.

Mainit ang araw kaya matingkad ang kulay ng paligid. Pero pakiramdam niya ay naging sepia ang kulay ng bawat daanan ni Francois. His sorrow was like a blackhole, absorbing every light and colors into oblivion.

Nang makarating ito sa dulo ng burol ay isang malakas na hiyaw ang pinakawalan nito. There was pain, sorrow and confusion echoing in the mountains around them. Parang libo-libong karayom iyon na tumusok sa puso niya nang paulit-ulit. Nakita niyang napaluhod si Francois sa damuhan. Gusto niyang tumakbo dito para yakapin ito at damayan ito pero ipinangako niya ang space na hinihingi nito. Kailangan niyang irespeto ang kagustuhan nitong mag-isa. Nagkasya na lang siya na umiyak habang pinagmamasdan ang maliit nitong imahe.

He looked defeated. Masakit nang sabihin ng ama nito na ang pumanaw nitong ina. With his father telling him that he was not Romualdo Mosqueda’s son was the final blow. Iyon siguro ang pinakamasakit para sa binata.

Tumingala siya sa langit at pinagmasdan ang paggalaw ng mga ulap. Hindi niya alam kung ano ang masakit – ang lumaki na alam niyang walang kwenta ang kanyang ama o lumaki na may ama gaya ni Francois para sabihin lang sa huli na hindi ito anak? Pumikit siya nang mariin. No person should suffer this way. No one.

Hindi niya alam kung gaano sila katagal na nanatili ni Francois sa ganoong anyo. Nakita na lang niya na nakatayo ito sa harapan niya. “Amira…” untag nito sa kanya.

Dahan-dahan siyang dumilat. Malungkot pa rin ang mga mata ng binata. Niyakap niya ito pero hindi mahigpit. Alalay lang. She didn’t want to coddle him much. She still needed that space. He needed to breathe.

“Saan mo gustong pumunta?” tanong niya.

“Gusto ko nang umuwi.”

INILAPAG ni Amira sa harap ni Francois ang mainit na tsokolate habang nakasalampak ito sa harap ng fireplace. Malakas na ang ulan nang dumating sila ng Baguio. Animo’y nakikisimpatya ang langit sa dinaramdam ng binata. Silang dalawa lang ang nasa bahay nito dahil

“Hindi ka na nakabalik sa opisina dahil sa akin,” malungkot na sabi ng binata.

Nagkibit-balikat siya at umupo sa tabi nito. “It is okay. Nagbilin naman ako sa mga staff ko na i-forward sa email ang mga trabaho na kailangan kong gawin. Pwede kong asikasuhin iyon mamayang gabi o bukas pagbalik ko sa opisina.”

“Sa palagay mo ba totoo ang sinabi ni Papa na hindi niya ako anak?” tanong ng binata na nakatulala pa rin sa apoy.

Pinakatitigan niya ang binata. May hawig naman ito kay Romualdo. Pareho ang kulay ng buhok ng mga ito, labi at hugis ng mukha. They had the same height and built. Pati sa kilos minsan. The rest of Francois’ features came from his mother who had light brown hair. “Hindi ko masasagot iyan sa ngayon. May dahilan ba ang papa mo para isipin iyon?”

Bumuntong-hininga ang binata at dinampot ang tasa ng tsokolate saka hinipan. “Isa lang naman ang naging boyfriend ni Mama bago siya naging girlfriend ni Papa. Kabe-break lang nila nang magkakilala si Papa at Mama kaya ayaw pa sanang makipagrelasyon ni Mama noon. Si Papa lang ang makulit.”

“And about this ex-boyfriend?”

Malungkot na ngumiti si Francois. “Naging mabuti pa rin silang makaibigan ni Mama. Sabi kasi ni Mama magkaibigan naman talaga sila dati. Mas okay sila na magkaibigan kaysa mag-boyfriend. Uncle Luigi was a nice man. Siya ang nag-encourage sa akin na maging chef. Sa culinary school niya ako nag-aral. Itinuro niya sa akin ang lahat ng nalalaman niya. I respect him so much. And my father hated me for it.”

“Siya rin ang kasama ng mama mo nang maaksidente?”

Kumunot ang noo ni Francois. “Yes. Only because Uncle Luigi fetched her at the airport. Nothing more. At alam din ni Papa iyon dahil sinabi ni Mama sa kanya. Papunta si Uncle Luigi sa Carribean cruise kundi lang nangyari ang aksidente na iyon. At hindi si Mama ang kasama niya.”

“May dahilan ba para maghinala si Tito Romualdo na may relasyon sila?”

Nagkibit-balikat ang binata. “I don’t know. Baka sinabi lang niya iyon para i-justify ang pagkakaroon niya ng babae.”

Nangalumbaba siya. “Ibig sabihin nagkaroon kayo ng rift ng papa mo nang malaman niya na gusto mong maging chef?”

“Yes. Inaasahan niya na makakasama ako sa Banal Mining. Sayang lang daw ipinampaaral niya sa akin. Lalo siyang nagalit nang malaman niya na mag-aaral ako kay Uncle Luigi sa Paris. Nang mamatay si Mama, di na niya ako inalok na bumalik ng Pilipinas. At sa pagkadismaya niya, nagdesisyon ako na hawakan ang shares ko sa Banal Mining dalawang taon na ang nakakaraan. Parang ayaw na niya akong makita. Lagi niyang ipinararamdam sa akin that I am not good enough when it comes to mining. At walang halaga sa kanya ang pagiging chef ko.”

Ngayon ay mas naunawaan na niya kung bakit iba ang trato ni Romualdo sa anak. Hindi lang simpleng pagkadismaya sa ibang hilig ni Francois.

“So… did your Uncle Luigi has the same gray eyes like yours? Given na kasi na magaling siyang magluto gaya mo.”

“No.” Inilabas ni Francois ang cellphone at ipinakita sa kanya ang larawan ng isang lalaki na may katabaan at malaki ang tiyan na kasama nito sa picture. “See? Ang layo ng itsura namin sa isa’t isa. He was blonde with blue eyes. I am not. I got my gray eyes from my mother as well as my culinary skills. I told you, sinabi lang iyon ni Papa dahil naipit ko siya sa babae niya. Akala niya di ko malalaman.”

Mas kamukha nga ni Francois si Romualdo. “Amira, naniniwala ka ba na hindi ako anak ni Papa?”

Tinapik niya ang balikat ng binata. “It must be just play of words. Baka sinabi lang talaga niya iyon dahil inaasahan niya na bilang anak niya ay mas pipiliin mo na maging isang chef. May ganoon namang mga ama o magulang.”

Umiling ito. “Do you think he will grant the DNA test?”

“Maybe not,” nakangisi nitong sabi. “Hindi siya papayag. Mas mawawalan siya ng control sa shares ko kapag nalaman niyang di ko siya ama. Basta sigurado ako na siya ang ama ko.”

“Dahil…?”

“The reason why my mother and Uncle Luigi broke up is…” Bigla itong natigilan. “Never mind.”

“Francois, kung may alam ka dapat sabihin mo sa Papa mo.”

Umiling ito. “Nirerespeto ko si Uncle Luigi. Pinili nila ni Mama na isekreto ang bagay na iyon. At kahit pa sabihin ko kay Papa, di pa rin niya tatanggapin. DNA test pa rin ang solusyon ng lahat.”

“Na di rin niya gagawin.” Dahil sa pride o sa kung anumang motibo ni Romualdo. Di rin naman pwedeng pilitin ni Francois ang ama kung ayaw nito. “Pwede bang takasan muna natin ang lahat ng ito? Kasi hindi na healthy para sa iyo. Ayokong maapektuhan ang magagandang plano natin kung magpapakalunod tayo sa mga problema at isyu ng pamilya natin.”

“I am sorry,” usal ng binata at kinintalan siya ng halik sa labi. “Sa palagay ko kailangan ko rin iyan. I am not myself either. Hindi ko na rin gusto ang mga tumatakbo sa isip ko at ang mga nasasabi ko. You know that I am not the type of person who dwells in negativity. H-Hindi ko rin gusto ang nasabi ko kay Papa, even if I think he deserves most of them.”

“Gusto kong bumalik ang masayahing Francois na nakilala ko.”

“Saan mo ba gustong pumunta?”

Hinaplos ng daliri niya ang labi nito. “Surprise me, mon amour.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.