Barely Heiresses: Amira Chapter 115

"Spirited Away."

"Napanood mo? Ang cute ng hero na si Haku!" kinikilig niyang sabi nang maalala ang binatilyong hero na may gray na buhok.

Tumikhim si Francois at itinuro ang sarili. "Boyfriend. Tapos kikiligin ka pa sa ibang lalaki. Di ka pa masiyahan at magpasalamat na may guwapo at makisig kang boyfriend tulad ko."

Tumirik ang mga mata niya. "He is just a fictional character. Pagseselosan mo iyon?"

"Mas masakit nga kapag fictional character ang karibal ko. Anyway, this park is not abandoned nor taken over by spirits from another dimension. Hindi pa lang tapos ang construction. Magkakaroon daw ng restaurant at shops dito pati na rin hotel."

"That would be lovely." Sumandal siya sa upuan at in-imagine ang ganda ng paligid kapag nakumpleto na ang construction. "Gusto ko rin ng ganito. My own tea park wonderland. My own giant tea pots pero gusto ko isang babae at lalaki in full Igorot regalia ang nakabantay sa entrance. And the people can experience the beauty of the tea farm and the rice terraces nearby."

"Plano mo rin bang tayuan ng hotel ang rice terraces?" tanong nito.

Inilabas niya ang notepad sa bag at ang ballpen saka gumuhit. "Hmmm... pwede kong gawan ng maliit na building ang tea farm. At sa rice terraces naman ni Lola Celestina, gusto kong i-accommodate ang mga traditional houses sa iba't ibang tribo sa Cordillera para maging bagong bahay nila. Maraming traditional houses ngayon ang sinisira na lang para paboran ang mga makabagong bahay na mas malalaki. Gusto kong mai-preserve ang traditional Cordilleran houses."

"Katulad sa Las Casas Filipinas sa Bagac, Bataan."

"Parang ganoon na nga. Kaya meron na akong tea park kung saan makakapag-appreciate ang mga tao ng masarap na tsaa at maa-appreciate din nila ang culture ng Cordillera. Alam ko naman na kailangang kumita ng lupain ni Lola pero kailangan di mababago kung ano ang natural na naroon tulad ng rice terraces."

Inakbayan siya nito. "Brilliant idea. Ang galing talaga ng mon amour ko."

"Hindi ko naman maiisip iyon kung hindi dahil sa iyo. Thank you, Francois. Ikaw dapat ang nag-e-enjoy sa bakasyon natin dahil alam ko na marami kang pinagdadaanan pero sa huli ako pa rin ang iniisip mo," aniya at mariing hinalikan ang labi nito.

"Amira, kahit anong gawin ko hindi mawawala ang problema ko. And I don't want to dwell on it. Gaya ng sinabi mo, ayaw mong makalimutan ko kung paano maging masaya. And what makes me happy is to see that you are happy."

Niyakap niya ito at saka pinaliguan ng halik ang mukha. "I love you! I love you! I love you!"

"J'taime, Amira. Just stay with me. I can go through everything if you are with me. Partners?"

"Partners."

At natitiyak niya na kung dadating ang panahon na alukin siya ni Francois ng kasal ay hindi na siya matatakot. Gusto niyang ito ang maging partner niya habambuhay.

“HUH! Tingnan ko lang kung mapantayan ni Ailene ang idea ko na tea park,” sabi ni Amira habang naka-abrisyete siya dito at naglalakad sila sa Greenbelt. “Tiyak na mamamatay siya sa inggit dahil sa idea ko. I am sure gagawa siya ng paraan para magkaroon din ng coffee park. Sorry na lang siya dahil mas maganda pa rin ang tea park ko.”

Kumunot ang noo ng binata. “Hanggang ngayon ba magka-kompitensiya pa rin kayo ng kapatid mo?”

“Kompetisyon ba iyon? I don’t know. I just want to piss her off sometimes. Siya naman kasi itong laging naghahamon. But this time, it would be a harmless competition. Lambingan na lang namin. Magkaka-idea din siya kung paano magiging mas appealing at mas makakatulong sa mga tao ang namana niya kay Lolo Alfonso. She will be encouraged to do more.”

Pwede naman niyang hindi galawin ang mga namana niyang lupain kung tutuusin. Pero para na rin mabigyan ng trabaho ang mga Sagada at makatulong sa turismo at agrikultura ay gusto niyang ituloy ang plano niya. Magpapatulong siya sa grupo nila Estephanie dahil eksperto ang mga ito sa pagpapalaganap ng organic farming. Pag-aaralan din ng mga ito kung hindi nga ba makakasama sa kabuuan ang plano niya. May koneksyon din ang mga ito sa ibang tribo sa Cordillera kaya sa palagay niya ay matutulungan din siya ng mga ito na maghanap ng mga tradisyunal na Cordilleran houses na plano nang gibain para maisalba nila.

She was actually excited about it. Alam naman niya na okay na sila ng kapatid niya lalo na’t nalaman nitong nobyo na niya si Francois. Di kasi siya banta sa pag-iibigan nito at ni Jeremie. Yes. Bumalik na si Jeremie na isang business tycoon at hindi na ito si Marco, ang machong tour guide. Nakabuti ang pagbabalik nito sa Sagada dahil sa biglang paggising ng ama nila kahit nga bumalik ito sa pagkaka-coma.

“Hindi ko talaga alam kung bakit may ka-meeting kami ni Chef Rouen na TV executives at kung para saan,” sabi nito.

Sa isa sa mga luxury hotels na hawak ng Theron Group of Hotel and Resorts ang meeting na nasa paligid lang ng Greenbelt kasama ang sikat na French chef na si Rouen Arezmendi na matagal nang kaibigan ni Francois. Kaya naputol ang bakasyon nila sa Doi Mae Salong dahil biglaan ang meeting na iyon. Kailangan na rin kasing umalis ni Rouen Arezmendi sa susunod na araw patungong Bordeux, France para sa wine festival doon. Magandang opportunity daw ang naghihintay kay Francois at gustong dito muna ialok bago sa iba.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Maybe they want you to host a show or something. Celebrity chef?”

Hinaplos ni Francois ang baba. “Kung saka-sakali, okay lang ba sa iyo na maging artista ako? Pagkakaguluhan ako ng mga babae…”

“At mga feeling babae,” aniya at inayos ang kuwelyo ng polo nito. “I don’t mind. Alam ko naman kasi na ako lang ang mahal mo. At nasa iyo kung gusto mong maging celebrity chef. You are talented. Marami ka na ring followers. Dinadayo pa nga sa Sagada ang buffet mo at dinudumog kapag nasa Baguio ka. Nasa iyo naman kung saan ka komportable.”

“Chefs are not supposed to be celebrities, I guess.”

“Basta kung anuman ang desisyon mo, susuportahan kita.” Sa lahat ng nangyayari dito na hindi maganda ay may maganda pa ring biyayang dumadating dito. And he needed the distraction. “Basta nandito lang ako sa Greenbelt after ng meeting mo.”

“Hindi mo ba ako sasamahan?” malungkot nitong tanong.

“No. Hindi dahil di kita sinusuportahan. Ayoko lang ma-discover. Baka hindi kayanin ng puso mo kapag dumami ang karibal mo sa akin,” aniya at iwinagayway ang hintuturo.

“How cocky, Miss Banal.” Mariin siya nitong hinalikan sa labi at wala itong kung may mga taong makakita sa kanila. He was staking a claim on her. For such a handsome man, he was a bit possessive. Akala naman nito ay maaagaw siya ng ibang lalaki. “Babalik ako agad. Huwag kang titingin sa ibang lalaki kahit sa anime.”

Natatawa na lang siyang pumasok sa isa sa boutique ng Giorgio Armani. Kung matutuloy ang pagiging celebrity chef ni Francois, kakailanganin nito ng suits at pormal na damit, ties and cufflinks. At alam niyang allergic si Francois sa ganoon. Ang alam niya ay iilan lang ang piraso ng suit nito at isinuot lang nito nang nakaraang meeting para asarin ang ama nito pagharap sa board. She wanted to surprise him with something really nice.

Pupunta sana siya sa counter para mamili ng maganda at unique na cufflinks para kay Francois nang mapansin niya ang isang pamilyar na pigura na namimili ng silk ties. Seryosong-seryoso si Carrie sa ginagawa at kumuha ng isang fuschia pink tie saka hinaplos-haplos kaya di siguro siya nito napansin. “Good afternoon, stepmom. Sa palagay ko hindi bagay ang shade na iyan kay Papa.”

Napapitlag ito at gulat siyang nilingon. “A-Amira!” At parang bata ito na nabuking sa ginagawang kalokohan at itinago ang necktie sa likuran nito. “What are you doing here?”

Di maiwasang tumaas ang kilay niya sa ginawi nito. “Buying a gift for my boyfriend. Sa palagay ko kailangan ni Francois ng bagong tie at cufflinks lalo na kung nag-e-enjoy siya sa pag-attend-attend sa meeting ng Banal Mining.”

Di muna niya babanggitin sa madrasta ang tungkol sa posibleng alok na TV program kay Francois dahil hindi pa naman sigurado iyon.

“Akala ko nasa Thailand pa kayo.”

“We cut our vacation short. May importante siyang meeting ngayon. How about you?” Ngumuso siya sa direksyon ng neck tie. “Di naman siguro kay Papa iyan dahil di pa niya gagamitin. He is still in a coma.”

“Ano naman ang masama kung ibili ko siya ng necktie at nasa coma pa siya? Umaasa ako na magigising ang papa mo at babalik ang lahat sa normal.”

“Of course,” aniya sa malamig na boses. “Naisip ko lang na bakas mas maa-appreciate niya na nasa tabi ka niya habang coma siya kaysa sa ibinibili siya ng neck tie.”

“Nice words coming from the loving daughter. Ikaw itong madalas na wala sa tabi ng papa mo. Ilang beses mo lang siyang nadalaw? Baka wala pa sa daliri.”

“Oh! But I never claimed to be a loving daughter. Ikaw itong loving wife.”

“And you are implying…”

Nginisihan niya ito. “Nothing. Paranoid much?”

“Kung hindi ka hihingi sa akin ng advice sa kung anong magandang tie para kay Francois, then I must go,” sabi nito at taas-noong nagmartsa papunta sa counter. May kinuha din itong cufflinks at binayaran.

Hindi niya alam kung bakit hindi siya matahimik sa neck tie na pinili nito. It was not the color scheme for her father. Hindi ba iyon alam ng madrasta niya?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.