Barely Heiresses: Amira Chapter 118

EXCITED at kinakabahan si Amira sa trip na iyon papuntang Malaysia. Hindi kasi niya alam kung anong naghihintay sa kanya. Mula sa Kuala Lumpur International Airport ay sinundo sila nina Fawna at Lycerge. Sina Francois at Lycerge ang magkausap sa harap ng sasakyan habang nagmamaneho ang huli. Sila naman ni Fawna ay magkakwentuhan sa likod.

Magaan ang loob niya sa babae dahil pareho silang environmentalist kahit iyon ang unang beses nilang pagkikita. Di rin nalalayo ang edad nila sa isa’t isa. Siguro ay matanda lang ito ng dalawa o tatlong taon sa kanya.

Isa pa ay interesado siya sa tulong na iaalok nito kahit na palaisipan pa rin sa kanya kung paano nito nalaman na kailangan niya ng magandang special project sa lalong madaling panahon.

“Nakakahiya naman dahil naabala pa namin kayo ni Lycerge sa honeymoon ninyo,” anang si Amira sa babae.

Nagkibit-balikat ang babae. “Huwag kang mahiya. Magkalapit ang mga Lizardo at Banal. We are like the powerhouse in Cordillera.”

“Actually, she’s excited to meet Aklay’s girlfriend,” nakangiting sabi ni Lycerge sa rearview mirror ng sasakyan. “Nagtatampo siya kasi hindi siya updated sa mga nangyayari sa Sagada.”

“Sabi ko naman sa iyo, makakatagpo ka rin ng katapat mo,” sabi ni Fawna kay Francois na siyang chef ng mga ito nang kasal.

Nakitawa na lang sila ni Aklay. Hindi pa rin nito nasagot ang tanong niya kung bakit pero pagod na siya. Hindi din niya alam kung ano talaga ang plano nito para sa kanila ni Francois.

“Saan pala tayo pupunta?” tanong ni Amira.

“The Mines,” sagot lang ni Fawna at ngumiti.

Of course, minahan ang pupuntahan nila. Hindi naman talaga sila nandoon para magbakasyon. Ang weird lang dahil nagha-honeymoon ang mga ito pero minahan pa rin ang iniisip. Weird.

Siguro naman kung dadating ang panahon na magpapakasal at magha-honeymoon sila ni Francois ay wala silang iisipin na trabaho o kahit anong responsibilidad. At lalong malayo sa minahan ang pupuntahan nila.

Kailan kaya mangyayari iyon? Natatawa na lang siya sa sarili dahil iniisip niya ang kasal ngayon samantalang dalawang buwan ang nakakaraan ay di man lang niya ma-imagine na posible siyang ikasal o magka-boyfriend o ma-in love. It was unthinkable. Pero ganoon nga siguro ang buhay. Hindi mo inaasahan kung ano ang susunod na mangyayari.

Makalipas ang kalahating oras ay pumasok na sila sa isang malaking gate at sa loob ay nakita niya na puro iyon puno at nakakalatan ng damuhan at lawa. Hindi naman masasabing probinsiya iyon dahil may mga nagtataasang gusali na nakatayo. Parang bago lang ang mga iyon. “This is nice,” usal niya habang pinagmamasdan ang berdeng paligid. Magagandang bahayan, gusali at nakita niya ang isang karatula para sa Mines Wonderland. “Ano ‘yung Mines Wonderland?”

“A theme park. It is a part of the Mines Resort City. Meron ding Mines Mall, an exclusive golf course and country club with its own Boeing 747 jet, five-star hotels, residenc areas and even a man-made beach resost.”

Nilingon niya ang babae na puno ng pagtataka. “So… ito ang Mines na sinasabi mo? Nasaan ang minahan?” tanong niya at muling inikot ang paningin sa karangyaan sa paligid.

Itinigil ni Lycerge ang sasakyan at bumaba sila sa harap ng isang lake kung saan natatanaw ang isang malaking mall na may sariling indoor waterways at ang mga pasaherong nag-e-embark sa water taxi para mapasyalan ang iba’t ibang lake at establishment sa pamamagitan cruise.

“Ito mismo ang minahan. All one thousand five hundred acres of it used to be a tin mining wasteland,” anang si Fawna at inilahad ang palad. “This area used to be the largest mining area of tin in the world.”

Mula sa pagiging abandonadong minahan ay ginawang resort city iyon. Ni-rehabilitate ang area para taniman ng mga halaman. May mall, hotels, theme parks at mga manmade lakes at beach pa doon.

Naisip niya ang mga problema sa minahan sa Pilipinas. Kung gaano karami ang nakatiwangwang na lupa o kaya ay kung anong iiwan na buhay para sa mga minero kapag nagsara na ang minahan katulad ng nakatakdang mangyari sa Lambayan site. Her mind was working. Working really fast. Parang napakaraming possibilities ngayong nabuksan na ang isipan niya.

“Gusto ko pang makita ang ibang bahagi ng Mines,” sabi ni Amira. She wanted to see the whole picture. She wanted to know more.

MASARAP na masarap ang tulog ni Amira at tinanghali pa siya ng gising kinabukasan. She was greeted by the beautiful view of the lagoon at the hotel balcony when she woke up. Nag-iwan lang si Francois ng note sa bedside table niya na may kasamang bulaklak na naghihintay ito sa lakeside restaurant ng hotel para sa agahan nila.

Hihikab-hikab siya nang samahan na mag-agahan sina Lycerge, Fawna at Francois. Mukhang seryoso ang usapan ng tatlo kaya hindi napansin ang paglapit niya. “Magandang umaga,” bati niya sa mga ito.

Dali-daling tumayo si Francois at hinalikan siya sa pisngi. “Parating na ang in-order ko para sa iyo na breakfast,” sabi nito. “I had it customized according toy what you want.”

“Perks of having a chef boyfriend,” anang si Fawna. “Alam niya kung ano ang gusto mo, ang pwede mong kainin at hindi.”

Pinisil ni Francois ang kamay niya. “Are you okay? Nag-alala kasi ako dahil di ka pa gumigising kanina. Hinayaan muna kita.”

Nag-thumbs up siya. “Okay na okay. Ang sarap ng massage at spa nila. Nakaka-relax. Just what I needed.”

Matapos magpakapagod sa paglangoy-langoy sa man-made beach at lagoon na nasa harap lang ng Mines Wellness Resort kung saan sila naka-check in ay sinubukan nila ang spa at massage. Five-star resort iyon at world-class ang serbisyo. They even visited the mall na pwedeng daanan ng water taxi sa gitna. She must admit that she had a great time.

Naging masaya ang agahan nila lalo na nang i-share ng mga ito sa kanila ang dalawang linggong pananatili sa Antarctica. It was not actually a honeymoon but more on work. Napili kasi si Fawna para makasama ang ilang environmentalist na mag-observe doon lalo na’t may banta ng oil drilling at malakihang pangingisda na gumagamit ng bawal na pamamaraan. And Lycerge patiently let her do her job. An unconventional honeymoon really. Natatawa na lang siya habang binibigyan ng tips ni Lycerge ang nobyo niya at seryoso naman si Francois na nakikinig dito.

“Mukhang nakaka-relate si Francois sa sinasabi ni Lycerge sa kanya,” anang si Fawna. “Magkakasundo sila. I am sure kapag may hinaing sila sa atin sila-sila lang din ang makaka-relate.” Tumayo ito. “Come. Let’s take a walk. Hayaan mo muna silang dalawa diyan.” Nakarating sila sa harap ng man-made beach at umupo ito sa isa sa mga lounging chair na nasa ilalim ng shade. “What do you think of this place so far?”

“Cool,” nausal lang niya. “Hindi ko pa nakikita lahat pero marami na akong natututunan.”

“Nag-set ako ng interview para sa marketing head ng Mines bukas ng umaga bago kayo bumalik ni Aklay ng Manila. Malaki ang maitutulong niya sa iyo at baka mas marami ka pang makuhang idea mula sa kanya.”

“Why are you helping me out? I mean, this is a huge favor.”

“Aside from being an environmentalist, I think you should know that your grandfather offered your position to me first. Hindi ka pa niya natatagpuan noon. That was a year ago,” sabi nito.

Nanlaki ang mata niya. “Really?”

Tumango ito. “Yes. When I refused, your father came to me. Sabi niya na isang special project ang gusto niyang ipagawa sa akin at gusto niyang ilihim iyon. He wants me to help rehabilitate the Lambayan site in such a way that it would benefit the mining community once the mines close down.”

Napananga siya. “G-Ginawa iyon ni Papa?”

Naguluhan siya. She thought Alfie Banal didn’t care much about the mining company or what happened to Lambayan. Ang di pag-e-explore sa Kanayama ay dahil sa utos ni Don Alfonso upang pigilan ang paglala ng mga maling desisyon ng anak nitong si Alfie. She just couldn’t believe that her father would do it.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.