“Yes. I had started making research but your father met an accident. Natigil na rin ang funding sa project at naging abala ako sa kasal ko. Dapat nasa Peru kaming mag-asawa ngayon pero napanaginipan ko si Tito Alfie. Sabi niya kailangan daw ng anak niya ang tulong ko. And I knew right there and then that it would be about my proposal for Banal Mining,” paliwanag nito.
Kumunot ang noo niya. “Idinala mo ako dito dahil sa panaginip ni Papa? Tinutulungan mo ako dahil doon?”
“You didn’t meet your father. Di ko rin alam kung ano ang isyu ninyo. Pero sa kabila ng sitwasyon niya ngayon, sa palagay ko ay gusto ka pa rin niyang tulungan. Maybe he loves you.”
Hindi niya maintindihan. Ganoon ba kasidhi ang kagustuhan ng ama niya na tulungan siya at makabawi sa pagkakamali nito na kahit comatose ito ay nakagawa pa rin ito ng paraan para makatulong sa kanya? No. Parang imposible. Hindi niya maisip na posibleng gawin iyon ng ama niya.
For her, he was just a man she hated. Hindi siya nito kilala. Hindi siya nito mahal. He didn’t even know about her existence. Gusto niyang pagtawanan ang sitwasyon na iyon dahil parang napakalaking joke. Subalit di niya magawa lalo na’t ito ang nagbibigay-daan para ma-solve ang proviso ng lolo niya.
Isang asul na folder ang inabot ni Fawna sa kanya. “Here is the initial part of my proposal. You see, hindi lang ito posibleng gawin sa Lambayan project. Pwede din itong gawin sa ibang mining site di lang sa hawak ng Banal Mining. Imagine if all abandoned mining sites would look like this one instead. May trabaho ang maraming Pilipino at lalaki pa ang turismo sa lugar na iyon.”
“So with this, masasabi na may buhay matapos ang minahan?” tanong niya habang binabasa ang folder nito.
“Yes. Kaya pinapunta kita dito dahil ayokong ipakita lang ang lahat sa papel. I want to show you that it is possible. Nasabi na ni Francois na may program ang Banal Mining para mag-rehabilitate. It could be so much more. Subukan mong i-consider ito,” anang babae at itinuktok ng daliri ang folder na hawak niya. “Baka ito na ang kailangan ng Banal Mining Corporation. Baka ito na rin ang kailangan mo.”
“Thank you,” aniya at masayang niyakap ang babae. “Ito nga mismo ang kailangan ko.”
“Hindi pa naman tapos iyan…” anang si Fawna sa ipit na boses.
“Ikaw ang hulog ng langit sa akin. Akala ko talaga wala na akong pag-asa. Kulang dalawang buwan na lang bago presentation ko,’ aniya at kumalas ng pagkakayakap dito. Niyakapa naman niya ang folder. “Salamat talaga.”
“Huwag ako ang pasalamatan mo, Amira. Pasalamatan mo ang papa mo. It was his initiative after all.”
“Si Papa?” tanong niya at kumunot ang noo.
“Well, I know you don’t know him much. Hindi ko rin alam kung ano ang kwento ninyong mag-ama. Maybe… maybe he isn’t bad after all.”
“BET mo bang mag-build ng snowman? Gora tayiz and play. Di na kita ma-sight anymore. Open sesame. Anyareh sa iyo, teeee?” kanta ni Francois habang kinukuhanan ng picture ang higanteng snowman na nasa Ice Factory na bahagi ng Mines Wonderland. Ang Ice Factory ang pinakaunang snow house facility sa Malaysia. Bukod sa higanteng snowman ay may igloo din doon at pakiramdam niya ay mababali na ang dulo ng ilong niya sa sobrang lamig. Mainit sa labas kaya naman nagyaya si Francois sa mundo ng yelo.
Tinampal niya ang braso nito. “Uy! Huwag mo ngang kantahin iyan. Baka mamaya may makarinig sa iyo.”
“Ano naman kung marinig nila?”
“Baka akala nila paminta ka,” sabi niya at ipinilantik ang daliri.
Ngumisi ito. “Ayaw mo no’n? Walang ibang babaeng magkaka-interes sa akin. Saka iyon agad ang kantang naisip ko. Lagi kasing kinakanta ni Eira iyon.”
Natawa na lang si Amira dahil mukhang malakas maka-LSS ang kanta ng busong kapatid niya. Pati ang pagkakisig-kisig na lalaki tulad ni Francois ay nahawaan ng beki song nito at di man lang nahihiya ang nobyo niya.
“Sa palagay ko mag-e-enjoy siya kapag nakita niya itong higanteng snowman,” aniya at pinagmasdan ang higanteng snowman. “Kung alam ko lang na may ganito sa pupuntahan natin, pinasunod ko sana siya dito.”
“Nami-miss mo ang kapatid mo?” tanong ni Francois.
“Actually silang lahat. Gusto ko naman silang makasama nang wala akong iniisip na proviso o approval ng votes nila o kahit ang pagka-comatose ni Papa. Gusto ko magkasama-sama lang kami bilang magkakapatid.”
“Magagawa mo rin naman iyon. Hindi kailangang hintayin ang pagtatapos ng proviso mo. Ipatawag mo sila. Ituloy mo ang bonding session ninyong magkakapatid. Kailan pa ba ninyo huling nagawa iyon?”
Matagal na nga. Di naman matatawag na bonding session ang pagkikita-kita nilang magkakapatid kapag dinadalaw ang ama niya o ang kasal ng kapatid niyang sina Vera Mae at Yumi.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Maganda sana ang idea ni Francois kaya lang… “Hindi ko alam kung gugustuhin nila na ako ulit ang mag-organize ng bonding session namin. I messed up the first one. Instead na isang masayang bonding session o film showing gaya ng inaasahan nila, nauwi kami sa environmental seminar ko. Ayun! Nauwi lang kami sa pagtatalo at nainis sila sa akin.”
“Ito na ang chance mo para bumawi sa kanila. Ako ang bahala sa iyo. Dapat marunong kang kumuha ng kiliti ng mga girls para mag-enjoy sila,” sabi nito at kinindatan siya. “Pero lumabas muna tayo dito. Baka ako na ang maging snowman.”
Magkahawak-kamay sila habang naglalakad sa fairy land. "Next month ay birthday ni Don Alfonso. Sa halip na usual party, gumawa kayong magkakapatid ng meaningful na activity. 'Yung maipapakita mo ang character mo at ang misyon mo nang di sila nape-pressure. Na maipakikita mo rin sa kanila ang legacy na iniwan ni Don Alfonso."
Her lips twisted. "Sasama ba sila sa akin?"
"Kung ii-involve mo ang mga asawa at boyfriend nila, tiyak na papayag sila. Oras na rin siguro para i-welcome mo sila sa pamilya."
"Pati si Timberland?" tukoy niya kay Kellan na engaged na sa kapatid niyang si Mabel.
"He is nice. He makes your sister happy. You gave Banal Mining a chance, why not him?"
Tumirik ang mga mata niya. "Oo na. Basta kailangang gawin niya ang gusto ko." Isang ideya ang nabubuo sa isipan niya.
Kinudlitan nito ang dulo ng ilong niya. "I don't like the sparkle in your eyes. Parang may pinaplano ka. Kinakabahan ako."
"Huwag kang mag-alala. Mag-e-enjoy ka sa plano ko." At isang pilyang kindat ang ibinigay niya dito.