Nakangiting pinagmasdan ni Amira ang Light Fantasy on Water, isang lakeside promenade na may higanteng aquatic animals na palutang-lutang sa man-made lake na dating open mine pit habang sakay ng water taxi na maghahatid sa kanila sa kabilang bahagi ng lake at maari ding magpasyal sa kanila sa Mines Mall na may water ways sa mismong loob ng mall.
“Masarap palang maging bata,” sabi niya at kumagat sa higanteng cotton candy na hawak niya sa isang kamay.
“Parang ngayon mo lang naranasan na maging bata.”
“Di madali ang naging buhay ko noong bata. Basta ang alam ko kailangan kong mag-focus nang mabuti sa pag-aaral. Habang ang ibang bata ay naglalaro at nag-e-enjoy, I had to grow up fast. Masyado akong maraming gustong patunayan. Masaya naman ako pero may mga bagay na di ko na-experience noong bata ako tulad ng pamamasyal sa amusement park habang kumakain ng cotton candy at ice cream. Masaya na ako dati na naidala ni Nanay sa Luneta. So, yeah! Weird man pero ngayon pa lang ako nag-enjoy nang ganito.”
"It is good to see you like this."
Nilingon niya ang nobyo. "What?"
"Masaya ka. You are having fun. Nitong nakakaraan masyado kang maraming iniisip. You somehow lost the light in your eyes."
She felt a bit bad. Di niya alam na napapansin iyon ni Francois kahit na magkasama sila. "Masaya lang ako dahil parang nawala ang problema ko sa proviso ni Lolo Alfonso." Ibinuka niya ang mga kamay. "This is the answer to my problems. Wow! Noong unang beses kong marinig ang proviso ni Lolo Alfonso, sabi ko sa sarili ko ay imposible na ma-accomplish ang gusto niya nang hindi ko isinusuko ang lahat ng paniniwala ko tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. Everything for me is in black and white. Masama ang minahan. There is no such thing as responsible mining. We harm nature one way or another with these mining explorations.”
“At ngayon?”
“I see everything in a new light. Di naman uunlad ang sibilisasyon kung walang mining. Nasa mga tao na lang talaga kung paano pa rin magiging responsable sa pagmimina. Kung gusto ng mga tao na ibalik sa dati ang kalikasan o makabangon mula sa iniwan ng minahan, kaya naman. Kailangan ko lang palang buksan ang isip ko sa lahat ng possibilities. Hindi ko malalaman ang lahat ng ito kung hindi ko tinanggap o pinilit tanggapin ang pagiging Banal ko.”
“Are you enjoying being one?”
“There are some perks of being one but I don’t want to get it into my head. Masaya lang ako na mas lumawak ang pananaw ko sa Banal Mining, nakasama ko ang mga Lambayan sa Kanayama kahit na sandali lang, nakilala ko si Lolo Alfonso kahit na malungkot ako dahil nabigyan ko siya ng sama ng loob bago siya nawala at nakilala ko ang pinaka-hot na chef na nagpabago ng pananaw ko sa mundo.”
Tumikhim ito. “Thank you for the compliment, mon amour. Nagsasabi ka lang ng totoo.” At kinintalan siya ng halik sa labi.
“Siguro hindi magiging ganito ang takbo ng isip ko kung hindi dahil sa iyo. You are a blessing in disguise even if you are the most infuriating, arrogant and boastful man I’ve ever met.”
Natigilan si Francois at bahagyang lumayo sa kanya. “S-Sandali lang. Kapuri-puri ako sa iyo kanina sa pagiging hot na chef tapos bigla mo akong binawian ng mga even if mo. Infuriating? Arrogant? Boastful? Mas marami ka pang inilait sa akin kaysa sa papuri mo. Amira…”
Pinisil niya ang baba nito. “I love everything about you – mula sa masasarap mong niluluto hanggang sa kahanginan mo.” At nagiging matatag siya sa bawat pagsubok dahil kay Francois. He was with her every step of the way. Hindi siya nito sinusukuan kahit sa mga panahon na bibigay na siya sa pagsubok. “Do you think my sisters will agree to creating a tourism haven out of the old mines? Sa palagay mo pati board of directors ay magugustuhan ang idea na ito?”
"I think even my father will agree."
Tumaas ang kilay niya. “Sasang-ayon si Tito Romualdo?”
"We may have issues but I don't think he is stupid enough to snob this wonderful project. Maganda na mangyari ito sa panahon niya. Kung ayaw man niya, sa palagay ko naman ay susuportahan ka ng mga kapatid mo."
"You think I will get their votes?"
Tumango si Francois. "Definitely. Hindi lang dahil magkakapatid kayo kundi dahil talagang maganda ang idea na ito. Anuman ang plano mo noong una ay eksaktong-eksakto sa project na ito. At maa-appreciate nila na iniisip mo ang kapakanan ng mga tauhan mo at ng community. Sa palagay ko ay magiging proud sila sa iyo."
Tumingin siya sa paananan niya at sinipa-sipa ang sahig ng bridge habang nakalagay ang mga kamay sa likuran niya. “Not exactly my idea. Ang totoo pinagawa na pala ni Papa ng proposal para sa ganitong project si Fawna.”
Nagulat si Francois. “Really? Si Tito Alfie?”
“See? Pati ikaw ay nagulat. Hindi daw niya naituloy dahil nadisgrasya si Papa at natigil ang funding para sa research. Kaya daw ako tinutulungan ni Fawna ay dahil napanaginipan niya si Papa at gusto daw akong tulungan. So ang ginawa niya ay ibinigay niya sa akin ang lahat ng information na mayroon siya kung gagawing isang tourism spot ang Lambayan site kapag matatapos na ang operasyon ng minahan doon. Weird, right?”
Nakakunot ang noo ng binata pero may bakas ng amusement sa anyo nito. “Really weird. Sa palagay ko mahal ka ng papa mo kahit na di pa kayo nagkakakilala.”
“Or maybe guilt,” aniya at nagkibit-balikat. “Iniisip ko kung dapat akong maging masaya dahil tinulungan niya ako sa problema ko pero naisip ko na in the first place, siya naman ang may dahilan ng lahat ng gulong ito. Bumabawi lang siya sa mga kasalanan niya. Itinutuwid lang niya ang mali niya.”
Hindi pa rin niya maiwasang maging bitter sa ginawa ng ama niya paminsan-minsan. Nalulungkot din siya dahil nahihiling niya na sana ay hindi ganito ang buhay niya. Hindi sana siya nabuhay na puno ng galit sa puso niya. Hindi sana niya kailangang buuin at ipaglaban ang bawat bahaging pagkatao niya. Sana lang ay nagkaroon siya ng mas responsableng ama.
Kimi itong ngumiti. “Hirap kang tanggapin na posibleng may kabutihan sa puso ang papa mo?”
“You can’t really blame me. Sa dami ng di magagandang ginawa niya sa amin ng nanay ko, masisisi mo ba ako? Kahit siguro magawa ko ang proviso sa tulong niya, di madali na magpatawad hangga’t di ko naririnig sa bibig niya mismo at di niya naaayos ang lahat ng gulo na ginawa niya. I paid for his sins many times over. You can’t really blame me that when it comes to him, there is not such thing as gray area. I find it hard to like my father.”
Hinawakan ni Francois ang balikat niya. “Amira, it doesn’t matter what your father did. You turned into a fighter because of what he did. Kailangang ikaw ang bumuo sa pagkatao mo dahil kaya mo. At sa iyo ibinigay ang malaking responsibilidad dahil ikaw lang ang pwedeng makagawa nito. Hindi nga siguro mabubura ang galit sa puso mo pero sana mahanap mo sa puso mo na mapatawad ang ama mo balang-araw.”
“How about you? Kaya mo bang patawarin si Tito Romualdo kung napatunayan mong totoo na niloko niya ang mama mo? Mapapatawad mo ba siya na naniniwala siyang hindi ka niya anak?” tanong niya.
Nawala ang ngiti ng binata at iniwas ang tingin sa kanya. Nahagip ng mata niya ang sakit sa mga mata nito. Ginagap nito ang kamay niya. “Where else do you wanna go? Gusto mong makita ang hotel na Palace of the Golden Horses? Sabi maganda din daw doon dahil kakaiba ang architecture? Kung gusto mo bumalik tayo dito with your sisters at doon naman tayo mag-check in.”
Pinigilan niya ang kamay nito. “Francois, let’s talk. Hindi mo naman kailangang itago sa akin ang mga bagay na ito. Sa palagay ko talaga kailangan ninyong mag-usap ni Tito Romualdo. Baka may mga bagay na dapat kayong linawin sa isa’t isa. Walang mangyayari kung magpapatigasan kayo.”
And it was hurting her to see him like this. Pinapasaya siya nito at sinusuportahan. Pinapayuhan siya nito para maging magaan ang dala-dala niya sa dibdib at patawarin sa kanyang ama. Inaayos nito ang buhay niya habang ito naman ay nasa alanganin pa rin ang sitwasyon kay Romualdo. Nobody was giving an inch. Gusto niyang makakita ng pag-asa dito at sa ama nito. Gusto niya na makatulong. She already made the first step with Romualdo. Hindi na lang niya alam kung si Francois ay magagawa ding humakbang palapit sa ama.
Ngumiti lang si Francois sa kanya at halos maningkit na ang mga mata nito. His smile was too bright, he could almost fool her. “Okay na kami ni Papa. Sanay na kami na ganyan sa isa’t isa. May drama lang kami ng konti pero na-realize ko na ganyan talaga kami. Huwag mo nang isipin iyon. So, how about snacks at the Palace of the Golden Horses? Pwede nating pag-usapan kung anong klaseng hotel ang pwede mong itayo para sa Lambayan site. May idea na ako. A highland palace would be nice.”