TUMINGALA si Amira at nakita niya ang intesidad ng anyo ng kanyang tagapagligtas. Hindi rin nagugustuhan ni Francois ang nangyayari. Awtomatikong nagsilayo ang mga nakapalibot sa kanya. Animo’y nirerespeto ng mga ito ang presensiya ng binata. At noon lang niya narinig ang awtoridad sa boses nito. As if nobody would dare cross him.
“Sir Aklay, nalaman po kasi namin na gusto niyang ipasara ang Kanayama,” sabi ni Manong Tomas.
“Chef Aklay, nandoon po kayo!” anang si Brynette at itinaas pa ang kamay. Mas malakas na ang loob nito at di mangingimi na labanan siya. “Narinig ninyo na mas gusto na lang daw niyang ipasara ang kompanya.”
“Kaya po nagsama-sama kaming mga manggagawa dito para iprotesta siya. Kung mananatili siya sa Banal Mining Corporation at banta siya sa kabuhayan namin, mas mabuting umalis na lang siya o kami ang aalis. Kahit pa apo siya ni Don Alfonso Banal, di kami papayag na tratuhin nang ganito. Ipaglalaban namin ang mga karapatan namin,” sabi ni Manong Thomas.
“Tama!” sigawan ng iba.
Nakadama siya ng takot sa pananahimik ng binata. Hindi ba kakampi ito ng mga tutol sa pananatili niya sa Banal Mining Corporation? Would he put the final nail on her coffin this time? Sasang-ayon ba ito sa mga nagpo-protesta na mas mabuting itapon na lang siya at mawala sa kompanya?
She felt helpless and weak. Nang mga oras na iyon ay nakasalalay ang pananatili niya sa Banal Mining Corporation sa mga kamay nito. Pati na rin ang pag-asa niyang mabawi sa Kanayama ay nakadepende sa sasabihin nito.
“Francois,” aniyang may pakiusap sa boses. She didn’t want to beg. It was silly of her to beg.
Bakit naman siya nito pagbibigyan kung saka-sakali? Una ay pagkakataon nang maialis siya sa Banal Mining Corporation nang walang kahirap-hirap. Pangalawa ay totoo naman ang sinabi niya na gusto iyang ibagsak ang kompanya kaysa paunlarin iyon. Sukal na sukal ang loob niya na hawakan ang minahan o ang malaking shares nito kundi lang para mabawi niya ang Kanayama.
And here she was, clinging to her enemy as if her life depended on it. She was clinging to her last vestige of hope.
Sa gulat ng lahat ay isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Francois. “Iyon lang ba ang dahilan kung bakit kayo nagkakagulo? Dahil narinig ninyo na gusto ni Amira na ipasara ang Banal Mining Corporation?”
“Sir, hindi ba totoo naman iyon?” tanong ni Brynette. “Hindi ako pwedeng magkamali ng dinig. Narinig ko iyon nang pagbukas ko ng pinto at dadalhan ko kayo ng kape.”
“Oo,” kaswal na sagot ng binata. “Sinabi nga ni Amira iyon.”
Halos bumaon ang kuko ni Amira sa harapan ng puting T-shirt ni Francois habang naggigiyagis ang mga ngipin niya. “Francois…”
There. He sold her already. He was handing her to this angry mob on a silver platter. Wala na siyang kawala. Kailangan na niyang mag-alsa balutan. Wala na siyang magagawa para sa Kanayama sa pagkakataong ito. Uuwi siyang bigo.
“Pero sinabi lang niya iyon dahil frustrated siya na di kami makapag-date,” anang si Francois sa magaang boses.
“A-Ano?” naguguluhan niyang tanong at tiningala ang binata. Nakangiti lang ito habang may kislap ang mga mata. Parang di seryoso ang problemang kinakaharap ng mga ito. Ano daw? Iyon ang dahilan niya para ipasara ang kompanya? Dahil di sila makapag-date?
Parang gusto niya itong tadyakan nang mga oras na iyon. Really? Sino namang hangal ang maniniwala na gusto niyang ipasara ang isang multi-billion company dahil lang di sila makapag-date?
Hinaplos ni Francois ang buhok niya at mas hinigpitan ang pagkakakabig niya sa kanya nang sinubukan niyang kumawala dito. Mukhang alam nito na kokontra siya. His touch was telling her that he was in control and he could handle everything just perfectly fine. At ang kailangan lang niyang gawin at i-enjoy ang init ng katawan nito at singhutin ang bango nito.
“You see, matagal na naming planong mag-date bago pa mawala si Don Alfonso. Pero dahil namatay ang lolo niya, emotionally stressed siya. Nadagdagan pa ang busy schedule niya dahil kailangan niyang hawakan agad ang bagong posisyon niya sa Banal Mining. Hindi pa siya tapos sa pagdadalamhati sa kay Don Alfonso ay natambakan na siya ng trabaho. Hindi pa niya ako mai-date. Kahit ino ay mafu-frustrate kung hindi niya ako mai-date,” paliwanag nito.
“Francois…” nanggigigil niyang sabi. Lumalabas na ganoon siya kababaw na babae.
Feeling ba nito ay ganoon ito kakisig para mawawala siya sa sariling bait? What a lame excuse! Kahit sino ay di maniniwala na sasabihin niya iyon. She was not some harebrained woman he usually dated. Ganoon talaga katindi ang kompiyansa nito?
“Oo nga naman. Aba’y kahit naman ako mas gusto kong i-date kayo kaysa harapin ang trabaho, Chef Aklay!” tili ng receptionist na beki.
“Sang-ayon ako sa iyo, bakla!” anang isa sa bata-batang staff accounting department. “Mahirap nga naman na ma-cancel ang date at harapin ang tambak na trabaho. Kung pwede nga lang unahin ang love life kaysa sa trabaho.”
“Kahit pala apo ng bilyonaryo at isang Banal mahirap din ang buhay. Hindi makapag-date kung kailan nila gusto,” anang isa sa mga nanay na asawa ng minero na karay pa ang mga anak. “Naku! Kawawa naman pala si Ma’am Amira.”
“Ibig sabihin i-iyon lang ang dahilan kung bakit nasabi niyang gusto niyang ipasara ang kompanya? Para magkaroon siya ng oras na mag-date kayo?” tanong ni Manong Tomas na parang di makapaniwala.
“Iba na talaga ang guwapo at makisig,” anang isa sa mga minero at umugong ang kantiyawan sa paligid.
Gusto niyang magtitili sa inis nang mga oras na iyon. Lalo lang siyang nagmukhang babaeng patay na patay dito. Pakiramdam niya ay wala na siyang natirang pride at pagkatao.
She was Amira Catindig. Sumumpa siya na hindi siya magagawa sa idine-describe ni Francois. Na hindi siya mawawala sa sarili dahil lang sa isang lalaking guwapo gaya nito.
Pero mukhang paniwalang-paniwala naman ang mga tao dito lalo na ang mga lalaki. Kulang na lang yata ay luhuran ng mga ito ang binata na parang isang anito ng mga makikisig na kalalakihan. Wala bang kakampi sa kanya at kukuwestiyon sa kahalangan at kayabangang pinagsasasabi nito?
Nagkibit-balikat ang binata. “Wala tayong magagawa. Ganoon talaga.”
“Wow! Ang guwapo mo talaga,” aniya at binigyan ito ng matalim na tingin.
Binigyan siya nito ng isang nagbababalang tingin. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng matamis na ngiti at kinintalan ng halik ang mga mata niya para marahil papikitin siya at di makita ng mga tao ang pagtirik ng mga mata niya sa inis dito. “Mon amour, I am sorry. Dahil lang di natuloy ang date natin, umabot sa ganito.”
Nahigit niya ang hininga at di nagawang tumutol sa gesture nito. Kahit naman inis na inis siya dito ay naramdaman niyang lumambot ang puso niya. How could she fight him when he was protecting her? Nagtatalo tuloy ang kalooban niya.
Pilit nitong ihinilig ang ulo niya sa dibdib nito. She felt the rumble of his chest against her cheek when he addressed the protestors. “Sa inyong lahat, alam ko na nag-aalala kayo na mawalan ng trabaho. Naiintindihan ko na ilang dekada na dito ang iba sa inyo. Sana huwag kayong basta-basta maniniwala sa sabi-sabi nang hindi iyon kinukumpirma. Ako mismo ang tututol kung may seryosong banta sa kompanya.”
“Ayan! Ikaw kasi basta mo na lang ipinagkalat,” paninisi ng iba kay Brynette.
“Malay ko bang di naman pala ganoon ang ibig sabihin ni Ma’am Amira. Parang seryosong-seryoso kasi nang sabihin niya. Natural lang na matakot ako,” depensa ni Brynette sa sarili.
“Naniwala naman kasi tayo. Hindi naman pala seryoso. Sana tinanong muna natin si Ma’am Amira,” anang boses ng isang minero. “Bumiyahe pa kami ng malayo dahil diyan. Wala naman palang dapat na ipag-alala. Gusto lang naman niyang makipag-date. Nag-rebolusyon na agad tayo dito.”
“Hindi biro ang nakaatang na trabaho kay Amira ngayon. Kahit na mahirap ay nagsasakripisyo siya para sa trabaho. Ang Banal Mining Corporation din po ang makikinabang dito. Kahit sino ay mafu-frustrate kapag walang love life,” anang si Francois at tumawa pa. “Kaya sana po ay unawain natin si Amira.”
“Pasensiya na po, Ma’am Amira. Misunderstanding lang ito,” anang si Manong Tomas. “Nagsisikap lang po kami. Ito lang po ang trabaho na alam namin. Mahal lang po namin ang kompanya at ayaw naming mawala. Alam din po kasi namin kung gaano kahalaga ito sa lolo ninyong si Don Alfonso.”
Nang humarap si Amira ay nakita niya ang lungkot at pagsisisi sa mukha ng bawat isa. Nakababa na ang plackards ng mga ito. Ang mga ito ang nagpaunlad sa Banal Mining Corporation. Pero sa nakikita niya ay di iba ang turing ng mga ito sa lolo niya. Pinahahalagahan ng mga ito ang kompanya. Her grandfather garnered this kind of loyalty. Parang di nga niya maaatim na basta na lang mawalan ng trabaho ang mga ito. “Wala po kayong kailangang alalahanin sa akin.” Sa ngayon. Sa loob ng anim na buwan. “Makakabalik po kayo nang matiwasay sa trabaho ninyo. Bilang manager ng special projects division, layunin ko na maging ehemplo ang Banal Mining Corporation sa ibang mga kompanya at mag-iwan ng magandang marka sa industriya ng pagmimina. Sama-sama po tayo dito.”
Napalunok siya. Para siyang pulitiko na nangangako. Kailangan niyang gawin ito. Para sa tribo ng Lambayan. Para sa Kanayama. Para sa kanyang ina.
“Sa malayo pa po nanggaling ang iba sa inyo at mukhang di pa nakatulog o kumakain. Mabuti pa tumuloy po muna tayo sa canteen. Mabuti rin na nandito kayo para makilala ninyo si Amira,” anunsiyo ni Francois.
Nagbunyi ang mga trabahador. At nang mga oras na iyon ay si Francois ang bayani ng mga ito… at maging siya. Pero di ibig sabihin ay magkakampi na sila. Malaki pa rin ang atraso nito sa kanya.