“I want the special projects proposal to be submitted on Monday. Gusto kong habang maaga makapili na tayo ng magandang proposal na ihaharap natin sa board of directors. We will have video conferences every now and then. Get ready to make revisions,” bilin ni Amira habang kausap sa Bluetooth ng cellphone niya ang sekretaryang si Brynette.
Abala na siya sa pag-eempake noon at alas otso na ng gabi. Bukas ng alas singko ang alis niya pabalik ng Sagada dahil may bonding silang magkakapatid. Wala siyang planong magpatalo kay Caridad.
“Yes, Ma’am,” anang si Brynette na parang isang masunuring sundalo. “Gusto po ba ninyong tulungan ko rin kayo sa pag-eempake?”
“Hindi na. Kaya ko na. Salamat.” At nagpaalam na dito.
Nang bumalik siya sa opisina niya ay mas attentive na ang mga tauhan niya sa mga utos niya. She also started assuming her authority. Maaring bata ang tingin ng mga ito sa kanya o kaya ay baliw pa sa pag-ibig. Oras na para ipakita niya sa mga ito na alam niya ang ginagawa niya at di siya pwedeng maliitin ng mga ito.
Pero di nakakaligtas sa kanya ang pailalim na tingin ng iba. Maraming babae doon ang interesado kay Francois. Dahil sa deklarasyon ng binata na atat na atat siyang maka-date ito, alam niyang karibal ang turing ng marami sa kanya.
Di niya alam tuloy kung ano ang mas nakakatakot – ang ituring na isang seryosong kaaway ng Banal Mining o magmukhang babaeng mas priority ang lalaking guwapo kaysa sa ang seryosohin ang trabaho niya? Paano niya makukuha ang amor at tiwala ng mga ito?
Matutulog na sana siya nang tumunog ang doorbell. Di sana niya iyon papansinin pero naisip niya na baka importante iyon.
She zipped her jacket then went downstairs. “Sino po iyan?” tanong niya.
“It is me.”
“Francois!” usal niya sa pangalan ng binata at dali-daling binuksan ang pinto bago pa niya napigilan ang sarili. “Anong ginagawa mo dito?”
“Just checking on you. Pwede bang pumasok?”
Humalukipkip siya. “Kung makikipagbolahan ka na naman, mabuti pang umalis ka na lang.”
Di siya sineseryoso ng mga tao dahil dito. Kailangan niyang seryosohin ang sarili niya. Binalewala niya ang pagpitlag ng puso niya o ang pangangati ng kamay niya isuklay ang daliri sa nakaladlad na buhok nito. Kung anumang affection ang nararamdaman niya dito ay kailangan niyang kontrolin. Hindi pwedeng nawawala na lang siya lagi sa sarili kapag kaharap ito.
“Look. Gusto ko lang malaman kung okay ka. Hindi na tayo nakapag-usap kanina sa opisina dahil matapos kong makausap si Papa ay ipinatawag ako sa isa sa mga restaurant sa Baguio. May inayos akong problema kaya ngayon lang ako nakaalis.” Nag-sidestep siya at hinayaan itong pumasok. “Kumain ka na ba? Gusto mo bang lumabas tayo?”
“At sa palagay mo ba sasama ako sa iyo?”
“I thought you need to relax for a while. Matapos ang mga nangyari sa opisina nitong nakakaraang araw, you need to breathe a bit. Kailan ba nang huling beses kang nag-relax at lumabas?” tanong nito.
Itinapik ni Amira ang daliri sa baba at nag-isip. “Let me see. Ah! Three days ago. Three days ago pa mula nang lumabas ako at nag-relax. Salamat sa iyo. At matapos kong malaman kung sino ka, wala akong makitang rason para lumabas at mag-relax kasama ka. Stop acting as if we are still friends.”
“I thought you could use a friend, Amira. Nakita ko iyon. You looked lost a while ago and…” hinawakan nito ang balikat niya. “Hindi mo naman kailangang mag-isa dahil nandito ako para sa iyo.”
“Nandiyan ka para ano, Francois? Para magmukha akong mahinang babae na patay na patay sa iyo? Pinagmukha mo akong tanga sa harap ng lahat kanina. You made me feel like an imbecile woman who couldn’t wait to be with you.” Iniikot niya ang mga mata. “Congrulations, hotshot! Pinatunayan mo na naman sa mundo na isa kang makisig na lalaki at lahat ng babae ay nababaliw sa iyo.”
Naniningkit ang mga mata nito nang bitawan ang balikat niya. He looked terribly pissed off. “Amira, salamat dahil sinagip kita kanina sa mga nagpoprotesta kanina. Nang mga oras na walang gustong tumulong sa iyo, ako ang nandoon. Kukuyugin ka na nga nila kundi pa ako dumating. O mas gusto mo ba na sabihin ko na lang sa kanila ang totoo na isa kang environmentalist at simula pa lang ay kalaban na ng Banal Mining Corporation?”
“Oo. Sinagip mo nga ako. Pero paano naman ang status ko sa kompanya. Iniisip siguro nila na wala akong utak at mababaw ako. Na wala akong matinong magagawang desisyon dahil mas gugustuhin ko pang isipin ang next date natin kaysa sa trabaho ko. Kahit kailan hindi ko pinangarap maging ganoong klaseng babae. Inangatan ko ang sarili at pangalan ko sa loob ng maraming taon para tratuhin ako ng mga tao nang may respeto. Sa palagay mo paano nila ako seseryosohin sa trabaho matapos ang ginawa mo kanina?”
“Amira, hindi ko na alam kung ano ang gusto mo. Kahit anong gawin ko sa iyo, wala na akong ginawang tama. What the hell is wrong with you?”
“Ikaw ang problema ko. Kung iniisip mo na mapapaikot mo ako dahil nagpapasalamat ako sa pagsagip mo sa akin na parang isang knight in shining armor, nagkakamali ka. Hindi ako utu-utong damsel in distress sa fairy tale. You can’t use my emotions against me.” Not anymore. Natuto na siya.
Mariing nagdikit ang mga labi nito. Mukhang frustrated na frustrated na ito sa kanya. “What the hell? Diyan ka pa rin ba sa paniniwala mo na aakitin kita at gusto kitang pabagsakin? Hindi ko kailangang gawin iyon, Amira. You can easily do that all by yourself.”
“Excuse me?” bulalas niya.
“Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Lahat na lang ng tao sa paligid mo akala mo kaaway mo. Sa sobrang pagpapadala mo sa galit mo, di mo nakikita na nagse-self destruct ka na. Amira, hindi ako ang nag-utos sa iyo para sabihin na gusto mong ipasara ang kompanya. You did that all by yourself. Hindi ko hinihinging utang na loob sa iyo nang ipagtanggol kita kanina at nasa Banal Mining Corporation pa rin. But give me some credit here. Kung gusto kitang ipahamak, kayang-kaya kong gawin iyon. Nasa mga kamay ko kanina ang kapalaran mo. I little sincere thank you would do.”
Lumunok siya dahil may katotohanan sa sinabi nito. Pero wala siyang balak na sumuko basta-basta dito. “Maybe you just wanted to sweeten me up. Bakit mo naman ako ibabagsak agad-agad? Pwede namang utuin mo muna ako at paasahin saka iiwan, di ba?”
“You are f*cked up, Amira. Mas gusto mong mag-isa, so be it. Hindi kita guguluhin. Hindi ako lalapit sa iyo kung ayaw mo. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa ayaw sa akin. Goodbye, Amira. Enjoy your loneliness,” mapait nitong wika at saka lumabas ng lodging house.
Parang may palasong tumarak sa dibdib niya sa huling sinabi nito. Enjoy your loneliness.
Niyakap niya ang sarili at kahit gaano pa kakapal ang jacket na suot niya ay parang tumatagos pa rin ang lamig na nararamdaman niya nang umalis si Francois.
No. Hindi iyon lamig na dulot ng malamig na panahon sa Cordillera. Nagmumula sa puso niya ang panlalamig. She felt… alone. Lonely.
Loneliness. Amira was used to being alone. Bata pa lang siya ay independent na siya. Kahit sa mga bagay na ipinaglalaban niya ay kaya niyang itaguyod ang mga paniniwala niya kahit na mag-isa lang siya. Basta siya ang nasa tama.
Nang mga oras na iyon, bakit kahit ipinipilit niyang tama siya ay parang di sumasang-ayon ang buong pagkatao niya. Saan ba siya nagkamali? Sobra na ba ang di maganda niyang pagtrato kay Francois? Nasaktan ba niya ito? Dapat ba ay tinanggap na lang niya ang pagmamalasakit nito kahit na isa itong kaaway?
Huwag kang hangal, Amira. He is the enemy. Kahit anong gawin mo, walang mabuting maidudulot ang pakikipaglapit mo sa kanya. Pumikit siya nang mariin at huminga ng malalim para lumuwag ang nagsisikip na dibdib. Ano ngayon kung mag-isa ka? Ano ngayon kung hindi mo siya kaibigan? Hindi mo siya kailangan o ang pakikipagkaibigan at pagdamay niya. Tandaan mo ang leksyon ng nakaraan. Kilala mo na ang kaaway mo. Tanga ka na lang kapag hinayaan mo pa ang sarili mo na makipaglapit kay Francois.
Mahirap ang daan na mag-isa niyang tinatahak. Nakakalungkot mag-isa. Pero mas gugustuhin na niya ito kaysa naman magsisisi siya sa huli. Hindi lang puso niya ang nakasalalay dito kundi ang tribo ng Lambayan at ang buong pagkatao niya.