Barely Heiresses: Amira Chapter 56

Humihingal si Amira nang sa wakas ay makarating sa kalsada. Napasarap ang tulog niya sa kubo ng lola niya at kundi pa siya ginising ni Manang Marilyn, malamang ay naghihilik pa rin siya hanggang ngayon.

Nang sulyapan niya ang relo ay menos beinte na lang bago mag-alas singko. Wala siyang matanaw na sasakyan. "Gaano kalayo ang Lake Danum dito kung lalakarin?"

"Naku! Baka abutin po kayo ng siyam-siyam, Ma'am. Malayo po iyon kapag nilakad ninyo. May kinse minuto lang po iyon kung may sasakyan."

Naipadyak niya ang mga paa. Walang katiyakan kung makakasakay nga siya dahil di siya sigurado kung may dadaan pang bus o jeep. Kung makiki-hitch naman siya ay baka di rin siya pasakayin. Walang signal ng cellphone sa bahaging iyon ng Sagada na puro mga puno. Hindi siya makakapagpasundo kay Manong George.

First bonding nilang magkakapatid ay male-late siya. Worse ay baka di pa siya makarating. Di pwedeng um-absent siya sa kahit anong bonding. Baka tuluyan niyang di makuha ang mana niya.

Maya maya pa ay nakarinig na siya ng ugong ng sasakyan. "Sa wakas," usal niya. Sana lang ay mabait ang driver at pasakayin siya o kaya ay dadaan sa papuntang Lake Danum.

Subalit natigilan siya nang makilala ang paparating na puting Land Cruiser at ang driver nito - si Francois.

Bigla niyang iniwas ang tingin sa sasakyan nito. Kung lagpasan man sila nito o tanggihan siyang isakay ay di na masakit masyado. Matapos ang pagtatalo nila kagabi sa lodging house, ito ang huling taong inaasahan niyang tutulong sa kanya.

Sumenyas si Paeng na makiki-hitch ito. Tumigil naman ang sasakyan ni Francois sa tapat nila. "Magandang hapon po, Chef Aklay. Baka pwede pong makisabay si Ma'am Amira. Papunta po siyang Lake Danum."

"Di na ako aabot doon,” anang lalaki sa malamig na boses.

"Importante lang po kasi na makarating siya. Hinihintay po kasi siya ng mga kapatid niya doon."

"Okay na ako. Ayoko namang makaabala kay Chef Aklay. Maghihintay na lang ako ng iba,” sabi niya at iniwas ang tingin sa lalaki. Nakita niya kung gaano katigas ang anyo nito. Matapos ang pagtatalo nila nang nakaraan kung saan napuno na ito sa kanya, awkward kung magkakasama sila.

"Sumakay ka na," mariing wika ng binata.

"Pero nakakaabala nga ako sa iyo. Nakakahiya naman."

"Ayaw ni Ailene nang mas may late pa sa kanya. Do you want to steal her spotlight? O mas gusto mo na hindi na talaga makapunta sa bonding ninyo? Baka naman di iyon ganoon kaimportante para sa iyo,” naghahamon nitong sabi. Parang nang-aasar pa sa kanya dahil alam nitong sa ayaw niya’t sa gusto ay kailangan niya ang tulong nito.

"Ma'am, sumakay na po kayo. Baka wala nang dumaan dito,” sabi ni Paeng.

Kinuyom niya ang palad. Si Francois ang huling tao na gugustuhin niyang hingan ng tulong o magkaroon siya ng utang na loob sa ganitong gipit na pagkakataon. Pero parang sadyang ganito ang kapalaran niya. Kahit na ayaw nito sa kanya ay ito lang ang pwedeng mag-alok ng tulong sa kanya.

Kung marami lang siyang oras, mas gugustuhin niyang mag-alay lakad na lang papunta sa Lake Danum. Sa kasamaang palad ay wala na rin siyang panahon para pairalin ang pride niya. Hindi siya papayag na mapunta sa madrasta niya ang ancestral land ng lola niya dahil minsan na nitong ninakaw ang pagkatao niya. Kapit siya sa patalim ngayon.

“Salamat,” nausal na lang niya at sumampa sa Land Cruiser.

“Mag-ingat po kayo, Ma’am Amira,” anang si Paeng kay kumaway kay Francois. “Chef Aklay, kayo na po ang bahala kay Ma’am.”

AWKWARD silence reigned inside Francois car. Habang tinatahak nila ang daan patungo sa Lake Danum ay malakas ang kaba ni Amira. Namamanhid ang kamay niya habang magkasalikop sa kandungan niya.

Dapat ba siyang mag-sorry dahil sa pagtataray niya dito kagabi? Ni hindi siya nakapagpasalamat dito nang tama. And she was not that type of person. Marunong siyang magpasalamat sa mga tumutulong sa kanya. He still saved her ass. Pero kinakabahan pa rin siya dahil baka kapag sinimulan niya itong pakitaan nang maganda ay baka gumuho na naman ang depensa niya. Wala siyang matatag na boundary pagdating kay Francois.

Pero kailangang may sabihin siya. Di pwedeng mapanisan na lang sila ng laway. Di siya sanay nang tahimik din ito. Kahit na nagsusungit siya dati ay nakikipagkulitan pa rin ito sa kanya at lagi siyang sinusuyo. Ngayon ay parang wala na itong pakialam sa kanya. Galit na ito sa kanya.

Tiningnan niya ang itsura nito ngayon. His hair was ruly. Parang wala itong pakialam kung magulo man iyon at mukhang hindi sinuklay. Should she compliment that he looked like he had just got up from bed after a roll with a lover?

Errr… mali ata iyon. Baka sabihan na naman niya ako na pinalalabas na babaero ito. War na naman kami kapag nagkataon. Sa kamalas-malasan pa ay baka pababain niya ako ng sasakyan. E di mas lalo akong hindi nakarating sa paroroonan.

Pinagmasdan niya ang matiim nitong anyo habang nagmamaneho. Parang focus na focus ito sa dinadaanan nila. Madalang ang pagkakataon na nakikita niya itong ganoon kaseryoso. But he still looked damn good. Kahit pa nga mukhang puyat ito, pagod at nanlalalim ang mata ay di pa rin niya mapagilan na humugot ng hininga dahil sa kaguwapuhan nito. Dapat ba niya itong purihin ang kaguwapuhan nito?

E baka naman masobrahan sa pagsasabi ng katotohanan at isipin na naman niya na may pagnanasa ako sa kanya at pinipigilan ko lang ang sarili ko? Baka isipin niya na madali akong mapapalambot. No. Pangangatawanan ko na hindi ako tinatablan ng kaguwapuhan niya. Next!

Dumako ang mga mata niya sa jacket na suot nito. Tan ang kulay ng jacket na parang gawa sa gamosa. Maganda ang pagkakahakab niyon sa mapalad nitong balikat. Naalala tuloy niya nang humihilig siya sa matitipuno nitong balikat. Nami-miss tuloy niya ang mga panahon na masasandalan niya ito. Na ito ang kaibigan na pwede niyang pagkatiwalaan. She missed having him near her. She missed his scent. She missed listening to his voice. She missed laughing with him. Nami-miss niya isang tawag lang niya dito kapag kailangan niya. Tulad ngayon. Kahit na di niya ito tawagin ay narito na naman ito para tulungan siya.

“Nice jacket,” nausal niya bago na naman siya makapag-isip kung okay lang na i-compliment niya ang jacket nito o hindi at kung anong repercussions nito. “Sa Paris mo ba iyan binili?”

“No. Sa ukay-ukay ko lang ito nabili.”

Napatuwid siya ng upo. “Sa ukay-ukay? Hindi ko alam na naghahalukay ka pala sa ukay-ukay. Alam mo kasi…”

Itinaas nito ang isang kamay. “Please, Amira. Huwag mo akong sesermunan na economic sabotage ang ginawa ko. I already had enough of that from my father. Inulan niya ako ng sermon nang malaman niyang namili ako sa ukay-ukay kasama si Mama. Napakahaba ng naging kasalanan ko dahil lang bumili ako ng isang pirasong damit sa ukay-ukay. Nagkatuwaan lang naman kami ni Mama noon dahil bonding namin iyon bago ako mag-aral sa Paris.”

He sounded pissed off. Mukhang di maganda ang gising nito. At marahil ay bumiyahe pa ito mula sa Baguio kaya pagod ito. Marahil ay may sentimental value din iyon lalo na’t ang namayapa nitong ina ang pumili para dito. “No. I just want to say that it looks good on you.”

Gulat siyang nilingon ng binata. Di marahil inaasahan na pupurihin niya ito. “Thank you. That headdress looks good on you. Akala ko diwata kanina ang pumapara sa akin sa daan.”

“Oh!” nausal niya at kinapa ang tribal headdress ng Lola Celestina niya. Nakalimutan niyang tanggalin dahil sa pagmamaadali niya. “Hindi ko pala naalis. Hiniram ko lang naman kasi ito…”

“Sa Lola Celestina mo?”

“Yes,” aniya at nagtataka itong tiningnan. Paano nito nalaman?

“Kahawig mo siya sa ayos mo.”

“Iyon nga ang sabi ng nakakita,” aniya at itiningin ang mga mata sa labas ng sasakyan.

“Galing ka sa bukid ng Lola Celestina mo, di ba? Ihinatid ka kasi ni Paeng.”

Marahan siyang tumango. “G-Gusto ko lang makita. It is an interesting place. Parang walang nagbago sa lugar na iyon. Ganoon na daw ang itsura ng lupain pati ang kubo panahon pa ni Lola Celestina. Wala pa ring kuryente sa kubo hanggang ngayon. Payapa din at maganda ang view.”

“Ibig sabihin nagustuhan mo rin ang pamana sa iyo ni Don Alfonso? Akala ko talaga hindi ka interesado sa mana.”

Nagsalubong ang kilay niya at nilingon ito. “Sinasabi mo ba na ipokrita ako dahil dati ayaw ko na tanggapin ang mana tapos ngayon ay gusto ko nang makuha iyon?”

Pumalatak ang binata. “Amira, Amira, Amira, wala akong masamang ibig sabihin. It is just a normal remark. Stop putting words into my mouth. Sa maniwala ka at sa hindi, masaya ako na naa-appreciate mo ang pamana sa iyo ni Don Alfonso. Na nakikita mo ang value ng lupain ng mga ninuno mo. Naa-appreciate mo ang kultura ng Sagada. You are embracing it.”

Humalukipkip siya at iniwas ang tingin dito. “Stop patronizing me, Francois.”

“Iyan ang ayoko sa ugali mo. Wala nang tama sa iyo. Why do you love pushing people away? Ang isang normal at maayos na conversation kailangang maging malaking battlefield sa iyo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.