Barely Heiresses: Amira Chapter 57

“Hindi lang maalis sa isip ko na may ulterior motive ka sa akin tuwing nagsasabi ka ng magagandang bagay tungkol sa akin. At kahit na nakisakay ako sa iyo ngayon, hindi kita pinagkakatiwalaan.”

There. Niceties out of the window. She tried her best to be nice to him. Di lang talaga niya mapigilan ang sarili. Defense mechanism talaga niya iyon. At hindi naman niya masisisi ang sarili niya matapos ang kasinungalingan nito sa kanya.

“Ah! Amira, kung may masama akong tangka sa iyo, madali lang sa akin na kidnapin ka,” anito at saka ngumisi sa direksyon niya. It was not a sinister smirk but a seductive one.

“You won’t even dare!”

He let out a rich masculine laugh that echoed to her soul. “Pwede kitang dalhin sa isang liblib na lugar. Walang makakarinig sa iyo. Of course, I can seduce you until you surrender your body and soul to me. You can’t deny me, Amira.”

He said those words in a dark and low voice that made her knees weak. Drat! Pinagbabantaan siya nitong kidnapin at akitin. Dapat ay nagwawala na siya at nilalabanan nito pero di niya magawa. She was too busy imagining how he would seduce her. Itatali ba siya nito para di siya makalaban? Would he kiss every inch of her body? Would his lips squeeze multiple orgasm out of her? Would he take her fast and slow and instead of saying no, she would plead that she would take her over and over again.

“No,” mahinang pagtutol niya. But it came out rough and hoarse. As if she was anticipating her lover’s caress.

“Pwede ko namang sabihin sa mga tao na nagtanan tayo,” anito at nagkibit-balikat lang. Di man lang ito naaapektuhan sa mga sinasabi nito habang siya naman ay hindi na halos humihinga sa mga naiisip niya. She felt hot and bothered.

“P-Pinuwersa mo ako…”

Itinigil nito ang sasakyan at hinarap siya saka hinaplos ang mukha niya. “No. That would be seduction, baby.” Hinaplos ng hinlalaki nito ang labi niya. “We have this explosive chemistry that we can’t deny.”

Nanginginig na ang katawan niya habang dahan-dahang lumalapit ang mukha nito sa kanya. Oh, no! Oh, no! Hahalikan niya ako. Hindi siya makagalaw. Ni hindi niya ito maitulak palayo. She was just anticipating the moment.

Nagulat na lang niya nang maramdaman ang malamig na hangin sa pagitan nila at nawala ang init ng daliri nito sa labi niya. “But I won’t do that, of course. Wala naman akong kailangang patunayan sa iyo. Hindi ko rin ipinipilit ang sarili ko sa babaeng di ako gusto. Sawa na ako nang itinataboy mo, Amira. Mahaba ang pasensiya ko pero may hangganan ako kapag paulit-ulit akong itinutulak palayo.”

Tinamaan ng lintik! Di naman pala siya nito hahalikan, e bakit ano pang drama nito na kikidnapin siya nito at aakitin, etc.,

Mabilis niyang hinamig ang sarili. Kailangan niyang bawiin ang pride niya. “Mabuti naman at malinaw na sa iyo na ayoko sa iyo. Hindi ko nga alam bakit ipinagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa akin. Pwede ba ihatid mo na lang ako sa Lake Danum para hindi mo na ako kailangang pagtiyagaan dito sa sasakyan mo? Pumunta ka na lang sa pupuntahan mo kaysa makipag-inisan ka lang sa akin.”

“Nasa Lake Danum na tayo,” kaswal na sabi nito.

“A-Ano?” bulalas niya at luminga sa paligid. Wala naman siyang nakita kundi isang burol na maraming damo at mga puting maliliit na bulaklak. “Nasaan naman ang lake na sinasabi mo dito?”

“Nadaanan natin kanina. Hindi mo ba napansin?” Ngumuso ito sa direksiyon ng burol na ilang metro lang mula sa tinigilan nila. “At dito ang location para sa sunset viewing. Kanina pa nga nakatingin sa atin ang mga kapatid mo.”

Nanlaki ang mga mata ni Amira nang tumingin sa ibabaw ng di kataasang burol. Nakatayo nga doon ang mga kapatid niya at nakatingin sa direksyon ng sasakyan ni Francois. Drat! Paano kung nakita ng mga ito ang lahat pati ang paglalapit ng mukha nila ng binata? Baka isipin pa ng mga ito na gumagawa sila ng milagro.

"Bakit di mo agad sinabi sa akin? Late na nga ako."

Itinaas nito ang mga kamay. "You can easily cut me off a while ago. But you seem to be enjoying my company. Mukhang mas na-miss mo ako kaysa sa gusto mong aminin."

She would really love to engage on a verbal sparring with him. Pero wala na siyang oras. Palalampasin niya ito. "Salamat sa paghahatid sa akin. Bye."

Binuksan niya ang pinto at pababa na nang tawagin siya ulit nito. "Amira!"

"Yes?"

"Stop pushing people away. Alam ko na takot kang masaktan. Pero may mga tao talagang nagmamalasakit sa iyo."

Tumaas ang kilay niya. "You mean you?"

"Huwag na ako. Mga kapatid mo na lang. Hindi pa kayo magkakakilala ngayon. Maaring di mo kasundo ang iba sa kanila. Kailangan mo sila at anumang gusto mong marating sa buhay, sila lang din ang maaasahan mo. Kayo-kayo rin ang dapat na magtulungan. Huwag mong kalilimutan iyon."

She didn’t have a comeback for that one. Naguguluhan siyang naglakad palayo. Hindi niya inaasahan na magsasalita si Francois at magbibigay ng payo tungkol sa mga kapatid niya. Ano bang alam nito? Ano bang pakialam nito?

Bakit kailangan pang magsalita ng binata tungkol sa sensitibong relasyon niya sa mga kapatid niya na parang gusto nito na maging maayos ang lahat? Ano ngayon kung hindi sila magkakalapit o magkasundo-sundo? Ano naman dito?

Maybe he really cares about me. Maybe he is really a friend. Maybe…

“Ate Amira, mabuti dumating ka rin,” excited na sabi ni Eira nang patakbo siyang salubungin. “Nag-alala na talaga kami sa iyo. Akala namin di ka dadating. Nagpaiwan ka daw kasi sa tea farm sabi ni Manong George.”

Saka niya nakita na nakahilera na ang mga kapatid niya sa taas at hinihintay siya. Kumpleto na ang mga ito kasama na si Ailene na nakataas ang kilay sa kanya.

“Pasensiya na kung na-late ako,” mapagpakumbaba niyang sabi. “Wala kasi akong signal kanina kaya di ko nasabi na male-late ako.”

“Si Chef Aklay ba ang nakita namin na naghatid sa iyo?” nakangiting tanong ni Vera Mae sa kanya na may halong panunukso.

“Nag-enjoy ka siguro sa date ninyo kaya na-late ka ng dating,” anang si Sky at pinagsalikop ang palad. “How I wish I could do that..”

“Hindi naman kami nag-date ni Francois. Nagmagandang-loob lang siya na ihatid ako dito kasi wala akong masakyan,” kontra agad niya pero sa ekspresyon ng mukha ng mga kapatid niya ay parang walang gustong maniwala.

Binigyan lang siya ng sarkastikong ngiti ni Ailene. “Great! Mas inuna mo pang makipag-date kaysa ang bonding nating magkakapatid. Samantalang on time kaming lahat na magsidating dito.”

“Hindi nga sabi ako nakipag-date,” pakli niya.

“Hindi nakipag-date pero nag-kiss. Ano ang tawag doon?” anang si Eira at biglang natutop ang bibig nang sinibat niya ng matalim na tingin.

Kung ganoon ay nakita siya nito kanina pa. “Anong kiss ang sinasabi mo diyan? May pinag-uusapan lang kami.”

“Huwag ka na kasing mag-deny. Late ka na nga, nakuha pa ninyong mag-kiss,” pang-aasar ni Ailene sa kanya.

“Gusto mong ako ang tumahi ng wedding gown mo kapag ikinasal ka, Amira?” alok ni Mabel sa kanya. “Kahit na mag-Igorot wedding ka pa, kaya kitang gawan ng traditional costume. Pinag-aaralan ko na kasi ang traditional weaving. Ako mismo ang gagawa para sa iyo. Tapos may ganyan pang headdress sa ulo mo. Bagay na bagay iyon sa iyo.”

Nanlaki ang ulo niya dahil sa sinasabi nito. “S-Sandali lang. Bakit bigla tayong nauwi sa kasalan? Wala akong planong magpakasal. Wala pa akong boyfriend. Kung saan-saan na tayo napunta.”

“Tapos na ba kayo diyan na magtalo? Kain na tayo. Tomguts na ako,” anang si Berry na nakasalampak na sa damuhan at pinagmamasdan ang araw. As usual ay nagwawala na naman ang anaconda sa sikmura nito.

“Hindi pa pwedeng kumain. Di pa luto ang pagkain. Saka hindi pa lumulubog ang araw,” matiyagang paliwanag ni Yumi dito. “Manood muna tayo ng sunset.”

Inabutan ito ng cupcake ni Vera Mae. “Kumain ka muna.”

“Thanks yow, Ate Vera!” anang si Berry na sinisimulan nang lantakan ang cheese cupcake.

“Thank you,” sabay-sabay nilang pagtatama dito.

“E di salamat na lang. Ayos na? Wag masyadong mainit ang ulo,” anang si Berry at nanahimik na nang isumpak ang cupcake.

Kanya-kanyang labas ng cellphone ang ibang kapatid niya at kanya-kanyang picture sa papalubog na Haring Araw. Si Amira naman ay nagkasya na lang na panoorin ang magandang tanawin. Sanay kasi siya na manood ng sunset sa beach. Sa ganoong lugar naman kasi talaga matatagpuan ang makukulay na sunset. Di niya inaasahan na may maipagmamalaki ring sunset viewing sa Sagada.

She was appreciating this place more and more. Noong una siyang tumapak sa Sagada ay napaka-negative ng dating sa kanya ng lugar. May isyu ng minahan at may mga tourist spots na parang napapabayaan na dahil sa mapang-abusong mga turista. Pero may mga lugar pa rin pala na naka-preserba ang kagandahan. Mga yaman ng Sagada na maari pang pangalagaan. Maganda siguro ang paglubog ng araw sa paningin niya dahil alam niyang suspendido ang operasyon ng minahan sa ngayon. Malayo ang banta. Isa pa ay isang parte ng pagkatao niya ang natuklasan niya sa Sagada. Masarap pala sa pakiramdam.

Tinabihan siya ni Yumi. “Mukhang nag-enjoy ka sa tea farm ni Lola.”

“Yes,” aniya at niyakap ang tuhod. “Pinakagusto ko ang kubo sa gitna ng rice terraces. Marami akong nalaman tungkol sa kultura ng mga tao dito at sa mga ninuno natin. Tungkol din kay Lola Celestina.”

“Sa kanya ang headdress na iyan, di ba?”

“Oh!” sinalat niya ang mga beads sa ulo. “Isinukat ko lang. Di ko naman inaangkin. Alam ko naman na di pa sa akin ang kahit isang pirasong bead nito hangga’t di ko nagagawa ang proviso ni Lolo Alfonso. Ibabalik ko rin naman. Nakatulog kasi ako sa kubo suot ang mga damit ni Lola saka accessories nang paggising ko pasado alas kuwatro na pala. Kamamadali ko nakalimutan kong alisin.”

“No need to go defensive on me. Masaya lang ako na makitang suot mo iyan,” sabi ni Yumi at hinaplos ang buhok niya. “Alam ko na may mga bagay na ipinapagawa sa iyo si Lolo na sukal sa loob mo. Sa kabila ng lahat, sana ma-appreciate mo pa rin ang magagandang bagay na makukuha mo pagkatapos. Ma-appreciate mo kung anong bigay niya sa iyo bilang isang Banal.”

Nagkibit-balikat siya. “I am trying.”

“Ate Amira, isama mo naman kami next time sa date ninyo ni Chef Aklay. Mukhang maganda nga ang pinuntahan ninyo,” ungot ni Eira.

“Hindi nga kami nag-date. Di rin siya ang kasama ko sa tea farm. Pero maganda ang tea farm ni Lola Celestina. May rice terraces pa.”

“Isasama mo ba ako doon?” nagniningning ang matang tanong ni Eira.

“Oo nga. Sana ipasyal mo kami doon,” anang si Sky na mukhang interesado din.

“Hindi ko pa naman namamana iyon. Mahirap pang mangako,” nausal na lang niya.

Pero gusto niyang ipasyal doon ang mga kapatid. Gusto niyang malaman din ng mga ito ang mga bagay tungkol sa kultura ng mga ninuno niya. Iyon ay kung gugustuhin ng mga ito at kung makukuha niya ang mana.

Kailangan niyang matiyak na di makukuha ni Caridad ang mana niya. It would be a big battle between the two of them. The odds were against her. Kailangan niyang maging maingat.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.