Barely Heiresses: Amira Chapter 62

Nagkatinginan ang mga naroon. Halatang kinakabahan. She finally dropped the bomb. Isang malaking lamat sa reputasyon ng Banal Mining Corporation ang pangyayari sa tribo ng mga Lambayan. Alam niya na nasa kamay na niya ang tagumpay ngayon. Pwede nang pumabor sa kanya ang pagkakataon.

Narinig ni Amira ang pagtapik ni Romualdo sa fountain pen nito. He looked bored. Di gaya ng mga kasamahan nito na mukhang apektado sa ipinahayag niya.

“Amira, that incident happened more than twenty years ago. It was a simple misunderstanding,” anang si Caridad.

“A simple misunderstanding?” tanong niya sa mataas na tono. “Na maraming buhay ang nawala?” Wala ba itong konsensiya?

“Yes. Pinapakiusapan silang umalis sa lupa pero sila ang naglabas ng sandata nila. Of course, poprotektahan lang ng mga taga-Banal Mining at awtoridad ang sarili nila,” anang si Caridad na parang mas nakikisimpatya pa sa mga pumatay kaysa sa mga buhay na nawala.

Naramdaman niya ang pamamasa ng mga mata niya. “Anong laban ng mga sibat at pana sa mga baril na dala ng security at military?”

“I am sure naayos na ang problemang iyan,” kaswal na sabi nito. “Right, Romualdo? Naayos na ito ni Papa noon pa man.”

Isang kampanteng ngiti ang sumilay sa mga labi ni Romualdo. “Of course. Iyan ang Lambayan na tinutukoy mo more than twenty years ago, Miss Banal. Isang magulong komunidad sa kasisibol pa lang na minahan. Pero ito na ang Lambayan sa ngayon.” At sa hudyat ng lalaki ay nag-flash sa white screen ang bagong mukha ng Lambayan. “The Banal Mining Corporation organized the community. Kung dati ay wala silang paaralan at walang health center, may paaralan na sila ngayon at health center na may competitive na nurse at doktor. Nagbigay din ng scholarship ang Banal Mining Corporation sa mga anak ng mga minero. Samantalang dati ay kailangan pa nilang pumunta sa malayong bayan para lakarin iyon sa mga nais mag-aral o kaya ay may mga taga-Lambayan na lang na namamatay sa simpleng sakit nang di man lang natitingnan ng doktor. May maayos na rin na kalsada dahil sa minahan. At ang dating mahirap na komunidad ay isang model mining community na ngayon.”

“In Sagada, private land pa nga ang miminahin namin. Kumonsulta rin kami sa mga elders bago isagawa iyon. They even performed the ritual and the anitos favored it,” kampanteng wika ni Mr. Agnos.

“Of course, we are not saying that the company is perfect. May mga naging problema din kami pero ginawa namin ang lahat para maayos iyon at masunod sa panuntunan ng gobyerno. We are responsible miners here,” pagdidiiin ni Mr. Gervacio na Vice Chairman ng board of directors. “Nagbabayad kami ng taxes. Namo-monitor kami ng gobyerno. Hindi kami ang kalaban dito. We are the good guys here.”

Humalukipkip siya. “The good guys, eh?”

“Yes. Ang mga small scale mining company ang talagang problema dito,” sabi naman ni Mr. Bautista na Senior Vice President for Human Relations. “Sila ang basta na lang nagsasagawa ng mining operasyon nang walang plano. Tira na lang sila nang tira. Ilegal ang operasyon nila at di sila nagbabayad sa gobyerno ng buwis. At kapag magdi-dispose ng mine tailings ay walang habas na lang nila kung itapon sa mga tubigan. Mahirap silang mahuli, mahirap silang maparusahan at di mo sila basta-basta mapapanagot sa mga pagkakamali nila. Sila ang dapat na inirereklamo at pinipigilan, hindi ang Banal Mining Corporation.”

“There is no such thing as responsible mining,” matapang niyang wika. “Kahit pa sabihing lesser evil ay evil pa rin.”

“Miss Banal, kapag natapos na ang mining operation, proyekto ng kompanya na magkaroon ng reforestration. Sa katunayan, ngayon pa lang ay may nursery nang ihinahanda para sa mapag-iiwanan ng minahan kahit wala pa ang aktuwal na pagmimina. Halimbawa nito ay ang mga minahan natin sa Zamboanga, Negros Occidental at Surigao.” Nag-flash sa screen ang mga lugar na nabanggit. “Kalbo ang areas na iyan dahil sa illegal logging pero ngayon ay puro na. At iyan ang ipapamana namin para sa susunod na henerasyon.”

At nabingi siya sa palakpakan ng mga ito. Of course, anumang argumento niya ay madali na lang natabunan dahil sa mga pakunwaring pagmamalasakit ng mga ito. Nawalan na ng silbi ang mga nawalang buhay at nasirang komunidad. Madaling magbulag-bulagan sa mga pagkakamali pagdating sa usapin ng pera.

Itinaas ni Romualdo ang kamay. “Miss Banal, alam ko naman na kahit anong gawin naming paliwanag sa iyo ay hindi ka maniniwala sa amin. Di namin mababago ang paniniwala mo tungkol sa responsible mining at magagandang nagawa ng minahan sa buhay ng maraming empleyado ng kompanyang ito. Kaya may isang tanong na lang ako sa iyo. Gumagamit ka ba ng cellphone?”

“Yes, of course.”

“Sumasakay ka ng kotse, gumagamit ka ng kuryente, appliances, relo, mga alahas kahit na tunay man o hindi, nakakapagluto ka sa metal na kitchenware. Yes, that amazing presentation of yours was created with the use of computer.” Tango lang ang naisagot sa bawat tanong ng mga ito. “Hindi ka nag-present sa amin gamit ang hieroglyphs na nakasulat sa bato o kaya ay sa dahon ng saging o gabi, hindi ba?” Naghalakhakan ang lahat. “Unless you write using clay tablets, you are benifiting from the products of mining. Dahil lahat ng binanggit ko sa iyo ay di mo mapapakinabangan at di maiimbento kundi dahil sa pagmimina. Lahat ng bagay na may kinalaman sa teknolokohiya na ay napapagana natin dahil sa minahan. Gumaan ang buhay ng marami kasama ka na dahil sa pagmimina. I think it would be hypocritical to protest against mining when you are benefiting from it.”

“Kung wala ang minahan, baka bumalik tayo sa Stone Age. Ang kasaysayan at pakikipagkalakan sa Cordillera ay umiikot din sa pagmimina. Wala pa ang mga Kastila ay nakikipagkalakalan na ang mga taga-Cordillera sa mga mangangalakal na Tsino, Hapon at Arabo gamit ang mga mininang copper. Bahagi rin ito ng pamana sa iyo, Miss Banal. Kung ayaw mo ng minahan at ang pamamalakad ng minahan, hindi ka na dapat gumagamit ng mga modernong kagamitan. Kaipokritahan iyon.”

Napipilan si Amira. This was worse than her nightmares come to life. Mas malala pa kaysa ang mabaril o makulong dahil sa ipinaglalaban niya. Sa mga insidenteng iyon ay maari siyang maglakad nang taas-noo dahil alam niyang nasa katwiran siya. Nasa tama siya.

Sa pagkakataong ito ay di naman siya tinutukan ng baril o pinagbantaang ikulong? Siya mismo ang naglubog sa sarili niya sa kumunoy ng kahihiyan. Who would have thought that they would use that argument? Na ang mga simpleng bagay na ginagawa niya sa pang-araw-araw na pamumuhay ay biglang papabor sa pagmimina? Ipokrita nga ba siya dahil nakikinabang siya sa produkto ng pagmimina pero gusto niyang mawala ito? And they were right. Kung gusto niyang matigil ang pagmimina, sumusunod man sa batas o hindi, dapat ay bumalik siya sa sinaunang pamumuhay at tumira na lang sa kuweba marahil. Dahil ang mga modernong istraktura – bahayan, gusali, pamilihan, kalsada, mga tulay at iba pa ay nabuo din dahil sa pagmimina. And she couldn’t find an intelligent comeback for that one.

May nasisiyahang ngiti sa labi ng mga nasa silid. Nabitag siya ni Romualdo at nagpasilo naman siya. Kahit ano pang sabihin niyang masamang epekto ng pagmimina, kahit pa sabihin niyang may nangamatay at nasira ang kalikasan ay wala nang silbi. Lumalabas na hindi siya credible. Isang ipokrita. At isang sampal iyon sa mukha niya.

Beterano na ang mga kaharap niya. Sanay na sanay nang makipaglaban. Di magtatagal ang mga ito sa Banal Mining Corporation kundi humarap ang mga ito sa palaban ding environmentalist katulad niya. At nang mga oras na iyon, pakiramdam niya ay isa siyang batang paslit na nakipaglaban sa mga beterano na nang walang sandata. Nawalan ng silbi ang lahat ng speech niya sa pagharap sa mga world leaders. Nanliit siya at hindi na niya magawang maipagmalaki ang mga accomplishment niya. Ang bayan lang ng Sagada ay di pa niya maipagtanggol mula sa isang higanteng minahan. Dahil sa sarili niya mismo ay alam niyang natalo siya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.