“MR. De Leon voted for pro-mining in Sagada,” anang taga-tally ng mga boto mula sa representative ng SVG and Company na tumatayong independent election inspector sa eleksiyon na iyon na in-appoint ng shareholders. “Five votes for pro-mining and one vote for suspension of mining in Sagada.”
Magkasalikop ang kamay ni Amira sa nakakadismayang resulta ng botohan. Wala siyang makukuhang boto mula sa board of directors. Ang tanging pag-asa na lang niya ay ang boto ng shareholders. Kung papanig sa kanya ang mga kapatid niya, may pag-asa pa rin siya. She was clinging on that sliver of hope that her sisters would see that she needed them. Na kailangan niyang maunawaan siya ng mga tao na dugo at laman niya at makita ang ipinaglalaban niya. Ibinigay na niya ang lahat sa labanang ito. Sana ay mas makita ng mga ito ang daing ng kalikasan at ang mga nangamatay nang dahil sa pagmimina. Huwag sanang tingnan mga ito ang kahinaan niya kundi ang mas malaking mabuting idudulot ng pagtutol niya sa minahan.
“The consolidated votes of Banal sisters with Attorney Ferrer as their representative is… pro-mining in Sagada,” anang taga-tally ng boto.
Parang sanlibong sampal sa mukha niya ang palakpakan ng mga nasa silid. Nakita niya ang pagtingin sa camera ng madrastang si Caridad at nag-flying kiss pa sa mga kapatid niya. Of course, nasa madrasta niya ang suporta ng mga ito. That damn bitch! Magsama-sama ito at ang iba pa niyang kapatid na mukhang pera.
Matagumpay na ngumiti ni Caridad at inangat pa ang baso ng juice sa kanya bilang pagsaludo. Iniwas niya ang tingin dito. At least ngayon ay malinaw na sa kanya kung saan siya nakatayo sa pamilyang iyon. Wala siyang kakampi kundi ang sarili niya. Hindi na sana siya umasa na makukuha niya ang tulong ng mga ito.
Kasalanan din naman niya dahil akala niya ay may mapapala siya sa mga kapatid. Na may mapipiga siya kahit kaunting sampalataya sa kanya o malasakit sa kalikasan. Sa huli ay mas namayani din pala ang kung anong mahuhukay na ginto kaysa sa panaghoy ng kalikasan at mga nangamatay. They put the final nail on her coffin.
“One vote for suspension of mining in Sagada,” nahagip na lang ng pandinig ni Amira.
“What?” bulalas ni Amira. “S-Sino ulit ang bumoto para sa suspension ng mining?” Nabingi yata siya sa isang iyon.
“Ako,” anang si Francois at itinaas ang isang kamay habang naka-de kuwatro ang isang paa at nilalaro-laro ang swivel chair. “You are not alone in this battle, Amira. Kaisa mo ako.”
“Anong kalokohan ba ang ginagawa mo, Francois? Sinasayang mo ang boto mo!” angil ni Romualdo dito. “Hindi ka ba nakinig sa pinag-usapan sa meeting?”
“Nakinig ako, Sir,” anang si Francois na may kapormalan. “Ang mga argumento lang ni Amira ang naintindihan ko kanina. She is so passionate about her beliefs. Kung paanong ipinaglalaban niya ang karapatan ng mga indigenous groups at ang pag-aalaga niya sa kalikasan. Come on! How can you say no to that? She didn’t grow up in Sagada. Pero nandoon ang malasakit niya. Dapat nga pinapalakpakan ang tulad niya. Nag-iisa lang siya sa laban at pinagtulung-tulungan ninyo pero pinanindigan niya ang mga paniniwala niya. I mean, that is admirable. I had never witnessed such fire before. Bravo, Amira!” At pinalakpakan siya ng binata.
Hindi niya alam kung sinsero ito sa pagpanig sa kanya o sarkastiko ito. Well, he was not being sarcastic with her. Parang may gusto itong asarin.
Nakita niya ang pagdilim ng mukha ng ama nitong si Romualdo. “Saan na naman ba nagpunta ang utak mo? Whenever you see a beautiful woman, logic flies out of the window.”
“It means he is a very virile man. Matuwa ka, kumpadre. Ibig sabihin ay totoong lalaki ang anak mo,” anang si Mr. Agcaoili. “Mas matakot ka kung hindi siya naaapektuhan ng isang babae.”
“Right. Normal na reaksyon na iyan ng isang totoong lalaki. Saka bata pa ang anak mo kaya ayos lang iyan,” anang si Mr. de Leon.
Nagngalit ang mga ngipin ni Amira. Ano siya ngayon? A piece of sex object? Dapat ba niyang i-welcome ang pananaw ng mga ito na kaya ibinoto ni Francois ang paniniwala niya ay dahil naaawa ito sa kanya o attracted ito sa kanya? Great! Ibig bang sabihin ay walang sumeseryoso sa kanya sa silid na iyon?
“I just don’t want him using the company shares to get a woman,” Romualdo said then gave a disgusted look to his son.
“Give me some credit, Papa. Hindi ko kailangang gamitin ang shares ko sa Banal Mining para mang-akit lang ng babae,” anang si Francois pero iwinaksi lang ng ama nito ang kamay.
Sobrang baba ng self-confidence ni Amira nang i-adjourn ang meeting. Hindi niya alam kung anong mukha pa ang maihaharap niya sa mga tao. She was a loser.
“Amira, you gave a good fight,” anang si Attorney Ferrer nang lapitan siya matapos ang pulong. “Gusto ko sanang kumbinsihin ang mga kapatid mo na iboto ka pero nakapagdesisyon na sila. I am just a representative here, hija.”
“Ilan ang bumoto sa akin?” tanong niya.
“Isa.”
Napalunok siya pero parang may bara ang lalamunan niya. Si Vera Mae lang iyon. “Maraming salamat, Attorney.” At kinamayan niya ang matandang lalaki.
“You are still too young for this, Miss Banal. Dapat siguro matuto ka muna sa amin bago mo kami kalabanin,” anang si Mr. De Leon. He patted her head. Parang isa siyang bata na gumawa ng kalokohan at pinapatawad nito. “Nalulungkot ako na anak pa ng kaibigan kong si Alfie ang makakalaban ko. Makiisa ka na lang sa amin sa susunod. Life would be easier for you that way.”
Tumango na lang siya at kinamayan ang iba pang board of directors saka nagpasalamat. Marami pa siyang nakuhang patutsada at pasaring. Kung paanong bagito pa daw siya sa pakikipaglaban. Na kesyo ibahin daw niya ang Pilipinas at ang Banal Mining Corporation sa ibang nakakaharap niyang personalidad. Tinitiis na lang niya ang lahat. Ayaw naman niyang magmukhang bastos kung basta na lang siyang magwo-walk out.
“What an entertaining afternoon. Thank you very much, Amira,” anang si Caridad. “Sa susunod naman subukan mong pumanig sa kompanya para naman maranasan mong manalo.”
“Mas okay nang matalo ako basta alam ko ang ipinaglalaban ko at pinaninindigan iyon. After all, wala naman akong inagrabiyadong tao. At least may pakialam ako sa mga taong namatay sa paglaban sa kompanyang ito. Di kasi ako katulad ng iba na walang konsensiya,” matapang niyang sabi. “Goodbye, Stepmom. Enjoy your little victory… for now. Nagsisimula pa lang ang laban.”
At saka taas-noo siyang lumabas ng silid. Di siya lalabas doon na parang isang talunan. Tanggap niya ang pagkatalo niya nang may poise at grace. She wanted to look forward to the future. May mas malaki siyang laban na haharapin. At least, nalaman na niya ngayon kung ano ang kalibre ng mga kalaban niya. Kakayanin niyang harapin ang pagiging talunan kahit na masakit.
“Amira! Amira, wait!” anang si Francois at hinabol sila ni Attorney Ferrer.
“Francois, she already had enough battering for now. Give her a break,” anang abogado na gusto siyang protektahan.
“Hindi ako kalaban dito, Attorney. Alam ninyo na ako lang ang kumampi kay Amira sa kuwartong iyon,” matapang na sabi ng binata at saka ginagap ang kamay niya bago pa siya makahuma. “Amira, huwag mo silang pansinin. Tandaan mo na may kakampi ka sa kompanyang ito. Nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kapag kailangan mo ng tulong. Naiintindihan mo ba?”
“Francois, hindi ako ang klase ng babae na maakit mo dahil sa shares at dir in ako nakukuha sa isang pitik lang ng daliri mo. At…”
Paano ba niya sasabihin dito na gusto niya na magtira ng dignidad sa sarili niya? Parang di naman nakatulong sa kanya pagkampi nito kanina. Parang mas lumiit pa ang tingin ng mga taga-Banal Mining sa kanya. Baka mamaya ay isipin pa ng mga tao na kaya lang kumakampi sa kanya si Francois ay dahil inaakit niya ito o kaya ay dahil ang alam ng mga ito ay nagde-date sila.
Pinisil nito ang kamay niya. “Amira, listen! Huwag mong intindihin ang sinasabi ng iba. Alam ko na di ka ganoong klaseng babae. At alam ko na ginamit ko nang tama ang boto ko. Naniniwala ako sa ipinaglalaban mo kanina. Not because I want to get you. You need all the help you can get. I know we have misunderstandings before. Kalimutan mo iyon.”
Bumuntong-hininga siya. She would really love to argue with him. Pero hindi ngayon. She already ran out of argument in her body. Ang huling bala niya kanina ay para lang kay Caridad. Hindi siya papayag na di sa kanya ang huling salita pagdating sa madrasta niya.
“Salamat, Francois,” aniya at malungkot na ngumiti.
For some reason, the touch of his hand and his support made her feel a bit better. Maaring pakunwari lang iyon o sex object lang siya dito at walang kinalaman ang ipinaglalaban niya sa pagkampi nito sa kanya, pero malaking bagay ang may taong handang umalalay sa kanya.
“Amira, let’s go,” anang si Attorney Ferrer at malungkot siyang bumitaw sa binata.
“Alam mo kung nasaan ako, Amira. Puntahan mo lang ako kung kailangan mo ako,” anang si Francois bago lumayo ang kotse na sinasakyan niya.