Barely Heiresses: Amira Chapter 68

Nalungkot si Amira nang maiwan siyang mag-isa sa kuwarto ng kaibigang si Estephanie. Halata na ang pagkainis sa mukha nito. Na kung hindi pa siya susunod sa gusto nito ay bahala na siya sa buhay niya.

Marahil ay napipikon na ang kaibigan niya sa dami ng hang ups niya sa buhay. Hindi naman kasi madali ang hinihingi nito sa kanya. Marami siyang nabuong prinsipyo sa buhay niya habang lumalaki siya. Mahigpit na bilin ng nanay niya na huwag siyang gagawa ng kahit anong bagay na mawawalan ng respeto sa kanya ang ibang tao. Importante daw iyon.

Nakakawala ba ng respeto sa sarili kung haharap ako nang maganda kay Francois? Bababa ba ang tingin niya sa akin kung magsusuot ako ng sexy na damit? Di naman masama ang intensiyon ni Estephanie sa akin. Saka tama naman siya. Hindi naman mukhang pindangga ang mga makakapangyarihang babae sa mundo. They were feminine and sexy. Ibang klase nga lang ang confidence nila. Yinu-utilize ko lang naman ang asset ko. Okay lang iyon alam ko kung hanggang saan lang ang hangganan kay Francois at di ko isusuko ang Bataan.

Iyon marahil ang isa sa mahirap sa pagsubok na ito – kung paano siya makikipag-deal kay Francois. How to be sweet but not too sweet. To be feminine and seductive yet won’t give him any outragoues ideas that she desired him. O kaya ay may maaasahan pa itong iba sa kanya.

Draw the line, Amira. Draw the line. Use your brain, not your hormones. This is a war you must win. Kailangan mo si Francois.

Pikit-matang hinubad ni Amira ang suot na knitted sweater at black pants. Dinampot niya ang red dress at isinuot. Napapaswit siya nang mapagmasdan ang sarili sa salamin. She looked foxy. The red dress looked nice on her dark skin. Idagdag pa ang kinulot na dulo ng buhok niya na kumumpleto sa seductive allure niya. Hindi na niya kailangan pang palitan ang itim na boots niya. It was simply perfect.

Nahihiya siyang lumabas ng kuwarto ng kaibigan. "Uhmmm... Estephanie, okay

lang ba ang itsura ko?"

Impit itong tumili at pumalakpak. "Ayan! Ang ganda-ganda mo. I am sure kahit sinong lalaki ay pwede mong akitin. Hinding-hindi tatanggihan ni Francois ang proposal mo. Tutulo na lang ang laway niya sa iyo at puro oo ang sagot sa lahat ng hingin mo."

"That is taking it too far. Paano pala kung may babae na siyang kasama ngayon sa bar at hindi niya ako pansinin?"

"E di magpapansin ka. Humatak ka ng ibang lalaki. Tingnan ko lang kung hindi iwanan ni Chef Aklay ang babaeng kasama niya at ikaw ang piliin niya. Sa ganyang itsura mo, bato na lang ang hindi magkaka-interes sa iyo."

"Thank you sa vote of confidence. Pasensiya na kung maarte ako minsan. Kilala mo naman ako. I never consider myself as a sexy creature. I never see myself that way."

"Alam ko naman kung paano ka pinalaking conservative at maprinsipyo ng nanay mo. Love games could be dangerous. Marami ang nasasaktan at napapahamak. Just play it right. Hindi ka naman mai-in love kay Francois. Wala rin kayong magiging romantic relationship. This is still..."

"Business," dugtong niya. "For Kanayama."

"Right." Narinig nila ang huni ng sasakyan sa labas. "O! Nandiyan na si Manong George. Basta maging sweet ka kay Francois. Wag mong masyadong aangilan. Just flirt a bit if you have to. Play your cards right."

"P-Pwede bang mag-coat man lang ako?" tanong niya at niyakap ang sarili. "N-Naninigas na ako sa lamig."

"Ano? Tiisin mo na lang muna iyan. Tiis-ganda, friend."

"Esteph, sabi ko willing akong maging maganda at sexy sa paningin ni Francois. Wala sa usapan natin na magiging frozen delight ako. Ayokong magka-pneumonia."

“Oo na.” Pumasok ito sa loob ng kuwarto at paglabas ay may dala nang itim na over-all coat. Dali-dali niyang isinuot iyon. “Ayan, ha? Ayoko lang magkaroon ka ng pulmonya kaya pinagsuot kita ng coat pero kapag kayo na lang ni Francois kailangan ipakita mo na ang alindog mo. Okay?”

“Okay,” aniya at nanginginig pang nag-thumbs up. Di niya alam kung mahal talaga siya ng kaibigan niya o may pagka-sadista rin ito.

Niyakap siya nito nang mahigpit. “Kaya mo iyan, Amira. Mababawi mo rin ang Kanayama basta gawin mo ang best mo.”

“Mukhang may date kayo, Ma’am Amira,” anang si Manong George.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya. “Ganoon na nga po.”

“Si Chef Aklay ba? Galingan ninyo. Ma’am.”

“Galingan ko?” nagtataka niyang tanong.

“Nakita ko nga kanina sa may palengke may kausap siyang dalawang blondie. Mga ‘Merkana ata. Niyayaya niya sa Sanctuary. Yes naman nang yes ‘yung mga ‘merkana. Alam ba ni Chef Aklay na may date kayo? Kasi baka naunahan na kayo ng dalawang ‘merkana, Ma’am.”

Patay! Dalawang blondita ang makakatuos niya sa binata. Inayos niya ang kuwelyo ng coat niya. Confidence, Amira. A woman of power got confidence. Kaya mo iyan.

Pagdating ng Sanctuary ay narinig niya sa labas ang himig ng African drums at gitara. A soothing was filling the air. Makikita rin ang ethnic design paintings at sculptures ng mga bulul o rice gods sa bungad ng bar.

Natagalan lang siyang makapasok dahil kailangan niyang tanggalin ang boots niya. Kailangan kasi ay nakayapak sa pagpasok doon. Bakit nga ba di iyon nabanggit sa kanya ni Estephanie? Kuntodo paganda pa mandin siya.

Pagpasok niya ay bahagyang dim ang ilaw. Puro low tables ang nasa loob ng bar at puno na ang mga guest, parehong lokal at banyaga. Lahat ay nakasalampak sa kahoy na sahig at ine-enjoy ang musika at nakahandang pagkain sa mga ito. Sa mababang stage ay may isang lalaking kumakanta at may hawak na gitara. May mga taong nakasalampak dala ang mga inumin at pagkain ng mga ito na nakikikanta rin. Mukhang wala si Aklay sa paligid.

Akmang itatanong niya kung nasaan ito nang may tumawag sa pangalan niya. “Amira!”

Nakita niyang palapit sa kanya ang nakangiting si Jennascia. “Hi! Nandito ka pala sa Sagada ngayon.”

“Yes. Dito muna kami ng asawa ko buong linggo. Nagbabakasyon lang kami bago na naman kami bumalik sa Manila. May fashion show kasi ako sa Tokyo next month at gusto ko munang mag-relax. Come, I want you meet Michael James.”

Di makakibo si Amira nang ipakilala siya ni Jennascia sa asawa nitong Olympics gold medalist sa taekwondo na si Michael James Lizardo. She was starstruck. Subalit di lang si Michael James ang nakilala niya kundi pati ang buong angkan na yata ng mga Lizardo.

Ang mga Lizardo ang isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Sagada. More powerful than Banals in terms of lineage and influence. Pawang taal na taga-Sagada ang ninuno ng mga ito at miyembro ng kadangyan o pamilya na pinagmumulan ng mga village head.

They were successful in their own field – sports, politics, Science, arts. At saka niya naalala na nakilala na niya ang isa sa kamag-anak ng mga ito na si Fawna Lizardo-Ang na isa ring environmentalist subalit nasa Antartica para sa isang honeymoon trip kasama ang asawa nito.

Mukhang malalapit ang mga ito sa isa’t isa at masasaya kapag magkakasama. Di tuloy niya maiwasang mainggit dahil malayo pa silang magkakapatid sa ganoong estado.

“Amira, what are you doing here in Sagada?”

Nanlaki ang mata niya nang makita ang isang matangkad at morenong lalaki na nakasuot lang ng black sando at faded jeans sa gitna ng lamig ng Sagada. “Binsay!” He gave her a bear hug. Nanlaki ang mata niya. “Don’t tell me you are also a Lizardo?”

“Yes. I am Leonard Gomez-Lizardo. Small world, huh!”

“At masasabi mo talagang maliit ang mundo oras na malaman mo na isa siyang Banal,” natatawang sabi ni Michael James.

Nagkakilala sila ng lalaki sa Australia sa isang environmental conference doon at nag-perform ito ng traditional Igorot dance. Nakapanood pa nga siya ng play nito noong nasa Sydney siya kung saan ginagampanan nito ang character ni Binsay na isang mandirigmang taga-Bontoc.

Natawa si Leonard at sumalampak sa tabi niya. “Now that is interesting. Ikaw pala ang Amira Banal na usap-usapan dito sa Sagada.”

“Kasama kami sa sumuporta sa Nature’s Keeper sa pagpapatigil ng minahan dito sa Sagada,” anang si Klein. “Mukhang di na ganoon kalakas ang impluwensiya naming mga Lizardo dito. Sagada is heading towards a different direction.”

“Or maybe we should try harder,” anang si Sapphire na nakatatandang kapatid ni Michael James. “Nitong nakakaraang araw masyado kaming busy sa kanya-kanya naming buhay sa labas ng Sagada. Nakakalungkot ako na matutuloy pala ang minahan.”

“Sabihin mo lang kung may maitutulong kami sa iyo,” anang si Jenna Rose. “Awareness campaign. Signature campaign maybe?”

“Maraming salamat,” aniya at ngumiti sa mga kasalo sa mesa. Malaking bagay na malamang nasa side niya ang isa sa maimpluwensiyang angkan sa Sagada. Ang problema lang ay wala ring magagawa ang mga ito sa pagdating sa Banal Mining Corporation. Nasa loob ng kompanya ang tunay na labanan. Public opinion was a bit unpopular to the board. Hindi maaapektuhan ng protesta ang stand ng mga ito.

“Wala ka bang kasama?” tanong ni Leonard. “Ang mga kapatid mo?”

“Ang totoo nagpunta lang ako dito kasi may kakausapin ako,” sabi ni Amira at inilinga muli ang mata sa paligid. Masyado siyang nalibang kaya saglit niyang nakalimutan si Francois. Masyado kasing accommodating ang mga Lizardo.

Pumitlag ang puso niya nang makitang lumabas ng counter si Francois. Napapaligiran siya ng mga guwapo at makikisig na lalaki sa mesa ng mga Lizardo pero iba talaga ang epekto ni Francois sa kanya. Akmang tatayo siya at tatawagin ang binata nang lapitan ito ng dalawang matatangkad na blondes na naghahagikgikan pa. Di na siya nakahuma dahil hinila na ito ng dalawang blondita sa mismong stage at may ibinulong sa singer ang isa sa mga ito. Napansin niya ang pagkakagulo ng mga guests na babae.

“Girls, do you want to hear Chef Aklay sing?” tanong ng singer. Naghiyawan ang mga babae. Mukhang di lang si

“Aimee and Suzie, this song is for you,” anang si Francois nang hawakan ang mikropono at kinindatan pa ang dalawang blondita na kilig na kilig.

“Ang daya talaga nitong si Aklay. Alam naman niyang sintunado siya kaya nag-French. At bentang-benta sa mga babae,” natatawang sabi ni Michael James.

“French is sexy, mon amour,” anang si Jennascia at pabirong kinalmot ang asawa sa braso.

Tumuwid ng upo si Michael James. “Mukhang gusto kong mag-aral ng French mamayang gabi rin mismo.”

“Wala kang naiintindihan pero napaka-sexy pa rin,” anang tennis player na kakambal ni Leonard na si Dashielle at nangalumbaba habang nakatitig sa kay Aklay. “Don’t you agree, Amira?”

Iniwas niya ang tingin kay Francois. “ Wala naman sa tono,” naiirita niyang sabi.

Sexy nga at nakakaakit ang kanta nito pero ang dalawang blondita naman ang kinakantahan nito. Nakakainis! Nasira ang plano niya. Pagkaganda-ganda pa mandin niya nang gabing iyon tapos ay mauuwi lang pala sa wala. Ano naman ang panama niya sa dalawang blonde? Dalawa laban sa isa. At halata pang kampante sa sexuality ng mga ito ang dalawang blondes. Talo na siya. Sayang lang pala ang ipinunta niya doon.

“Ah! Si Chef Aklay pala ang dapat na ka-date mo ngayong gabi,” narinig niyang sabi ni Leonard.

Nakakunot ang noo niyang nilingon ang binata. “Anong sinasabi mo diyan?”

Inilabas nito ang bote ng mulberry jam at binasa ang note na nakadikit doon. “Dear Francois… The sweetest jam for the sweetest and most gorgeous guy on Earth. Thank you for…”

Dali-dali niyang kinuha ang bote ng mulberry jam mula dito. Saka lang niya napansin na nakatagilid pala ang lalagyan kaya marahil gumulong ang bote patungo kay Leonard. “Di naman ako ang nagpapadala sa kanya. Ipinasuyo lang iyan ni Estephanie na ibigay sa kanya. Crush kasi niya si Francois.”

“E bakit Love Amira ang nakalagay sa dulo?” nanunuksong tanong ni Leonard.

Bruha ang kaibigan niyang si Estephanie. Ano pa kayang ipinaglalagay nito sa sulat? Kapag tuluyang pumalpak ang plano nila, sasakalin talaga niya ito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.