Bumuntong-hininga ang binata at isinara ang folder. “Sa palagay mo paano kang papanigan ng board at shareholders? Nasubukan mo na iyan noong nag-meeting tayo. At ididiin nila ang pangangailangan ng mga trabahador doon.”
“Yes. Pero pwede naman tayong mag-offer ng alternative na kabuhayan sa mga trabahador. We can also invest on other projects and use the funds in our savings. We can invest on renewable sources of energy.”
Tumaas ang kilay ng binata. “This proposal is still a bit sketchy.”
“Yes. Ide-develop pa iyan at kailangan ng research.”
“It looks promising,” anito at inabot ang folder sa kanya. “Pero bakit sa akin mo ito sinasabi? I am hardly a credible person. Di rin ako makaka-inspire ng boto ng board. I am a nuisance, Amira. Hindi ko alam kung paano ka matutulungan sa proposal mo.”
Kinuyom niya ang palad. “Kailangan ko ng taong naniniwala sa akin. Kahit na isa ka lang, ang mahalaga may tiwala ka sa project ko. Maliban kung di ka talaga interesado sa project ko at di mo ako sineseryoso.”
“Seryoso ka ba talaga nang kunin mo ang tulong ko? Why the seduction? Kailangan mo ba talagang gawin iyan para makuha ang atensiyon ko?”
“I-I know. It is stupid,” aniya at kinagat ang pang-ibabang labi. “S-Si Estephanie kasi… sabi niya kailangan ko daw gawin iyon. Oh, well! I guess it didn’t work.”
“You don’t have to do that next time just to get my attention.”
“Because I am not seductive enough?” Inikot niya ang mga mata. “Yeah! Fine. I got the message. Huwag na akong mag-effort next time kasi di naman gagana sa iyo. Sabihin mo na sa akin kung anong sagot mo. Tutulungan mo ba ako sa project na ito o hindi? Are you with me?”
“Ah ah!” anito at iginalaw ang hintuturo sa ere. “I am not an easy man, Amira. Di dahil may babaeng nagtangkang mang-akit sa akin, papayag na lang ako basta-basta. Kailangan mo muna akong kumbinsihin.”
“Paanong kumbinsihin?” tanong niya.
“Una, di pa naman nabubuo ang project mo. Hindi pa natin sigurado kung maia-apply mo nga iyan sa Banal Mining. Pangalawa, sa palagay ko ay di mo pa gaanong alam ang pasikot-sikot sa kompanya. So, I want you to go out on a series of dates with me.”
Napanganga siya. “S-Sandali lang. Anong kinalaman sa Banal Mining ng pagde-date natin?”
Ginagap nito ang kamay niya. “Amira, we will be partners. Ano naman ang masama kung magde-date tayo?”
Bumuga siya ng hangin at binawi ang kamay mula dito. “So, ganoon din pala ang bagsak natin? Yayayain mo rin akong mag-date. Don’t tell me that I have to give myself to you just to get my votes.”
“Date lang ang sinabi ko, Amira. Huwag mo namang masyadong ipakita na interesado ka sa katawan ko. I am not an easy man, remember?”
“Ako pa ang interesado sa katawan mo?”
Naging seryoso ang anyo nito. “Five months. Gusto ko na makipag-date ka sa akin sa loob ng limang buwan kung kailan at saan ko gusto. No buts.”
“Ang haba naman ng five months.” Delikado siya kapag pumayag siyang makipag-date dito sa loob ng limang buwan. Hindi yata niya kakayaning ma-resist ang charm ni Francois.
“Gusto kong magkakilala tayong mabuti, Amira. Gusto kong malaman mo ang maraming bagay tungkol sa akin at malaman ang maraming bagay tungkol sa iyo. Wala sigurong masama doon. After all, ise-secure mo ang ten percent ng votes ko.”
“Three months na lang. Pwede na iyon.”
Naging matigas ang anyo nito. “Five months. Take it or leave it.”
Nakipaglaban siya ng titigan dito. His eyes were fierce. Di siya pwedeng magpa-cute pa dito dahil alam niyang di lalambot ang pagpapa-sweet kayk Francois. Sa huli ay siya din ang sumuko. He was holding all the cards now.
“Gusto ko munang pag-isipan ang alok mo,” aniya at bumuntong-hininga. Hindi naman biro ang five months na pakikipag-date dito. Baka di na kayanin ng puso niya. Malay niya kung ano pang plano ni Francois sa kanya sa loob ng limang buwan na iyon.
“Sige. Pag-isipan mo hanggang bukas. Kailangan nasabi mo na sa akin ang sagot mo bago mag-alas siyete.”
“Bukas agad? Ang bilis naman.”
Dumukwang ito at pinisil ang pisngi niya. “Honey, if you will take a chance with me, I will make sure that it would be worth it.”
Nahigit niya ang hininga. Common sense was telling her to beware. If she would take a chance would be him, would heartbreak be worth it? Oras na um-oo siya at pumayag sa lahat ng terms ni Francois, baka parang puppet na lang siya na walang sariling isip. How could she survive five months without breaking her resolve?
“Thanks for the dinner,” sabi niya at binuksan ang bag para kunin ang wallet niya.
Itinaas ni Francois ang kamay. “Ako na ang bahala. Kahit kailan di pa ako nagpabayad sa date.”
“Ako ang nagyaya ng date.”
“All bets are off once you pay for our date.”
“Okay,” nasabi na lang niya at isinara ang bag niya. Ayaw niyang salungatin ito ngayon dahil napaka-fragile ng sitwasyon niya. Isang maling galaw o sagot lang niya ay mawawalan siya ng pagkakataon na makuha ang suporta ni Francois.
Tahimik silang dalawa nang ihatid siya nito papunta sa sasakyan. “Amira,” tawag nito sa kanya nang tumigil ang kotse sa harap niya.
“Bakit?”
Hinawakan nito ang lapel ng coat niya. “Huwag kang makikipag-meeting nang suot ang suot mong red dress kanina. Don’t even try to wear that to seduce men. Maliwanag ba?”
“Oo na. Hindi bagay sa akin. Di rin eepekto.”
Hinila nito palapit ang lapel ng coat niya. Naglapit ang katawan nila. Nararamdaman niya ang init ng katawan nito kahit di sila magkadikit. Nagtataka niyang inangat ang tingin sa mukha nito. She was taken aback when she saw his eyes ablaze. “Do not underestimate yourself. I had a hard time resisting you a while ago. And I don’t want you to think that I am easy.”
“I affected you?”
“Yes,” sagot nito. “Kaya huwag mong ipapakita sa iba na suot mo iyan. Sa akin lang. Ayokong mapaaway. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Marahan siyang tumango. “Yes.”
Attracted ito sa kanya. She affected him. Totoo ba iyon? She didn’t know if he could fake the fire of desire in his eyes. Pero mahirap pekein ang sayang nararamdaman niya. Na hindi naman pala ganoon kapangit ang itsura niya. She was seductive enough for him.
Pinisil nito ang baba niya. “I will wait for your answer tomorrow.” Ipinagbukas siya nito ng pinto ng kotse at inalalayang makasakay. “Mang George, kayo na po ang bahala kay Amira.”
“Sige po, Sir.”
“Think of me tonight,” anang si Francois at isinara ang pinto.
Nakatulala siya nang magsimulang bumiyahe. So, wala siyang dapat ipag-alala sa alindog niya. Gumana iyon kay Francois. Pero mas may malaki siyang alalahanin. Kakayanin ba niyang tanggapin ang alok nito na mag-date sila ng limang buwan nang kontrolado niya ang emosyon niya at di ibinibigay ang puso sa binata?