Barely Heiresses: Amira Chapter 80

Excited na inilagay ni Amira ang iba't ibang klase ng berries na siya mismo ang pumitas sa ibabaw ng cheesecake. Inalok siya ni Francois kung gusto daw niyang lagyan ng toppings ang cheesecake. Wala siyang alam sa pagluluto ng pagkain. But watching the brilliant chef create masterpieces from scratch, he made it look so easy.

"Madali lang palang mag-decorate nito," sabi ni Amira. "Pwede mo na akong maging assistant. Tapos na ang Merry Berry. Magugustuhan ni Berry ito."

"Wala naman siyang tinatanggihan. She actually offered to be my assistant as well but I had to decline. Wala tiyak akong matatapos na trabaho. She will just guffaw everything that is edible."

"That is Berry for you. But I am more patient. Hindi ko ine-expect na enjoy palang magluto. Hindi kasi ako tumatao masyado sa kusina."

"Not so domesticated?"

"I am afraid the kitchen is not my territory. I can cook just fine. Sapat na para sabihing edible. Sabi nga sa akin ng mga kakilala ko, kapag daw nagka-boyfriend na magaling magluto." Tumikhim ang binata. "O mayaman para ikuha ako ng sarili kong chef."

"And you are an heiress now."

"Almost. And I have a hot chef as a date."

"Ahhh! You make it sound like you are falling in love with me."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Amira. "I am in love."

"Huh?"

"With food. Don't be so cocky, Mosqueda. Hindi kita pipikutin."

"I am not sure if I can't trust you." Kumindat ito at inilagay ang cake sa loob ng chiller. "I can see hearts in your eyes whenever you look at me."

"Don't put ideas into my head. Baka maniwala ako sa sinasabi mo at pikutin nga kita."

"Seryoso ka diyan?"

"Yes. So keep me busy. Hmmmm... may iba pa ba akong cake na pwedeng lagyan ng dekorasyon?"

"May carrot cake pa dito."

Pinagkiskis niya ang mga palad. "Cool."

She was enjoying this date so far. Nakakapag-relax siya at hindi niya iniisip ang trabaho. Kailangan niya ito. Work made her feel grouchy and frustrated. Her stepmother was still a bit of a problem for her. Magandang mailayo paminsan-minsan ang utak niya sa problema. Hindi naman pala ganoon kahirap maglibang kung gugustuhin niya. Maybe it was Francois company. Alam nito kung paano pagaanin ang mood niya sa mga simpleng bagay.

Siya ang pinaglagay ni Francois ng frosting. Madali lang naman iyon dahil kailangan lang pantayin ang icing sa ibabaw. "Ikaw din ang maglagay ng decoration," sabi nito at inabot ang pastrybag sa kanya.

"Uhmm... di ko yata kayang gawin iyan. Di ako marunong. Baka magkamali ako."

"Tuturuan kita. Kung nagkamali ka, we can easily scrape it with spatula and do it over again. Relax. I want you to have fun."

"Susubukan ko."

Tumayo ito sa likuran niya at hinawakan ang magkabila niyang kamay. "Ganito ang paghawak ng pastrybag. Ang lalabas na design ng icing ay depende sa tip. We are using a swirly tip." Magaang pinisil ni Francois ang kamay niya para pisilin din niya ang pastrybag. Lumabas ang pa-swirl na tumpok. "There you go Madali lang, di ba?"

Naninigas ang buong katawan ni Amira. Madali lang? Paanong madali kung hindi nga niya alam kung paano mag-iisip. Nakakulong siya sa mga bisig ng binata. Di rin maiiwasang madikit siya sa katawan nito dahil tinuturuan siya nito. And it was distracting the hell out of her.

Pakiramdam niya ay umangat ang kaluluwa niya mula sa katawan niya. Di niya matandaan kung paano pa niya nasusunod ang instruction ni Francois. Nakikita niya ang sarili na nilalagyan ng design ang gilid ng cake pero parang di naman niya nararamdaman na ginagawa niya.

She became more aware of him. Ang init ng katawan nito kasama ang mabangong amoy nito ay lumulukob sa buong katawan niya. She could imagine covering him with cream frosting all over that hot body of his. And she wanted to lick off every inch of him. What the…

Nasobrahan ang pagkakapiga niya sa pastrybag dahil sa imahinasyong iyon at nawalan din nang direksiyon ang dekorasyon niya. Sa halip na manatili sa gilid ay gumuhit ang icing papunta sa gitna.

“I am sorry,” usal ni Amira.

“It’s okay,” sabi ni Francois at dinampot ang spatula. Binitiwan lang nito ang kamay niya pero nananatili pa rin ito sa likuran niya. Malapit na malapit pa rin. Kinuha nito ang pastrybag sa kanya at inilapag sa plato sa tabi ng cake. Saka ihinawak ang spatula sa isa niyang kamay at ihinawak ang isa pa sa carton base. “Kapag nagkamali ka, all you have to do is scrape it. Magaan lang dapat.”

Tango lang siya nang tango at hinayaan ang binata na igiya ang kamay niya. Parang puppet na lang siya na sunud-sunuran dito. Paano ay parang wala na siyang buto. Di na niya alam kung paanong gagalaw. Wala na siyang kontrol sa sarili niya. She was just a huge marshmallow because of this man.

Natauhan si Amira nang mag-ring ang cellphone ni Francois na nakapatong di kalayuan sa kanila. “Sagutin mo na ang phone. Kaya ko na ito mag-isa.”

Kumunot ang noo ng lalaki. “I am not sure about that.”

“Just go!” He didn’t know how much she needed per space and her sanity. Hinigop na nitong lahat. He and his hot body.

“Okay,” sa wakas ay sabi nito at napilitang lumayo sa kanya. Dinampot nito ang cellphone. “I will be back in a few.” At saka ito nagtungo sa sala para doon sagutin ang tawag.

Noon lang nakahinga nang maluwag si Amira at bumalik sa normal ang pagtibok ng puso. Hinintay muna niyang tumigil sa panginginig ang kamay niya saka binalikan ang paglalagay ng icing.

Francois had that effect on her. It was scary and exciting at the same time. How could she survive five months having him as her date? Hindi niya alam kung paano ito matatapos nang di siya maaapektuhan pagkatapos.

But this is a fun date. Wala naman akong mairereklamo sa kanya. Francois is a perfect gentleman. He is the god of cakes. I can’t say no to him.

Matapos lagyan ng icing ang gilid ng cake ay sinipat-sipat iyon ni Amira. It was not so bad. Mas madali palang gawin iyon kapag di nakadikit si Francois sa kanya. “Tres bien,” puri ng binata nang makita ang gawa niya. Tapos ay hinayaan siya nitong lagyan ng sugar carrot na pang-decorate ang cake. “Pwede na siguro kitang kunin na assistant.”

“Ano ang talent fee ko?” tanong niya.

“Kiss,” anang si Francois at pinatunog ang labi.

Dali-dali niyang iniwas ang tingin sa mga labi nito. Baka kung ano na naman ang ma-imagine niya. “Kakain na ba tayo ng cake?” tanong niya.

“No. Kailangan munang palamigin iyan. Let’s watch a movie.”

MAGKATABI sina Francois at Amira sa couch sa entertainment room ng binata habang nanonood ng Ratatouille. Akala niya ay papapanoorin siya nito ng romantic film pero di niya inaasahan na manonood sila ng animated movie tungkol sa isang daga. Pero mukhang paborito iyon ng lalaki dahil sa Paris ang location.

But it was entertaining. Hindi siya mahilig sa mga animated movies na pambata pero nalilibang siya ngayon. Francois was at a safe distance, kaya naman nae-enjoy lang niyang manood habang kumakain ng strawberry na idini-dip sa bowl ng icing na natira kanina.

“Uhmmm… this is luscious,” usal ni Amira at kinagat ang strawberry na may cream. Sinimsim niya ang dulo ng daliri na may cream nang makita niyang nakatingin sa kanya si Francois. Dumampot siya ng strawberry at idinawdaw sa icing. “Gusto mo?”

Tinitigan lang siya nito. Parang may apoy sa mga mata nito at may kasamang… gutom. Siguro ay gutom ito dahil kanina pa ito di kumakain. Sa huli ay umiling ito. “Sa iyo na lang.” At saka ibinalik ang tingin sa palabas.

Nagkibit-balikat si Amira. “Okay.”

Matapos ang wild imagination niya kanina, mas gusto niyang huwag itutok ni Francois ang atensiyon sa kanya. Ayaw niyang mailang dito. Gusto lang niyang i-enjoy ang araw na iyon kasama ito. Walang malisya.

Tawa si Amira nang tawa nang mapansin niyang mag-isa na lang siyang tumatawa. Paglingon niya ay nakapikit na si Francois. Tinulugan siya nito!

Nice one, Francois! What a way to bruise my ego. Tutulugan mo lang ako.

Tumayo siya at pinagmasdan ang binata. He looked like an angel while asleep. Wala na bang ipapangit ang lalaking ito? Isang ideya ang kumislap sa isipan niya. Kumudlit siya ng icing at ipinahid sa ibabaw ng labi nito na parang bigote. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para di kumawala ang hagikgik niya. Oras na matapos niya itong lagyan ng bigote ay kukuhanan niya ito ng picture at gagawin niyang blackmail picture para pasunurin ito sa lahat ng gusto niya.

Kumudlit ulit siya ng icing at akmang ipapahid pa ulit dito ay biglang may kamay na sumambilat sa pulsuhan ng kamay niya at hinila siya palapit. Nawalan siya ng balanse at muntik nang bumangga ang mukha niya sa mukha ni Francois kundi lang niya niya naisandig ang isang kamay sa likod ng couch.

Suminghap siya nang dumilat si Francois. His grey eyes bore on her. “What do you think you are doing?”

Nalulon niya ang dila niya. “I…I…”

Inilapit nito ang daliri niyang may icing sa labi nito at sinimsim iyon. She felt heat surge right through her. “Someone is naughty.”

Hindi nito pinalis ang cream sa ibabaw ng labi nito pero nakikita niya ang kislap sa mga mata nito. May plano nito. Binitiwan nito ang isang kamay niya. He swooped her and put her on his lap. Humawak ang isang kamay sa batok niya at di na niya magawang gumalaw pa. Inilapit nito ang mukha sa kanya. She felt like she was cast on a spell. Kahit anong gawin nito sa kanya ay di siya makakalaban.

“Y-You c-can’t kiss me,” usal niya nang sa wakas ay matagpuan ang boses. “According to our contract…”

“Yes, I can’t you kiss you but you can kiss me.” Umangat ang gilid ng labi ng binata. “Kiss me. Embrasse moi, Amira.”

As soon as the French rolled into his tongue, she was already charmed and claimed his lips. Nalasahan ni Amira ang manamis-namis na icing sa ibabaw ng labi nito. He tasted so good, just as she imagined. Kissing Francois had always been a mind-altering and a liberating experience for her. She didn’t care if she would lose herself in the end. She just didn’t care.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.