Barely Heiresses: Amira Chapter 81

A kiss like this should scare her, but it didn’t. It turned her into a bold and brave woman. A woman who was after what she wanted, damn the consequences. Like this was what she needed.

Francois kissed her back but his kiss was setting a slower tempo. He wanted to them to take their time. She squirmed against his lap. Parang pinipigilan nito ang paglagablab ng apoy na sinindihan nito. But the kiss was hot just the same. Parang isang masarap na pagkain na marahang ninanamnam.

Hinawakan siya ni Francois sa magkabilang pisngi at naglayo ang mga labi nila. Habol nila ang hininga at idinikit nito ang noo sa noo niya. Amira’s world was tilted from its axis. Di niya alam kung anong nangyari. Bakit ito tumigil?

“We have to stop,” anang si Francois. Tumayo ito at ibinaba siya nito. Inalalayan nito ang baywang niya. “At kailangan din nating lumabas dito.”

“Why?” tanong nito sa inosenteng boses at tiningala ito. Pinuputol na ba nito ang date nila? Ayaw na nitong maka-date siya?

“That kiss was way out of control. Hindi safe na tayong dalawa lang dito. We should go somewhere more public.”

“Hindi ba iyon ang gusto mo? Ang mawalan ako ng kontrol?” nakataas ang kilay niyang tanong. Ang totoo ay parang wala naman siyang problema dito kanina.

“Yessss,” he answered in a hiss. “Pero di ako papayag na gamitin mo iyon para masira ang kontrata natin.”

“What?” bulalas niya. Di na nga niya maalala ang kontrata nila. Akala ba nito ay ginawa niya iyon dahil gusto niyang sirain ang kontrata nila?

“But to hell with that contract. I want you but I don’t want you to hate me afterwards, Amira. And besides, I am not an easy guy. Sinabi ko naman sa iyo na makukuha mo lang ako kapag pinakasalan mo ako.”

Umikot ang mga mata niya. “Fine.”

Mabuti na lang at may mas kontrol ito kaysa sa kanya at mabuti na lang ay may plano itong tuparin ang kontrata nila. He was right. Her control and self-preservation was already out of the window. At kung sinamantala ni Francois ang kahinaan niya ay kamumuhian din niya ito pagkatapos.

He respected her. And she appreciated that. Mabuti na lang at iniisip nito na gusto niya itong gulangan sa kontrata kaya niya iyon ginawa.

PUPUNGAS-PUNGAS pa si Amira nang sunduin ni Francois sa mansiyon para sa date nila. Ayaw pa sana niyang bumangon sa higaan pero di sila makakapag-date sa bandang tanghali o hapon dahil kailangan nang bumalik sa trabaho. May ihahandang buffet dinner ang binata at siya naman ay magbabasa ng mga project proposal.

Kahapon ay idinala nga siya nito sa mataong lugar. Tumambay sila sa radio station at nakipag-kwentuhan sa mga commentator doon tungkol sa nalalapit na Lang-ay Festival. Dahil di pa siya nakakapunta sa Bontoc ay doon naman daw sila susunodo na magde-date ni Francois subalit di niya alam kung anong makikita nila sa Bontoc nang alas sais ng umaga.

Hindi na niya tinanong ang binata. Malamang ay isosorpresa na lang siya nito. Nang madaanan nila ang Kiltepan Rice Terraces ay nagsisimula nang sumabog ang liwanag sa kabundukan. Sunrise was a beautiful sight. Subalit sa huli ay sumuko din ang mga mata niya sa antok at nakatulog.

Nagising si Amira sa iba’t ibang tunog ng sasakyan at mga tao. Nang dumilat siya ay nakahimpil na sila sa tabi ng kalsada. “Nasaan na tayo?”

“Nasa Bontoc,” anang si Francois. “Let’s go. Baka maubusan tayo.”

Kinukusot pa niya ang mga mata nang bumaba ng sasakyan at sa di kalayuan ay saka niya nakita ang kubol-kubol na puno ng mga tao at paninda.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Dito. Market day ng Bontoc ngayon. Mas maraming mabibili dito ngayon kaysa sa Sagada dahil sa Sabado pa ang market day doon. I need to create something really nice for dinner tonight. Medyo metikuloso ang guests sa Rock Inn. Kulang na lang hingan pa ako ng resume bago ko sila pagsilbihan.”

“Nice. Dito sa palengke ang date natin?” tanong niya at naramdaman ang paghawak sa braso niya para di siguro siya mawala. Sa isang kamay nito ay mayroon bayong. “Some kind of a date.”

“This is the perfect date. Madaming tao dito sa palengke. My virtue is safe,” kaswal nitong sinabi na parang puno siya ng pagnanasa sa katawan nito at dadambahin siya nito kapag silang dalawa lang. “Sabihin mo lang kapag may nagustuhan ka. Okay?”

Tumango siya at luminga sa paligid. It was not the usual market. Sa market day ay idinadala ng mga magsasaka at iba pa ang produkto ng mga ito sa merkado para ibenta. Sigurado siya na sariwa ang mga ito. Mula sa gulay, karne, prutas, mga hinabing bag, kumot at damit pati mga gamot na gawa sa sawa na ibinabad sa langit at nakalagay sa bote at mga insekto.

“Sampung piso lang ang isang baso ng blackberry?” bulalas ni Amira. “Isang oras akong nagkandakuba at pinapak ng insekto para makaipon ng isang baso tapos sampung piso lang pala. Bakit pa tayo namitas? Pwede naman palang mamili?”

“Because nothing beats the experience,” sabi ng lalaki. “Di lahat ng tao may chance na makapag-berry picking. Nag-enjoy ka naman, di ba?”

“Yes,” aniya at tumango. Naipagmalaki pa nga niya sa mga kapatid niya na siya mismo ang namitas ng prutas at tumulong sa pagde-decorate ng cake. And they appreciated it. Iba nga naman kapag pinaghirapan.

Nasa tabi lang siya ni Francois habang namimili ito ng gulay at karne. Bumili pa nga ito ng tapa ng usa at ng baboy ramo. Mukhang gusto talaga nitong i-impress ang mga customer nito mamaya. She saw another part of Francois here. He was meticulous but appreciative at the same time. Hindi rin ito tumatawad dahil katwiran nito ay kaunti lang ang kinikita ng mga tao doon. Hindi daw nito kailangang tumawad sa magagandang produkto na reasonable naman ang presyo.

Tumigil ang paa ni Amira sa harap ng kubol na may nakalatag na iba’t ibang ethnic pieces mula sa headdress na gawa sa semi-precious stones, necklace na gawa sa ngipin ng baboy-ramo, hinabing ethnic costume at mga sandata na mukhang antique na. Nakuha ng flute na may carving ang atensiyon niya. Si Francois naman nang mga oras na iyon ay nasa tindahan sa tapat lang niya.

“This is weird,” usal ni Amira nang sinubukang itapat sa labi niya. “Parang asiwa ito.”

“That is a nose flute, not a mouth flute,” narinig niyang sabi ng lalaki sa likuran niya.

Nilingon niya ito. “Leonard! What are you doing here?”

“Naghahanap din ako ng mga accessories para sa costume sa play namin.” Inilahad ng binata ang palad sa kanya. “Let me play it for you.”

Nang tugtugin iyon ng binata ay pumailanlang ang malamyos na nota sa paligid. Parang umaawit ang hangin. Wala siya sa gitna ng

“Oh, my! That is beautiful,” usal ni Amira at sinapo ang pisngi. “Parang nakaka-in love.”

“Amira!” narinig niyang tawag ni Francois sa pangalan niya sa pagalit na tono. Nang lingunin niya ito ay madilim ang mukha nito. “Anong ginagawa mo?”

“Pinakikinggan si Leonard na tumugtog. It is lovely,” she uttered then let out a sigh.

“Huwag mong sabihin na hindi mo pa tinutugtugan si Amira nito?” tanong ni Leonard at tinaasan ang binata ng kilay. “I thought you two are an item.”

“No. We are just dating. Friendly date,” nakangiti niyang sabi kay Leonard.

“Friendly date?” tanong ni Leonard at nagpapalit-palit ng tingin sa kanila. “Mosqueda, I am only here if you want me to teach you how to play the flute. I think you need it so badly.”

“Hindi ko kailangang matuto,” pakli ni Francois at madilim pa rin ang mukha.

“No wonder hanggang ngayon friendly date pa rin kayo,” nakangising sabi ni Leonard.

“Magpaalam ka na kay Lizardo. We are going,” anang si Francois.

“Bye, Leonard! Salamat sa pagtugtog para sa akin,” aniya at nagpaalam sa binata. Okay naman sana ang trip nila kundi lang bad mood pa rin si Francois. “Anong problema? Di naman kita pinipikot.”

“Hindi ka dapat basta-basta nagpapatugtog ng nose flute lalo na kay Lizardo,” sabi nito na nakakunot pa rin ang noo. “Alam mo ba na tinutugtog lang iyon sa mga babaeng hinaharana nila? At ikakasal na siya.”

“Francois, hindi niya ako hinaharana. Sample lang iyon.”

“I am afraid you might fall for him. Narinig ko sinabi mo na nakaka-in love.”

“Yung music at hindi si Leonard. Nakaka-in love naman talaga ang tunog ng nose flute,” sabi niya at sinapo ulit ang pisngi. “Bakit di ka marunong tumugtog?”

“Hindi na kailangan,” anito sa matalim na boses.

“Ahhh!” aniya at tumango-tango. “Oo nga pala. Hindi mo kailangan na tugtugan ang babae ng nose flute. Isang ngiti mo lang at isang kindat mo lang nagkakandarapa na sila sa iyo. How lucky.”

“I never courted a girl before. Kaya hindi ko pa naranasang tumugtog ng nose flute para sa isang babae,” sabi nito. “At kung gagawin ko man iyon, that girl must be really, really special.”

Itinaas niya ang isang kamay. “I get it. Someone special and you haven’t found that girl yet.” Hindi siya ang babaeng iyon. Parang may tumusok na tinik sa puso niya. She was just one of those girls who fall on his feet. She didn’t warrant a serenade with a noseflute.

“Yeah, right! And this is just a friendly date,” anitong parang may asido ang binitiwang salita.

“Anong gusto mong sabihin ko?”

“Wala. Tama ka. It is better to call it a friendly date,” sabi nito sa mababang boses. Nawala na ang iritasyon sa mukha nito pero malungkot pa rin iyon. “I didn’t know what came over me. Siguro nag-aalala lang ako na ma-in love ka kay Lizardo lalo na’t may girlfriend siya.”

“Not interested. Hindi ako banta sa relasyon ni Leonard sa iba.” Hindi naman niya hinahalikan si Leonard. She didn’t even have the urge to kiss him or get close to him. Kay Francois lang niya nararamdaman iyon.

“Amira, pwede kong ialay sa iyo ang katawan ko anytime kung sakaling magkaka-interes ka man sa lalaking may girlfriend na. You can slake your lust in me. Okay lang kahit di mo ako pakasalan. I can be a good friend.”

“Baliw!” aniya at nagpakawala ng malakas na halakhak. Nawala na ang tensiyon sa pagitan nila. The old Francois was back.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.