“Siguro dahil sa mga pinagdaanan ko nitong nagdaang isang buwan. Nakilala ko rin ang mga kapatid ko. Kung wala si Papa, wala rin ang mga kapatid ko. Napamahal na sila sa akin.”
“That is good, Amira. And you look more beautiful when you are like that.”
Kumunot ang noo niya. “Binobola mo ba ako?”
“No. That is real beauty, Amira. Hindi ang pisikal na anyo kundi kung anong nanggagaling sa puso mo. If we fill our hearts with negativity, things can get ugly. Pero kung pupunuin natin ang positivity ang puso natin, maraming mas magagandang bagay ang naghihintay sa atin.”
“Thanks, Francois.” Malaki rin ang bahaging ginampanan ng binata sa mga pagbabago sa kanya. May dahilan din marahil kung bakit kahit anong gawin niyang baklas dito sa buhay niya ay parang linta pa rin itong nakadikit. Di lang niya nakikita agad ang magandang epekto nito sa kanya. It was as if he knew her more than she knew herself. Mas alam nito ang pangangailangan niya.
“Do you want to have dinner with me tonight? I know this awesome restaurant with a nice city view.”
Tumango siya. “Sure.”
She knew that she agreed with him not because she had no choice. Gusto pa niya itong makasama nang mas matagal.
NANLALAMIG ang mga paa ni Amira habang nakatayo sa harap ng Sofitel Boutique Hotel kung saan gaganapin ang Mining Forum. Nagulat na lang siya nang padalhan siya ng memo kahapon nang hapon para dumalo sa naturang forum. Isang utos iyon na hindi niya pwedeng tanggihan.
Nerves were starting to get into her. Bahagi siya ngayon ng Banal Mining Corporation. Di niya alam kung paano aakto bilang isang Banal at environmentalist. Di niya alam kung saan siya tatayo.
Sinadya niyang magpahuli sa mga kagrupo. Naroon si Romualdo at ang iba pang direktor at executives ng kompanya. Yumuko na lang siya at medyo tinabingan ang mukha niya para di siya gaanong makilala. Sa registration pa lang ay napansin na siyang ibang kasamahan mula sa ibang environmental groups.
Kumukuha siya ng kape para makalayo mula sa grupo niya nang biglang may tumawag sa pangalan niya. “Amira? Oh, Amira! Ikaw nga iyan!”
Naestatwa na lang siya nang yakapin ng babae. “Candice,” usal niya nang makilala ang kaibigan. Miyembro ito ng non-government organization na nangangalaga sa karapatan ng mga katutubo naha-harass o nawawalan ng lupain dahil sa mining companies. “Hindi ko inaasahang magkikita tayo dito. Nasa Honduras ka, hindi ba?”
“Kauuwi ko lang sa Pilipinas two weeks ago para sa mining conference na ito. Akala ko nga ikaw ang nasa abroad.”
Kimi siyang ngumiti. “Ilang buwan na ako dito.”
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “May nagbago sa iyo. Mukhang blooming ka yata.”
Sinapo niya ang pisngi. “Ako? Wala nga akong tulog.”
“Di naman halata. It must be the dress or the make up. I don’t know.” Tumango-tango ito. “Mabuti naman at nandito ka para may pambato ang team natin. Let’s show these miners that they don’t have a place in this country.”
Uminom na lang siya ng kape. Di niya masabi na representative siya ng Banal Mining. Di naman siguro nito kailangang malaman.
“Tabi na tayo, ha?” anito at hinila siya papunta sa mesa ng mga anti-mining group. Tinanguan niya at kinamayan ang ibang delegates doon na pamilyar sa kanya ang iba. Di siya kalayuan sa mesa ng Banal Mining.
Maya maya pa ay tinawag nang magsalita si Romualdo para sa Banal Mining at sa pro-mining group. “Dear colleagues, we at Banal Mining is going through a phase right now. With the passing of our chairman Don Alfonso Banal, we would like to keep our commitment in exercising responsible mining according to his vision. With the new dawn of Banal Mining, I am sure the company and the mining industry in general will reach greater heights. That is why, I want to give the floor to our special project’s manager, Don Alfonso’s granddaughter – Miss Amira Banal.”
Nagpalakpakan ang mga tao habang hinahanap ang tinutukoy na apo ni Don Alfonso. Usap-usapan lang na natagpuan ni Don Alfonso ang anim pa sa mga apo nito bago ito pumanaw pero di nsila exposed sa publiko. Ngayon lang.
Gusto na niyang magtago. Pwede ba siyang tumakas papunta sa restroom at magkulong sa kanya doon? O gumapang sa ilalim ng mesa at magkunwaring nalaglag ang hikaw. She didn’t really need this. Romualdo put her on the spot.
Subalit matalas ang mga mata nito. Dumako ang paningin nito sa kanya at inilahad ang kamay sa kanyang direksyon. Nakangiti nito pero naroon ang pagbabanta na kapag di pa siya gumalaw sa kinauupuan niya ay malilintikan siya.
Wala siyang nagawa kundi tumayo. Narinig niya ang pagsinghap ng mga kasamahan niya sa mesa partikular na si Candice na hindi mapigilang mag-react. “Amira, isa kang Banal? Paanong…”
“Mamaya ako magpapaliwanag,” sabi niya at nagtungo sa stage.
Nanginginig ang tuhod niya nang humarap sa maraming tao. Halo-halo ang reaksyon ng mga ito – may curious, may namamangha, may nagtataas ng kilay at mayroon ding diskumpiyado sa kakayahan niya. Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil di niya alam ang sasabihin.
“Good morning, eyeryone,” bati niya at pilit na pinatatag ang boses. “It is indeed a great honor that our chairman gave me his time and an honor to be heard by the distinguished delegation present here today.” Kinuyom niya ang palad para pigilan ang panginginig. “For decades now, everyone is asking if we really need mining. With all the negative issues surrounding the practice of mining from environmental degradation, crimes committed to indigenous people and locals and the hazardous labor practices imposed to miners, the answer is no. And it is easy to say no to mining. But reality check, how can we say no to mining if we have gadgets, we use electricity, we have nice jewelries. Technology and civilization exist because of mining.” Nakita niya ang pagkunot ng noo ng mga environmentalists pero ngumiti lang siya. Iyon din ang reaksiyon niya nang sabihin ni Romualdo noon. “Do we need mining? Yes. We need responsible mining. Responsible mining is about helping elevate poor communities from poverty, taking care of the environment, protecting the laborers, the locals and the indigenous. With the help of our colleagues in the environment and human rights sector, we can always bridge the gap of the pro-mining and anti-mining. We are not enemies here. We are living in one world, breathing the same air. Let’s meet half-way. I hope we will have a fruitful day. Thank you.”
Tumayo ang mga delegates pero palakpakan siya. Pawang galing sa mining sector ang mga ito. Tumayo din ang mga kasamahan niyang anti-mining. Sa halip na pumalakpak ay lumabas ng silid ang mga ito. It was disheartening. They might disagree, pero kailangan bang mag-walkout ng mga ito?
Bumaba siya ng stage at sinubukang habulin ang mga ito pero pinalibutan na siya ng mga nagsisibati. Hinawakan ni Romualdo ang balikat niya. “Very good, Amira. Great job.”
Subalit di siya makadama ng kasiyahan sa puso niya. Pakiramdam niya ay may di siya tamang ginawa kahit na sinikap niyang gumitna.