Barely Heiresses: Amira Chapter 88

Pasulyap-sulyap si Amira sa kabilang mesa kung saan nakaupo si Candice at iba pang anti-mining group habang nagpapatuloy ang talk. Nasa mesa na siya ngayon ng Banal Mining. Madalas siyang hingan ng opinyon ng mga kasamahan sa mesa o kaya ay tanungin. Everyone wants to know more about the Banal heiress. She didn’t give a fig about them really. Gusto niyang makausap ang kaibigan.

Nang lumabas ito ng conference room para sa hapunan ay sinundan niya ito. Naabutan niya si Candice na pasakay ng elevator. Sila lang ang tao doon dahil halos ang lahat ay patungo na sa banquet hall.

“Candice, can we talk?” tanong niya.

“No. Makipag-mingle ka na lang sa mga pro-mining na mukhang amaze na amaze sa pagiging heredera mo. Kulang na lang ilagay ka nila sa pedestal at gawing bagong santa. Parang nakalimutan mo na kung anong ginawa nila.”

“Hindi ko nakakalimutan iyon, Candice. Kaya nga ako nandoon para tiyakin na walang gagawing paglabag ang Banal Mining. Para tiyakin na napapangalagaan nila ang karapatan ng minero at mga host communities…”

Iwinaksi nito ang kamay para patigilan siya. “Do you think I will believe that crap, Amira? Naririnig mo ba ang sarili mo kanina sa speech? You sound like them. Responsible mining. That’s bullshit! Katulad ka na rin nila.”

“Walang nagbago sa akin. Ako pa rin si Amira.”

Tiningnan siya nito sa malamig na mata. “Nagbago na ang lahat. I pity your mother to what you have become. She must be so disappointed.”

Nang bumukas ang elevator ay pumasok ito. Di na niya nagawang sundan pa ito dahil sa talim ng titig nito. Napilitan na lang siyang umurong upang bigyan ng daan ang iba pang gustong sumakay.

Tumalikod siya at di alam kung paano niya pipigilan ang sarili na maiyak sa isang pampublikong lugar. Kaya niyang tiisin ang lahat ng galit sa kanya. Okay lang din na mag-walkout ang mga ito. Pero natatakot siya sa kung anong sasabihin ng nanay niya.

“Amira?”

Nang iangat niya ang tingin ay nakita niyang nakatayo si Francois sa di kalayuan. Di na niya napigilan ang sarili at yumakap dito. “Francois! Ayaw na nila sa akin.” At napahagulgol siya ng iyak.

Bumuntong-hininga ito at hinaplos ang likod niya. “Let’s go.”

Lumabas sila ng hotel at isinakay sa kotse nito. Hindi niya alam kung saan sila pupunta dahil iyak lang siya nang iyak hanggang makarating sila sa Luneta. Tumigil sila sa isang bench na tanaw ang rebulto ni Rizal.

Inabutan siya nito ng mineral water. Bahagya siyang kumalma matapos uminom. “Di ko naman gusto ang nangyari. Di nila ako maintindihan. Ni di nila ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.”

“Amira, kung iniiyakan mo ang mga kasamahan at kaibigan mo dahil nawala siya sa iyo, di mo talaga sila kaibigan. At kilala kita. Sa isyu ng mining, mas nakakiling ka sa anti-mining.”

“Pinilit ko ngang gumitna. Basta na lang akong tinawag ni Tito Romualdo pero ginawa ko ang lahat maging impartial. Para ipakita na pwedeng magkasundo ang dalawang magkaibang paniniwala kung magkikita lang sila sa gitna. Di iyon natanggap ng ibang kasamahan ko kaya nag-walkout sila matapos ang speech ko.”

Pumalatak ito at hinaplos ang likod niya. “Si Papa talaga! I am sorry, Amira. Di ko alam kung bakit niya ginawa iyon.”

“Maybe to test my loyalty. Siguro para mapahiya ako. I… I really don’t know. Hindi ko alam kung saan ako tatayo. Matapos ba ang taning ko sa Banal Mining, makakabalik pa ako sa dating trabaho? Credible pa ba ako?”

“Huwag mong isipin iyon. You did your best.”

Sumibi siya. “Pero nag-aalala ako kung ano ang sasabihin ni Nanay oras na malaman niya ito. Baka dismayado na siya sa akin.”

“Tawagan mo siya. Ipaliwanag mo kung anong nangyari.”

Tinawagan niya ang ina sa pamamagitan ng Viber. Nasa Laos ito para i-train ang mga staffs sa bagong opisina ng Nature’s Keeper. “Yes, Amira.”

“Hello, Nay. Nandito po ako sa Manila para sa mining conference.”

“Alam ko,” kaswal na sagot nito.

“Uhmmm.. nag-speech po ako kanina sa opening program.”

“Yes. Napanood ko nga dahil may nag-upload na kanina.”

Mahigpit niyang hinawakan ang wire ng headset niya. “I am sorry. I was put on the spot. Basta na lang po akong tinawag para magbigay ng speech. Pero sinabi ko lang po ang stand ko. Sinubukan ko pong gumitna. Hindi ko po tinalikuran ang tungkulin ko.”

Mariin siyang pumikit habang hinihintay ang sasabihin ng ina. Ang huling pagkakataon na nadismaya ito sa kanya ay nang magsinuling siya dahil sa lolo niya at mga kapatid niya. Ayaw na niyang maulit iyon. Naramdaman niyang hinawakan ni Francois ang isang kamay niya. Binibigyan siya nito ng lakas ng loob.

“Bakit ka nagso-sorry? Anak, it was a great speech. Ikaw ang tulay na nagdudugtong sa mga pro-mining at anti-mining. You are a credible speaker because you were able to present both sides. At alam mo kung anong sinasabi mo. I am so proud of you.”

Bigla siyang dumilat. “Talaga po?”

“Oo naman. Iyan lang ba ang iniiyakan mo?”

Pinunasan niya ng likod ng kamay ang luha. “Nag-walkout po kasi sila Candice matapos ang speech ko.”

“Amira, hayaan mo na sila. Sa pinili mong stand, hindi mo mapi-please ang lahat ng tao. Ang mahalaga ay tinimbang-timbang mo muna ang mga bagay bago ka nagsalita. Natutuwa ako dahil ginagamit mo ang sarili mong isip at konsensiya. Ang magulang di kailangan ng anak na sunud-sunuran sa kanila. Ang gusto namin ay ibuka ng anak namin ang pakpak nila at lumipad. So, fly, Amira. And I am always here for you to come home to.”

“I love you, Nanay.”

“I love you more, anak.”

“Okay ka na?” tanong ni Francois.

“Yes. Thank you. Kung di dahil sa iyo, ewan ko na kung anong nangyari sa akin. Ano nga palang ginagawa mo dito sa Manila?”

“Sumunod sa iyo. Nalaman ko kasi na basta ka na lang isinama sa conference,” anito at tumayo. “Saka sisingilin kita.”

“S-Saan?”

“Grabe kang yumakap sa akin. Kaya dapat samahan mo akong mag-dinner.”

“Walang problema. May alam akong masarap na seafood restaurant malapit dito. Let’s go.”

Magkahawak ang kamay nila naglakad. Masaya siya dahil nariyan si Francois para sa kanya. Parang superhero ito na laging sumasaklolo kapag kailangan niya. Natatakot lang siya na nasasanay na siyang lagi itong nasa tabi niya.

Paano kapag nawala na ito sa buhay niya matapos ang taning ng proviso niya?

"BRYNETTE, may update na ba kay Director de Leon tungkol sa project proposal na ipinasa natin sa kanya?" tanong ni Amira sa sekretarya.

"Ma'am, pag-uusapan pa daw po sa meeting," anang si Brynette na parang nanlulumo na rin.

"Nakailang meeting na ba sila pero wala pa ring nangyayari."

"May iba daw po silang priority ngayon. Mas abala po sila na pagandahin ang imahe ng kompanya sa publiko."

Madugo ang naging sagutan sa mining conference ng pro-mining at anti-mining lalo na’t maraming kompanya ang lumalabag sa patakaran. Well, with the anti-mining advocates going strong, kailangan na ring kumilos ng kompanya o mahihirapan ang mga ito sa pagbubukas sa iba pang proyekto.

She didn’t know if her statement last time for responsible mining helped. Mahirap talaga na manimbang at gumitna. At ngayon ay parang nagigipit pa ang trabaho niya.

Iniisip na ni Amira na mag-early out para makapag-unwind ipatawag siya sa opisina ni Romualdo. Pagdating doon ay naroon si Francois. But he was in his jeans and white shirt. Not on official business. Anong ginagawa nito doon?

“Amira, take a seat,” anang si Romualdo.

Binigyan niya ng nagtatanong na tingin si Francois pero nagkibit-balikat din ito. Di rin nito alam kung bakit ito nandoon marahil.

Binuklat-buklat ni Romualdo ang folder na hawak. Napatuwid siya ng upo dahil iyon ang may lamang proposal niya. “Nabanggit sa akin ni Francois na sinamahan ka niya sa Sagada mining site at nakilala mo ang mga tauhan natin. At dahil doon ay nabuo mo ang proposal na ito.”

“Opo. It was an eye-opener for me. Nakita ko kung ano ang kondisyon nila.”

Tumango ito. “Gusto ko ang proposal mo at isa-suggest ko na pag-usapan ito ng board kapag naayos ang urgent projects natin. For now, I want you to check on the condition of the Lambayan site.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Ipapadala ninyo ako sa Lambayan?”

“Yes. Ang Lambayan ang isa sa pinakaluma pero pinaka-settled nating site. Gusto kong matiyak kung tama ang kondisyon ng mga minero, kung maayos ba ang community at kung may pagkukulang ba tayo sa kanila. Bring a staff or two. Sasamahan ka ni Francois para may pakinabang sa Banal Mining ang anak kong ito at di lang papogi.”

Di pinansin ni Francois ang patutsada ng ama at palihim na nag-thumbs up sa kanya. “Thank you, Sir,” sabi na lang niya. Komportable siya na kasama si Francois. Iba kasi ang karisma nito sa mga trabahador at madali para dito na kunin ang loob ng mga ito.

“Ipapadala ko na lang kay Director de Leon ang lahat ng information na kailangan para sa trip ninyo. You two may go.”

“Gusto ninyong mag-coffee sa labas, Pa?” yaya ni Francois dito.

“Marami pa akong gagawin,” malamig na sabi ng matandang lalaki.

“Available ako na mag-coffee,” aniya nang makalabas sa opisina ni Romualdo. Napansin kasi niya na dismayado ang binata dahil sa pagtanggi ng ama.

Ngumiti ito. “Good thing I don’t have to kidnap you.”

“NICE. Champagne,” usal ni Amira nang iabot sa kanya ni Francois ang kopita ng champagne. “Akala ko naman magkakape lang tayo dahil niyaya mong magkape si Tito Romualdo. This is…” romantic “different.”

Sa halip ay nasa likod sila ng lodging house niya at nagpi-picnic. Pagdating niya ay nakalatag na ang picnic blanket at may picnic basket na rin doon. Fruits at salad ang ipinahanda ni Francois at may digital candles na iba’t iba ang kulay sa paligid na lumiwanag nang nagsimula nang dumilim. Parang nasa isang romantic date sila. Hindi niya alam kung paano nito naihanda agad ang lahat.

“Hindi pwedeng kape lang kapag nagse-celebrate. Kailangan may champagne. I am part-French and this is a special day.” Ipiningki nito ang kopita sa kopita niya. “Cheers!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.