She felt giddy when she drank the sparkling liquid and the bubbles burst inside her mouth. “Hindi pa rin ako makapaniwala na ibinigay sa atin ng papa mo ang assignment na ito. And he trusts you to take care of me. That must be nice.”
Ipinilig ng binata ang ulo. “I don’t know. Matagal na panahon nang pinagkatiwalaan niya ako tungkol sa isang bagay. All the time, he expects me to fail and do something stupid. So I always relish the opportunity to rub it to his face. Pero ngayon, parang di ako makapaniwala na makikita niyang may pakinabang ako sa kanya. It is just surreal.”
Ginagap niya ang kamay nito. “Hey! You are good. Hindi ka man naging mining engineer pero mas naiintindihan mo ang kalakaran ng minahan kaysa sa akin. Ikaw ang nag-guide sa akin para makabuo ng magagandang proposal. Binuksan mo ang mga mata ko sa kung ano ang iba pang bahagi ng buhay. And I am thankful that you are coming with me to Lambayan. I need a good relationship with someone whom I can trust and who won’t impose his beliefs in me. Just someone who will show me the facts and let me decide things on my own.”
“Hmmm…” anang binata habang sumisimsim ng champagne. May kakaibang kislap sa mga mata nito. “You want us to have a relationship. A good relationship. It means you want me to be your boyfriend.”
Pabiro niya itong itinulak sa balikat kasabay ng pag-iinit ng mukha niya. “Stop twisting my words, French. Ni hindi ka nanliligaw.”
Hinawakan nito ang kamay niya at kinintalan ang likod ng palad niya. His grey eyes never leaving her face. “Then perhaps I should properly court you.”
“Properly?” tanong niya. “Manliligaw ka?”
Seryoso? Manliligaw sa kanya si Francois La Croix-Mosqueda? She felt a thrill shot right through her. Ngayon lang yata siya na-excite kung sakaling may manliligaw sa kanya. Naiirita kasi siya sa mga manliligaw niya noon dahil wala naman siyang tiwala sa mga lalaki. At sa palagay niya ay si Francois ang lalaki na hindi niya kayang bastedin.
“I don’t court women,” sa halip ay sabi ng binata.
Parang umimpis na lobo ang puso niya at namatay ang excitement na nararamdaman niya. He was just teasing her. Hindi siya nito liligawan. Binawi agad niya ang kamay dito. “At wala akong planong magpaligaw. Mababasted ka lang,” aniya at umingos para mabawi ang pride niya. “Masisira ang record mo sa babae. At Kanayama ang priority ko ngayon.”
“Yes, of course,” anito at humilig sa throw pillows. “Excited ka ba sa pagpunta mo sa Lambayan?”
Nagkibit-balikat siya. “Mas matindi ang kaba at takot ko. Di ko alam kung anong aasahan ko pagpunta doon. Malapit na din doon ang Kanayama. Paano kung ang magawa kong proposal ay di pabor sa board? O makaapekto sa future projects ko at di pa rin nila magustuhan?”
Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Nandoon ako. Kasama mo ako. Ako ang bahala sa iyo, Amira. Di kita iiwan.”
Sinapo niya ang tiyan niya. “Ewan ko. Parang gusto ko na lang umurong.”
“Silly. Kaya nga tayo nagsasaya para mawala ang kaba mo.”
“I guess the champagne is not helping.”
Hinawakan nito ang balikat niya. “Sumandal ka sa throw pillow and relax. Pumikit ka at huwag kang gagalaw hangga’t di ko sinasabi. Okay?”
“Will you go kinky on me?”
“Amira!” anito sa nananaway na tono. “I won’t do the dom act on you. No whips or chains or bonds. I just want you to trust me.”
“Yes, Master,” pabiro niyang sabi at kinindatan ito bago pumikit.
Losing her sense of sight didn’t sit well with her. Lalo lang nadagdagan ang anticipation niya. Kukutusan niya ang binata kapag nag-Hit Me Baby One More Time ito sa kanya. But she was excited at the same time. Wala pa namang ginagawa ang binata na pwedeng makasira ng tiwala niya. He always made her feel good. Sa palagay niya ay kailangan niyang panghawakan iyon.
Naramdaman niyang nakaupo lang ito sa tapat niya. They were a few inches apart. Narinig niya na ilang beses itong huminga ng malalim. Matapos ang ilang sandali ng katahimikan ay narinig niyang sumipol ang hangin. Animo’y umaawit ito. Saka niya na-realize na hindi iyon hangin kundi tunog ng noseflute. It was beautiful. Parang kinakantahan siya ng hangin. Ang pagtugtog ng noseflute ay ginagamit na pangharana sa isang dalaga. Pero sino ang nanghaharana sa kanya? Pwedeng nagpapatugtog lang si Francois sa music player. No. This one was live. Pwede din namang may kumuha ito ng tutugtog para sa kanya. Pero wala naman siyang naulinigang yabag na palapit sa kanila. Silang dalawa lang doon.
She dared to open an eye. At doon niya nakita na si Francois mismo ang tumutugtog. Nakalimutan na niya nang tuluyan ang pangako niya dito na pumikit at nanlaki ang mata niya. He looked lovely while playing the flute. Every inch a warrior who wanted to get a woman’s heart. “Francois, ikaw ang tumutugtog!” bulalas niya.
Bigla itong nawala sa tono at napaubo. “Amira, sabi ko sa iyo huwag kang didilat. Nawala tuloy ako sa tono.”
Sinapo niya ito sa magkabilang pisngi. “That’s so beautiful.”
“Hindi pa ako masyadong magaling. Ilang araw pa lang akong natututo. I… I want to please you.”
“Please me?” usal niya. “Why?”
“I want to court you,” sabi nito.
Natahimik si Amira. Di na ito biro sa pagkakataong ito. Seryoso ang mukha ni Francois. She tampered down her excitement. Baka mamaya ay umasa na naman siya sa wala. “Sabi mo kanina di ka nanliligaw ng babae at di mo kailangan na mag-aral ng noseflute.”
“Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko kanina. Di ako nanliligaw ng babae pero gagawin ko para sa iyo. I don’t have to play noseflute to other girls but I want to play for you. That is how special you are to me. Pero sabi mo babastedin mo lang ako kapag nanligaw ako,” anito at bumagsak ang balikat.
“Pero tinugtog mo pa rin ang noseflute para sa akin at manliligaw ka pa rin?”
Hinawakan nito ang kamay niya at hinaplos ng daliri nito ang likod ng palad niya. “Dahil natagpuan ko na ang babae na hindi ko gustong sukuan. Nainis ako nang makita kong parang kinikilig ka nang tugtugan ka ni Leonard. Hindi pa kita nakitang kinilig nang ganoon sa akin.”
“Nagselos ka?” nakangisi niyang tanong.
“Yes,” anito at bahagyang tumalim ang mga mata.
Humagikgik siya nang maalala iyon. He was very territorial. “Kinilig ako sa music at hindi sa kay Leonard mismo. The guy has a girlfriend already. Isa pa, hindi naman niya ako hinarana tulad mo. If you must know, first time kong haranahin, noseflute or other medium. Thanks for making me feel special.”
“Amira, alam ko na nasabi mo na babastedin mo ako kapag nanligaw ako. I know you don’t easily trust men because of what your father did. Alam ko rin na priority mo ngayon ang Kanayama. Hindi naman kita pine-pressure na sagutin ako. That is not really I am after. I want us to enjoy this experience. Just so you know, first time ko lang din na manliligaw ng babae. Basta hayaan mo lang ako dito sa tabi mo para alalayan at protektahan ka.”